bc

The Fall Of Aratiles

book_age18+
843
FOLLOW
7.8K
READ
adventure
HE
opposites attract
badboy
billionairess
heir/heiress
drama
mystery
like
intro-logo
Blurb

Warning ???

Aratiles Valencia, mayaman, may pinag aralan. At businesswoman. CEO ng sariling kompanya buhat ng mamatay ang mga magulang sa isang aksidente na nalunod ang sinakyan nilang yacht  nang minsang  nagbakasyon sila. Sa taas ng standard  niya ay walang lalaki na sumubok manligaw sa kanya.

Para sa kanya ang lalaki ay isang tinik sa paa na kailangang alisin agad bago ka pa masaktan ng tuluyan. Hanggang sa nakilala niya ang isang Douglass Timothy  Villamor.  Isang dakilang tambay na s'yang nagligtas sa kanya nang minsan na siyang muntik na ma kidnap. Gwapo at makisig na lalaki itong si Timothy.  Kung tutuusin,halos nasa kanya na ang lahat na katangian maliban sa pagiging tambay nito.  Ngunit ang mas nakakagulat pa ay ito ang magiging bago niyang Assistant buhat ng magresign ang una niyabg assistant.

Makakaya kayang iwasan ni Aratiles ang isang Timothy kung sa bawat malagay siya sa panganip ay laging ito ang nagligtas sa kanya? O, paano kaya kung mahulog siya sa isang Timothy  at malaman niya na ang lahat ay isang patibong lamang?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Mabilis ang pagmaneho ni Aratiles sa sasakyang Cherry Tiggo niya. Medyo mainit ang ulo niya dahil sa assistant niyang bigla na lang nag resign nang walang validong rason. Ayon dito, di na daw kaya ng assistant niya ang pagiging strikto ng amo. Bagay na ikinagalit ni Aratiles. "Kung makapag reklamo, kala mo naman ang pulido ng mga trabaho nila. Puro naman palpak." Naiiling na sabi ni Aratiles sa sarili at mas lalo pa niyang pinabilis ang takbo ng sasakyan niya. Sanay naman siyang magmaneho ng mabilis kaya wala itong ikatakot. Mabilis niyang inapakan ang preno ng sasakyan niya ng makarating siya sa parking lot na nakalaan para kanya. Agad niyang pinatay ang makina ng sasakyan niya at kinuha niya ang shade at handbag niya na nasa kabilang upuan lang ng sasakyan niya. Pagkatapos ay lumabas siya sa sasakyan niya. Pinatunog niya ang sasakyan niya para ma lock ito. Lumikha ng ingay ang suot niyang 4 inches na silver shoes. Ang suot niya ay isang dirty white long sleeve with matching gray shirt above the knee. May office coat din siyang suot na kulay gray. Nakaka intimate kung titingnan mo siya. Kaya lahat ng mga empleyado niya ay nanginginig sa tuwing nakikita siya. Patuloy lang siya sa paglalakad patungo sa elevator. Ang kaninang kumpol-kumpol na mga empleyado ay bigla na lang nawala ng makitang parating siya. Ang iba ay nag siyukuan ng dumaan siya. Nang bumukas ang elavator ay pumasok siya sa loob. Walang sinuman ang nagtangkang sumabay sa kanya. Kaya nakakunot ang noo niya. "Aren't you guys, going up?" malamig na tanong ni Aratiles sa mga nakapila na empleyado. "Sa susunod na lang po kami, miss Ara." nakayukong sagot ng isa sa kanila. Napataas naman ang dalawang kilay ni Aratiles matapos marinig ang sagot ng isang empleyado. Napatingin siya sa relong pambisig niya. "It's almost office hours. Gusto nyo bang mabawasan ang mga sweldo nyo dahil hindi kayo nakarating ng tamang oras sa department kung saan kayo naka assign?" sabi niya sa mga empleyado. "No, Miss Ara." sagot nila at isa-isang pasik sa loob. Nagsikuhan pa sila sa likod ko. "Ako pa ba ang pipindot kung saang floor kayo?" dagdag niya. Sunod-sunod namang nag pindotan ang mga empleyado ng kani-kanilang palapag. Napailing na lang siya dahil dito. Ang gusali na ito ay umabot ng dalawamput limang palapag at ang opisina ni Aralites ay nasa pinakamataas ng gusto which is the 25th floor. Sakop niya ang buong floor na iyon. Tanging siya at ang assistant lang niya ang mga naroon kaya tahimik ang buong palapag na iyon. Pagdating niya sa opisina niya ay agad niyang sinimulan ang mga gawain niya. She hate wasting time. For her, time is gold. Every second count. Kaya naman ang mga empleyado ay halos hindi magkamayaw sa tuwing may pinapagawa niya. Kailangan from time to time handa sila kapag may kailangan siyang ipagawa. Ipindot niya ang ang intercom na konektado sa mesa ng assistant niya. "Bring me a black coffee with a cream." utos niya rito habang ipinagpatuloy ang ginagawa. Lumipas ang ilang minuto na walang dumating na kape sa kanya. Saka lang niya na realize na nagresign pala ang assistant niya. Napasandal siya sa upuan niya. "Stupid people, ang laki na ang mga sahod nila, bibitawan pa dahil lang hindi naka adjist sa trabaho nila." naiiling na sabi ni Aratiles sa sarili. Tumayo na lang siya at lumabas sa opisina niya para ipagtimpla ang sarili ng kape at nang matapos ay bumalik siya sa mesa niya. Kinuha niya ang telephone at tinawagan ang HR. "Yes, ma'am?" rinig niyang sabi ng taga hr matapos sagutin ang tawag niya. "Hire me a new secretary. Make sure he or she fits the qualifications. And please, choose those who will long last. Hindi yong isang pitik ko lang sa kanila, nagka dapa-dapa ng takbo palabas." mariing sabi ni Aratiles sa kausap. "Yes, ma'am." sagot ng nasa kabilang linya. "Good. I need her as soon as possible." sabi niya saka ibinaba ang tawag. Napailing na lang siya sa pinag patuloy ang ginagawa. Tutok siya sa ginagawa niya ng mag ring ang cellphone niya. Tiningnan niya kung sino ang tawag sa kanya. Nakita niya ng yaya niya ang tumawag. Napangiti siya ang sagutin ang tawag nito. "Hello, ya. Good morning." saad niya sa yaya Erly niya. "Umalis ka naman na hindi kumakain ng breakfast." bungad ng yaya niya. "Ya, I'm sorry. Wala na kasi akong assistant ulit, eh. Nagresign na naman. Kaya I need to be early kasi wala akong mau utusan." rason niya sa yaya Erly niya. "Kasi naman anak, ang init ng ulo. Sinong hindi matakot sayo." sermon ni Yaya Erly. "Kasi naman Ya, ang palpak nilang magtrabaho. Simple lang ng pinapagawa ko di matapos ng maayos?" rason naman ni Ara. "Sana naman pagpasensyahan mo na, nak. Ayan tuloy nawalan ka ng assistant. Kung yan palagi ang ugali mo walang magtatagal sayo." sabi pa ni yaya Erly. Para naman namang na offend si Aratiles sa sinabi ng yaya nito. "So sinasabi mo ba na sa akin ang problema, yaya?" nagtatampong wika ni Aratiles. "Hindi, anak. Ang sa akin lang be considerate naman sa mga empleyado mo." sabi ni yaya Erly. "Whatever, ya. Basta hindi ko babaguhin ang kung anong klase ang pamamalakad ko. Bahala sila kung ayaw na nila dito. I can find another naman." sagot niya. Napabuntong hininga naman ang yaya nito sa kabilang linya. "Oh, s'ya-s'ya. Ikaw bahala. Basta wag kang magpalipas ng kain, ha. Di ka pa naman nag-umagahan. Baka magkasakit kapa." paalala ng yaya ni Aratiles. "Opo, ya. Thank you po." sabi naman ni Aratiles bago ibinaba ang tawag nito. Kung may tao man na naiwan sa buhay ni Aratiles. Yon ay ang yaya Erly niya. Matapos pumanaw ang mga magulang niya. Sa kanya naiwan ang lahat ng responsibilidad sa edad pa lang beinte. That is why, she built a wall between her and the people around her. Ayaw niyang pagsamantalahan ang kalagayan niya. Especially, most of her relatives in both of her parent's side want to takeover their company. Kahit wala namang mga ambag ang mga ito sa pinaghirapan ng magulang niya. Nais pa nilang makisawsaw. Aratiles needs to step up upon them. Para hindi siya maging dehado at api-apihin man lang ng mga kamag-anak nya. Kaya sinikap niya ang sarili upang pamahalaan ang naiyang kompanya ng mga magulang niya ang Valencia Group of Companies. May mga sangay ito sa iba't-ibang lugar dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Kaya wala siyang oras para sa sarili. Nag vibrate ang cellphone niya senyales na oras na para sa marketing departments. Napabuntong hininga siya at inayos amg sarili. Kahit naman may assistant siya ay hindi niya inaasa ang mga bagay na ganito. Hindi na niya kailangan pang i remind na sa mga na schedule na gawain tulad nito. That is why, she was called 'The Independent Woman of All Times'. Dala ang laptop ay sumakay siya sa elevator pababa sa 21th floor kung saan ang conference room.Pagpasok pa lang niya sa conference room ay tamihik ang buong paligid na tila may anghel na dumaan. "Let's start." malamig na wika ni Aratiles. Nanginginig na tumayo ang mag report tungkol sa sales and marketing. Nakinig lang siya habang nagsasalita ng nasa harapan. Minsan napakunot ang noo niya ng makitang may mali sa mga input na pinasa nila. "Wait. Are you saying na were promoting this product by giving pamphlet or flyers in some areas near our company and some satellite offices?" di mapigilang tanong ni Aratiles sa taong nag present ngayon. "Yes, po. That's the plan." confident na sagot ng nasa harapan. "And who will do that?" tanong naman ni Aratiles. "We will hire a promodizer in different area." sagot nito kay Aratiles. Napataas naman ang kilay ng huli. "Does the marketing department has enough budget to hire additional manpower just to promote this product?" malamig na tanong ni Aratiles dito. Nagkatingin naman ang mga taga marketing department. "Ahm, we are going to submit a budget proposal on this." kinakabahan na sagot ng presenter. "That's it!" malakas na sabi ni Aratiles. Napatapik pa ito sa mesa na nagpakislot ng mga taong naroon. "Do you have any other ideas than this?" tanong pa ulit ni Aratiles sa mga taong narito. Sabay-sabay namang nag-ilingan ang mga ito. Napatapik naman ulit siya sa mesa. Saka inisa-isang tingnan ang mga kasama niya. Nagsiyukuan naman ang lahat dahil hindi nila kayang salubungin ng tingin ang boss nila. "Do you think hiring another manpower is the best way? Hindi pa nga tayo nakakabawi sa mababang sales natin last month maglabas ulit tayo ng pera?" mariing tanong ni Aratiles sa kanila. "Why not use social media to promote the product. I'm very much sure even elementary pupil has already a social media account. Create a page about this product and spread it everywhere. Understand? In that way we can save our expenses." sabi ni Aratiles sa mga kasama niya dito sa conference room. Agad namang nag sitanguhan na parang na save Aratiles ang posibleng problema nila. "Meeting adjourned. Just do what I said." wika niya saka nauna nang lumabas sa conference room. Nakahinga naman ng maluwang ang mga naiwan. Matapos ang meeting ay bumalik si Aratiles sa opisina para kunin ang bag at susi ng sasakyan niya. Mag tanghalian niya at balak niyang kumain sa labas. Dati iniutos lang niya sa assistant niya ang magpa delivery ng tanghalian sa opisina niya ngunit dahil wala na siyang mauutusan ngayon au no choice si Aratiles kondi ang kumain sa labas. Nang makuha ang bag at susi niya ay agad siyang bumaba sa parking area. Agad niyang pinausad ang sasakyan niya patungo sa paborito niyang restaurant. "Good day, Ms. Valencia. The table is ready for you." sabi ng isang waitress na naghihintay sa may entrance. "Thank you." sagot ni Aratiles at ngumiti ng matamis. Ngumiti naman pabalik ang waitress sa kanya. Sumabay naman sa kanyang paglakad ang nasabing waitress. "Any order in mind, Ms. Valencia?" tanong nito. "The usual. You know that right?" balik tanong niya. "Yes." tanong sagot ng waitress. "Good." sabi niya sa waitress. Humiwalay na ng lakad ang waitress, marahil ay pumunta sa kusina upang i punch ang order niya. Naglakad naman siya patungo sa pwesto na nakalaan para sa kanya. Ito ang kanyang usual spot sa tuwing nandito siya. Habang naghihintay ay nagbasa-basa lang siya ng magazine in na nasa ilalim ng table. Nang dumating ang pagkain ay tahimik lang siyang kumakain. Nagulat pa siya ng makarinig siya ng putok mula sa labas ng restaurant parang may gulong na pumutok mula sa parking lot nito. Binaliwala niya at pinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos ay kinuha niya ang bill mula sa waitress saka nagpasya ng lumabas upang makabalik sa company matapos bayaran. Marami pa siyang dapat gawin lalo na at wala na siyang assistant na mauutusan. Pumasok siya sa sasakyan niya at sinubukang paandarin ito. Patakbuhin sana niya ito ngunit ay ayaw umusad sa sasakyan niya. Halos full tank parin naman siya kaya nagtaka siya kung bakit hindi ito umusad. Nagpasyahan niyang bumaba upang i check ang tanker nito. Ngunit laking gulat niya ng mapansing walang hangin ang gulong ng sasakyan niya. "s**t! How come na wala ang hangin ang gulong na ito kung nakarating ako dito?" tanong ni Aratiles sa sarili. Napailing na lang siya sa sarili niya at akmang papasok sa sasakyan niya upang makatawag ng mekaniko nang may van na itim ang papalapit sa kanya. Balewala sana niya ng huminto ito sa harapan niya at magsi labasan ang mga sakay nito na nakabonet ang mga mukha. Hinawakan siya ng mga ito at sapilitang pinapasok sa van. Sa pagkataranta ni Aratiles ay napasigaw siya. "Help! Help! Help! Somebody, help me? Ahhhhhh!" sigas niya ng malakas na halos umugat ang mga ugat niya sa leeg sa lakas ng sigaw niya. "Hoy, anong ginagawa nyo?!" sigaw ng isang lalaki na sumulpot mula sa kung saan. Parang na starstruck si Aratiles sa kakisigang taglay nito. Napipina ang mga muscle sa katawan nito. Kahit naka plain white t-shirt lang ito at punit-punit na pantalon ay lumabas pa rin ang kagwapuhan nito. Nabitawan si Aratiles ng mga lalaking muntik ng kumidnap sa kanya nang harapin ng mga ito ang kakarating lang na lalaki. Napa-upo siya habang hawak niya ang magkabilang taenga niya. Nakita niyang nakipag palitan na ng suntok ang lalaki mula sa mga lalaking naka bonet. Isa laban sa anim. Natakot siya para sa lalaki baka mapaano ito mula sa anim na malaking lalaki. Ngunit ang kaba niya ay napalitan ng ginhawa ng experto nitong napatumba ang anim na lalaki. Walang malay na isa-isang bumagsak sa lupa ang anim na lalaki na sa tingin ko ay kidnapper. "Are you okay?" tanong lang lalaki sa kanya ng makalapit ito. "Yes, t-thank you." nanginginig na pasasalamat ni Aratiles sa lalaki. Magsalita pa sana ang lalaki ng isa-isang magsidaringan ang mga guwardiya ng restaurant. "Anong nangyari, ma'am?" tanong ng guard. "They attempted to kidnap me. Good thing someone comes in the right time. Kaya hindi natuloy ang pagkidnap sa akin." paliwanag ko na ang tinutukoy ang ang lalaking nagligtas sa akin. "Tumawag na kami ng pulis para ma blotter tong pangyayari na to. Nasa iyo na po kung mag sampa ka ng kaso o hindi." sabi ng guard sa akin. Tumango lang ako sa guard. Tahimik lang na nikinig ang lalaking nagligtas sa akin. Di nagtagal ay nagsidatingan naman ang mga pulis inaristo ng mga ito lalaking nakabonet na ngayon ay may mga malay na. Samama ako sa kanila sa presento. Iniwan ko na lang ang sasakyan ko dahil wala rin namang silbi. Tumawag lang ako ng mekaniko upang palitan ang gulong ng sasakyan ko. Sa presento ay nagulat si Aratiles na kilala ng mga pulis ang lalaking nagligtas sa kanya. Hindi niya akalain na famous pala ang lalaking nag ligtas sa kanya. "Pre, kumusta? May trabaho na ba?" tanong ng isang pulis sa lalaki. "Ito, gwapo pa rin kaso wala pang trabaho." sagot nito. "Aba'y mag hanap-hanap ka rin. Ilang taon ka na bang tambay. Anong papakain mo sa magiging asawa mo kung wala kang trabaho." sabi ng isa ding pulis. "Hayaan mo na, ika nga nila, di baling saging basta loving." sagot naman ng lalaki na ikatawa ng mga nakarinig ngunit hindi si Aratiles. Napangiwi ito ng malamang tambay lang ito. Ang sayang naman kung may itsura ito ngunit wala namang maipalamon sa pamilya. Nakaka turn off naman ang ganitong lalaki na walang pangarap sa buhay. Matapos ma blotter ay nagpasya si Aratiles umuwi na lamang. Habang nag aabang ng taxi si Aratiles ay tumabi sa kanya ang lalaking nagligtas sa kanya. Wala sana siyang balak kausapin ito pero mukhang kailangan niyang mag thank sa pagligtas nito sa kanya. "Ahm. Thank you for saving me." mahinang sabi ni Aratiles. "No, problem. Nagkataon lang na dumaan ako sa restaurant na iyon." sagot ng lalaki. "Okay." tanging nasabi na lang ni Aratiles. "Ako pala si Douglas Timothy. Ikaw anong pangalan mo?" pakilala nito kay Aratiles. "Aratiles." tanging sagot ni Aratiles. Ayaw niyang paluwagin pa ang pag-uusap nila. Nawala siya ng ganang makipag-usap nito buhat ng malamang tambay lang ito. Akmang nagsasalita ang lalaki ng may huminto na taxi sa harapan nila. Kaya dali-daling sumakay si Aratiles dito. Naiwang nakatanga ang lalaki. Napailing a lang si Aratiles. 'Sana di na muling magkatagpo ang mga landas natin.' bulong ni Aratiles sa sarili bago tuluyang nawala sa paningin niya ang lalaki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
61.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
281.9K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.9K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
83.2K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
46.7K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
109.0K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
72.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook