CHAPTER 1
PAYAPA ANG TUBIG na dumadaloy sa ilog. Ang hangin ay napakapresko dahil na rin sa mga punong nagsisilbing lilim sa lugar.
"Pasensya ka na, nahuli ako!" ani isang lalaki na hinihingal pa sa kabila ng pagsasalita.
Nakangiting inayos ni Charlotte ang basket na may laman ng mga pagkain. Isa-isang nilalabas at nilalagay sa kulay pulang tela na nagsisilbing sapin sa damuhan.
"Ayos lang. Maaga ka pa nga, e!"
Napakamot ang lalaki sa ulo nito saka ngumiti sa kanya.
"Bakit ang dami mong baon na naman? Mag-aaral lang naman tayo tumugtog ng gitara." Tinaas pa nito ang hawak na gitara.
Nagkibit-balikat sya. "Malakas ako kumain. Alam mo naman iyan. Halika na, kumain muna tayo bago tayo magsimula."
Lumapit sa pwesto nya ang lalaki ay maingat na naupo sa tabi nya.
"Sa tingin mo ba kaya natin to ubusin?"
"Kapag di mo naubos, ako ang kakain. Masarap kaya ang mga ito!"
"Takaw talaga, e!"
"Ano!? Hoy! Malakas lang ako kumain pero hindi ako matakaw!"
"Parehas lang iyon."
"Ano!? Hindi, ah!" aniya saka umismid.
"Biro lang. Ikaw naman. Sorry na," anito.
Hindi nya ito pinansin at nagkunwaring abala sa pag-aayos ng pagkain. Naramdaman na lang nya ang magaan na kamay nitong humawak sa kanya. Napalingon sya rito.
Pinilit nyang mukhaan ang lalaki pero kagaya ng palagi nyang napapanaginipan, malabo ang mukha nito at hindi nya makilala.
Napadilat sya at habol-habol ang hininga nang magising. Napahawak pa sa dibdib si Charlotte dahil nagsisimula na naman syang malungkot. Wala syang ideya kung bakit pero ganito sya palagi tuwing mapapanaginipan ang lalaking iyon.
MALAPAD ANG ngiti ni Charlotte nang maipatong nya sa mesa ang nilutong putahe. Ang mechado na paborito ng kanyang mommy kaya ito ang kanyang inihanda.
"Amoy pa lang, nakakabusog na, anak," ani mommy ni Charlotte saka sya niyakap. "Salamat dito."
"No worries, mommy. Nasaan si Daddy?" tanong nya nang hindi makita ang ama sa likuran ng kanyang ina.
"Kausap nya ang tita mo sa phone. Hintayin na lang natin," anito.
Tumango sya saka nagsalin ng tubig sa mga basong nasa mesa. Ang kanyang mommy naman ay pinunasan pang muli ang mga pinggan lalo na ang pinggan ng asawa.
Napangiti si Charlotte. Ganito ka-OC ang kanyang mommy at hindi lang naman sa kasangkapan ito ganito. Kahit saang bagay ay maingat at maalaga talaga ito. Bagay na nakuha nya yata.
Naupo sya sa silya. Katapat nya ang kanyang mommy habang ang ama naman nya ang palaging nakapwesto sa gitna nilang dalawa.
"Kumusta pala ang mga projects and assignment mo, anak? Hindi ka ba nahihirapan?" tanong ng mommy nya habang pinagmamasdan sya.
Ngumiti sya rito. "Maayos naman po. Nakapagpasa na ako kahapon kaya pwede na ako mag-relax ngayon."
"Mabuti naman. I am sure na maeenjoy mo ang semestral break mo next week."
"Kaya nga, mommy. Well, deserve ko naman po na mag-relax. Lalo't galing din akong event last week. Ang hirap kaya pagsabayin ng cooking festival at ng paggawa ng projects."
Naramdaman nya ang kamay ng mommy sa kanya. "Of course, hija. May gusto ka bang gawin next week? Mag-out of town kaya tayong tatlo ng Daddy mo? What do you think?"
Sandali syang nag-isip. "Pwede rin, mom pero hindi ba kayo busy ni Daddy sa restaurant?"
Umiling ito. "May mga managers naman tayo na pwedeng mag-manage ng restaurant natin. I think kailangan din namin ng Daddy mo ng break."
Ngumiti sya. "Oo naman po. Kayo ni Daddy ang mas deserving na mag-take ng break kaysa sa akin. Palagi na lang kayong busy sa restaurant."
"Do you think papayag ang Daddy mo kung aayain natin sya?"
"Of course, mommy!" Buong kompyansa syang ngumiti at kumindat dito. "Ako po ang kakausap. Never pa yata akong tinanggihan ni Daddy sa gusto ko."
Tumango ang mommy nya saka hinaplos ang kanyang pisngi. "Ginagamitan mo kasi palagi ng pagpapa-cute, e! Kahit ako, wala akong magawa sa iyo. Ang hirap mo tanggihan." Pinisil pa nito iyon.
Kaagad syang napangiti rito. "Thank you, mommy pero dalaga na ako. I am eighteen years old."
"Oh, bakit? Kahit na tumanda at magkaanak ka, ikaw pa rin ang baby namin ng Daddy mo."
"Mommy naman..."
Tumawa ito saka tumango na animo sumusuko sa kanya. "Oo na, oo na!"
Muli silang nagtawanan at iyon ang naabutan ng kanyang ama habang dala ang cellphone.
"Aba, mukhang nagkakasiyahan kayong mag-ina, ah!" Lumapit ito sa kanila at naupo sa silyang nasa gitna nila.
"Ito kasing anak mo, ayaw na nyang bine-baby natin sya."
Tila gulat na lumingon ito sa kanya. "Talaga? Anak, bakit? Ayaw mo ba na ganoon pa rin ang trato namin sa iyo?"
"Hindi naman po sa ayaw, dad. Ang tanda ko na po kasi para i-baby pa ninyo ni mommy."
Lumungkot ang mukha ng mga magulang nya. Alam nya na hindi iyon totoo at nagpapanggap lang ang mga ito.
Ngumiti sya nang malapad sa mommy at daddy nya. "Huwag na kayo malungkot dyan! Kumain na po tayo!"
Natawa na lang ang mag-asawa saka sila nagpasyang simulan ang hapunan. Nasa kalagitnaan na sila nang tila may maalala ang daddy nya kaya nagsalita ito.
"Hindi ba at semestral break mo next week?" tanong nito sa kanya.
Uminom muna sya ng tubig bago tumango. "Yes, daddy. Bakit?"
"Good! Saktong-sakto. May titingnan kasi akong lupa sa Bulacan. Maganda raw at malaki. Malapit lang sa Bayan kaya mukhang maganda tayuan ng isa pang branch ng restaurant natin."
"Oy sakto nga! Actually, kanina lang ay pinag-uusapan namin ng anak mo na ayain kang mag-out of town." Lumingon ito sa kanya. "Gusto mo ba sa Bulacan, anak?"
Tumango sya. "Ayos lang din po since matagal na mula nang huli tayong bumisita roon. Sa ancestral house po ba tayo mag-stay?"
Tumingin ang daddy nya sa mommy nya. Tila hinihintay din ang opinyon nito.
"Of course. Doon na lang. Para makabisita rin tayo sa mga kamag-anak ng Daddy mo. Di ba?"
Bakas ang kasiyahan ng ama nya sa mukha nito. "Oo, tama."
"Sige po. Namimiss ko na rin ang mga pinsan ko roon."
"Ihahanda ko na mamaya ang mga dadalhin natin para bukas, sa restaurant naman ako magbibilin sa mga staff," ani mommy nya.
UMAKYAT SI CHARLOTTE sa kanyang silid. Pagkasara pa lang ng pinto, kaagad na syang umupo sa harap ng kanyang study table kung saan nakapatong ang laptop at mini-speaker nya.
Namili kaagad sya ng kanta na ipapatugtog habang nag-aayos sya ng mga gamit na dadalhin sa Lunes.
Kaagad na pumailanlang sa ere ang tugtugin ng sikat na korean boy group na SEVENTEEN na Second Life. Napangiti na lang sya nang marinig ang swabeng boses ng vocal unit saka sya napangiti.
If a second life
That's different from now is to come to me
Will I be by your side? Will you be by my side?...
I imagine things like this
Even if they're words I mentioned as a joke
Will you believe me?
Even if it's a funny imagination...
Iba talaga ang dating ng kantang ito sa kanya.
On a sudden day when I'm left alone
I'll take my steps towards you again
When I see my face in your two eyes
As if the world has stopped, I will hug you
If I am given a second life
I may live and breathe differently compared to now
We'll walk past each other unknowingly, I hope we remember each other
Even in our next life, even at that time, I'll go to you...
Lumingon sya sa buong kwarto nya. Hindi maitatanggi na isa syang fangirl dahil puro mukha ng SEVENTEEN ang mga naka-display rito. Ang study table nya at puno ng mga full set and complete albums ng nasabing boy group. May fairy lights din na syang nagbibigay liwanag at nagdadagdag ng magandang aura sa kanyang silid.
We’re already beautiful
I like it because it's us
The look in the eyes
The gestures that need no words
Even in a second life
That's different from now, come to me
The only thing I can say is
That I'm going to be by your side
On a sudden day when I'm left alone
I'll take my steps towards you again
When I see my face in your two eyes
As if the world has stopped, I will hug you...
Humilata sya sa kanyang kama saka napapikit. Hindi nya namalayan na unti-unti na syang hinihila ng antok hanggang sya ay makatulog.