Episode 11: Havanna Surprised

1622 Words

Dahil hapon na kaya hinatid na ako ni Shun sa bahay at nangako ito na maaga siya bukas para sunduin niya ako at ihatid sa boutique. "Shun, later to go home. Let's eat our house," sabi ng aking ina, dahil uuwi na sana siya. "Wow! Saan galing ang english mo, Mama?" pabulong na tanong ni Monet. "Huwag kang maingay tiningnan ko sa diksyonaryo," ganting bulong ng aming ina. "Kung kakainin natin ang bahay saan na tayo titira?" pagbibiro kong tanong. Palihim na humahagikhik si Monet dahil sa aking tanong at nag-isip naman si Mama, kung saan siya nagkamali sa english niya. "Kuya Shun, Mamaya ka na daw umuwi. Kakainin muna daw natin ang bahay." At bigla na namang tumawa si Moneta. Dahil sa asar ng aming ina ay hindi niya napigilan ang sarili at biglang binatukan si Monet gamit ang palayok.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD