Chapter 5

2155 Words
Pagkagaling sa opisina dumiritso si Aratiles sa isang department store. Bumili siya ng mga grocery para sa bahay nila. Wala din kasi ailang mautusan na bubuli ng mga kinakailangan nila sa bahay. Hindi pwedeng lumabas si Yaya Erly dahil walang maiiwan kay Andie. Habang naghahanap siya ng mga items na para sa bahay ay nakasalubong niya si Jovy ang pinsan niya. May kasama ito na lalaki. Naghaharutan ang mga ito kaya hindi nakita si Aratiles na nakaharang sa kanya. Nakahalukipkip lang ang huli habang hinihintay na makalapit ang mga ito. Muntik pang matumba si Jovy ng bumangga ito kay Aratiles. "Ouch." maarting wika ni Jovy. "How dare you not to step away! Look what happened to my girlfriend? Do you know who I am?" sigaw ng lalaking kasama ni Jovy kay Aratiles na sa halip na tulungang tumayo ang girlfriend. "What's your name?" malamig ni Aratiles dito. "I'm the son of the congressman!" Mayabang na sabi nito kay Aratiles. "Hindi ko tinanong kung kaninong anak ka. Ang tinanong ko ay kung anong pangalan mo." bwelta din ni Aratiles dito sa may malamig na boses. "Aba't-" hindi natuloy ang sasabihin sana nito nang pigilan siya ni Jovy. "What?! Tuturuan ko pa ng mabuting asal to. Walang respeto sa akin!" sigaw ng lalaki. Natawa si Aratiles sa sinabi ng lalaki. Anong klase ang pagpapalaki kaya ang ginawa ng magulang nito. "Stop it, Drake, please." pakiusap ni Jovy dito. Hinawakan pa nito ang bisig ng lalaki na winakli lang nang huli. Bagay na ang pataas ng dugo ni Aratiles. "Sino ang lalaking to, Jovy?" malamig na tanong ni Aratiles sa pinsan niya. "It sorry, ate. Hindi na po maulit." nakayukong wika ni Jovy. "Does your father knows about this?" tanong pa ni Aratiles. Umiling naman si Jovy sa kanya. "Hindi po, ate." sagot ni Jovy. "You better tell your father about this." wika mi Aratiles. "Magagalit po si daddy." sagot ni Jovy kay Aratiles. "Alam mo naman pala bakit ginawa mo pa?" sita ni Aratiles dito. Akmang sasagot pa si Aratiles ng sumingit ang lalaking nagngangalang Drake. "Wait? Magkakilala kayo?" tanong nito sa kanilang dalawa ni Jovy. "Pinsan ko siya sa father's side." sagot naman ni Jovy sa nobyo. "Pinsan mo lang naman pala bakit kung maka asta parang nanay mo?" may pang-uuyam sabi nito na patang nakababa sa pagkatao ni Aratiles. "Drake, please." pakiusap ni Jovy dito. Ngunit parang mas lalo itong naging maangas. "What's your name again?" malamig na tanong nito. Tumawa naman ng malakas ang lalaki na akala may nasabi nakakatawa si Aratiles. "Di mo talaga ako kilala? Sige, magpakilala ako sayo, baka sabihin mo wala akong manners." sabi nito. "Wala naman talaga." bulong ni Aratiles sa sarili. "I'm Drake Baltazar. The congressman's Son of this district." proud na pakilala kay Aratiles. Napatingin naman ang huli kay Jovy. "What's your relationship with my cousin?" tanong ni Aratiles dito. "Ah, her? She's my pastime girlfriend." sagot nito na walang pakialam kung nakakasakit ba ito ng damdamin ng iba. Napayuko naman si Jovy sa narinig. "Pastime girlfriend? Yon lang ang tingin mo akin? Akala ko ba mahal mo ako?" di mapigilang ni Jovy sa lalaki. Nakinig lang si Aratiles sa palitan nila ng sagot. "Mahal? Nagpapatawa ka ba? You're nothing but a plain girl. Kahit sa kama ay para kang tuod na naghihintay lang kung kailan pasukin. Ang boring mong kasama." sabi pa nito. Hindi na yata napigilan ni Jovy ang sarili, sinampal niya ang lalaki. Akmang gagantihan siya ng lalaki ng pigilan ni Aratiles ang kamay nito. Maldita si Aratiles pero kung alam niya naagrabyado ang kapwa niya babae ay hindi rin niya papayagan. Winaksi naman ng lalaki ang kamay ni Aratiles at akmang sasakapin ito ng may isa pang kamay na pumigil dito. "Bro, babae yan. Hindi nakakabuting manakit ng babae." sabi ni Timothy dito. Oo, si Timothy ang lalaking pumigil kay Drake sa pagsapak sana kay Aratiles. Gulat namang napatingin si Aratiles dito. Sinundan ba siya ng assistant niya? "Wag kang makialam dito. Turuan ko lang ng leksyon ang babaeng ito. Masyadong pakialamera." giit pa ni Drake. "Bro, ako na nagsabi sayo. Di nakakabuting manakit ng babae. Baka magsisi ka sa huli." sabi ni Timothy. "Bakit sino ka ba? Kilala mo ba ako?" sabi naman ni Drake na talagang pinagdidiinan kung sino siya sa lugar na ito. "Of course I know you. You are Drake Baltazar, the black sheep son of Drako Baltazar, one of the shareholder in Valencia Group of Companies." madiing wika ni Timothy dito. Parang clue naman yon ni Aratiles dahil nakaisip siya ng paraan paano patahimikin ang hambog na lalaking ito. "Mabuti naman at alam mo. Kaya tumabi ka dyan at tuturian ko pa ng leksyon tong mga babaeng to." sabi nito sabay tingin sa kay Aratiles. Napataas naman ang kilay ko ni Aratiles dito. "Anong pataas-taas ng kilay mo dyan?" tanong nito. "Kilala mo rin ba kung sino?" balik tanong ni Aratiles dito. "Bakit naman kailangang malaman ko kung sino ka?" may pagmamalaki na tanong nito kay Aratiles. Kinuha ni Aratiles ang business card niya mula sa bag nito. "Wala naman. Nais kung malaman mo na magkakilala kami ng daddy mo." sabi ni Aratiles. Nanlaki naman ang mata ni Drake. "So be good to me. Dahil isang tawag ko lang magbabago ang buhay mo or ang buhay ng pamilya mo." dagdag ni Aratiles na dito. Parang namang asong umurong ang dila ng lalaki. Hindi na ito nakatiis paatras itong tumakbo papalabas ng department store. Binalingan naman ni Aratiles si Jovy na ngayon ay hiyang hiya sa nangyari. Tumulo na ang luha nito ngayon. "I'm sorry, ate. And thank you for saving me." sabi nito kay Aratiles. "Next time, piliin mo ang taong gustong mong samahan or yung taong hindi ka gagamitin lang." sermon niya dito. "I'm sorry." sabi ni Jovy. "Baguhin mo sarili mo. Babae ka pa naman. Hindi porket laki ka sa marangyang buhay ay gawin mo na ang lahat nang gusto mo na hindi pinag-isipan. Hindi sa lahat ng panahon kaya kang isalba ng pera ng pamilya mo." mahina ngunit madiing ni Aratiles. Bago niya ito iniwan. Kinuha ni Aratiles ang mga punamili niya at pumila sa may counter upang mabarayan ito. Di na ito nagulat nang makita si Timothy sa likod niya. May dala din itong sariling Cart na mga alak at mga in cam juices. "Sinundan mo ba ako?" taning ni Aratiles dito. "Why should I? Nagkataon lang na namili ako din ako dito. Wag kang mapagbintang." wika ni Timothy kay Aratiles. Napaismid na lang ang huli sa sinasabi nito. Baka nga tama siya. Nagkataon lang talaga na dito rin ito namili. Nang matapos i pouch ang mga binili nya ay bitbitin na sana niya ng pigilan siya ni Timothy. "Gusto mo bang ihatid ko ang mga ito sa sasakyan mo miss Ara?" tanong nito kay Aratiles. "No. Thank you. Kaya ko naman." Tipid na wika ni Aratiles. "But-" hindi nito natapos ang sasabihin sana ng samaan ito ng tingin ni Aratiles. "We are no longer in the office. Anuman ang gagawin ko sa labas ng opisina ay labas ka na rin to. Don't go beyond the limit. Know your place." malamig na wika ni Aratiles dito bago padapog na kinuha ang ang mga pinamili niya at tuloy-tuloy na lumabas sa department store. —---- Napailing na lang si Timothy sa nangyari sa pagitan nila ni Aratiles. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang kaibigang si John. Nakailang ring muna ito bago nasagot ang tawag niya. "What's up, bro?" bungad ni John sa kabilang linya. "Ayon, gwapo pa rin." nakangising wika ni Timothy. "Gago. Gwapo nga hindi naman pinansin ng babaeng natitipuan." pang-aalaska sa kanya ni John. "f**k! Wag mo ako simulan." ngunit malakas na tawa lang ang narinig ni John ang narinig ni Timothy sa kabilang linya. "Where are you now, bro?" tanong ni Timothy sa kabilang linya. "Na office. Feeling boss na." sagot nito. "Nice. Where's Blaze?" tanong ni Timothy kay John. "Ayon, nag honeymoon sa Paris. Magpakasaya kasama ang pamilya niya. Samantalang ako, tinambakan niya ng trabaho." reklamo nito. "Good for you." sabi ni Timothy kay John. "Gago. Angong good. Nawalan ako ng oras bisitahin si Tina." reklamo naman nito nakitawa ni Timothy. "Come to my house pag may oras ka ngayon. Let's have a drink." aya niya dito. "Sure, papunta na ako." sabi nito at bigla na lang nawala sa linya. Napailing na lang na ibinaba ni Timothy ang cellphone niya at isinilid sa bulsa saka pinaandar ang sasakyan niya patungong bahay niya. Kaingan niyang makauwi baka maunahan pa aiya ni John ng dating. Saktong pagdating niya sa bahay ang siya ring pagdating ni