“Kaira, ano ba? Gising na!” Narinig na lang ng dalaga ang boses ni Alice. Narinig din niya ang pagbukas nito ng pinto dahil sa paglangitngit ng bisagra na kailangang lagyan ng langis para hindi lumikha ng ingay. Napansin niya ang pagsinghap nito. “Oh, no! May nangyari na ba sa inyong dalawa nang gano’n kabilis?” Niyugyog pa siya nito sa balikat. Pinilit niyang dumilat ng mga mata. May kaaya-aya siyang naaamoy na medyo pamilyar at parang hindi naman pero gusto niya ang bango nito na tila tipong eau de toilette na kakaiba. Nakadikit pa ang mukha niya sa tila isang matipunong dibdib. T-teka, m-matipunong dibdib? Namangha siya nang mag-angat ng kanyang paningin. Nakasiksik pa siya sa katawan ni Prinsipe Dronno na walang saplot ang katawan. Well, most parts of his body, that is. Kitang-kita n