Pero ipinapangako niya na gagawin niya ang lahat para magbago ang tingin nila sa babaeng minamahal niya. At ito ang simula, ang makilala sya ng lahat dito sa party. Sa nakikita niya ang lahat ay nasisiyahan sa galing nilang tumugtog at galing nitong vocalist.
Sinisigaw pa ng mga bisita ang name ng band ng mga ito na MALAYA. Maging ang Mama at Papa niya ay umiindak din sa saliw ng reggae music na tinutogtog ng mga ito. Nakailang tugtog ang mga ito bago niya pinatigil muna. Oras na kasi para kumain ang mga tao. Natawa pa siya ng tila nais pang tumutol ng mga bisita.
"Guys, napapagod na po ang ating banda kaya mas mabuting magsikain na po muna tayo. Enjoy your food guys, mamaya nalang ulit tayo mag indakan," magalang niyang sabi sa mga bisita.
Bago nagsialisan sa mga pwesto ang mga ito, masigabong palakpakan muna ang ipinagkaloob nito para sa banda nina Shaheera, ang iba ay nagsigawan pa at isinisigaw ang pangalan ng banda nila.
Nag appear ang apat at masayang nagyakap. Tsaka pumunta na ang tatlo sa buffet para kumuha ng pagkain. Naiwan sila ni Shaheera sa stage.
Naiilang ito sa kanya kaya siya na ang unang nagsalita.
"Hello Shaheera, I'm Raizen Villamor. Ako iyong kausap mo sa phone," ngitian niya ito, iyong ngiting tila nakikipagkaibigan.
"S-Salamat po pala sa pag-imbita samin at happy birthday po," tila nahihiyang pahayag nito.
Natawa siya, ang cute cute kasi nitong tingnan. Di tuloy niya napigilan ang sarili. Napisil niya ang dalawang pisngi nito ng wala sa oras. Huli na para mapagtanto niya ang nagawa.
"Ahhemm, uhmm s-sorry diko lang napigilan. Ang cute mo kasi ei, para kang baby na mahiyain," tila teenager niyang sabi, feeling nga niya nagblush siya.
Pero ito totoong nagblush sa narinig, para itong paslit na batang nilaro-laro ang daliri habang nakatungo.
"Kain kana, halika samahan mo ako," aya niya dito, nahiya lang siguro itong tumanggi kaya napilitang sumama sa kanya.
Kinuhaan niya ito ng pagkain, bago pinaupo sa may bandang sulok na may lamesa,bago siya kumuha ng pagkain niya. Nakangiti siyang lumapit dito habang hawak-hawak ang pagkain na nasa kanyang kanang kamay. Ngunit hindi niya napansin ang balat ng saging na nasa harapan niya. Natapakan niya iyon at nadulas.
Napahiyaw si Shaheera dahil sa kanya natapon ang hawak-hawak nitong pagkain. Naagaw naman ang pansin ng lahat dahil sa nangyari. Agad siyang tumayo at dinamayan si Shaheera.
"Oh my God! I'm so sorry Sha, diko sinasadya." hinging paumanhin niya habang tinutulungan itong alisin ang nagkalat na pagkain sa damit nito.
Natigilan na lamang siya ng marealize na hawak-hawak na pala niya ang dibdib nito. Doon nagkalat ang maraming pagkain kaya doon sana niya ito balak pagpagan. Agad na naalis niya ang kamay, si Shaheera naman ay tila niyakap ang sarili. Lalo na itong nahiya sa kanya at ganon din siya. Tamang-tama namang lumapit ang kanyang Mama sa kanila.
"What happen here?! Oh my God! Hijo anong ginawa mo?!"
"Sorry Ma, hindi ko po talaga sinasadya."
"Naku, pasaway kang bata ka! Di bale, halika na hija, may dala ka bang pamalit na damit?" tanong ng Mama niya.
"Wala nga po Mam ei, pwede po ba makahiram kahit na tshirt nalang ninyo," tila nahihiyang sabi nito.
"Oh sure hija, ako ang bahala sayo. Lika na ha, maligo ka muna kasi mangangamoy ulam ka sa ginawa ng lalaking ito," sabi ng Mama niya, kinurot pa siya nito kunyari.
Napangiti naman si Shaheera na ikinabilis ng pagtibok ng puso niya. Pagkuwa'y umalis na ang mga ito.
Halos malula naman sa karangyaan ng loob ng bahay na iyon si Shaheera. Kung maganda sa labas, mas mapapa-wow ka sa loob. Sa isang malawak na silid siya dinala ng butihing ginang, itinuro siya nito sa banyo at inutusang maligo doon,habang ito ay abala sa pagkalkal ng kabinet na nadon.
Dyosko kahit banyo, halos buong kwarto na niya iyon sa bahay niya. Iba talaga pag mayaman. Nangingimi tuloy siyang maligo doon, madudumihan kasi ang sahig ng banyo. Pero nag-aalala siyang baka mainip sa kanya sa paghihintay ang ginang kaya naligo ng siya ng madalian.
Lumabas siya ng nakatuwalya pero may suot siyang panloob, di naman natagos iyon kaya okey lang na isuot niyang muli. Nakangiti siyang sinalubong ng ginang, hawak-hawak ang isang kulay light blue na gown.
"Heto nalang hija ang isuot mo, bagay na bagay yan sayo. Damit iyan ni Rebecca ang Ate ni Raizen, isang beses lang niya isinuot yan. Nasa Amerika sya kaya hindi nakadalo sa party ni Raizen. Kasya ito sayo dahil magkasing katawan lang kayo ng isang yon," tuwang-tuwa ang ginang habang pinapakita sa kanya ang gown na kulay light blue.
Medyo napangiwi siya, sa tanang buhay kasi niya hindi pa niya naranasan ang magsuot ng gown pero nababasa niya ang kasiyahan sa mata ng ginang kaya napaka walang konsensya naman niya kung hindi niya ito pagbibigyan. Kaya pumayag siya, tinulungan pa siya nitong isuot yon.
"Oh my God! Napakaganda mo hija! Bagay na bagay sayo!" bulalas nito.
Pinaharap siya nito sa salamin at kahit sya ay nagulat din, parang ibang tao ang nasa harapan niya. Ganito pala ang hitsura nya kapag nakagown. Pinaupo siya nito sa may harap ng salamin.
"Pano ba to hija, hindi bagay ang style ng buhok mo sa gown mo," tila namomroblemang pahayag nito.
Napangiti na lamang siya dito.
"Ahah! May wig nga pala dito si Rebecca," masayang bulalas nito.
Tsaka binuksan ang isang drawer.
Isang wig yon na tila nakaayos ng dati. Itinali ng ginang ang buhok niya at pinagsumikapang itaas para maitago sa wig.
Napangiti ito ng matapos iyon, nilagyan pa nito ng hairban na mas lalong bumagay sa wig kaya nagmukha siyang prinsesa sa ayos niya. Hindi pa ito nasiyahan at nilagyan pa siya ng manipis na make up na bumagay lalo sa itsura niya. Halos hindi siya makapaniwala sa hitsura niya. Maging ang ginang ay tila nabatobalani sa angkin niyang ganda.
"Your so beautiful hija, lika na sa labas sigurado magugulat silang lahat sa ayos mo," nasisiyahang sabi nito sa kanya.
Kinuha nito ay isang pares ng sandals at pinasuot sa kanya. Medyo hindi siya sanay sa ganong sandals pero kinaya naman kaya lang medyo hirap siya sa paglalakad.
Itutuloy