"Hana, ikaw na lang muna ang magluto ng ating hapunan, ha. Baka kasi gabihin pa kami ng uwi, at sarapan mo dahil diyan ko pakainin ang aking manugang." Pagbibiro ng aking ina. "Huh! Manugang? Bakit sila na ba ni Moneta?" tanong ko na may kasamang pagkabigla. "Anong sila ni Moneta? Ikaw naman ang gusto ni Shun." tugon sa sa kabilang linya. "Oh—My—God! Hindi ko po nobyo si Shun, Ma!" seryoso kong tugon. "Ay! Saan pa ba pupunta itong mga effort ni Shun? Hindi ba sa panliligaw din?" pahayag ng aking ina. "Naku! Si Mama, parang si 'MADAM AURING!'" turan ko dahil nag-imbento ito tungkol sa amin ni Shun. "Luh! Bahala kayo diyan!" Pananakot ko kay Mama. "Hay naku, anak! Alam na this!" Nakikiuso rin sa bagong ekspresyon ng mga kabataan ang aking ina. "Kumusta naman si Papa?" "Nandoon p