Pinilit naman ni Kaira na tumawa sa sinabing iyon ni Disha. “Ano? At bakit naman ako made-develop doon, eh hindi nga tagarito sa ‘tin! Ang kulit!” “Eh, kaya nga hypothetical question lang, Kaira,” gatong pa ni Alice na ayaw tantanan ang paksang iyon tungkol sa kanya at sa prinsipeng alien. “Hindi nga puwede kahit na hypothetical lang. Paano ba naman ‘yon ma-fo-fall sa ‘kin? Sigurado akong mas maganda naman ang prinsesa sa kanila kung ganyan siya kaguwapo, ano?” Nagkatinginan sina Disha at Alice. Siya naman ay inubos na ang snacks at inumin. “Kaira, kung walang prinsesa at gusto ka nga ng prinsepe, ano’ng gagawin mo?” tanong ni Disha. Magkadikit na ang mga kilay niyang nakatingin sa guru. “Hindi nga puwede, eh! Kasi nga alien siya! Hindi siya tagarito sa ‘tin. Uuwi’t uuwi siya sa kanil