John. Kaya pinapapasok na lang din niya ang sasakyan nito. "Hey, bro." bati ni John kay Timothy. "Ang bilis mo ah? Baka mag reklamo si Blaze dyan lagi mong iniiwan ang opisina niya." biro niya kay John. "Nah, mataas ang tiwala non sa akin. Kaya nga may gana pang iwan ang posisyon niya sa akin eh." confident na wika naman ni John. "Naks. Iba na talaga kapag malakas kapit." biro ni Timothy kay John. "Ako pa ba?" ganting biro din ni John. Nagtatawanan silang dalawa. Sabay silang pumasok sa bahay. Nadagnat pa nila ang kasambahay nila na si Nanay Deling. "Nay Deling, pwede po bang pakikuha ng dalawang wine glass. Pakihatid na lang sa bar counter. Doon lang kami. Saka paki lagay na lang din po ito sa ref." pakiusap mo Timothy sa kasambahay nila. "Sige, Hijo. Walang problema. Ihahatid ko lang mamaya pagkatapos kung ilagay sa ref ang mga ito." sagot ng kasambahay nila. "Salamat, nay Deling." wila ni Timothy. Tumuloy na silang dalawa ni John sa bar counter ng bahay ni Timothy. Nang maka pwesto sila sa bar counter ay binuksan na ni John ang vodka na isa sa mga binili ni Timothy kanina. Saktong dumating si aling Deling para ibigay ang hinihinging wine glass ni Timothy kanina. "So, kumusta ang bagong trabaho mo?" tanong ni John sa tunong nag-aalaska. "Kaya pala relax na relax ka sa trabaho mo bilang assistante ni Blaze kasi ang dali lang pala noon. Akala ko nahihirapan ako sa trabahong yon." ganting pang-aalalaska ni Timothy kay John. "Madali lang naman talaga ang trabaho na yon. Maliban na lang kung may amo kang kakambal si Lucifer." natatawa na wika ni John. Natawa naman si Timothy. Na imagine niya agad ang mukha ni Aratiles na umuusok sa galit. So far, mild pa lang ang nakita niyang galit ni Aratiles. Hindi pa talaga niya nakikita kung paano ba ito magalit ng husto. At yon ang ayaw niyang mangyari. "Bakit kasi naisipan mo pang pumasok bilang assistant niya. Pwede namang bilhin mo ang shares ng ibang shareholders ng kompanya nila." sabi ni John kay Timothy. "Mas maganda kasi yong araw-araw nakikita ko siya. Para mas mababantayan ko siya." sagot naman ni Timothy. "Naku, obsessed kana kay Aratiles." Sabi ni John kay Timothy. "Ginagawa ko lang ang pangako ko kay Ninong Tenorio. Ang bantayan ang anak niya kapag wala na sila." sabi naman ni Timothy. "Bakit naman nila ihinahabilin ang anak nila sayo?" Tanong John kay Timothy. "Maraming beses na silang pinag tangkaan ng pataying mag-asawa kaya hinahabilin nila si Aratiles sa akin. Ayaw nilang iba ang makinabang sa pinaghirapan nila. Isa pa malaki ang utang na loob ko kay ninong. Dahil sa kanya kaya ko naitayo ang Valencia Technologies. Siya rin ang sumagip nang minsan ng malugi ang Villamor Shipping lines. Kaya nangangako ako sa kanya na hindi ko pababayaan ang anak niya." sabi ni Timothy. "You mean to say, na ang pagkalunod ng mga magulang ni Aratiles sa yate ay sadya yon?" tumango lang si Timothy sa tanong na iyon ni John. "You got the point. Mabuti na lang at matalino tong si Aratiles. Hindi basta-basta nagpapa-api sa kung sinoman." sabi nito. "Naging maldita nga lang." puna pa ni John. Tumango lang si Timothy at diniretao ng inom ang alak na nasa wine glass. Tinapik-tapik naman siya ni John sa balikat. "Basta tawagan mo ako pag may problema ka. Tutulungan kita kung.may maitulong ako. Wag lang pera kasi wala ako non. Kay Blaze ka manghiram kapag yon problema mo. Limpak-limpak salapi non." sabi ni John. "Gago. Milyon-milyon din kaya na scam mo kay Blaze." sabi ni Timothy na tinawanan lang ni John. "Willing naman siyang mag pa scam." sabi ni John. Sanay tawa. "So anong plano mo ngayon?" tanong ni John kay Timothy. "Bantayan si Aratiles. Gaya ng pangako kay Ninong Tenorio." may paninindigan na sabi ni Timothy. Naalala pa ni Timothy ang pag-uusap nila ng Ninong niya bago ito nawala kasama ang butihing may bahay dito. Kung sakaling mawala sila wag niya g hahayaang masaktan o maghirap ang naiwang anak nito. Na protektahan niya ito laban sa kung sino man ang gustong manakit dito. 'Wag kang mag-alala ninong hanggat buhay ako, ilalaan ko ang buhay ko maprotektahan ko lang ang anak mo. Pangako ko yan sayo.' bulong ni Timothy sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD