Isinuot na lang ni Prinsipe Dronno ang garterized shorts at T-shirt na ipinahiram sa kanya ni Kaira. Pakiramdam niya ay medyo masikip sa kanya ang mga iyon. Hapit na hapit sa maskulado niyang katawan. Napatingin pa siya sa kanyang repleksyon sa nakadikit na salamin sa dingding at napangiti sa sarili kahit paano. Mukha ka nang taga-mundo ng mga tao, Prinsipe Dronno, naisip pa niyang pinupuri ang sarili. Lumabas siya sa kuwarto at nakita niyang kumakain ang kanyang alaga kasama ang dalaga sa may kusina. Umupo na siya sa tapat ng babaeng tila pigil na pigil ang sariling huwag matatawa. “Bumili ako ng banana cue at halo-halo diyan lang sa may kanto. Malamig ‘tong halo-halo,” ang pagpaalam pa ng dalaga sa kanya nang hindi makatingin sa kanya nang diretso. Itinulak nito ang isang tasa sa h