CHAPTER 4

2111 Words
HALATANG EXCITED SI Charlotte habang inaayos nina Olivia at Elijah ang mga gagamitin para sa paglalaro nila ng Ouija board. Naglatag sila ng banig sa damuhan saka pinatong ang board, isang maliit na libro na sobrang luma, kandila, lighter at ang baso. Namataan niya si Amelia na hindi mapakali habang nakatingin sa ginagawa ng mga pinsan. Nilapitan niya ito. "Ayos ka lang?" tanong niya. Yakap-yakap nito ang sarili at tiningnan siya sa mga mata. "I am not, Charlotte. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa gagawin ninyo. Pwede bang huwag na lang ituloy?" Lihim siyang nakaramdam ng inis para dito. Alam niyang medyo weird ang pinsan niyang ito pero hindi naman niya aakalain na may pagka-killjoy talaga ito. Pero kahit ganoon ay ngumiti pa rin siya. Hinawakan niya si Amelia sa balikat. "Huwag ka ngang negative diyan. Walang masamang mangyayari, okay? Isa pa, ngayon lang ako napunta rito kaya please, Amelia. Pagbigyan mo na kami. Okay?" Hindi ito sumagot. Tumalikod na lang ito ay naupo sa banig. Nagkibit si Charlotte ng balikat at bumuntonghininga. Lumapit siya kay Elijah na pinupunasan ang board. Natawa siya. "Mukhang ang tagal na ng board na iyan ah!" aniya. "Oo nga. Actually, hinanap ko pa ito kanina. Akala ko ay naitapon na. Iyon pala ay naka-box sa likod ng malaking aparador doon sa kwarto." Tumaas ang kilay niya. "Paano mo nga pala nabuksan iyon?" Ngumisi ang pinsan niya saka may dinukot mula sa bulsa. Tinaas nito sa kamay na may hawak ng susi. "I got this from Manang Isa's cabinet." Tumawa pa ito ng mahina. Manang Isa is their all around maid. Matagal na itong naninilbihan sa pamilya ng papa niya at hindi na maalala ni Charlotte kung kailan ito nagsimula sa serbisyo. Nakipag-high five siya kay Elijah. "Nice one." "Everything is settled!" ani Olivia. Napangisi na lang siya saka pumwesto. Pumalibot sila sa Ouija board at nang mapansin nila si Amelia na hindi nakitabi sa kanilang gilid ay napasingot siya "Amelia, come on! Join us!" aniya. "Oo nga. Tara na. Minsan lang nama natin ito gagawin. Exciting ito!" ani Olivia. "Ayaw ko." "Ang killjoy mo naman! Parang hindi pinsan, e!" ani Elijah. "Look, hindi ako killjoy. Sadyang hindi lang talaga maganda ang gagawin ninyo. May ideya ba kayo kung ano ang pwedeng mangyari oras na laruin ninyo iyan?" Tinuro pa nito ang Ouija board. "Wala kaming ideya kaya nga susubukan para malaman, di ba?" aniya rito. "Halika na. Please!" "No. Dito lang ako. Kayo na lang maglaro niyan! Basta binalaan ko kayo. Hindi magandang laro or trip ang mga ganiyang bagay!" anito saka humalukipkip. Napailing na lang siya. Nang lingunin niya sina Elijah at Olivia, sabay-sabay na lang na nagkibit sila ng balikat. Sinindihan ni Elijah ang kandila saka lumingon sa kanila. "Are you ready?" tanong pa nito. "Yes!" "Oh yeah!" Baka sa tinig nina Charlotte at Olivia ang pagkasabik sa gagawing laro. Hinawakan ni Elijah ang maliit na libro. "Sabi rito, ipatong daw natin ang mga daliri natin sa ibabaw ng baso." Tinapat nila ang baso kung saan walang nakasulat na kahit anong letra o numero sa board, doon sa mismong gitna. "Hindi ka ba talaga sasali, Amelia?" huling tanong niya sa pinsan. Umiling lang ito habang hindi na maipinta ang mukha. "Hayaan na nga natin siya, Charlotte," ani Olivia at humarap sa pinsang lalaki. "Let's go, Elijah. Let's start!" Tumango ang lalaki saka nagpatuloy. "Huwag daw lagyan ng pwetsa yung daliri natin. So gaanan lang ang pagpatong! Huwag ninyo bigatan, sasakalin ko kayong dalawa!" Natawa siya. "Oo na!" Nagpatuloy si Elijah. Umusal siya ng panalangin na siyang nakasulat na maliit na libro. Magkahawak kamay sina tatlo habang nagdarasal ito. Nang tumigil si Elijah, nagkatinginan silang tatlo. Magsasalita sana si Charlotte nang biglang humangin. Muntik na mamatay ang apoy sa kanila kaya akma siyang bibitiw sa kamay ni Olivia pero sumigaw si Amelia mula sa gilid nila. "Huwag kang bibitiw, Charlotte! Please, stay still!" anito. Nagtataka siyang lumingon sa pinsan. "Mamamatay yung apoy." Nakatitig doon si Amelia. Tila pinanonood ang pagsayaw ng apoy ng kandila. "Hindi iyan mamamatay. Sinimulan na ninyo... Ituloy mo na, Elijah." "She's so weird," aniya kay Olivia. "Okay," ani Elijah. Huminga ito nang malalim bago muling nagpatuloy. "Ligaw na esperitu, nandyan ka na ba?" mahinang wika nito. Ang mga mata ni Charlotte ay na kay Elijah na siyang nakapikit na ngayon. Si Olivia man ay ipinikit na ang mga mata. Sinulyapan niya si Amelia na nakatayo na ngayon. Nakatitig pa rin sa apoy. "Ligaw na esperitu, nandyan ka na ba?" Ulit na wika ng pinsan niya. "Ligaw na esperitu, inuulit ko, nandyan ka na ba?" Gumapang ang kaba sa dibdib ni Charlotte nang bahagyang gumalaw ang baso. Napalingon siya kina Elijah at Olivia. Kahit ang mga ito ay gulat na gulat na rin. "Olivia, did you push the glass?" mahinang tanong niya sa pinsan. Umiling ito. "I'm not! I swear!" "Lalong hindi ako!" ani Elijah. Lumunok ito bago nagpatuloy. "Ligaw na esperitu, nandyan ka na ba?" Ramdam na ramdam ni Charlotte ang malakas at malamig na hanging dumampi sa kaniyang katawan. Nagtayuan ang kaniyang mga balahibong pusa nang tumapat sa 'Oo' ang baso. "Oh, God! She's here!" ani Olivia. "She?" tanong niya. "Ask mo nga, Elijah kung babae siya or boy. Baka magalit!" Tumango ang pinsan niya. "Ligaw na esperitu, babae ka ba?" Muling gumalaw ang baso at tumapat sa salitang 'Hindi'. "Oh my... He's a guy!" ani Olivia. "Shh..." saway niya rito. ""Ligaw na esperitu, anong pangalan mo?" muling tanong ni Elijah. Unti-unting gumalaw ang baso at pumunta sa mga letra. 'F... R... A... N... C... O' "Franco?" aniya. "Tapos? Ano ng gagawin natin?" tanong na ni Olivia. "Just ask him," aniya. "About?" "About anything! Just ask him!" aniya. Humangin nang malakas kaya naman kinabahan sila. Naramdaman nilang naupo si Amelia sa tabi niya pero ang mga mata ay nakatitig lang sa apoy na nasa kandila. "Amelia?" tawag niya rito. "He's here." Lumingon ito kay Elijah. "Now, he's here. Bakit hindi kayo ngayon magtanong nang magtanong. Ito ang gusto ninyo, di ba?" Ngumisi ito. Kinabahan siya. "Amelia, hindi ka nakakatuwa." "Mukha ba akong nagpapatawa? Mukha ba akong nagbibiro? I am serious. Magtanong na kayo. Naghihintay siya." Lumingon ulit ito sa apoy. Dahil sa sinabi ng pinsan niya, nakaramdam siya ng inis para dito. "Shut up, Amelia. Alam namin ang gagawin namin. Manahimik