Part 6

1064 Words
Lumabas na sila ng mansyon. Nakikipag-usap naman si Raizen sa kamyembro ni Shaheera, tinatanong niya ang mga ito ng tungkol kay Shaheera ng mapatingin sa may main door ng kabahayan. Napaawang ang kanya labi ng masilayan si Shaheera. Napakaganda nito sa suot na light blue na gown. Napakunot noo siya dahil nagbago ang style ng buhok nito pero napagtanto niya sa huli na wig iyon. Wig ng Ate Rebecca niya, hilig kasi nito ang mag paiba-iba ng style ng buhok. Bagay na bagay naman iyon kay Sha, hindi nga halata na wig na ito lalo pa at nilagyan ito ng hairban na lalong bumagay dito. Napatulala siya ng ganap ng lumabas ito, kasunod ang kanyang Mama. Maging ang mga kabanda nito ay tila hindi makapaniwala sa nakikitang ayos ng kanilang leader. Maging ang mga bisita ay napa wow sa kagandahang nasa kanilang harapan. Kani-kanina lamang ay astig na vocalist ito ng banda, ngayon naman ay mala prinsesa ito sa ayos nito, animo aattend ito ng ball sa ayos nito. Inulan ito ng papuri ng lahat, napakagaling na nga daw nitong kumanta, tumugtog ng gitara at magsulat ng kanta ay napakaganda pa daw nito. Tila nahihiya naman itong nangingiti nalang sa papuri ng lahat, nagbablush pa nga ito na tila teenager. Sinalubong niya ito at inalalayan. Feeling nya ay siya ang prinsipe nito ngayong gabi. Malayong-malayo ang attire nito ngayon kesa kanina pero parehas lamang itong bagay para sa kanya. Medyo naibanhan lang siya dahil sa lahat ng photo nito sa social media ni wala pa itong naiupload na ganon ang suot. Kaya humiling siya dito na kukuhanan niya ito ng picture. Nahiya naman siguro itong tumanggi kaya pumayag na lamang. Napangiti siya dahil napakaganda talaga nito sa mga kuha niya. Sa wakas actual na niya itong nakuhaan ng picture hindi katulad dati na kinukuha niya ang lahat ng bago nitong upload na photo sa social media. Kumain na sila pagkatapos niyang picturan ito. Habang kumakain inaasar ito ng mga kabanda nito. Natatawa lang naman siya sa kakulitan ng mga ito dahil tila napipikon na si Sha pero nagtitimpi nalang sa mga ito. "Pano yan Sha, ganyan ang itsura mo ei may limang kanta pa tayong tutugtugin?" tanong ng isa sa kamyembro nito. "Hayaan nyo na yon Dude, wag nyo ng tapusin yon kompleto pa rin naman ang bayad ko sa inyo ei," sabat niya sa usapan ng mga ito. "Hindi, may isang salita kami Sir. The show must go on po kahit ganito ang itsura ko," kiming sagot nito. "Sigurado ka?" nag-aalalang tanong niya. Tumango ito at ngumiti. Ito ang nagustuhan niya sa mga ito ei, hindi sila sikat pero pag dating sa trabaho may isang salita sila. At masasabi kong napaka professional nila. Kaya kapag nagclick ang balak niya siguradong sisikat pa ang mga ito. Thirty minutes after nila kumain, tumugtog ulit ang banda. Walang pinagbago, napakasigla at napaka astig pa ring tumogtog ni Sha. Kahit ramdam niya na medyo hirap ito sa attire nito pero heto at sige pa rin ito sa pagtipa ng gitara habang kumakanta ng reggae song na sinasabayan pa nito ng indak kaya naman ang mga audience ay napapaindak din at humihiyaw pa ang mga ito. Tinawag siya ng isang kaibigan niyang taga Media. Napakalawak ng pagkakangiti nito sa kanya. Lumapit siya at nagulat sa ipinakita nito. Nagvideo pala ito ng live sa f*******: page nito at wow! As in wow! Nagviral ang video! Ang first video ay kanina, yong nakasuot pa si Shaheera ng pantalon at tshit. Umabot ng halos 500k views and hundred thousands of share and thousands of comments. At ang pangalawang video ay itong nakasuot na siya ng gown na halos hindi pa nga natatapos ang una nilang kanta ay halos malamangan na ang 500k views kanina, maging ang shares and comments na lahat papuri para sa babae at sa banda nito. Lalo na at napakaganda nito sa suot na gown habang nagigitara at kumakanta ng reggae songs na mismong ito ang nagsulat. At kahit napapaindak ito ay hindi pa rin matatawaran ang angking ganda nito. "Oh God! Levi! As in viral na sila!" bulalas niya. "Yes Dude! My God, inuulan na ako ng message tinatanong kong sino sila, saan sila pwedeng mapanood at saan sila matatagpuan. Dude, sisikat ang bandang yan promise! Lalo pa at napakaganda ng vocalist!" bulalas nito. "Thanks Dude, dahil sa nangyaring iyan bukas na bukas din ay pipirma na sila ng kontrata sa recording company ko. Dahil natitiyak kong marami na akong magiging kaagaw sa kanila," nakangiting sabi niys dito. "No problem dude basta ikaw, tutulungan pa kitang mas pasikatin sila," masayang sabi nito. "Thanks Bro! Your the best talaga," nagsaludo siya dito tsaka umalis na. Masaya siyang nanood sa mga ito. Sa wakas, matutulungan na rin niya ang babae. Natapos ang limang kanta at halos inabot na sila ng midnight. Nag uwian na ang lahat, siya naman ay nagpresenta na ihatid si Shaheera sa bahay nito, na malapit lang naman sa kanila. Kinuha niya ang dala-dala nitong paper bag na pinaglagyan nito ng damit na hinubad nito kanina. Pinagbukas ito ng pinto ng kotse bago siya sumakay doon. "Salamat pala Sir sa pag-invite samin sa birthday nyo. Malaking tulong po ito sa grupo namin. At maraming salamat din po pala sa support, nalaman ko po kasi sa Mama nyo na gusto nyo rin po pala ang mga tinutogtog namin, nakakagulat po hindi nga po ako makapaniwala " mahabang pasasalamat nito. "Okey lang yon, dapat talaga kayong hangaan dahil napakagagaling nyo. Napakaganda ng mga sinusulat mong kanta, minsan nga natutulo pa ang luha ko kasi ramdam ko yong bigat ng bawat lyrics na binibitiwan mo," nakangiti kong sabi sa kanya. Napalingon ito sa kanya, tila nagningning ang mga mata. "My God Sir, hindi ko po talaga alam kung papano magpasalamat sa inyo. Sobrang hindi ko po iniexpect na may makakafeel ng mga lyrics ng kantang isinusulat ko," maluha -luha nitong turan. "Marami ang naniniwala sa inyo Sha, napakarami," masigla kong turan dito. "Ano po?" tila nagtatakang tanong nito. "Kanina naglive ang kaibigan kong taga media. Sa mismong f*******: page nya at alam mo bang sobrang dami nyong napahanga," masaya niyang pahayag dito. "T-Talaga po?!" bulalas nito. Kinuha niya ang phone para maniwala ito. Pumunta siya sa page ng kaibigan at pinakita ito dito. Lalo siyang natuwa ng halos umabot na agad sa two million view ang dalawang video. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD