Agad na nanlaki ang mata nito ng makita ang video, hindi ito makapaniwala sa nakikita. Maya-maya ay lumuluha na ito.
"Dyosko, hulog po talaga kayo ng langit sa amin Sir. Hindi ko po alam kung papano kami m-magpapasalamat sayo," umiiyak na pahayag nito.
"Alam mo bang inuulan na daw ng message at tawag si Levi iyong nagpost nyan. Sikat na ang MALAYA band Shaheera, sa wakas matutupad na ang pangarap mong makilala ang banda nyo," naluluha din siya dahil sa kasiyahan para dito.
Nagulat siya ng bigla siyang yakapin nito, kakaiba ang yakap na iyon. Iyon na yata ang pinaka warm hug na naramdaman niya. Walang tigil ito sa pasasalamat habang patuloy sa pag-iyak.
Tinapik-tapik naman niya ang balikat nito at hinayaang umiyak ng umiyak hanggang sa kumalma ito.
"S-Sabihin nyo lang po Sir kung p-pano kami makakabayad sa lahat ng ito. Sobra-sobra po ang blessings na dumating samin ng dahil sayo," pasinghot-singhot pa rin na pahayag nito.
"Gusto mo ba talagang makabayad?" nakangiti niyang tanong dito.
Tumango ito.
"Una, tigilan mo ang pagtawag sakin ng Sir, Raizen nalang," sabi niya, napakunot noo ito.
"Pangalawa, pipirma kayo bukas na bukas din ng kontrata sa aking recording company," sabi kong muli, napaawang ang labi nito.
"T-Talaga po?! Oh my God! Thank you po talaga Sir, ay este Raizen. H-Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito. Dyosko salamat po," umiiyak nanamang pahayag nito.
Hinawakan niya ito sa mukha at tinitigan ang mata nito.
"Ang pangatlo ang pinakaimportante, Shaheera Quiocson, hayaan mo sana akong ligawan ka," seryoso kong sabi dito.
Tila nahigit nito ang paghinga, nanlalaki ang matang nakatitig ito sa kanya.
Napangiti siya.
"Kalma lang Sha, huminga ka muna," sumunod naman ito, saka lang ito huminga.
Pinaliwanag niya ang lahat-lahat dito, sinabi din niya na matagal na niya nitong kilala at tunay na ang nararamdaman niya dito.
Alam niyang medyo mabilis ang naging hakbang niya pero mas mabuti na iyon kesa pabagal-bagal pa siya. Ngayong sikat na ang mga ito, siguradong marami na siyang magiging karibal sa puso ng babae.
Hindi ito nagsalita, parang nag-iisip pa ito pero hinayaan nalang niya ito. Sinabi niya na handa siyang maghintay ng sagot nito. Tahimik lang sila sa sasakyan hanggang sa maihatid niya ito sa bahay nito. Magalang itong nagpasalamat sa kanya at ganon din siya, pero hinintay na muna niya itong makapasok sa loob ng bahay bago siya umalis.
Sa isip niya na babalik siya dito bukas ng umaga. At bibigyan niya ng leksyon ang mga walang puso nitong kapitbahay na nang-aapi dito. Hindi siya makakapayag na patuloy lang itong apihin ng mga walang puso nitong kapitbahay.
Samantala...
Tila lutang ang pakiramdam ni Sha sa lahat ng mga pangyayari, ang bigla-bigla nilang pagtrending, ang bigla-biglang pagpirma nila ng Recording contact sa isang kompanya at ang bigla-biglang pagtatapat ni Raizen ng nararamdaman sa kanya at matagal na pala niya itong tagahanga. Kaya pala andon ito sa halos lahat ng mga bad days niya. Hinubad niya ang gown na pinahiram sa kanya ng Mama ni Raizen, bigla-bigla siyang naging cendirella sa gabing ito. Sana hindi na siya magising pa kung panaginip man itong lahat.