ka na lang." Ngumisi ito. "Okay." Humarap siya kay Elijah. Kung kanina ay sabik na sabik itong maglaro, ngayon ay iba na ang ekspresyon ng mukha nito. Tila takot na at kabado. "Hey, are you okay?" "O-oo." "Olivia?" aniya sa katabing pinsan na bahagya ng nanlalamig ang mga kamay. "I-I am okay. Let's continue." Huminga nang malalim si Elijah bago nagsimula. "F-Franco, p-paano ka namatay?" tanong nito. Ilang sandali ang lumipas, hindi gumalaw ang baso. Nagkatinginan sila. "Bakit wala?" "Ask him again. Try it," aniya. Tumango si Elijah kahit pinagpapawisan na ng butil-butil sa noo. "F-Franco, p-paano ka namatay?" Napangiti si Charlotte nang gumalaw ang baso sa mga letra. Unti-unti niyang binubuo iyon hanggang sa makabuo ng salita. "Hin...di... Ko... A...lam..." aniya. "Pwede ba yung hindi niya alam?" "I-I don't know," ani Elijah. "Tuloy—wait! It's moving again!" Gumalaw ang baso hanggang sa makabuo ulit ng salita. "Tu...long," aniya. Hindi niya alam pero tila may kung ano sa isip niya ang nagsasabi na tigilan na pero sa isang parte ay ipagpatuloy pa. Tiningnan niya ang mga pinsan at kumunot ang noo niya nang makitang nakangisi sa kaniya si Amelia. "Bakit?" Nagkibit ito ng balikat. "He's aking for your help, cousin." "Amelia—" aniya pero muli itong nagsalita. "I warned you, right? Ngayon, nandyan na siya at humihingi ng tulong. Ano? Paaasahin ninyo siya?" Natawa ito. "Charlotte?" Nag-iwas siya ng tingin. Sa totoo lang ay mas natatakot pa siya ngayon sa kaniyang pinsan kaysa doon sa Franco na iyon. Malay ba niya kung toyoo o hindi iyon. Ngunit ang awra ng pinsan niya, ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya ay may dalang kakaibang kilabot. Nagtatayuan ang mga balahibo niya lalo na nang tumalungko ito sa kaniyang harap. "Amelia, stop it. It's not funny!" aniya. "Wala ng ibang paraan pa para mapatigil iyang si Franco." Humarap ito kay Elijah. "Ask him again. Maglaro pa kayo." Inis na bumitiw siya kay Olivia at tinulak si Amelia. "Ano. Ang problema mo!?" Kahit nabigla si Amelia, hindi nito pinansin ang pagtulak niya sa kaniya bagkus at gulat na gulat itong napatingin sa kamay niya. "Bakit ka bumitiw!?" anito. Natigilan si Charlotte at tiningnan ang kamay. Sinulyapan din si Olivia. "B-bakit? Ano bang mangyayari kapag—" Hindi na naituloy ni Charlotte ang pagsasalita nang humangin nang malakas. Kasabay niyon ay ang pagpatay ng kandila pati na ang lahat ng ilaw sa garden. Tanging liwanag na mula sa buwag lang ang nagbibigay sa kanila ilaw sa lugar na iyon. Ang mga puno ay animo sinasayaw ng malakas na hangin. Naiyaka ni Charlotte ang braso sa kaniyang sarili. "Amelia! Anong nangyayari?" Naramdaman niya ang mga pinsang niyang tumabi sa kaniya pero si Amelia, nakatingin lang sa kung saan. "Amelia!" tawag niya rito. Tumingin ito sa kaniya at gusto niya panlambutan ng tuhod nang makitang may takot sa mukha nito. "Hindi ka dapat bumitiw, Charlotte. Mas binigyan mo siya ng dahilan para manatili rito. Pinaasa mo siyang tutulungan pero..." "Amelia, ano bang sinasabi mo?" tanong niya sa pinsan. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. "Amelia, please tell me. Nagbibiro ka lang hindi ba? Hindi nakakatuwa ang biro mo!" "Hindi ako nagbibiro, Charlotte. Binalaan kita. Huwag kang bibitiw pero bumitiw ka. Tinawag ninyo ang kaluluwa no Franco and now, what? Hindi siya makabalik sa kung nasaan na sana siya." Umiling siya. "Hindi ko maintindihan. Please, tama na. Tigilan na natin ito!" "Huli na ang lahat, Charlotte." Lumapit sina Elijah at Olivia kay Amelia upang patigilin sa sinasabi. Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagdagundong ng kaba sa kaniyang dibdib. "A-ano?" "Hindi nagustuhan ni Franco ang paggambala ninyo sa kaniya tapos iiwan sa ere. Galit siya, Charlotte. He's mad at you!" "S-sa akin? Teka, bakit sa akin?" Umiling si Amelia. "H-hindi ko alam. Charlotte, Elijah, Olivia, binalaan ko kayo pero hindi kayo nakinig. Hindi ko alam kung paano mapapakalma si Franco. Hindi ko—" "Tama na, Amelia! Walang Franco, okay? Hindi siya totoo! Walang nagagalit na multo. Enough with this s**t!" aniya. Tiningnan siya ng masama ng pinsan. "Hindi ka ba naniniwala sa akin?" Buong tapang niyang sinalubong ang tingin nito. "Oo. Hindi ako naniniwala sa iyo." Ngunit ganoon na lang ang pangingilabot ng katawan ni Charlotte nang may marinig siya mula sa kaniyang kanang tainga. "Iyon ang akala mo." Mahina lamang iyon at animo hangin lang pero malinaw niyang narinig ang mga salitang iyon. Nanlalaki ang mga mata ni Charlotte. Nanginginig ang buong katawan niya habang nakatingin sa mga pinsan ang mga mata. "Charlotte, are you okay?" tanong ni Elijah. Huminga siya ng malalim bago tumango. "O-oo. Ayos lang ako." Naisip niya na baka pinaglalaruan lang siya ng kaniyang isip. Napalunok siya nang simulang humakbang palapit sa pinsan ngunit natigilan na naman siya nang muling may marinig na tinig mula kung saan. "Tulungan mo ako," bulong ng kung sino. Naitakip niya ang mga kamay sa magkabilaang tainga saka tumingin kay Elijah. "Did you h-hear that?" Nagkatinginan ang tatlo. "A-ang alin?" "Charlotte, ano ba iyon? Natatakot na ako," ani Olivia na mangiyak-ngiyak na. "M-may nagsalita. Hindi ba ninyo narinig?" Lumapit siya kay Amelia. "You heard it, right?" Umiling din ito at hinawakan ang kaniyang mga kamay. "Wala akong narinig pero... Nararamdaman ko siya." Namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Ang takot ay unti-unting gumagapang sa kaniyang katawan. Nanlalamig na rin ang mga kamay niya. "H-hindi... Ah, baka n-nagkamali lang ako." Tumawa pa si Charlotte. "T-tama-tama. Baka nagkamali lang ako—" "You're not..." Nanlaki ang mga mata niya nang muling marinig ang tila mula sa hangin na tinig. "S-sino ka ba!? Lubayan mo ako!" aniya. "I'm here. Look at me." Natigilan siya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang utos na iyon. Mula iyon sa gawing kanan niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Bumiling muna siya ng isa hanggang lima bago humarap sa gawing kanan nang nakapikit ang mga mata. Narinig niya ang mga pinsan niyang tinatawa ang kaniyang pangalan pero hindi niya iyon pinansan. Buong tapang niyang binuksan ang mga mata. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa kaniyang harapan. "Hi!" Napasigaw na lang si Charlotte kasunod niyon ay ang pagdilim ng kaniyang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD