KINABUKASAN ay maaga kaming gumising para makapaghanda bago paman dumating si Sun at ang pamilya niya. "Ma, si Monet hindi pa ba bumangon?" tanong ko rito. "Hindi pa yata anak, puntahan mo kaya." "Sige, Ma. gisingin ko na lang." Agad kong pinuntahan si Monet sa kuwarto niya at maingat kong binuksan ang pinto. "No! Baby, please stop it! Oh my God! Nakikiliti ako… stop it!" Boses ng aking kapatid na halatang si Shane ang napanaginipan niya. "Wala na talaga itong kapatid ko," pailing-iling kong sabi sa aking sarili. "Monet, gumising ka na, baby..." sabi ko sabay palo ng unan sa mukha niya. "Aray ko! Ate naman, eh… Wala na tuloy!" Inis na inis si Monet, sabay kamot sa mahaba niyang buhok. "Akala ko ba hindi mo siya gusto. Tapos ngayon may pa-baby-baby ka na!" "Wala nga akong gusto.