Minsan talaga mas malakas pa ang loob niya sa mga kaibigan na kabanda na rin. Siya itong babae pero siya pa ang nagpapalakas ng loob ng mga ito.
May sumalubong sa kanilang lalaki, medyo panot na ito pero nasa late 40's siguro. Kinabahan siya, baka iyon na yong kausap nila. Lumapit ito sa kanya, sinenyasan naman niya ang tatlo ayusin na ang mga instrumento nila.
"Miss Shaheera Quiocson?" tila naniniguradong tanong nito.
"Yes Sir, ako nga po," tipid kong sagot dito.
"Iba ang boses nito sa personal. Pero di bale, magpapasalamat lang naman ako sa kanya ei," sabi niya sa sarili sa pag-aakalang ito na ang birthday celebrant.
"I'm Mr. Villamor's personal assistant. Ako muna ang haharap sa inyo kasi nasa office pa sya may inaasikaso lang. Ah, by the way I'm Gary," pakilala nito.
Parang nakahinga siya ng maluwag ng sabihin nitong hindi ito ang birthday celebrant. Kinausap siya nito ng mga nais ng birthday celebrant na gawin nila. Nakinig lamang siya sa mga sinasabi nito, matapos iyon pinameryenda muna sila. Nakakalula talaga ang yaman ng kanilang kliyente, sabagay lupain palang nito sa lugar namin ei napakalaki talaga. Maging ang Ibat-ibang negosyo nito. Sa boses nito para pa itong bata pero tiyak niya na matanda na ito.
Muli niyang inilibot ang mata sa paligid. Naagaw ang atensyon niya ng tila kahoy na nasa may bandang dulo ng hardin. May nakapaint don na kulay green, yellow, red na peace sign. Napangiti siya, tumayo at lumapit doon. Hinawakan niya iyon, sinundan ng daliri ang bawat linya.
"Nagustuhan mo ba hija?" narinig niyang tanong ng kung sino. Nilingon niya ito, nakita niya ang isang Ginang na may edad na.
Nakagown ito pero, napangiti siya ng wala sa oras kasi pang reggae ang gown nito. May nakaprint pa na mukha ng Ama ng reggae na si Bob Marley. Matanda na ito pero mababakas sa mukha nito ang kagandahan lalo na nong kabataan nito. Nakangiti ito sa kanya na animo nakikipagkaibigan.
"Opo, mahilig din po pala kayo sa reggae Mam?" nakangiti niyang tanong dito.
Napagtanto niyang ito ang Ina ng birthday celebrant dahil na rin sa nabanggit nito kaninang umaga na mahilig ang parents nito sa reggae.
"Oo naman hija, at ganon din ang aking anak na si Raizen. Alam mo bang palagi nyang naikukwento sakin ang banda nyo? Palagi nyang ibinibida na napakagaling nyo daw. Palagi nyang pinapakinggan ang kanta nyo na dinawnload nya sa youtube. Dyosko, halos mapuno ang buong bahay kapag pinapatugtog niya. Malakas kasi siya kung magpatugtog," masiglang kwento nila.
Hindi siya makapaniwala sa naririnig. As in mga songs nila, pinapatugtog nito.
"T-Talaga po Mam? Hindi ko po inaasahan na may avid fan po pala kami, akala ko pinagtityagaan lang ang mga song namin na panoorin at pakinggan," maluha-luhang niyang pahayag dito.
"No dear, don't say that. Hindi mo lang alam kung anong nagagawa ng mga kantang isinusulat mo. At alam mo bang pati kaming mag-asawa ay paborito na rin namin ang mga kanta nyo," masayang pahayag nito.
"Oh my God! Salamat po, salamat po ng marami Mam," umaapaw sa kaligayahang pasasalamat niya dito.
"Your welcome dear, now finally mapapanood na kita sa personal. Galingan nyo ha, good luck kasi kapag successful ang pagtogtog nyo. I assure you na bukas, magbabago na ang buhay nyo," nakangiti nitong pahayag ulit sa kanya, bago ito nagpaalam na.
Hindi niya napigilan ang di maiyak, finally may naka-appreciate din sa mga kanta nila. Heto na yata ang sagot sa lahat ng panalangin niya, sa lahat ng hirap ng buong banda.
Umusal siya ng konting panalangin, pasasalamat at hinging patnubay ng Poong Maykapal.
Lumapit siya sa mga kasamahan at sinabi dito ang magandang balita. Nagkaiyakan pa sila dahil dito at nagkadundo na gagalingan nila ang performance.
Sumapit ang gabi...
Napakarami ang taong dumalo, ang lahat ay may mga sinasabing pamilya. Maybilan ding tv announcer ang nandoroon, talaga palang di basta-basta ang kliyente nila. Malapit ng magsimula ang party pero hindi pa rin niya nasisilayan ang birthday celebrant. Sobrang sipag pala nito dahil kahit birthday ei nagtatrabaho pa rin, kaya siguro napakayaman nito.
Sumenyas ang personal assistant ng birthday celebrant. Hudyat yon para kumanta na sila ng Happy Birthday song pero syempre hindi basta birthday song yoon. Nilapatan nila ito ng kakaibang tempo, syempre tunog reggae.
Nagsimula na silang tumugtog. Ang lahat ay sumabay sa kanta kasabay niyon ang pag indak ng mga ito ang iba ay napapahiyaw pa at napapatalon. Maging ang mag asawang Villamor ay umiindak din sa saliw ng birthday song na nilapatan nila ng reggae.
Nasa kalagitnaan na sila ng kanta ng maghiyawan ang mga tao, nakita niya ang lalaking naglalakad patungo sa kanya. Lalaking pamilyar sa kanya, ang lalaking nakita niya kahapon sa harap ng factory ng mga damit. Medyo na freezed siya ng mga sandaling iyon, buti nalang naisalba ng isa pa niyang kasama ang kanta.
Napakaguwapo nito sa suot na polo shirt na kulay green, yellow, at pula may print din ng mukha ni Bob Marley, short na kulay itim at mamahaling sapatos. Bagay na bagay sa matipuno nitong katawan iyon. Kung iba siguro ang magsusuot niyon magmumukhang baduy pero sa lalaki ay bagay na bagay ito.
Simpatiko ang pagkakangiti nito sa kanya na tila yon ang dahilan ng pagtigil ng mundo niya. Kinalabit na nga siya ni Jayvee pero hindi pa rin sa natinag sa pagkatulala niya.
"Hey young lady, don't look at me that way, naiilang ako," napaigtad siya ng maramdaman ang hininga nito sa kanyang tenga. Nakalapit na pala ito pero di pa niya napansin. Kung hindi pa siya nito binulungan baka nakatulala pa rin siya.
Tumikhim siya at muling kumanta, sa ganoong paraan naiiwas niya ang isip sa lalaking nasa tabi niya.
Natapos ang birthday song, nasiyahan ang lahat sa performace nila. Karamihan ay humihirit pa ng ibang kanta pero bago yon. Nagsalita muna ang birthday celebrant na di pa rin sya makapaniwala na yong lalaki kahapon sa may factory ng damit. So ibigsabihin pala pag-aari din nila ang factory na yon. At ngayong nakita na nya ito sa malapitan, naaalala nya ito na ilang beses na rin pala nya itong nakita.
Una ay nong binuhusan siya ng tubig nong isa niyang kapitbahay. Hindi nya maipaliwanag kung bakit ito andon pero natitiyak niyang ito talaga iyong lalaking nakatayo sa may tindahan. Nagkatinginan pa nga sila non at hindi niya malilimutan ang habag na nabanaag ko sa mga mata nito.
Siguro pangalawa ay nong tinanggihan ng isang Recording company ang ipinasa naming kanta, naalala ko halos magmakaawa ako non sa may-ari para lamang pakinggan ang pinasa ko ditong CD pero bigo pa rin ako. Hindi manlang pinagkaabalahang hawakan ang inaabot ko ditong CD. Umiyak ako nong time na yon at naalala ko na siya ang nag-abot sakin ng tissue paper.
Hindi siya makapaniwala na ilang beses na pala silang nagkita nito. At sa mga nakakahiya pang pagkakataon. Bakit kasi hindi siya matandain tsaka agad-agad niyang kinakalimutan ang mga panget niyang karanasan. Pati ang ala-ala niya sa lalaki ei nabura na. Kaya pala parang estranghero lamang ito sa kanya kahapon pero yong puso ko kaagad ang nakakilala sa kanya.
"Teka?! Panong nasama ang puso ko dito?!" takang tanong niya sa sarili.
Itutuloy