Nagpalit siya ng damit pantulog niya at nahiga sa kama. Pinatugtog ang cellphone na nilagyan ng heaset at sinalpak sa kanyang tenga. Pinakinggan niya ang mga songs ng isa pa niyang idol na american band, ang STICK FIGURE.
Narerelax ang isipan niya kapag pinapakinggan din niya ang mga kanta nito. Lalo na kapag ganitong nag-iisip siya. Kailangan niyang mag-isip ng mag-isip. Mga ilang oras din siyang nakapikit habang pinapakinggan ang mga kanta nito. Nakabuo na rin siya ng desisyon, tatanggapin niya ang offer ni Raizen at pati na panliligaw nito.
Alam naman niya sa kanyang sarili na may puwang sa puso niya si Raizen kahit pa nga kanina lang sila talagang nagkakilala. Limot niya ang mukha nito pero sa ilang beses nilang pagkikita dati, mismong puso na niya ang kumikilala dito. Ilang sandali pa at nakatulog na rin siya.
Kinabukasan, naalimpungatan si Shaheera dahil sa nagkakaingay na kapit bahay. Bumangon siya at nagsuot muna ng bra bago nagpasyang bumaba. Tiningnan niya ang pinagkakaguluhan ng mga ito.
"Gusto ko po sa katapusan ng buwan na ito at wala na kayo sa lugar na ito. Hindi rin naman kayo mabubuting tao kaya bakit pa ako maaawa sa inyo," narinig niyang boses ng lalaking pinagkukumpulan ng mga ito.
Napakunot noo siya.
"Parang si Raizen yon ah."
Napabilis ang paglakad niya palapit dito. Nakisiksik siya sa mga tao.
"R-Raizen?" tawag niya sa pangalan nito. Naagaw naman niya ang pansin nito.
"Babe, gising ka na pala," simpatiko ang ngiti nito sa kanya.
Napakunot noo naman siya.
"Babe? Anong nangyayari sa taong ito?" bulong niya sa sarili.
"Anong ibigsabihin nito Raizen?" tanong niya.
"Babe, nasubaybayan ko kung pano ka nila alipustain dito, kung pano kang apihin ng magagaling mong kapit bahay na mga ito. Oras na para maningil ako, sobra sila kung manlait sayo akala mo kagaganda ng ugali," tiim ang bagang na pahayag nito habang matalim ang tingin nito kay Aling Mildred na nagbuhos ng tubig sa kanya.
"S-Sir, parang awa nyo na po wala po kaming ibang matitirhan. Patawarin nyo na po kami sa mga nagawa namin sa kanya. Pangako po hindi na namin sya gagawan ng masama ulit," pakiusap ni Aling Mildred.
"Hindi kayo sakin nagkasala kaya bakit sakin kayo humihingi ng kapatawaran?!" galit na pahayag nito.
Hindi naman niya maintindihan ang sarili, umaapaw ang kaligayahan niya dahil ngayon may nagtatanggol na sa kanya pero hindi naman dahil sa mga pang-aapi ng kanyang mga kapitbahay ei dapat na siyang maghiganti sa mga ito.
"Shaheera, patawarin mo na kami sa mga kasalanan namin. Pangako hindi na kami gagawa pa ng ikasasama ng loob mo," hinging paumanhin ni Aling Mildred na sinegundahan naman ng iba pa niyang kapitbahay.
Hindi bato ang puso nya para hindi maawa sa mga ito. Kaya ang sabi niya ay pinapatawad na niya ang mga ito. Halos umiyak ang mga ito sa kanya habang nagpapasalamat. Kinausap naman niya si Raizen at pinapangako ito na hindi papaalisin ang mga taong nakatira doon at sinabi na rin niya dito ang desisyon niya. Tuwang-tuwa naman ito, halos magtatalon pa nga ito sa sobrang kasiyahan.
Natatawa nalang siya habang nakatingin dito.
Itutuloy