Chapter 3

1736 Words
Busy si Aratiles dito sa opisina niya. Tambak ang papeles na kailangan niyang i review. May mga proposal pa siyang kailangan na pirmahan nang tumunog ang telepuno niya. Sinagot mo niya ito ng makitang mula sa HR ang tawag. Ang telepono nila ay may maliit na monitor kung sa gilid kung saan makikita ang tawag mula sa katrabaho mo dito mismo sa loob ng kompanya. "Yes?" wika ni Aratiles pagkatapos ng masagot ang tawag. Naka load speak lang ang tawag. "Good morning, Miss Ara, kailangan mo pa bamg i interview personally ang ang magiging assistant mo?" tanong nito kay Aratiles. Napatigil si Aratiles sa ginagawa. Nawala sa isip niya na nangangailangan pala siya ng assistant. "Nope. Just hired someone who is fit and capable to do their job as an assistant." sagot ni Aratiles dito. "Okay po. Thank you." sabi nito sa kabilang linya at akmang ibababa na ang tawag ng tawagin ito ni Aratiles. "Ms. Zari, make sure magtatagal ang kukunin nyong assistant ko. Ayaw kong wala pang isang buwan layasan na naman ako." wika niya rito. "Noted po." sagot ni Ms. Zari. Pinindot ni Aratiles ang end button ng telepono saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Nagulat pa siya ng bigla na lang bumukas ang pintuan ng opisina niya at iniluwa ito ng isang matangkad na lalaki. Umigting naman ang pang ni Aratiles ng makita ito. "What are you doing here, Uncle? Hindi ba dapat nasa opisina mo ikaw?" malamig na tanong ni Aratiles dito. Parang wala na dito ang kalamigang taglay ni Aratiles at naglalakad patungo sa sofa di kalayuan ng working table ni Aratiles. Prenting-prente itong umupo doon at itinaas pa ang paa sa mini table. Napasandal naman sa swivel chair niya si Aratiles. Nawala ang composure niya kapag may makita siyang piste sa buhay niya. "Hindi mo man lang ako babatiin, pamangkin?" sabi nito na nagpataas ng kilay ni Aratiles. "Ikaw naman, binisita lang kita. Masama na bang bisitahin ang paborito kong pamangkin?" nakangising wika nito. "I know you, Uncle. Hindi ka pupunta dito ng walang kailangan. So what it is?" seryusong saad ni Aratiles dito. "I have heard, nilayasan ka na naman ng assistant mo." sabi nito kay Aratiles. "And so? Ano naman sayo kung wala na ulit akong assistant?" tanong ni Aratiles dito. "Jovy will take up her OJT soon, baka pwedeng siya na lang ang gawin mong assistant. In that way, may assistant kana agad. Hindi mi na kailangang maghanap pa ang iba kung sakaling matapos na siya sa pag-aaral. Siya na lang din ang gawin mong assistant para di ka na maghanap pa ng iba." sabi nito kay Aratiles na tila siguradong-sigurado na papayag ang huli. "No." sagot ni Aratiles dito. Bigla naman itong napatayo sa kinauupuang sofa at "Why not? Pinsan mo naman si Jovy ah?" giit nito kay Aratiles. "And so? Dahil ba pinsan ko siya at anak mo siya ay basta-basta na lang siya papasok sa kompanya ko?" bwelta naman ni Aratiles dito. "Ganon dapat yon, pamilya tayo." giit nito. Napangisi naman si Aratiles sa kanya. "Hindi porket anak mo ay basta na lang papasok sa kompanya ko. Ang mga emplayadong narito sa kumpanya ko? Lahat sila pinaghirapan na makuha ang mga posisyon nila. Kung gusto mong makapasok ang anak mo dito, let her pass a curriculum vitae to the HR as well as her requirements so that the they will review kung anong posisyon ang naaayon sa anak mo." kalmadong sabi ni Aratiles dito. "You!" sigaw ng uncle niya at tinuturo-turo pa so Aratiles. "You ungrateful child!" sigaw pa nito. "Me? Ungrateful?" Turo rin ni Aratiles sa sarili. "Kanino? Sayo? Wow. Sa pagkaalala ko, wala akong utang na loob sayo o kahit sino man sa inyo. Lahat ng meron ako ay pinahirapan ko." mariing wika ni Aratiles dito. "Ang taas mong magsalita. Baka nakakalimutan mong lahat ng meron ako ay dahil sa namayapa mong magulang." sabi din ng uncle niya. "You're right. Sa magulang ko at hindi sayo. Sa kanila ako may utang na loob at hindi sayo." mariin ding sabi ni Aratiles. "Huh! Kaya tinunuan ka ng sungay eh. Di ka marunong lumingon sa mga kapamilya mo. Mark my word. Darating ang araw luluhod ka sa harapan ko. At magmamakaawa para sa buhay mo." mariing sabi nito sa padabog na lumabas sa opisina ni Aratiles. Napakislot naman ng ang huli ng malakas na sinara ng uncle niya ang pintuan ng opisina niya. Napailing na lang si Aratiles sa nangyari. Hindi niya mawari kung matawa o mainis sa ginawa ng Uncle niya. Alam nama niyang may ulterior motive ito kung bakit nais nitong papasukin ang anak sa kompanya. At yon ang hindi niya hahayaang mangyari. Sa klase pa naman mg personalidad ni Jovy, alam niyang sunod-sunuran ito sa ama. Lahat ng mga kapatid ng yumaong magulang niya ay naghahangad naghahangad na makuha ang kumpanya mula sa kanya. Kaya naman ginawa din niya ang lahat upang mahadlangan ito. Iniwasan din niyang makihalubilosa mga anak ng mga ito. Ayaw niyang ma attach sa mga ito baka magkaroon pa ng emotional damage sa pagitan nilang magpinsan at mag cause pa iba ng hidwaan sa pagitan nila. Napabalik sa realidad si Aratiles ng mag ring ang cellphone niya. Tiningnan niya ito at nakita niyang si Yaya Erly ito. "Mommy, where are you po?" boses ng anak niya sa kabilang linya ang narinig niya. Napangiti ako nang marinig ang boses nito. "At the office, baby. Why?" tanong ni Aratiles anak-anakan. "Can I go there?" tanong niya kay Aratiles "No, baby. Di ka pa pwedeng pumunta dito." sabi ni Aratiles. Bagamat nagulat ay mas minbuti nitong magsalita mahinahon sa anak. "Bakit po?" Inosenteng tanong nito kay Aratiles. "Kasi Busy si mommy eh." sagot naman ni Aratiles dito. "Mag behave ako, mommy. Please." giit pa ni Andie. "Baby ,sa susunod na lang ah? Sa ngayon ay di pa pwede. Hayaan mo sa susunod kapag di na busy si mommy. Dadalhin kita dito." pampalubag-loob ni Aratiles kay Andie. "Okay, mommy." sabi ni Andie dito. Halatang nalungkot dahil hindi siya pinagbigyan ng ina. "I love you, baby. Babawi si mommy, next time, babawi ako, baby ah?" sabi ni Aratiles dito. "Opo. Bye, Mommy." paalam ni Andie dito. "Bye, anak. Ingat kayo ni Yaya Erly sa pag uwi ah?" bilin ni Aratiles dito. "Opo." sagot ng kabila bago nawala sa linya. Napabuntong hininga na lang si Aratiles. Hindi sa ayaw niyang ipakilala si Andie sa madla pero sa ngayon ay mas nakakabuti na wag muna ilabas ang anak sa publiko. Lalo na ngayon may nagtangka pa sa buhay niya. Wala pang clue kung sino ang nagtangka sa kanya. At sa oras na ilabas niya ang anak ay baka ito ang punteryahin ng mga ito. Ay yon ang ayaw mangyari ni Aratiles. Si Andie at yaya Erly na lang ang natira niyang pamilya at ayaw niyang pari ang mga ito ay nakalagay sa panganip. May kumarot sa labas ng opisina ni Aratiles kaya inayos nito ang sarili. "Yes, come in." wika niya. Bumukas ang pintuan at iniluwa ito ni Zari ang HR ng company niya na kaibigan niya since college. "Hi, girl." bati niya kay Aratiles "What's going on, Ms. Zari?" pormal na wika ni Aratiles. Napatirik naman ang mata ni Zari dahil sa kapormalan ng huli. "So, hanggang dito ba naman pormal na pormal pa rin tayo?" sabi niya na ikangitin ni Aratiles. "Kailangan ko kasing panatilihin ang pormal kong mukha, malay ba natin na may ibang makarinig. Lagot tayo. Baka sabihing favoritism ako." sabi naman ni Aratiles. "Sa bagay. So, kumusta naman ang nahuli na nagtangkang kumidnap sa yo. Nalaman mo ba kung sino ang mastermind?" tanong ni Zari sa kanya. Nagkibit balikat naman si Aratiles. "Ayaw umamin eh. Matigas ang bungo nila. Nasa amo ang loyalty nila." saaf na man ni Aratiles. "Sabagay kapag nasilaw sa pera ay hindi ito aamin." saad naman ni Zari. "Kaya nga. Pero kapag maulit pa ito. Hindi na ako basta uupo na lang dito." Mariing wika ni Aratiles. "So, anong plano mo ngayon?" tanong ni Zari. "Hindi ko pa alam. Pinaubaya ko muna ang imbestigasyon sa mga awtoridad. Sila na muna ang bahala doon." sagot ni Aratiles dito. Napa Tango-tango naman si Zari sa kanya. "Ano nga palang ginagawa mo dito? Wag mo sabihing nakimarites ka lang?" dagdag pa no Aratiles. "Ah, gusto ko lang ipaalam sayo na sa lunes na magsimula ang bago mong assistant. "Ah okay." sabi ni Aratiles. Ngunit napansin niyang parang kiti-kiti tong kaibigan niya. "Oh, bakit parang naiihi ka diyan?" nagtataka na tanong ni Aratiles sa kaibigan. "Jusko Lord, ang gwapo ng magiging assistant mo." kinilog na sana ni Zari. "Gwapo? You mean, lalaki ang maging assistant ko?" nakakunot ang noo niyang wika ni Aratiles. "Yes. Sabi ko kasi siguraduhing kong magtatatagal sila. Eh, kainis naman kasi mga babaeng hinihire ko para sayo. Sukong -suko agad sa iyo. Kaya maisip kong bakit hindi lalaki ang kukunin ko para sayo. Susubukan natin kung magtagal ba sila sa temper mo." paliwanag ni Zari. "Siguraduhin mo lang dahil kapag hindi ay ikaw ang i fired ko." banta ni Aratiles sa kaibigan niya. "Ouch, friendship over talaga ang mangyayari kapag i fired mo ako." sabi naman ni Zari. Nagtatawanan na lang silang dalawa pagkatapos. "Gaga." sabi na lang ni Aratiles. "Kumusta naman si Andie?" tanong ni Zari kalaunan. "Ayon nagtampo. Gustong pumunta dito pero pinigilan ko." sagot naman ni Aratiles. Si Zari ang isa pang taong na nakakaalam tungkol kay Andie. Hindi naman ito inilihim ni Aratiles sa kanya. Kaya alam na alam nito na may inampon siyang anak. "Bakit naman kasi kailangan na tinatago mo pa. Pwede naman na ipaalam mo sa lahat na may anak ka." sabi ni Zari kay Aratiles. "Plano ko naman talaga sanang ipakilala na sa madla ang anak ko. Kaso nga ay nangyari tong muntik na akong makidnap. Paano king.aiya naman ang punteryahin ng gustong patutumbahin ako? Nag-iingat lang ako sa mga posibleng mangyari. Ayokong nahihirapan siya ang dahil sa akin." paliwanag ni Aratiles. Napatango, tango naman si Zari. "Tama ang ginawa mo. Basta kung may kailangan ka nandito lang ako." sabi ni Zari kay Aratiles. "Thanks, Zari. Maasahan ka talaga." pasasalamat naman ni Aratiles. "Welcome, friend." sagot naman ni Zari. Di na nagtagal pa si Zari sa opisina ni Aratiles dahil marami pa itong gawin sa HR. Kaya hinayaan na lang ni Aratiles ng magpaalam si Zari. Muli niyang ipinagpatuloy ang trabaho niya hanggang sa oras na ang uwian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD