Hindi ako makatulog buong gabi dahil sa kaiisip ko para bukas ng gabi. At dahil mag-umaga na ay bumangon na ako para maglinis sa buong bahay. Sa paglabas ko ng aking kuwarto ay nakita ko ang aking ina sa kusina at nagtaka ako kung bakit ang aga-aga rin niyang nagising. "Ma, bakit ang aga mong nagising?" pagtataka kong tanong rito.. "Pupunta ako ng maaga sa Papa mo. Ikaw, bakit ang aga mong nagising?" balik tanong niya sa akin. "Tumawag kasi si Shun kagabi." "Kumusta raw siya?" "Okay naman siya, Ma. Darating sila mamaya at pupunta sila dito kasama ang pamilya niya." "Ay! Ganoon ba? Bakit daw kasama ang pamilya niya?" pagtataka na tanong ng aking ina. "Mamanhikan na raw sila," tugon ko sa mahinang boses. "HA?! Seryoso ka, anak? O baka naman niloloko mo lang ako." Hindi makapaniwala