Part 2

1057 Words
Matigas siya, hindi niya pinapansin ang turing sa kanya ng lahat pero minsan talaga hindi niya maiwasang masaktan. Ano bang nagawa nya? Nahilig lamang naman siya sa reggae, nahilig lang naman siya sa mga kantang nagbibigay ng kasiyahan sa kanyang puso? Anong masama don? Ang tahimik na pagluha ay nauwi sa hagulhol. Para kasing ang biga-bigat na ei, nagsama-sama na. Pero natigil siya sa pag-iyak ng pumailanlang ang kantang MISS GREEN YELLOW PULA isang reggae song na pinupuri ang mga katulad niyang babaeng mahilig sa reggae. Unti-unting parang nabawasan ang sama ng loob niya. Unti-unti nadadala siya ng kanta at kalaunan napapasabay na.. Green Yellow Pula, Green Yello Pula Miss Green Yellow Pula Green Yellow Pula Miss Green Yellow Pula Green Yellow Pula Rasta Green Yellow Pula, Green Yellow Pula Tumayo siya sa kama at nagsimulang umindak habang patuloy na sinasabayan ang lyrics. Dalagang Reggae, Pag ikaw ay dadaan nakatitig ang lahat sa yong magandang katawan, sa buhok mo at tattoo di namin malilimutan, matang nakacontact lens nakakaakit kung tingnan at kung sa porma ang basihan, hindi ka nabibitin marami dyang lalaki gusto ka na maangkin, iba kasi ang magmahal ang dalagang reggae di nang-aasar at di ka iiwan sa eri. Tuluyan na siyang napangiti habang umiindak. Ganyan ang nagagawa sa kanya ng reggae song, kaya sino sila para pigilan siya sa gusto niya, sa hilig niya? Sariling buhay nya ito at walang sinuman ang may karapatng madikta sa mga dapat niyang kahiligan at gawin. Natapos ang kanta, ngunit patuloy pa rin siyang umiindak. Dahil sobrang nadadala din siya sa iba pang music na pumailanlang. Sinasabayan niya ito habang tila may sarili siyang mundo na patuloy sa pagsabay sa mga liriko nito. Nang nakaramdam siya ng kapaguran, nahiga na siya sa kama at tuluyan ng nakatulog ng may ngiti sa mga labi. Kinabukasan naghahanda na siya sa patungo sa mini studio, don kasi ang usapan nila na magkikita-kita bago sila magtungo sa naghire sa kanila. Isa itong business man na kinontak siya dahil birthday daw nito. Don lang din ito sa lugar nila nakatira at balita nga niya ito ang may ari ng lupang kinatitirikan ng mga bahay ng mga taga squater area. Kasama na ang inuupahan niyang bahay don. Hinihiling nalang niya na sana hindi sila maipademolish don kasi mahirap nanaman para sa kanya ang maghanap ng bagong matitirhan at isa pa, kawawa din ang mga kapit bahay niya, halos lahat doon ei isang kahig isang tuka ang nakatira pano nalang kapag napaalis ang mga ito dito. Ganyan siya kabait na kahit inaalipusta na o inaapi ng mga kapitbahay ei inaalala pa rin niya ang mga ito. Tumunog ang cellphone niya. Number iyon ng kliyente nila. "Hello Sir. Napatawag po kayo?" tanong niya dito. "Ah wala lang, regarding don sa offer ko sa inyo sigurado bang tuloy iyon? Marami kasi ang dadalo at nasabi ko ng may tutugtog na banda,ayokong mapahiya sa mga bisita ko. Lalo na ang aking Mama at Papa na sobrang hilig sa reggae music kaya nga kayo ang napili ko ei," seryosong pahayag nito, napakabaritono ng boses nito at ewan ba niya kasi parang may kakaibang hatid iyon sa puso nya. Medyo naiilang kasi talaga syang kausap ito, hindi niya maipaliwanag pero yon talaga ang nararamdaman niya ei pero alam nyo yong pakiramdam na parang nais pa niyang pahabain ang pag uusap nila na kahit naiilang sya ei nais pa nyang makausap ito ng matagal. "D-don't worry sir, darating po kami sa katunayan patungo na nga po kami ei," medyo pumiyok pa ang boses niya sa una. Nabatukan tuloy niya ang sarili. Ewan ba niya bakit kahit sa boses lang ei nagkakaganito na siya. Pano nalang pala mamaya kapag nagharap na sila. "Aasahan ko yan Miss Shaheera ha, gusto kong mapanood ka sa personal na tumugtog kasama ang buong myembro na MALAYA band. Actually palagi ko kayong pinapanood sa YouTube channel ninyo, isa ako sa number 1 fan ninyo," nahimigan niya ang kasiyahan sa boses nito. Siya naman ay di makapaniwala sa narinig. Kilala pala nito ang banda nila at pati na mismong pangalan niya. Naisip niya ang name na MALAYA band dahil na rin sa mga karanasan niya. Mabuti nalang at nagustuhan din ng lahat ng myembro kaya hanggang ngayon MALAYA pa rin ang name nito. "N-Naku, salamat po ng marami sir. Makakaasa po kayong hindi kayo mapapahiya, gagalingan po namin para sa inyo," nabubulol pero masigla niyang pahayag dito. Yon lang at nagpasalamat ito bago nagpaalam. Ngayon mas sumidhi ang kagustuhan niyang makilala ang kliyente nila. Nais niyang pasalamatan ito sa personal,dahil kahit papano pala ei may nakaka appreciate ng mga kanta nila. Hindi lang pangkaraniwang tao kundi ubod pa ng yaman. Mas tumaas ang libido niya, pakiramdam niya ei magiging successful ang pagtugtog nilang ito. Marami ang mayayaman at baka nga may mga taga media pang bisita doon baka sakaling mabigyan sila ng break ng mga ito. Baka sakaling madiskubre ang MALAYA band. Maaga pa pero minabuti nilang magtungo na sa bahay ng kliyente nila. Kailangan pa kasi nilang iset up ang mga instrumento nila. Halos lahat sila ay napaawang ang panga ng masilayan nila ang bahay ng kanilang kliyente. Napakalaki niyon na animo mansyon na sa laki. Alam nila na mayaman pero hindi nila akalain na ganito pala ito kayaman. Agad na pinagbuksan sila ng guard na nadoon ng gate. Bulwagan palang malulula kana talaga sa laki. Nakaset na ang stage na pagtutugtugan nila. Maging ang mga lamesa at mga pagkain ay nandoon na rin may mga ilang bisita din ang nandoon na. Namangha din sila sa motif, green, yellow, pula. Reggae color ang motif. Ikinatuwa nila iyong lahat. Halatang mahilig din sa reggae ang magbibirthday. "Sha, diko iniexpect na ganito kayaman ang kliyente natin. Para tuloy akong kinakabahan," sabi ni Jayvee. "Sira! Bakit ka naman kakabahan abir? Dapat nga mas galingan natin kasi baka dito na tayo makilala, baka maraming mag hire satin na mga makakapanood satin o ei di marami tayong kikitain pag nagkataon, isa pa pano kung may makapanood sating taga media at mai-feature tayo ei di madidiskubre na tayo nyan. Ayaw nyo ba non guyz?!" sabi niya sa mga ito. "Sino bang may ayaw non, syempre gusto namin yon," sabay-sabay na sagot ng mga ito. "Kaya nga galingan natin okey?!" maluwang ang pagkakangiting sabi niya sa mga ito. "Alright!" sagot ng mga ito. Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD