Hindi nga nagkamali ng akala si Timothy. Pinatawag nga ni Aratiles ang mga taong sangkot sa paggawa ng data. Tinanong ng tinanong ni Aratiles ang mga ito kung bakit nagkaganito ang mga output nila. Malaking halaga kasi ang nawala sa kompanya. Halos maihi ang mga ito dahil sa lamig ng aura ni Aratiles. Habang kalmado lang na nakamasid si Timothy.
"Ma'am, ito po kasi ang nakikita ko habang nag-audit ako. Malaki po ang kulang at di na ma trace kong saan napunta ang mga nawala kaya kung anong nakikita ko yon na rin ang ini-input ko para makita mo rin kung anong nawala." nanginginig na paliwanag ng auditor. Napabuntong hininga na lang si Aratiles. Mukhang may nangyayaring kababalaghan sa kumpanya niya. At yon ang dapat niyang alamin.
"All of you. Get out!" sabi ni Aratiles. Agad naman na nag sialisan ang lahat. Maliban sa auditor at kay Timothy. Hindi nabawasan ang init ng ulo ni Aratiles. "What are still doing here? Get out!" Sigaw pa ni Aratiles sa naiwan.
Ma'am, mukhang kailangan mong paimbestihan ang nawawalang pera." sabi nito. Bigla namang natahimik si Aratiles. Si Timothy na mukhang nakaintindi ay agad naman sinarado ang pinto ng opisina. Sinisigurado nito na walang ibang nakarinig sa usapan nila.
"What do mean?" tanong ni Aratiles.
"Mukhang may nakawan na nangyari sa kumpanya na hindi mo alam at nakalusot sayo." sabi ng auditor. Bago kasi ito. Nagresign ang una niyang auditor.
"Wala namang problema sa ibang department. Accurate po ang data nila maliban sa budget and finance hindi tukma ang perang inilabas nila para sa isang project pero nakikita ko buo ang nakasulat sa data. Pero pagsasamahin ang lahat na nagastos ay halos kalahati sa total budget ang ginagamit supposed to be. Pero ng tanongin ko sila, saan napunta ang ibang budget sabi nila ayon na daw lahat. Na baka daw mali lang ako ng kwenta. Sinabi pa nilang baguhin ko na lang daw ang data ko para mag accurate at hindi ako ma question." mahabang paliwanag ng auditor.
"s**t! Mukhang kailangan kong mag-imbestiga tungkol dito. You may now go." sabi niya rito. Yumuko naman at tumalikod na lumabas nang muli tawagin ni Aratiles. "Ms. Shien." tawag niya dito na pinatigil ng huli at muling tumingin sa kay Aratiles. "Thank you. Mag-ingat ka. Baka ikaw ang pag-initan nila. If something happened, don't hesitate to call us." sabi ni Aratiles at ngumiti sa kanya. Mukhang nagulat naman ito sa pagngiti ng huli pero kalaunan ay ngumiti ito pabalik sa kay Aratiles at tumango bago tuluyang lumabas sa opisina.
"Hmmm, it's nice to see you smile to your employee." puna ni Timothy sa kanya.
"Pakialam mo ba? Saka what are you still doing here? Go back to work!" sita ni Aratiles sa kanya pero sa halip na sumunod ay umupo pa ito sa upuan na nasa harap ng working table ni Aratiles. "What do you think your doing?" tanong pa ni Aratiles dito.
"It's seems that we need to investigate the lost of funds in this company?" seryusong sabi ni Timothy. Napaupo naman si Aratiles sa swivel chair niya. Halatang namomroblema din sa nangyari.
"What can you suggest?" tanong ni Aratiles dito.
"Do you have something in mind kung sino ang nasa likod dito?" tanong ni Timothy kay Aratiles. Seryuso naman siyang tiningnan ng huli na parang bang inarok kung mapagkakatiwalaan si Timothy.
"It's uncle Tonny. Siya lang naman ang may hawak ng Finance ng kumpanya." sabi ni Aratiles.
"What's your plan?" tanong ni Timothy?
"I don't know. It's seems that matagal na niya itong ginagawa. Ngayon lang nakalusot since bago ang auditor." napatango-tango naman si Timothy na pabang
"Do you want me to do something for it?" tanong ni Timothy sa kanya.
"Ano naman ang gagawin mo, aber?" tanong ni Aratiles na ang nasa isip ay wala namang magagawa si Timothy dahil isa lang itong simpling empleyado.
"Dakpin natin yong uncle mo." pabirong sagot ni Timothy.
"Wow. Baka mas lalo tayong pag-initan kapag ginawa natin yon." natatawa ring sagot ni Aratiles kay Timothy.
"I like your smile. Please do that more often." sabi naman ni Timothy. Bigla na lang nawala ang ngiti ni Aratiles sa sinabi ng huli. "Oh, sumeryuso na naman." dagdag pa ni Timothy.
"Alam mo ikaw, ang dami mong napapansin. Feeling close lang? Magtrabaho ka na nga." pampaalis ni Aratiles dito.
"Ayoko nga. Wala ka rin namang pinapagawa sa akin. Anong gagawin ko sa table ko magbilang kung ilan ang mga butiki ang nasa kisame?" parang bading na reklamo din ni Timothy na nagpalakas sa tawa ni Aratiles. Napangiti naman ng lihim si Timothy. Mukhang makukuha nia niya ang kiliti ni Aratiles.
"Nasanay na kas ako. Na ako lang ang gumagawa ng halos lahat trabaho dito. Wala akong mauutusan kasi hindi naman matapos-tapos ng mga assistant ko ang mga pinapagawa ko sa kanila." sabi ni Aratiles.
"Paano ba naman nila matapos kung nilayasan ka kaagad nila?" sabi naman ni Timothy.
"Yun na nga eh. Palpak din naman sila. Kung makareklamo akala mo ako may kasalanan. Kaya kung gusto mo na ding lumayas dito, lumayas kana para mabawasan naman sakit ng ulo ko." sabi naman ni Aratiles.
"Sorry, baby, este, Miss Ara. Pero dito lang ako kung nasaan ka. Kaya makikita mo ang pagmumukha ko araw-araw." sabi ni Timothy.
"Bahala ka. Wag mo lang akong disturbuhin kapag nasa trabaho ako." sabi naman ni Aratiles dito.
"Got it." sagot ni Timothy at tumayo na para lumabas sa opisina ni Aratiles. Napailing na lang ang huli at sinimulan na muli ang trabaho niya. Sumakit pa ang ulo niya dahil sa nawawalang funds ng kumpanya.
Samantala, papito-pito pa si Timothy na bumalik sa mesa niya. Nasa mode siya dahil unti-unti na niyang nakuha ang loob ni Aratiles. Hindi na ito masyadong nagsusungit ngayon. Mukhang mababawasan na ang pagiging masungit nito. Bagay na ikatuwa ni Timothy. Binuksan ni Timothy ang laptop na nasa table niya. Kinuha niya ang isang flash drive sa bag niya. Hindi ito isang simpleng USB lamang. Isa itong hacking device. Since, IT graduate siya, alam niya kung paano mag hack ng system. Magaling siya sa paghack ng isang bagay. Kaya madali niyang ma trace kung sino ang may ginawang kalokohan sa kumpanya niya dahil dito. Kaya gagamitin din niya ang hacking skills niya upang malaman kung saan napunta ang mga nawawalang funds ng kumpanya nila Aratiles. Ang dami niyang kinutingting ng mag ring ang telepono sa tabi niya. Hinihack niya ang buong system ng kompanya.
"Hello." sabi ni Timothy matapos damputin niya ang telepono.
"Where is Aratiles?" Bungad agad ng nasa kabilang linya. Napakunot naman ang noo ni Timothy sa narinig.
"Excuse me. But may I know who's on the line, please?" tanong Timothy sa kabilang linya.
"I'm her uncle Tonny. Gusto ko siyang makausap ngayon na." pabalang na sagot ng kabila.
"Sir, miss Ara is busy at this moment. Hindi po siya pwedeng distorbuhin ngayon." mahinahon na wika ni Timothy, pero sa loob nito, gusto din nitong bulyawan ang nasa kabilang linya.
"Mas importante pa kaysa sakin na tiyuhin niya?!" sigaw ng nasa kabilang linya.
"Yes po. Mas importante pa sayo. I mean, may mga dokumento siyang kailangan pag-aralan dahil urgent po ito." sagot ni Timothy.
"Ah, leche! Gaano na yon ka importante at di niya ako makausap kahit sa telepuno man lang."sigaw nito sa kabilang linya. Nailayo naman ni Timothy ang telepono sa taenga niya.
"Sir, kalma lang po. Talagang busy lang po si Miss Ara." mahinahong wika ni Timothy. Di sumagot ang nasa kabilang linya. Buong akala ni Timothy ay wala na ito. Ngunit na gimbal nalang siya dahil may biglang alok ito sa kanya.
"Ikaw ang bagong assistant ni Ara, Right?" tanong nito sa kanya.
"Yes, po." sagot naman ni Timothy.
"How about, I'll give you 150,000 pesos. Magresign ka bilang assistant ni Aratiles. Katulad ng ibang assistant. Malaki na yon para sayo, right?" tanong nito. Naramdaman ni Timothy na nakangisi ito sa kabilang linya na akala mo siguradong papayag siya. Palihim niyang pimindot ang line na connected sa line ni Aratiles sa loob ng opisina. May narinig siyang beep senyales na sinagot ni Aratiles ang telepono. Mabuti nalang at di nagsasalita ang huli.
"Kaya po ba nag resign ang mga naunang assistant ni Miss Ara dahil binayaran mo po sila?" tanong ni Timothy.
"Yes. Mukhang pera din naman ang mga iyon kaya tinanggap. Mabuti nalang at masungit ang pamangkin kong iyon kaya may rason sila para mag resign." sabi nito at humalakhak pa talaga sa kabilang linya. Napailing na lang si Timothy. "So, deal? Tanggapin mo ang pera at magresign ka?" sabi pa nito.
"Actually, it's very tempting but I guess kulang na kulang po yong offer mo sir. Imagine mo, ang sahod ko dito is twenty five thousand per month. Yong 150,000 na offer mo ay pang anim na buwang sahod ko lang yon. After that, saan ako pulutin? Hindi pa ako sure kung may ibang kumpanya pa bang tatanggap sa akin pagkatapos non. Yong posisyon ko dito permanent na to. At mahigit pa one fifty thousand ang makuha ko dito kung magtatagal ako. I'm sorry, but it's a no deal for me. Pero kung sakaling offeran mo ako ng 10 million baka sakaling tanggapin ko po yon." pilosopong sagot ni Timothy sa kabilang linya.
"You!" sigaw ng nasa kabilang linya. Akmang magsasita ito ng putulin ni Timothy.
"Bye, sir. Have a great day." wika niya at ibinaba ang tawag. Tawang-tawa si Timothy matapos maibaba ang telepono. Nasigurado niyang nagpupuyos na ito sa galit.
Muling binalikan ni Timothy ang laptop niya. This time, nag load na ang lahat. Kitang kita nita kung saan napunta ang mga nawawalang pera ng kumpanya. At tama nga amg hinala nila. Sa account ng Tiyuhin ni Aratiles pumasok ang lahat. Gumamit lang ibang pangalan ngunit na trace pa rin niya dahil sa transaction gamit ang account na iyon. Nailing na lang si Timothy sa nalaman. Tumunog uli ang telepono niya kaya sinagot niya ito.
"Hello." wika ni Timothy.
"Bring me a coffee with milk in my office." narinig niyang wika ni Aratiles sa kabilang linya.
"Noted, miss Ara." sagot ni Timothy sa hulu. Pinatayan na agad siya ng tawag dito. Napailing na sini save ni Timothy ang mga file ang mga transactions ng tiyuhin ni Aratiles bago niya ito in exit. Tumayo siya at naglakad patungong pantry upang ipagtimpla ng kape ang amo niya. Nang matapos ay agad niya itong inihatid sa opisina ng dalaga. "Ito po ang coffee with love mo, miss Ara." Pabirong wika ni Timothy sa dalaga. Napataas naman ang kilay ng huli dahil sa sinabi nito. Bumuka ang bibig ni Aratiles parang gustong sabihin ngunit kalaunan ay muli nitong itinikom. Kinuha na lang nito ang kape at tumikim doon. Napa Tango-tango naman ito matapos uminom ng kape.
"Thank you." sabi ni Aratiles. "What's with the call?" tanong nito sa kay Timothy.
"What call?" maangmaangang sagot ni Timothy sa tanong ni Aratiles.
"With my uncle?" balik tanong ng huli.
"Ah, that? He offered me to resign as your assistant. In exchange, he will give me 150,000 pesos." parang wala lang na sabi ni Timothy dito.
"So, why did you accept his offer? Malaking halaga na yon lalo na sa isang katulad mong first time nakapagtrabaho." wika ni Aratiles sa tunong nang-iinsulto.
"Mahirap lang ako, pero may paninindigan ako. Hindi ko ipagpapalit ang pagkatao ko para lang sa pera." sagot ni Timothy.
"Good to hear that." sabi ni Aratiles na nagtataka ni Timothy.
"Hindi ka man lang nagulat na may ganong offer ang uncle mo sa mga naging assistant mo?" tanong ni Timothy. Nagkibit balikat naman si Aratiles.
"Matagal ko nang alam na ganyan ang ginagawa ng uncle ko sa mga naging assistant ko. Gusto niyang ipasok ang anak niya. In that way, mabilis niyang manamnaman ang mga kilos ko." sagot ni Aratiles dito.
"May pagkabobo din pala tong uncle mo. Nagsasayang lang ng pera. Kung ako siya, yong dapat yong assistant mo na lang ang ginawa niyang spy. Hindi pa siya ma stress sa kakalabas ng pera niya." sabi ni Timothy at tumawa ng malakas.
"What's funny? Masaya bang pinaglaruan lang ako ng uncle ko?" tanong ni Aratiles dito. Sumeryuso naman ng tindig si Timothy.
"Wag kang mag-alala, miss Ara. Hanggat nandito ako walang sinuman ang maaring manakit sayo. Pangako ko yan sayo." seryusong sabi ni Timothy.
Naguguluhan naman si Aratiles sa sinabi ng binata. Unang beses na may nagsabi sa kanya na pinoprotektahan siya matapos namayapang magulang niya. Bigla tuloy niyang na miss ang magulang. Bago ang aksidente na malunod ang magulang niya. Sinabi pa ng daddy niya na kahit anong mangyari pro protektahan siya niya laban sa kung sino man ang nais manakit sa kanya.