"Muli po, maraming salamat ulit sa mga dumalo at nakisaya sa aking kaarawan. Sana'y nasiyahan kayo sa aming munting handog sa inyo. Everyone, gusto nyo na ba ulit umindak sa saliw ng tugtugin ng napakagaling nating banda na nandito?!" narinig niyang sabi nito sa mga tao.
Naghiyawan ang lahat...
Lahat ay nagkaingay...
Siya naman ay hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi at panay ang bow niya sa mga tao. Umaapaw talaga sa kaligayahan ang kanyang puso, biruin mo napakarami ang nakakaappreciate ng pagtugtog nila. Hindi pa mga basta-bastang tao sa lipunan ang mga ito.
"Ok, everyone! Let's give them around of applause! MALAYA band!" sigaw nito.
Naghiyawan ang mga tao na lalo namang nagbigay sa kanila ng kakaibang energy.
Nagsimula na silang tumugtog...
Siya na todo bigay sa pag-awit na gustong-gusto naman ng lahat. Sa isip niya, heto na ang pinakahihintay ko dapat ko ng ibigay ang best ko. Kaya ang malungkutin, ang hindi palangiting si Shaheera, ang hindi sanay sa maraming tao ay biglang naglaho. Kakaiba ang Shaheerang nasa harap ng maraming taong nandito.
Napapangiti si Raizen habang pinagmamasdan ang babaeng matagal na niyang hinahangaan. Ang babaeng lihim niyang iniibig. Nagsimula ito nong isang beses nagscroll down sya sa youtube. Likas na sa kanya ang pagiging mahilig sa Reggae music kaya nakaagaw agad ng pansin sa kanya ang isang account doon na MALAYA band. Tiningnan niya ang mga video doon at nagulat siya ng mapagtantong babae ang vocalist ng banda. Unang video palang na pinanood niya ay nagustuhan nya kaagad. Yong way ng pagtugtog nila, boses ng vocalist, ang nilalaman ng lyrics at ang mismong vocalist mismo.
Iilan lamang ang subscribers nila wala pa ngang 500 subscribers yon pero masasabi kong napakagaling nila. Marahil bulag lamang ang mga YouTube users dahil hindi nila naa-appreciate ang talent ng mga ito. Sobra siyang nacurious sa vocalist ng banda. Sa lahat kasi ng video nito, napapansin niya ang kakaibang lungkot sa kanyang mga mata. Ewan pero sa tuwing tititig ito sa camera feeling niya tumatagos sa kanyang puso. Isa pa, ang lalalim ng lyrics ng mga kanta nila iyong may konting kirot talaga kapag ninamnam mo lang iyong kanta. Nagsearch ako tungkol sa kanila, inalam ko ang mga pangalan nila, ilang taon na sila, history ng buhay nila lalo na ang tungkol sa vocalist.
Doon ko nalaman na Shaheera Quiocson ang pangalan nito, 24 years old at laking gulat niya na sa iisang lugar lang pala sila nakatira. At ang bahay na tinitirhan nito ay mismong pagmama-ari nila ang lupang kinatitirikan.
Simula noon, inaalam na niya lahat ng schedule nito, lahat ng pupuntahan nito. Kahit pa nga minsan ei nagtutungo siya sa malapit sa bahay nito kaya alam niya ang hirap na dinaranas nito. Nong una nga niyang punta sa may bahay nito nakita niya kung paanong buhusan ito ng tubig ng isa nitong kapitbahay. Muntik na nga niyang sugurin ang Ale pero nagpigil siya kasi baka sabihin naman nito stalker siya.
Natuklasan din niya itinakwil pala ito ng pamilya nito ng dahil lamang sa hilig nito sa banda. Na taliwas sa kagustuhan ng magulang nito. Pero sobrang humanga siya dito dahil hindi ito basta-basta sumuko. Nasaksihan nya rin ang hirap nito para lamang maiangat ang kanilang grupo, umabot pa sa puntong halos magmakaawa ito sa may ari ng isang maliit na recording company. Na tinanggihan naman ito, hindi niya natiis noon linapitan niya ito at inabutan ng tissue.
Sa sobrang galit niya sa ginawa ng may ari ng recording company. Kinabukasan, binili niya ito at pinalayas ang may ari at mga tauhan nito doon. Ngayon, may nahanap na siyang maaaring magmanage noon at balak niyang kuhain bilang recording artist ang banda ng mga ito.
Para naman talaga ito sa babae ei, para sa kahit maliit na bagay na iyon ei matulungan niya ito. Sinadya niyang imbitahin ang mga ito sa kanyang mismong kaarawan para mapanood ito ng lahat. Maging ang lahat ng staff ng nabili niyang recording company ay inimbitahan niya maging ang ilan niyang kilalang taga media ay inimbitahan niya para maipalabas ito at mapansin ng lahat.
Gusto niyang gumaan ang lahat ng pasanin nito. Gusto niya itong lumigaya para ng sa ganon mapanatag na rin ang kalooban niya.
Naipagtapat na niya sa kanyang mga magulang na balak niyang ligawan si Shaheera, wala naman pagtutol sa mga ito lalo pa at mahilig din ang mga ito sa reggae. At tagahanga na rin ni Shaheera ang mga ito dahil palagi niyang pinapatugtog ang mga kanta ng MALAYA band. Tuwang-tuwa pa nga ang kanyang Mama at Papa ng sabihin niyang iimbitahan niya ang mga ito sa kanyang kaarawan.
Sa tagal ng pagsubaybay niya sa kanya don niya napagtanto na malalim pala ang ibigsabihin ng ibinigay nitong pangalan sa kanilang banda.
MALAYA ay naaangkop sa buhay niya.
Pinagmasdan niya ito habang masayang kumakanta at nagigitara. Buhay na buhay ito, malayong-malayo sa Shaheerang kilala niya.
Musika lamang ang nagpapaligaya dito. Reggae songs na kinagigiliwan ng karamihan at kinamumuhian naman ng iilan. Hindi matatawaran ang kislap ng mga mata nito habang tumutogtog, ang ngiti, ang sigla. Lahat iyan ay ang nais niyang araw-araw na makita sa babae.
Nakasuot ito ng maong pants na butas-butas, isang black t-s**t na may print ng dahon ng marijuan. Sign ng one love na kulay green, yellow at red. Napaka astig nitong tingnan lalo pa at naka dreadlocks ang buhok. May tattoo rin ito sa kamay na bumagay naman dito at itim na nail polish.
Wala ito ni anumang make up maliban sa eyeliner na tila nagpatapang ng mata nito pero hindi pa rin niyon maitatago sa kanya ang totoong nilalaman nito. Likas na mamula-mula ang pisngi nito lalo na ang labi nitong pinkish na animo may lip shiner pero wala naman.
Maganda si Shaheera, sobrang ganda ngunit sa paningin ng mapanghusgang mga tao siya ay pangit, adik, hindi dapat tularan.
May mga tao talagang napakabilis manghusga.
May tattoo, adik agad.
Astig lang pomorma, adik agad.
Nahilig lang sa mga kakaibang awitin, adik agad.
Adik na dapat iwasan, adik na dapat alipustain at Adik na salot sa lipunan.
Masakit mang isipin pero ganon talaga tayong mga Pilipino.
Itutuloy