Part 8 finaL

1038 Words
Simula noon... Araw-araw na niya itong nakikita. Nakapirma na rin sila ng kontrata sa company nito at nakapagrelease na rin sila ng album. Unang araw palang ay nag-hit agad ang kanilang album. Isa sa mga kanta nila ay ilang linggo ng nangunga sa Spotify, sa mga fm radio at maging ang cd nila ay sold out agad. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Sikat na sikat na sila ngayon, kabi-kabila din ang mga guesting nila sa tv. Halos dalawang buwan din nanligaw si Raizen bago niya ito sinagot. Napatunayan niya kasing totoo ang hangarin nito sa kanya at mahal na rin niya ito. Ang mga ka-bandmate niya ay maayos na rin ang mga kalagayan. Nakaluluwag na ang lahat. Maging ang problema niya sa pamilya ay naayos na rin niya. Humahanga na rin ang mga ito sa kung ano ang narating niya. Ang mga dating kapitbahay niya na puro negative ang iniisip sa kanya ay lahat humahanga na sa kanya. Natuto na rin ang mga itong tanggapin ang mga hilig niyang kanta. Hindi rin siya nagdesisyon na umalis sa lugar na iyon sa kadahilanang sanay na siya sa lugar na iyon. Mahirap kapag lumipat nanaman siya panibagong pakikisama nanaman. Sa katunayan halos lahat ng kabataan sa kanilang lugar ay nagsusumamo na turuan niya. Pero dahil sa hectic ang sched niya wala na siyang lakas pang magturo. Nangako nalang siya sa mga ito na maglalaunch ng event sa kanilang munting plaza na gaganapin sa mismong araw ng kapanganakan ng Ama ng Reggae, ang birthday ng idol niyang si Bob Marley. Libre ang event na iyon. Mabuti nalang pumayag ang kanilang boss, syempre si Raizen yon. Lagot ito sa kanya kapag hindi ito pumayag. Gabi ng event. Halos mapuno ang munti nilang plaza sa lugar. Naghiyawan ang lahat ng umakyat sila sa stage. Nagsimulang tumipa ng gitara si Shaheera, lalong nagkaingay ang mga taong nandoroon. Nangingibabaw ang boses ng mga dating ginang na galit na galit sa kanya. Isinisigaw ang kanyang pangalan at sinasabing kapitbahay ko yan! Andon din ang kanyang mga magulang at mga kapatid na todo suporta sa kanya. Nag-uumapaw ang saya sa puso ni Shaheera, akala niya noon mabubuhay nalang talaga siya sa mundong madilim na nag-iisa. Dati-rati galit na galit ang mga ito dahil sa pananamit at mga kantang hilig niya pero heto at ang reggae music pa ang nagbubuklod ngayon sa kanila. Napakabuti talaga ng Diyos kapag talaga ipinagkatiwla mo sa kanya lahat-lahat gagawa at gagawa talaga Siya ng paraan para maging maayos ang lahat. Nakailang kanta na sila pero halos wala pa rin kapaguran sa pag indak at pagsabay ang mga ito sa kanila. Nakita niya na papalapit si Raizen sa stage, maluwang ang pagkakangiti nito sa kanya. Sumenyas ito sa kanila na tumigil muna. Kinuha ang mike sa kamay niya at biglang lumuhod sa harapan niya. Agad siyang napamulagat. Naghiyawan naman ang mga taong nandoroon. Biglang may inilabas na mga papel na may sulat ang mga taong nsa unahan. Napatakip siya sa bibig ng mabasa ang mga katagang nadoon. "BINIBINING REGGAE, WILL YOU MARRY ME?" ito ang nakasulat sa papel. "I love you so much mahal, sana tanggapin mo ang aking proposal. Pangako na hindi ako magiging hadlang sa mga pangarap mo, kasama ang banda mo. Sa mga hilig mo, susuportahan kita palagi. Handa kong gawin ang lahat maging maligaya ka lang sa piling ko. Please answer me mahal, Will You be my wife?" nakangiti nitong sabi pero napansin niya ang nangingilid na nitong luha. Tuluyan ng naiyak si Shaheera, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman basta ang alam lang niya ay umaapaw ang ligaya sa puso niya ngayon. Tanggap na siya ng kanyang pamilya. Tanggap na siya ng lahat. Nasa maayos ng kalagayan ang mga kabanda niya. Nasa maayos na ang carrer nila. May mapagmahal, supportive, at napakabait siyang boyfriend na number one fan nya. At tuluyan na siyang nakaahon sa kanyang madilim na mundo. Ano pa nga ba ang mahihiling nya. At heto nasa harapan niya ang lalaking pinakamamahal na nangangako ng panghabang buhay na kasiyahan kasama ito. Hindi na siya mag-iisa kaylanman dahil andiyan na ito. "Yes! Yes i will marry you mahal!" umiiyak na sagot niya. Agad siya nitong pinangko at walang pangingiming hinalikan sa harap ng maraming tao. Sa harap ng mga taong nangdown sa kanya noon. Na ngayon ay nakikisaya na sa kanilang dalawa ni Raizen. Sa araw na special sa kanila, ang araw na tinanggap niya ang wedding proposal nito. Nagpalakpakan ang lahat. Hinihiyaw ang kanyang pangalan sa tonong punong-puno ng pagmamahal at paghanga. Ang dating inaapi noon, ang dating inaalipusta noon, ang dating dinadown noon ay hinahangaan na ngayon ng lahat at yan ay dahil sa music. Ang REGGAE MUSIC. THE END ••• "REGGAE is not Red, Yellow and Green. REGGAE is not Dreadlocks. REGGAE is not g***a. REGGAE is LOVE, PEACE, UNITY. REGGAE is POSITIVE VIBES. REGGAE needs RESPECT. RASTA needs RESPECT. " - Rohitha J- JAYASRI JAH BLESSING EVERYONE!!! A/N, Salamat guys sa lahat ng nagbasa at magbabasa palang ng short story na ito. Sana may napulot kayong aral dito. Sa mga may kaalaman about sa Reggae Music at about sa mga recording company o kung anu pa man na tungkol sa mga banda. Kung may mga pagkakamali po ako at mga maling impormasyon maaari nyo po akong imessage para maitama ko. Wala po kasi ako talagang kaalaman about sa mga yan. Hilig ko lang po talaga ang reggae music at hilig ko lang din po talaga ang magsulat. Sa pagsusulat,yan po ang way ko para maiparating ang nasa isipan at puso ko. Para po ito sa lahat ng taong mahilig sa mga ganyang klase ng music na nakararanas ng discrimination. Tandaan nyo guyz hanggat wala kayong ginagawang masama sa kapwa nyo. Mabuti kayong tao, kaya fight fight lang. Wag isuko ang kinahiligan at mga pangarap ng dahil lamang sa makikitid ang utak na nilalang. Sa mga idol ko na banda na nabanggit sa story. Ang JAYSON IN TOWN, THE FARMERS at STICK FIGURE, kung makarating man sa kanila ito at hindi nila magustuhan, paki inform lang po ako. Pwede ko po itong i-edit anytime... Pero i hope hindi sila magalit... Love you guyzzz.... Please support this story... Spread the love... ~ Ate Sanggol

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD