bc

BINIBINING REGGAE (Completed) - FREE

book_age16+
1.8K
FOLLOW
3.6K
READ
others
others
band
drama
bxg
others
like
intro-logo
Blurb

Binibing Reggae isang kwentong kapupulutan ng aral ng mga taong mahilig sa musika at hilig ang ganitong uri ng musika. Para din ito sa mga taong mahilig mang alipusta ng kapwa lalo na kung may mga kapintasan silang nakikita dito.

Isa nanamang maikling kwentong handog ko sa inyo, na siguradong luluha, kikiligin at talagang mai-encourage kayong magpatuloy sa laban ng buhay, lalo na iyong mga taong ang buhay ay ang pagtugtog ng musika. Baka kapag matapos ninyong basahin ang kwentong ito, naisin nyo na ring maging Binibining Reggae.

Mga Reggae Lover dyan, para sa inyo to.

"REGGAE is not Red, Yellow and Green.

REGGAE is not Dreadlocks.

REGGAE is not g***a.

REGGAE is LOVE, PEACE, UNITY.

REGGAE is POSITIVE VIBES.

REGGAE needs RESPECT.

RASTA needs RESPECT. "

- Rohitha J- JAYASRI

chap-preview
Free preview
Part 1
"Wow astig! Ang ganda nya pare! Rasta girl, nakakainlove syang pagmasdan!" narinig ni Shaheera na sinabi ng isang lalaki. Isa ito sa mga nag-uumpukang kalalakihan na nasa may gilid ng kalsada. Ang lahat ay nakatuon ang pansin sa kanya. "Naku, mare ayan nanaman yong adik na babae. Tingnan mo nga ang suot, puno ng drawing ng marijauna, matingkad ang kulay ng damit. At ang buhok, mukhang hindi pinaliluguan tingnan mo nga, ano bang tawag sa ganyang style. Masamang ehemplo yan sa mga kabataan dito satin, dapat pinalalayas na yan dito sa lugar natin ei," sabi naman ng isang Ginang na parati nalang siyang pinariringgan, iyon bang tila ipinaglihi ito sa sama ng loob at siya ang laging nakikita kahit hindi naman niya ito pinakikialaman. "Naku mare, kaya siguro mag-isa sa buhay yan ni walang dumadalaw diyan sa bahay nya ei dahil baka hindi tanggap ng pamilya nya ang pagkaadik nya. Kahit ako naman ang magkaron ng ganyan anak. Adik na nga, makikita palang sa pananamit at puro tattoo pa. Naku, itatakwil ko din talaga!" sabi naman ng kausap nitong kapitbahay, na isa ring binabantayan yata lahat ng ikinikilos niya. Masakit ang sinabi nito, tumagos hanggang sa kailaliman ng kanyang puso na animo sugat-sugat na dahil sa lahat ng pang aalipustang nararanasan niya. Pero ika nga, manhid talaga siya. Never siyang nagpaapekto sa sinasabi ng iba. Ito siya ei, sa ganitong porma at ganitong hilig siya masaya kaya walang sinuman ang makakapagpabago sa kanya. Kadalasan napapagkamalan siyang adik, pakawala, nagbebenta ng pinagbabawal na gamot. Pero ang totoo kabaliktaran ang lahat ng ito. Unang-una hindi siya nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, hindi din siya gumagamit nito. Hindi siya adik, hindi siya masamang tao. Sadyang ito lamang ang kanyang nakahiligan. Isa siyang vocalist ng bandang siya mismo ang bumuo. Kadalasan nilang tinutogtog ay mga reggae songs na pinakapaborito niya at pinakaminahal niyang uri ng musika. Kadalasan, masama ang iniisip ng mga tao kapag naririnig ang kantang ito. Katulad rin ng iniisip ng mga ito kapag nakikita siya. Kesyo pang adik, kesyo mga m*******a users o kung ano-ano pa. Minsan nais na niyang sagutin ang mga ito pero naisip niya,ano ba ang mapapala niya kung papatulan ang mga ito. Mahirap ng baguhin ang nakasarado ng isipan ng mga ito. Siya si Shaheera Quiocson, 24 years old na hilig talaga ang pagkanta at pagsusulat ng mga songs. Graduate siya bilang isang nurse pero mas pinili niya ang pagkahilig niya sa pagkanta. Apat silang magkakapatid, pangatlo siya pero katulad ng sinabi ng mga walang magawa niyang kapitbahay. Itinakwil siya ng sariling pamilya ng dahil sa hilig niya. Tinanggap niya lahat iyon kahit sobrang sakit dahil ang kanyang Papa na pinakamamahal niya ang hindi siya matanggap bilang siya. Umalis siya ng bahay nila, baon niya sa isipan at sa puso niya na kapag sikat na siya matatanggap din muli siya ng pamilya. Ngunit wala yata siyang swerte sa pagiging vocalist ng kanilang banda. Halos tatlong taon na rin kasi niyang itinayo ang kanilang banda ngunit wala pa ring nangyayari. Palagi paring sa mga pipitsuging bar sila tumutogtog. Minsan naiisip niya na tumigil na pero sa kanya kasi umaasa ang tatlo pa niyang kasamahan sa banda. Oo siya ang babae pero siya ang dumidiskarte ng lahat. Pati na mga gig nila siya ang nag-oorganisa. Kung titigil siya papano na ang mga ito, lalo pa at malapit ng manganak ang asawa ni Jayve. Si Jayvee ang kanilang bass guitarist, isa ito sa pinakamalapit sa kanya. Hinayaan na lamang niya ang mga kapitbahay na pinag-uusapan siya at nagpatuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa may tapat ng isang factory ng damit. Patungo siya noon sa labasan sa may pilahan ng tricycle na maghahatid sa kanya sa sakayan ng jeep. Napatingin siya sa may pinto ng factory at napansin niya ang lalaking nakasuot ng poloshirt at short na bumagay sa mamahalin nitong sapatos. Nakatingin ito sa kanya, hindi niya alam kung bakit tila yata nahiya siya sa paraan ng pagtitig nito. Bakit parang naconcious yata siya bigla na hindi naman siya ganon dati. Hindi din niya maintindihan ang sarili kung bakit tila medyo bumibilis ang t***k ng puso niya habang nananatiling nakamasid ang lalaki. Blanko lang ang expression ng mukha nito kaya hindi niya mabasa kung ano ba talaga ang nasasaloob nito. Pagkuwa'y nagpatuloy na siya sa paglalakad at patay malisya nalang na nilampasan niya ang lalaki. Patungo siya sa kanilang mini studio na inuupahan nila, kelangan nilang magpractice dahil may raket sila. Tutugtog sila sa birthday ng isang mayamang negosyante dito sa kanilang lugar. Kahit papano, nagpapasalamat na rin siya kahit na paisa-isa, hindi sila nababakante. Malaking tulong iyon sa kanila. Gabi na ng makauwi si Shaheera, pagod na pagod siya sa halos maghapon nilang practice pero kelangan ei. Kelangan, para masiyahan at umulit pa ang nag-imbita sa kanila dapat galingan nila. Hindi na siya kumain, humiga nalang siya sa kama at nagsalang ng mga kanta ng isang sikat na grupo na tumutugtog ng reggae ang JAYSON IN TOWN, isa ang mga songs nila sa hinahangaan niya. Iyon bang kapag naririnig niya ay kumakalma ang kanyang isipan, ang kalungkutan ay napapalitan ng kasiyan. Isa pang banda na related sa mga ito ay ang THE FARMERS, mga kanta nila ang pinakikinggan niya kapag tila nawawalan na siya ng pag-asa. Isang kanta nila ang gustong-gusto ko talaga,sarili nila iyong komposiyon. Ang ILLEGAL NA HERBAL MAAYO NA TAMBAL, sobrang napapaindak siya kapag naririnig ang kantang iyan. Ang kantang ito ay tungkol sa m*******a na nakagagamot ng maraming sakit ngunit illegal nga ito dahil iba ang pananaw ng karamihan dito. Oo at hindi siya gumagamit nito, never siyang tumikim nito pero dahil sa mga naririnig, nababasa na nagpapatunay na mabisang gamot ito. Isa siya iilang taong naniniwala na dapat maging legal na gawing panggamot ang halamang ito. Pumikit siya at ninamnam ang awiting pumapailanlang sa malaki niya speaker. Medyo malakas iyon pero hindi naman gaano dahil nga gabi na. Pero maya-maya lang ay naglalagabugan na ang kanyang bubungan. Napabuntunghininga na lamang siya, heto nanaman ang mababait niyang kapitbahay. Pinagtripan nanaman ang kanyang bubungan. Kanya-kanya nanaman silang batuhan. Palagi naman itong nangyayari ei, kahit nga sa umaga inuulan talaga ng bato ang kanyang bahay. Kesyo ayaw daw ng mga kapitbahay niya ang pang adik niyang soudtrip. Wala siyang nagawa kundi patayin ang speaker at magkasya nalang sa headset. Ganito siya kung ituring ng lahat, animo cancer ng lipunan na dapat iwasan at alipustain. Sa wakas natigil na rin ang pag ulan ng mga bato. Mapait siyang napangiti kasabay ang pagtulo ng luha. Itutuloy

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Tequila Baby

read
70.7K
bc

The Real About My Husband

read
26.2K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

POSSESIVE MINE

read
976.2K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
10.7K
bc

Lady Boss

read
2.2K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook