Chapter 6

2151 Words
Busy si Timothy dito sa opisina niya dahil sa sunod sunod na pag pull ng mga stockholders ng kumpanya. Hindi na niya alam kung saan siya maghahagilap ng pwedeng maging investors para mag survived ang Villamor Shipping Lines. Lumipat kaso ang mga ibang investors sa kalabang kompanya nila. Hindi lang yon, siniraan pa ang.kompanya nila para wala nang mag attempt na mag invest dito. Bilang nag ring ang intercom ng opisina niya. "Yes, Faith?" tanong niya sa secretary niya. "Sir, a certain Mr. Tenorio Valencia wants to talk to you personally. Nasa lobby po siya sa baba po." inporma niya kay Timothy. "Send him in, please. Hintayin ko siya dito sa opisina ko." utos ni Timothy sa secretary niya. "Yes, sir. Tawagan ko po anh reception." sagot nito at nawala na sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lang si Timothy. Si Mr. Valencia ay ninong niya. Medyo hindi na sila nag-uusap nitong mga nakaraang buwan dahil busy sila sa kanya-kanyang negosyo. May anak itong babae na mas bata sa kanya ng tatlong taon. Ngunit hindi niya ito kilala sa personal. Maging ang babae ay walang alam tungkol sa kanya. Hindi rin kasi masyadong naglalabas ang anak ng ninong niya kaya wala siyang magkakataon na makausap man lang ito. Nakarinig siya ng katok at iniluwa yon ng secretary niya. "Sir, Mr. Valencia is here na po." magalang na wika nito sa kanya. Saka tumabi upang papasok ang bisita. "Thank you, Faith. Maari ka nang lumabas. And please bring us a coffee and something to eat." sabi ni Timothy. "Yes, sir." wika nito at lumabas na sa opisina ng huli. Tumayo naman si Timothy upang salubungin ang ninong nito. "Ninong, kumusta po." bati ni Timothy sa ninong niya sabay beso-beso dito. Inaya niya itong umupo sa sofa na nandito sa opisina niya. Sinamahan niya ito. "Mabuti naman. Ikaw, anak. Kumusta naman?" balik tanong nito kay Timothy. "Ayon po. Naghahanap ng magiging investors. Bigla nalang kasing nag pull out ang mga shareholders ng kompanya at lumipat sa kabila." problemadong sagot ni Timothy. "Pwede akong mag invest sa kompanya mo, Hijo." offer ng ninong ni Timothy. Di makapaniwalang nakatingin si Timothy dito. "Talaga po ninong?" tanong niya. Tumango naman ang ninong niya. "Pero sa isang kondisyon." pahabol na sabi ng ninong niya. Mataman namang nakikinig si Timothy. Wala na siyang pakialam kung ano man ang magiging kondisyon nito. Ang importante ay maisalba ang kompanya nila. "Ano po yon, ninong?" interesadong saad ni Timothy. "This past few days, I received several death threat. Hindi ko alam kung kanino nanggaling yon. King galing ba yan sa kalabang kompanya or sa mga kamag-anak ko lang na gustong kamkamin ang anoman meron kami ng pamilya ko." sabi nito sa akin. "Gusto mong pag imbestigahan ko kung kanino galing ang mga death threat na yon, tito?" tanong ni Timothy sa ninong niya. "No. Ako na ang bahalang alamin kung sino ang may gawa ng mga death threat na yon." mariing wika nito. Napa Tango-tango naman si Timothy. "Alright, ninong. Anong gagawin ko kung sakali." tanong ni Timothy. "I'm in trusting you my daughter. Bantayan mo siya kung sakaling mawala kami." sabi ni Mr. Valencia na ikagulat ni Timothy. "But ninong-" hindi nito natapos ang sasabihin ng muling pumasok si Faith. Dala ang kape na hiningi niya. Nilagay ni Faith ang mga ito sa lamesa bago lumabas muli. "Kape, ninong." alok ni Timothy dito na pinaunlakan naman ni Mr. Valencia. Habang uminom ng kape, muling nag salita si Mr. Valencia. "Nararamdaman kong hindi lang pananakot ang kaya nilang gawin. Alam kong kaya din nilang gawin sa akin ang ginawa nila. Tulad na lang ng bibigay nila ng regalo sa asawa ko na ang laman ay isang patay na pusa. Alam kong gaya ng pusa ay may plano din silang dispatsahin kami." seryusong wika ni Mr. Valencia. "Hindi mo ba ito ini report sa mga autoridad, ninong?" tanong ni Timothy. "May kasabwat sila sa loob. Kaya wala rin akong tiwala sa mga autoridad." sabi nito. Napatango na lang Timothy. "Kaya ihahabilin ko sayo ang anak ko. Kung sakaling may mangyari sa amin. Ikaw ang magpatuloy ng imbestigasyon." sabi ni Mr. Valencia. "Pero ninong." magreklamo pa sana siya ng putulin ito ng ninong niya. "Please, Tim. Ikaw lang ang pwede kong pinagkakatiwalaan." pakiusap nito kay Timothy. "Okay, ninong. Maasahan mo ako dyan." wika ni Timothy. Simula ng ang araw na iyon ay ang pag invest nito sa kompanya niya na ipinangalan nito sa anak nitong si Aratiles. Malaking halaga ang ininvest nito para makabawi siya. Nag invest din naman ang kaibigan ni Timothy na si Blaze Monteverde kaya hindi na aiya nahihirapang ibangon ang kompanya niya lalo na at matalino at madiskarte siya. Kaya mabilis lumago ang Shipping lines niya. Dahil din dito, naipatayo niya ang Villamor Technologies na gumagawa ng mga gadgets na patok sa panahon ngayon. Dito experto si Timothy since rin graduate sya sa Information Technology na siyang pangalawang kurso niya. Business Management ang una niyang kurso dahil ito ang nais ng magulang niya na kurso since nasa linya ng negosyante ang pamilya nila. Sa sobrang focus ni Timothy sa pagpapalago ng negosyo nila ay nakalimutan niya ang deal nila ng ninong Tenorio niya. Saka lang niya nalala muli ng nabalitaan niyang nalunod ang mag-asawa sa yate na sinakyan ng mga ito nang minsang nagbabakasyon sila. Nanlumo si Timothy sa nangyari hindi niya akalain na sa ganon paraan lang mawawala ang ninong niya kasama ang asawa nito. Palihim niyang pinaimbestigan ang nangyari. Hindi niya pinaalam sa mga autoridad ang ginawa niyang pagpa-imbestiga dito. Sa halip ay pinakiusapan niya ang kaibigan niyang si Andrius na isang secret agent. Habang hinihintay ang resulta ay palihim niyang sinusubaybayan si Aratiles na ngayon ay nagdadalamhati sa pagkawala ng magulang. Naawa si Timothy sa kalagayan nito. Nagdadalamhati pa ito pero kamag-anak nito kanya-kanya bigay ng documento para permahan ng dalaga na tinanggihan namang pirmahan ng huli. "Hija, kapag pirmahan mo ang mga ito. Wala ka ng magiging problema. Ako ang aako sa lahat ng responsibilidad na naiwan ng mga magulang mo. Ako na din ang magiging guardian mo. Ayaw mo ba non?" sabi ng uncle ni Aratiles. Napailing na lang Timothy sa narinig. Pang-ilang beses na ito na may nagtangkang kamag-anak ng dalaga na papermahin siya. Akala nga ni Timothy, mabilis mauto ang dalaga dahil sa edad nitong desi nuebe anyos ay makikita pa niya ang kainosentihan nito. Ngunit nagulat na lang ang lahat na narito sa lamay ng magulang nito sa biglang pag sigaw nito. "Can't you see?! Nasa kabaong pa po ang mga magulang ko?! Hindi ba kayo makapaghintay na maihatid sila sa huling hantungan bago nyo ako papermahin ng kung ano-anong walang kwentang documento na yan?!" sigaw ng dalaga. Nahintakutan naman ang mga kamag-anak ng dalaga. Napangiti naman ng lihim si Timothy. "That's my girl. Hindi ko na pala kailangan mangamba na baka bigla na lang permihan ni Aratiles ang documento." bulong ni Timothy sa sarili. Mukhang alam ng dalaga kung para saan ang mga iyon dahil kapag nagkataon gagawa si Timothy na mawala ang dokumento na iyon na naglalaman ng lahat ari-arian ay isalin ni Aratiles sa Uncle niya. Matapos ma ihatid sa huling hantungan ang mga magulang ng dalaga ay ginulat niya ang lahat ng ang dalaga ang umupo sa pwesto iniwan ng ama. Maraming kumuntra sa kanyang pag-upo bilang President and Ceo ng Valencia Group of Companies lalo na ang mga kamag-anak niyang gustong umupo sa pwesto dahil sobrang bata pa daw niya ngunit wala silang nagawa ang mga board na mismo ang bumuto sa dalaga na lihim namang hinikayat ni Timothy na iboto ang dalaga. Dito unti-unting nagbago ang personality ni Aratiles. Yung inosente niyang mukha ay napalitan ng malamig na aura. Lahat na na project at proposal na hindi naaayon sa kanya ay hindi nito basta-bastang inaprubahan. Kunting pagkakamali ng mga empleyadonay pinaulit ang lahat na ginagawa. Kaya ang hindi nakatiis ay umalis na hindi nagbibigay ng dahilan. Halos lahat ng empleyadonay takot magkamali dahil nasisigawan niya ito. Bagay na ikasaya ni Timothy dahil hindi na nangangambang tapak-tapakan lang ito. Ngunit ng mga taong gustong mawala si Aratiles sa landas nila. "Oh, natulala ka na dyan? Iniimagine mo na naman si Aratiles baby mo, noh?" tukso sa kanya niya John. "Gago. Uwi kana nga sa inyo. Magpahinga na ako. May pasok pa ako bukas ng maaga sa opisina." bwelta ni Timothy kay John "Opisina mo? O, opisina ni Aratiles?" tanong ni John. "Opisina ni Aratiles. Assistant ako, remember?" pilosopong sagot din ni Timothy. "Paano na ang kompanya mo dyan? Gusto mag resign ako sa kompanya ni Blaze at sa opisina mo na ako mag trabaho pero dapat tripplihin mo sahod ko." suggestion ni John na nakatikim lang nang sapak ni Timothy. "Mandurugas ka talaga. Alis kana nga." Taboy ni Timothy dito. Natatawa namang umayos ng tayo si John saka nagpaalam nang umuwi. Umayos naman ng tayo si Timothy saka pumasok na sa kwarto niya. Naligo lang siya saglit at ng matapos ay nagbihis lang ito ng pantulog na damit at pumasok sa mini office niya na narito lang sa loob ng kwarto niya. In on niya ang laptop niya at kinuha ang cellphone. Tinawagan niya ang kaibigang si Andrius. "Bro, kumusta? May balita ba?" tanong agad ni Timothy ng sagutin ni Andruis ang tawag. "Positive bro. Yung uncle pa rin niya may kagagawan ng pag tangkang pagkidnap sa kanya. Ang next move natin." tanong ng hulu kay Timothy. "Good. Tambay lang muna tayo. Hanggat walang ginawang move si Aratiles para sa mga yon. Hindi muna tayo kikilos. Hindi natin siya pwedeng pangunahan lalo na at wala naman pa itong plano." "Okay. Ikaw bahala. Sabiha mo lang ako kung kailan natin ito iputok lahat." sabi naman ni Andruis sa kanilang linya. "Salamat, bro." sabi ni Timothy at ibinaba ang tawag. Sinimulan na niya basahin ang mga dokumento na para sa kompanya nila. Kailangan niyang gawin ito para hindi mahalata ni Aratiles na may iba siyang inaasikaso maliban sa pagiging assistant niya. Nakita niyang may bagong email si Andruis. Binuksan niya ito. Bagong ebidensya na naman ito kung sakaling aalsa na naman ang mga kamag-anak ni Aratiles. Napatingin sa picture frame na nasa gilid ng lamesa niya. "Baby, wag kang mag-alala propektahan kita sa abot ng aking makakaya. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo. Pangako yan sayo." sabi ni Timothy habang nakatingin sa picture ni Aratiles. Stolen shot ito ang picture na ito. Kuha niya ito nang minsan ng nagkaroon ng isang auction event kung saan pareho silang invitado. —--- Maaga sa opisina si Timothy, wala pa si Aratiles kay naisipan niyang linisin ang working table nito. Hindi siya nakatiis na makitang wala sa ayos ang mga papeles na table nito. Walang sinuman ang nangahas na galawin ang nasa table dito dahil mahigpit itong ipinagbabawal ni Aratiles. Kaya kahit alam niyang ipinagbabawal ito ni Aratiles ay ginalaw pa rin niya. Upang maiwasan naman kahit paano ang trabaho nito. Inisa-isa ni Timothy ang mga papeles. Binabasa niya ang mga ito upang masigurong wala siyang maitapon na importante. Ngunit napa kunot ang noo niya nang may makitang hindi tukma sa mga data na narito. Baliwalain na lang sana niya ngunit hindi matatahimik ang isip niya. Kaya kumuha siya ng lapis ang binilogan ang mga input na questionable. Ito ang takpong naabutan ni Aratiles. "What the hell are you doing in my office?" tanong agad ni Aratiles ng makita si Timothy. "Good morning, Miss Ara. I'm just cleaning your table." kalmado na sagot ni Timothy. "And who gives you the right to hold anything on my table?!" bulyaw ni Aratiles kay Timothy. "As your assistant, Miss Ara, it's my responsibility to clean your table. Kaya wag ka sanang magalit kung pinakialaman ko ang mga gamit mo dito. I assure you. Wala ako itatapong importanteng papeles." rason naman ni Timothy. Napaismid naman Aratiles sa sagot nito. "And what did you do to that paper?" tanong ni Aratiles kay Timothy na ang tinutukoy ay ang papel na hawak-hawak pa ni Timothy. "Oh? This? I saw something questionable here. The inputs and data is not accurate. May nangyari bang nakawan sa kumpanya na ito? Paano nakarating sa'yo ang mga ito na hindi nareview ng mga taga accounting and audit team ang bagay na ito?" di napigilan na tanong ni Timothy kay Aratiles. Bahagya namang naggulat si Aratiles ngunit hindi niya pinahalata sa kausap. "Give me that. Do you think hindi ko alam to? Kaya nga hindi di ko pa ito pinirmahan dahil ibabalik ko pa ito sa kanila." sabi ni Aratiles. "Get out. Asikasuhin mo na lang ang trabaho mo." utos ni Aratiles kay Timothy na agad namang ng huli. "Mukhang may masasampulan na naman akong empleyado ngayon." narinig pa ito ni Timothy na sabi ni Aratiles. Napailing na lang si Timothy habang pabalik sa mesa niya. Na curious tuloy siya kung anong gagawin ni Aratiles sa empleyadong nakamali ng input sa data.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD