Chapter 4

2308 Words
Muntik ng magsasarado na ang elevator na sinakyan patungo sa opusina niya nang may kamay na simingit dito. Mabuti na lang at hindi ito tuluyang nag close kondi maipit talaga ito. Muling bumukas ito ang elevator at iniluwa yon ng lalaking nagligtas sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Agad niyang naamoy ang gamit nitong perfume. Hindi ito masakit sa ilong bagkus ay mas nakakahalina pa ito. Kung noon ay para itong simpleng tao lang sa suot nitong plain t-shirt at butas-butas na pantalon, ngayon ay para itong executive sa suot nitong office attire. Naka slacks ito with leather shoes. Naka office coat sin ito at kulay pink na long sleeve Polo with a necktie. Ang buhok niya dati na parang kagigising lang ngayon ay naka hair style na. Kung gwapo ito noong una niyang makita mas lalong gumagwapo ito ngayon. Parang gusto tumulo ang laway niya sa nakita. Ano kaya ang pakiramdam ng makulong sa mga bisig nito. Ganon paman ay pinili niyang ibalik ang sarili sa composure. Napailing na lang si Aratiles sa sarili. Nagulat pa si Aratiles ng pindotin nito ang 25th floor. "Good morning, nagkita ulit tayo." nakangiting sabi nito kay Aratiles. Parang may kung anong nagwala sa tiyan ni Aratiles ng makita itong ngumiti. Pakiramdam niya nag-iinit ang mukha niya. "Are you sick? Namula ang mukha mo." dagdag pa nito. Napahawak naman si Aratiles sa mukha niya. Pero ng marealize ang ginawa ay umayos siya ng tayo. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Aratiles sa halip na batiin din ito pabalik. "Dito ako magtrabaho simula ngayon." nakangiti pa ring sagot nito. Parang normal na yata sa kanya ang ngumiti. "Sa 25th floor ka na assign?" tanong pa ni Aratiles dito. "Yup. I'm the new executive assistant ng CEO dito." confident na sagot nito kay Aratiles. Para namang may tumulak kay Aratiles dahil muntik pa itong matapilok ng malamang ito ang bagong assistant niya. Makayanan kaya niya itong makasamaa araw-araw kung palang ay parang makakaiba siyang nararamdaman para dito. Hindi lang sure si Aratiles kung ano ito. Kung inis ba or something na hindi niya mapangalan. "How about you? Anong floor ka?" tanong nito kay Aratiles. Hindi sumagot ang huli dito kaya minabuti na lang din ng lalaki na tumahimik na lang. Hanggang sa makarating sila sa 25th floor ng walang kibuan. Sabay pa silang lumabas pagkabukas ng elevator. "Dito ka rin na assign?" gulat na tanong ng lalaki. "Yes. Unfortunately, ikaw ang hina hired nila para maging assistant ko, kaya no choice ako kundi tanggapin ka. Just don't cross the line and we're good." sabi ni Aratiles dito. "Copy." sabi naman ng lalaki sabay kindat kay Aratiles. Bagay na ilataas ng dalawang kilay ni Aralites. "Kakasabi ko lang na don't cross the line. What's with the eyebrow?!" medyo napalakas na wika ni Aratiles. Parang may gusto siyang sipain palabas sa unang araw ng pasok niya dito. "I'm sorry. I will not do it again." sabi nanang ng lalaki. "Palikero." bulong ni Aratiles. "Anyway, that would be your table. And that is my office. Fix your things first and follow me in my office after." turo ni Aratiles sa bakanteng lamesa pati ang opisina niya. Naglakad na siya patungo sa opisina niya na hindi na muling pinansin ang lalaki. Hindi na niya nakita ang pagka amaze ng lalaki sa kanya. Pati ang pagngiti nito na akala mo nanalo ng lotto. Pag pasok ni Aratiles sa opisina, agad niyang inilagay ang bag sa lagayan ng bag niya at nagsimula na siyang magtrabaho. Malinis na rin naman ang table niya dahil pinalinis niya ito kahapon sa janitor bago siya umuwi wala nga lang sa atos ang ibang papeles na nasa table niya. Mahigpit niyang ibinilin na walang galawin sa mga gamit na nasa table. Baka may matatapon silang pinaka importanteng dokumento. Di nagtagal ay kumatok ang bago niyang assistant sa pinto. Hindi niya ito isinara dahil alam niyang pinasok ito. Habang naglalakad ito patungo sa table ni Aratiles para itong Greek God mula sa mount Olympus. Agad namang ipinilig ni Aralites ang ulo sa isip. "First of all, Welcome to the company. Hope to see you last in this company." panimula ni Aratiles dito. "Thank you, ma'am." sabi naman ng lalaki. "Call me Miss Ara, all the time. What's your name again? I believe this is not the first time we met, right?" wika ni Aratiles dito. "Yes this is not the first time we met. By the way, I'm Douglas Timothy Villamor, your new assistant." confident na wika nito sabay lahad ng kamay para makipag kamay. May pa shake hand pa itong nalalaman. Tiningnan lang ito ni Aratiles. Napahiya namang ibinaba na lang ni Timothy ang kamay niya. Parang sanay itong ipakilala ang sarili. Isa iyon sa napansin ni Aratiles. "So, Mr. Villamor, since you applied for an assistant, I believe, you already know the job descriptions of this, right?" malamig na sabi ni Aratiles "Good. Ayoko ng paulit-ulit kong na I remind ka sa mga gawain mo dito. Use your initiative every time. Understand?" wika niya dito. "Yes, Miss Ara." sagot nito. "Good. You may now back to your table." utos ni Aratiles dito. Yumuko naman si Timothy at lalabas na sa nang tawagin ito ni Aratiles. Lumingon naman ang tinawag. "Bring me, a coffee with milk here." dagdag utos nito. "Yes, Miss." sagot naman nito saka tuluyan nang lumabas. Sumandal naman si Aratiles sa swivel chair niya matapos mawala sa ito paningin niya. Napaisip si Aralites, pang ilan na ba itong si Mr. Villamor sa naging assistant niya? She already lost count since she seated as the CEO three years ago. Kaya hindi niya binigyan ng loaded work ang mga assistant niya dahil alam niyang kalaunan ay siya lang din ang tatapos a gawain nila dahil agad-agad naman itong magresign. Na hindi tinapos ang mga gawa nila. Napaisip tuloy siya kung anong maaaring ipalagawa kay Timothy to test his patient. Kung makakatiis ba ito sa kamalditahan niya. "Here is your coffee miss Ara." nagulat pa siya sa biglang pagsulpot ni Timothy sa harap niya. "You don't know how to knock?!" pagalit na tanong ni Aratiles dito. Hindi naman ito galit. Sinadya lang talaga nitong mag galit-galitan. "I'm sorry. Next time, I'll knock the door before entering." sagot naman ni Timothy sabay lapag ng kape sa gilid ng mesa ni Aratiles. "You should be." sabi naman ng huli at tinikman ang kapeng tinitimpla ng assistant. Muntik pa itong napapikit dahil kakaiba ang lasa nito. Ang sarap ng magkatimola nito. Hindi ito masyadong matamis di rin matabang. Lasang hanap-hanapin mo kapag matikman mo ito. "I like your coffee." sabi ni Aratiles dito ay muling sumimsim ng kape. "Thank you." sabi naman ni Timothy habang nakatayo sa harap niya. Nagtaka si Aratiles kung bakit hindi pa ito umalis sa harapan niya. "You need anything?" tanong niya dito. "Aren't you giving me a work load?" tanong nito kay Aratiles. Kaya naman ibinaba ni Aratiles ang tasa ng kape niya. At hinarap si Timothy. "Just segregate the papers on your table. May mga hindi natapos yong assistant ko before. Tapusin mo na lang yon. "Consider it done Miss Ara." sagot naman nito. "What? Tapos mo nang ginawa yon? In just less than 30 minutes?" gulat na tanong ni Aratiles dito. "Yes." sagot naman ni Timothy. "Alright, I sent you my schedule and some work to do in your email. Check it out. Try to do something on it. Finalize it." sabi ni Aratiles dito. "Noted Miss Ara." sabi nito at lumabas na sa opisina niya. Napangiti naman si Aratiles sa isip. "Tingnan natin kung kaya mo ba ang ipapagawa ko." bulong ni Aratiles sa sarili. Ngiting-ngiti itong habang nag send ng files sa assistant niya. At nang matapos ay muli niyang binalikan ang kape niya. Nang maubos ay timawagan niya si Timothy sa intercom. "Please, bring me a glass of water hete." sabi niya matapos sagotin ng assistant niya. "Coming." sabi nito at nawala na sa linya. Napangiti naman si Aratiles. 'Ang bilis pala nitong pakiusapan.' sabi ni Aratilis sa isip nito. Di nagtagal ay kumatok na ito sa opisina niya dala ang tubig. "Thank you." sabi ni Aratiles kay Timothy. Tumango lang ang huli sa sinabi niya. Hinitay muna nitong mataps siya sa pag-inom saka lumabas dala ang baso at tasa na wala nang laman. Lumipas ang ilang oras na hindi namalayan ni Aratiles ang oras kung di pa kumatok ang assistant niya ay hindi malaman na mag-aalas doce na pala. "Yes?" tanong ni Aratiles dito ng bumungad sa pinto niya. "It's almost lunch time na po. Do you have plan to eat outside? Or you want me to order for you?" napatanga si Aratiles sa concern ng assistant niya. "Will, if you go out, I'll go out too. But if you want to order, I'll order mine too." sagot nito kay Aratiles. "And why is that?" usisa pa ni Aratiles. "I don't want to leave you here alone." sagot nito. Mas lalong napatanga si Aratiles sa sagot nito. "Alright, order some food for me, please." sabi na lang ni Aratiles. Nakaramdam na rin naman siya ng gutom at tinamad siyang lumabas. Isa pa baka maulit ang nangyari sa kanya kamakailan lang. Kata mas binabuti niya na magpa order na lang. "Noted. I just call you when the food is ready. By the way, please check your email miss Ara. I already sent your fixed schedule. And some files that you sent to me this morning." sabi ni Timothy. Lumabas na ito sa opisina niya. Napatango na lang si Aratiles kahit wala na ito sa harap niya. Agad niyang binuksan ang email nang assistant niya. At na amaze siya sa gawa nito. Pina gawa lang naman ni Aratiles kay Timothy ay isang PowerPoint para sa isang presentation na ipresent nito sa mga shareholders at mga investors sa darating na monthly meeting sa katapusan. "Wow. Paano niya nagawa agad ang ganito? Yung dati kong mga assistant, inabot pa ng halos dalawang araw para matapos to, pero siya, wala pang isang araw?" sabi ni Aratiles sa sarili. Kinuha niya ang telepono at tinawagan si Zari sa line niya. "Yes? Miss Ara?" tanong agad ni Zari sa pormal na paraan. "Send me the Curriculum vitae of my new assistant." utos ni Aratiles kay Zari. "Why? May ginawa ba siyang mali?" curious na tanong ng huli. "No. But sent his information to me. May titingnan lang ako." sabi ni Aratiles. "Okay. I'll scan it and send it to you." Sabi ni Zari. "Okay. Thank you." sabi niya at ibinaba na ang tawag. Di nagtagal ay naka received siya ng email mula kay Zari. Ito na ang files ni Timothy na hiningi niya. Agad niyang tiningnan ito particularly sa experience and educational background. "No experience?! How come? Paano nangyari ang magaling ito sa ginagawa kong walang experience?" tanong ni Aratiles. Tiningnan niya educational background, mukha namang makatotohanan ito kung pagbabasihan ang ginawa noong PowerPoint. Information Technology graduate pala ito kaya di na nakapag takang magaling ito pagdating sa computer works. Babasahin pa sana niya ang ilang information tungkol dito ng pumasok si Timothy sa opisina niya. Agad niya sinarado ang laptop niya baka makita pa nito ang ginawa. "Yes?" patay malisya na wika ni Aratiles dito. "The food is ready. I already prepared it in the pantry. Would like to eat there or I'll bring it here." tanong ni Timothy. "No. I'll eat in the pantry." sagot agad ni Aratiles. Saka tumayo sa kinauupuan. Tumango naman si Timothy at nauna na sa pantry. Sumunod naman agad si Aratiles. Agad niyang nakita ang mga nakahandang pagkain sa pantry. Nanlaki ang mga mata ni Aratiles nang makita ang paborito niya ang sweet and sour chicken wings. Nag heart shape ang mga mata niya. Agad niyang nilantakan yon ng bigyan siya ng utensil ni Timothy. Akmang iiwan siya ni Timothy ng tawagin niya ito. "Where are you going?" tanong ni Aratiles dito. "To my table. I'll be back, after you're done eating." sagot ni Timothy. "Tapos ka na bang kumain?" tanong ni Aratiles dito. "No. But I will eat pagkatapos mo." sagot nito kay Aratiles. "Join me. Mas masarap kumain kapag may kasama." sabi naman ni Aratiles. "As you say, miss Ara." sabi nito at kumuha na rin ng plato para sa sarili. Pinagmasdan lang ito ni Aratiles ng palihim habang kumakain. Hindi makikita dito na galing ito sa hirap ng buhay. Sa paraan palang ng pagkakahawak nito sa kutsara at tinidor ay masasabi mong may kaya ito. Bigla tuloy siyang nagdududa sa pagkatao nito. Pati ang pagsasalita nito ng English ay hindi pilit. Mukhang natural na lang sa kanya ang magsasalita ng ganon. "Paano mo pala nalaman na gusto ko ng ganitong pagkain?" biglang tanong ni Aratiles kay Timothy. Hindi agad nakasagpt ang huli dahil may ngininguya pa itong pagkain sa bibig. At nang malunok ito ay saka lang ito nagsasalita. "Nasa post it note. Naka save sa screen ng monitor na gamit ko." sagot ni Timothy kay Aratiles. "Ah okay. How much is the bill for this food? I forgot to give you my card." sabi ni Aratiles dito. "No need. Consider it as my treat to you on first day of work." sagot nito naas lalong nagpadagdag ng pagdududa ni Aratiles. Paano nito na afford ang ganitong pagkain kung wala itong matinong trabaho this pass fews months? Hindi sa ina underestimate niya ito pero king normal lang ito na tao ay magdadalawang isip itong gumastos lalo na at libo-libo ang halaga nito. Napailing na lang si Aratiles at isinawalang bahala na lang ang pagdududa. As long as he do his job properly ay wala silang maging problema. Saka na lang niya aalamin kung nagdudulot ito ng problema. Sa ngayon ay kailangan niyang makiayon sa mga pangyayari sa paligid. As long as wala itong sinaktan ay wala ring problema sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD