"Hello, Yaya Erly." bati ni Aratiles sa yaya ng bumungad siya sa kusina. Nagluto ito ng haponan nila. Ang kusina ang comfort zone ng yaya niya. Kaya dito agad siya dumiretso pagkagaling niya sa presento. Nawalan siya ang ganang bumalik pa sa opisina niya kaya mas minamuti niyang umuwi na lamang para kahit paano makapag pahinga naman ito.
"Anak, kumusta? Nalaman kong muntik kang ma kidnap? Sino Ang nagtangka sayo?" tanong ni Yaya Erly kay Aratiles. Nagkibit balikat naman ang huli.
"I don't know, ya. Ayaw umamin eh." sayot ni Aratiles.
"Ako ang kinakabahan sayo, anak." sabi ni yaya Erly.
"Hayaan mo na ya, mag-ingat na lang ako sa susunod." sabi ni Aratiles. Napabuntong hininga na lang ang yaya nito.
"Di ko mapigilang mag-alala sayo, anak. Paano kapag maulit to? Sino na lang magliligtas sayo. Hindi sa lahat ng panahon may makakita sayo kapag mangyari ulit ang ganito." nag-alala na wika ng yaya Erly ni Aratiles. Ginanap naman ng huli ang kamay ni Yaya Erly.
"Ya, don't worry, okay? Walang mangyaring masama sa akin. Kung meron, let's just accept it. Siguro panahon na rin para mamaalam sa mundo." sabi ni Aratiles. Tinampal naman ni yaya Erly amg kamay nito.
"Tumahimik kang bata ka! Ang batam-bata mo pa para mag-isip ng ganyan." sermon ng yaya nito. Napangiti naman si Aratiles ay niyakap ang yaya nito mula sa likod.
"I loy you,Ya. Thank you for being with me." madamdaming sabi ni Aratiles. Hinarap naman siya ng yaya niya at hinawakan sa pisngi.
"Para na ring anak ang turing ko sayo, Aratiles. Ikaw na lang ang meron ako. Wala naman akong anak kaya ikaw na lang ang anak ko." sabi ng yaya Erly nito.
"That's why I'm very much thankful na nandito ka,Ya. Simula nang mawala si mommy at daddy. Hindi ka umalis sa tabi ko. Siguro kung wala ka, wala na rin ako." sabi ni Aratiles.
"Wag mo sabihin yan. Hindi ka mawawala. Okay?" sabi ng yaya nito.
Tumango naman si Aratiles at bumalik sa upuang kinauupuan niya kanina. Di nagtagal ay inihain na ni yaya Erly ang pagkain. Bigla namang natakam si Aratiles sa niluto ng yaya nito kaya naman ay agad itg sumandok ng pagkain. Aliw na aliw namang pinagmasdan ito ng yaya niya. Aratiles is not a typical woman na gustuhin mo. Sa katunayan, ay tinagurian siyang 'The Ice Queen' dahil sa malamig niyang awra. Kung ang karaniwang babae ay mahinhin kung kumilos siya ay hindi. Kaya ilag ang lahat sa kanya. At the age of thirty two, no one dares to tame her. Sa yaya Erly lamang ito malambot ang puso.
"Ya, kain na na rin po." Aya ni Aratiles sa yaya niya.
"Kailan ka mag-asawa?" tanong ng yaya niya. Muntik pa siyang mabulunan kaya agad siyang binigyang ng tubig ni yaya Erly.
"Yaya naman. Kakasabi mo lang na ang batam-bata ko pa para mamatay pero parang ikaw naman yata ang papatay sa akin." biro ni Aratiles sa yaya nito.
"Tinanong lang kita, mamamatay ka kaagad?" kontra naman ng yaya nito. Natawa naman si Aratiles sa sagot ng yaya niya.
"Ya, di ko na kailangan na mag-asawa. May anak na nga ako, oh." sabi ni Aratiles.
"Di mo naman totoong anak yon." sagot naman ng yaya niya.
"Ang importante, may magmamana ng mga ari-arian namin kung sakaling mawala ako." malamig na sabi ni Aratiles.
"Ayan ka na naman sa malamig mong awra. Kaya takot ang lahat sayo eh. Ginamitan mo ng kalamigan mo." puna ng yaya niya.
"Kailangan kong gawin to. Dahil kapag hindi, apak-apakan lang tayo." sagot naman ni Aratiles. "Si Andie nga pala, di pa nakauwi?" change topic ni Aratiles. Ayaw niyang mag monologue na naman ang yaya niya kaya iniba na lang niya ang topic.
"Nasa kwarto niya. Tulog pa yata yon." sagot ng yaya.
"Ganon? Sige, mamata ako na pupunta sa kwarto niya." sabi ni Aratiles sa yata nito. Tumango lang ang yaya at sinaluhan ang alaga sa pagkain.
Matapos kumain ay pumunta si Aratiles sa kwarto ng adopted daughter niya na katabi lang ng kwarto niya sa 2nd floor. Hanggang ikalawang palapag ang ang bahay niya kata madali lang niyang mapuntahan ang anak-anak sa kwarto nito kung gustuhin niya. Pagbukas niya sa kwarto nito ay nakita pa niyang tulog pa ito. Napatingin sa sa relong pambisig niya. Mag aapas kwatro pa ng hapon kaya naisipan na lang niya wag munang disturbuhin ang bata.
Si Andie ay nakuha niya sa isang bahay ampunan ng Angel's Heritage. Anim na taong gulang na ito ng iadopt niya. Naisipan niyang mag-adopt ng bata dahil sa edad niyang ito ay parang malabo nang makapag-asawa pa siya. She is an introvert person. Ayaw niya ng maingay. Ayaw niyang kung sino-sino na lang ang makakasaluma niya araw-araw. In short, ilag siya sa mga tao.
Pumasok siya sa kwarto niya na katapat lang ng kwarto ng anak-anakan niya. Hinubad niya ang suot na sapatos at iligay niya sa shoe stand. Pagkatapos ay pumunta siya sa walk in closet niya. Inalis niya sa katawan niya ang suot niya mga accessories. Pati make-up niya ay inalis din niya gamit ang make-up remover. At pagkatapos ay nagbihis ng pambahay na damit. Inalis din Malawlaw na dress ang isinuot niya dahil komportable sa pakiramdam. Nang matapos ay lumabas na siya at pumunta sa kama dala ang isang romance novel na kinuha mula sa bookshelf niya. She's a fan of reading book quietly and listening to music.
Habang nagbabasa siya ay bigla niya na naalala ang nangyari sa kanya kanina. Ang muntik na siyang ma kidnap, tapos biglang may sumulput na gwapong lalaki na magliligtas sa kanya. Napangiti na lang si Aratiles dahil parehong-pareho ito sa exsinang binabasa niya ngayon. Hindi niya akala na nag exist ang mga ito sa totoong buhay. Ang kaibahan lang ay mahirap ang babaeng na kidnap sa kwento.
Bapabaling si Aratiles sa pintuan ng kwarto niya ng bigla itong bumukas. Iniluwa ito ng anak-anakan niya na halatang kagigising lang. Napangiti siya ng makita ito.
"Mommy?" tawag nito kay Aratiles.
"Yes, baby. Come here." aya niya sa anak-anakan. Inilagay muna nita sa bedside table ang binabasa niyang aklat. Tumabi sa kanya si Andie. " May kailangan ka anak?" tanong niya dito.
"Wala po. Sabi kasi ni yaya Erly, narito ka na daw." sagot nito.
"And?" tanong ni Aratiles.
"I missed e, mommy." sabi ni Andie at yumakap sa kanya.
"I missed you too, baby. I'm sorry. Mommy is busy this past few days." hinging paumanhin ni Aratiles kay Andie at gumanti ng yakap.
"It's okay po. Alam ko po na marami kang work po." sagot nito kay Aratiles.
"Thank you, baby. Babawi ako sayo kapag okay na ang schedule ni mommy, ha?" sabi niya sa bata. Naka intinding tumayo naman ang huli. "Anong gusto mo? Bibilhin ni mommy yon para sayo." tanong ni Aratiles sa bata. Umiling naman ang bata.
"Wala po. Ang makasama ka kahit saglit ay okay na po sa akin." sagot ni Andie.
"Awh. Ang sweet ng baby ko. I love you, baby." sabi ni Aratiles dito.
"I love you too, Mommy. Thank for bringing me here." madamdaming sabi ni Andie kay Aratiles.
"Than you din, baby. You make mommy happy." sabi din ni Aratiles kay Andie. Humigpit ang yakap ni Andie kay Aratiles kaya naman ay hinayaan lang niya ito.
"Are you hungry, baby?" tanong ni Aratiles sa anak-anakan niya.
"Yes, mommy. I miss your baked brownies." sabi naman ni Andie sa tunong naglalambing.
"Sure, baby. Let's go to the kitchen. I'll bake brownies for you." sagot naman ni Aratiles.
"Really? Yehey." sigaw ni Andie at nagpa lundag-lundag pa talaga sa kama ni Aratiles.
"Enough, baby. Baka mahulog ka." natatawa na saway ni Aratiles lay Andie.
Hinawakan niya ito at ibinaba sa tiles na sahig. Saka siya tumayo at inaya ang anak na lumabas na. Magkahawak kamay silang naglakad pababa sa kusina.
Pagdating sa kusina, pinaupo lang ni Aratiles si Andie sa high chair upang panuurin lang siyang mag bake ng brownies. Hindi naman naging malikot si Andie ngunit nakikita ni Aratiles na nais nitong tumulong sa kanya.
"You want to help?" tanong ni Aratiles kay Andie.
"Pwede po, mommy?" tanong naman ni Andie.
"Of course, baby. Pwede na pwede." sagot nito at inalalayan ang bata na bumaba sa upuan.
Hinayaan lang niya na nakigulo ang bata. Pero sinisigurado niya na hindi ito magkalat kasi sayang ang ingredients kung matapon lang. Nang matapos sa pag mix ng mga ingredients ay isinalang na niya ito microwave oven. Hinihintay na lang nila na maluto ito. At ang ma bake na ay kinuha at pinalamig muna ito ni Aratiles. Nag timpla siya ng juice para may pares ito.
"Thank you, mommy." sabi ni Andie habang nilantakan ang bini-bake nilang brownies. Sinamahan naman ito ni Aratiles.
"You're welcome, baby. Basta magpakabait ka lang palagi ah? Lalo na sa school mo. Galingan mo doon." sabi ni Aratiles dito.
"Need po ba, first honor ako?" inosenteng tanong ng bata.
"No. Hindi mo kailangang pwersahen ang sarili, baby. Kahit walang honor basta mabait ka lang, masunurin, hindi binigyang sakit ng ulo si teacher. Happy na ako doon. Kahit wala kang honor, first honor ka pa rin para sa akin, nakuha mo ba anak?" tanong ko sa kanya.
"Opo." sagot niya kay Aratiles. Ginulo naman ng huli ang buhok ng anak.
Patuloy sa sila sa pagkain ng brownies at ng matapos ay mas mibabuti nilang tumambay muna sa sala at manood ng cartoon na gustong panoorin ni Andie. Alam ni Aratiles na matagal makatulog ang anak ngayon since hapon na itong magising. Kaya nakipag bonding na lang muna siya rito para naman makapag pahinga siya kahit paano.
Ang pagkakaroon niya ng adopted daughter ay lingid sa kaalaman ng lahat. Walang ibang nakakaalam na may inaadopt siyang bata malibas kay Yaya Erly at sa guard na naka duty sa entrance ng bahay niya. Mahigpit niya itong ipinagbabawal na may nakakaalam ng iba. Ayaw niyang madamay ang bata kung sakaling may magtangka sa buhay niya. O, kaya ay gawin itong alas para mapasunod siya laban sa mga taong gustong kamkamin ang mga ari-ariang naiwan ng magulang.
—----
Someone POV
Sa isang mataas na gusali ay kausap ng isang matangkad na lalaki ang inutusan niyang bumutas sa gulong ng sasakyan ni Aratiles Valencia. Nakaupo ito sa swivel chair niya. Nahihirapan silang makahanap ng tyempo upang makuha ang dalaga. Napakailag kasi nito tanging bahay at opisina lang ang routa nito. Pagkakataon na sana nila kanina na makuha ito ngunit may balakid pa sa mga plano nila.
"Mga punyeta! Palpak! Isang tao lang di nyo pa napatumba?" sigaw ng lalaking nakaupo sa swivel chair nito.
Tinapon niya ang papeles na hinawakan niya doon sa taong inutusan niya para butasin ang gulong ng sasakyan ng dalaga. Tanging ito lang ang hindi nadala sa presento dahil umiskapo ito ng makitang hindi na kayang patumbahin ng mga kasama niya ang lalaking nagligtas sa dalaga.
"Sorry, boss M. Nakita ko kasing napatumba na ang mga kasama ko kaya palihim akong tumakbo upang malaman mo ang mangyari." sagot naman ng lalaki na nakayuko dahil kitang-kita nito ang galit sa mga mata ng ama.
"Ah, letse! Duwag!" sigaw ng amo niya. "Ano ngayon ang gagawin mo? Nasa loob na ang rehas ang mga kasama mo?! Wag lang talaga silang magkamaling kumanta, kondi, buhay ng mga mahal nyo sa buhay ang kapalit." galit na sabu nito.
"Boss, pangako. Hinding-hindi kami kakanta. Wag mo lang galawin ang pamilya namin." nanginginig na sabi ng lalaki.
"Mabuti ng malinaw." sabi naman ng amo nito. "Sige, makakaalis ka na. Basta ang usapan ay usapan. Oras na kakanta kayo. Alam nyo na ang mangyayari." mariing sabi ng amo niya. Nanginginig namang umalis sa opisina ng amo ang lalaki.
Matapos umalis ang lalaki ay kinuha ni Boss M ang sigarilyo niya na nasa ashray at sinidian ito gamit ang lighter. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Iniisip niya kung paano mawala sa landas niya si Aratiles. Para itong isda na mahirap hulihin unless bibingwitin o pupukutin mo ito. Wala rin kasi siyang alam na maaaring maging weakness ng dalaga upang mapasunod ito sa gusto niya. Biglang nag ring ang telepeno niya sa mesa. Sinagot naman niya ito.
"Yes?" sagot nito.
"Sir, your wife is here. Gusto ka daw makausap. Papasukin ko ba?" tanong ng secretary nito.
"Stupida! Pati ba naman asawa ko kailangan mo pang ihingi ng paalam sa akin. Common sense naman. Asawa ko yon. Dapat pinapapasok mo agad. Inggrata!" bulyaw nito sa secretary. Napakislot naman ang secretary nito sa kabilang linya bago ibinaba ang telepono. Di nagtagal ay pumasok naman ang asawa nito na reklamo agad ang narinig niya.
"What's that smell? Agh, ang baho naman ng opisina mo. Amoy sigarilyo. How many times I tell you na wag kang manigarilyo dito. Nakakahiya sa mga bisita mo. Amoy usok ng sigarilyo ang opisina mo." sermon ng asawa niya.
"Paki alam mo ba, Matilda?!" ganting bulyaw nito sa asawa. "Na stress ako. Kailangan ko ng pampakalma." rason nito.
"Stress? Saan? Sa palpak ng plano nyo sa pagdukot kay Aratiles?!" bulyaw ng asawa niyang si Matilda.
"Wag mo nga akong sigawan. Kasalanan to ng mga tauhan mong palpak." ganting sigaw niya.
"Iwan ko sayo. Gawan mo ng para na makuha nyo si Aratiles kung ayaw nyong ako ang kikilos." sabi ng asawa niya at lumabas sa opisina niya. Napailing na lang si Boss M matapos makalabas ang asawa niya.
Samantala, dumiritso sa presinto ang lang lalaking inutusan ni Boss M na butasin ang gulong ng sasakyan ni Aratiles pagkagaling sa opisina ng amo niya.
"Pare, anong sabi ni Boss M?" Tanong ng isa sa mga kasabwat niya na nakakulong ngayon. Mahina lang ang pagkakatanong non sa kanya sa takot na may makakarinig na iba.
"Wag na wag daw tayong kakanta kondi pamilya natin ang kakantiin niya." pabulong ding sagot nito.
"Pambihira naman oh. So, ano yon? Hahayaan na lang niya na narito kami?" tanong ng isa. Nagkibit balikat naman si Gary, ang bumutas ng sasakyan ni Aratiles.
"Di maari to. Dapat may gawin tayo para makalabas tayo rito." giit ng isa pa. Napatapik pa ito sa mesa.
"Sabihin mo kay Boss M. Kapag di niya kami papalabas dito sa lalong madaling panahon, isisiwalat ko lahat ng baho niya." sabi nito kay Gary.
"Madali lang para sayo ang gawin yan dahil wala kang pamilya. Paano naman ako na may kasisilang lang na anak?" kontra ng isa.
"Hah! Dito na tayo magkanya-kanya. Dangan man lang na pinapabayaan na tayo ng boss natin. Matapos niya tayong mapakinabangan." sagot naman ng isa.
Napailing na lang si Gary. Parang tinubuan siya ng konsensya sa ginagawa nila. Nang dahil sa pera ay nagawa niya ang bagay na kahit alam niyang di tamang gawin ay ginagawa pa rin nila makaraos lang sa hirap ng buhay. Nakita nito ang iba't-ibang reaksyon ng mga kasabwat niya. May namomoroblema dahil may pamilya pa silang kailangang buhayin kaya kailangan nilang makalabas. May isa rin na walang pakialam sa kung anong sapitin ng iba basta makalabas lang sa kulungan. Habang siya ma nasa labas ay hindi alam kung ano ang tamang gawin para sa mga ito. Naalala tuloy niya ang anak niyang basta na lang niya iniwan sa daan malapit sa isang ampunan. Kumusta na kaya ito? Buhay pa kaya ang anak niyang iyon? Kung sakaling nasa poder niya yon? Makaya kaya niya itong buhayin gamit ang pera na mula masama?