EIGHT

1084 Words
"Umalis ka na—" "Sagutin mo muna 'yung tanong ko!" sigaw ni Zach. "Never kang naging tatay sa kanila. Alam nilang wala ka na at hindi ka nila kailangan kaya umalis ka na!" Napahinga ng malalim si Zach at gusto na lang nitong maiyak dahil sa nalaman. All this time ay hindi n'ya alam na mayroon na pala s'yang 12 years old na kambal. "Ako 'yung tatay at hindi si Arthur?!" Hindi na alam ni Zach kung paano ipro-process sa utak n'ya ang lahat. "Anong kinalaman ni Arthur dito?!" naguguluhan na tanong ni Amithy. "12 years ago, umuwi ako ng Pilipinas during my exam week. Mababaliw na ako sa ibang bansa dahil 'yung girlfriend ko ay hindi man lang tumatawag or nagte-text sa akin! I failed my exam just to come back here! Pero nakita kita kasama mo si Arthur, and I thought he was the father. Tapos malalaman ko na ako 'yung tatay?!" hindi makapaniwalang saad ni Zach. "Wait-wait! Bumalik ka?" gulat na tanong ni Amithy. "Yes, nag desisyon na ako na dito mag-aral, pero ng makita ko kayo ni Arthur na mayroong kasamang bata at 'yung pinadala na picture sa akin while you pregnant at si Arthur 'yung kasama mo lagi!" paliwanag ni Zach. Napahawak si Zach sa ulo n'ya at hindi na ito mapakali sa kanatatayuan n'ya habang si Amithy ay walang masabi sa lalaking kasama n'ya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na ako 'yung tatay?!" inis na tanong ni Zach. Tumulo ang luha sa mata ni Amithy dahil alam ng lahat kung ilang beses n'ya sinubukan na ipaalam kay Zach na buntis s'ya. "Simula noong umalis ka ay wala akong natanggap na kahit ano sa'yo. Lahat na ginawa ko para lang masabi sa'yo na buntis ako, pero hindi ka sumasagot!" paliwanag ni Amithy. Napatitig naman si Zach sa kaharap n'ya. "Wala akong natatanggap! At saka kung nalaman ko na buntis ka sa akin, ay hindi ko na itutuloy ang pag-aaral ko sa ibang bansa," paliwanag ni Zach. "H-hindi ko alam!" umiiyak na saad ni Amithy. Hindi na makapagsalita si Zach dahil sobra itong nanghihinayang sa mga oras na nawala sa kan'ya. 'yung dalawang bata na gustong-gusto n'yang kasama ay mismong anak n'ya pala. Niyakap ni Zach si Amithy ng mahigpit na parang ayaw na nitong bitawan ang babaeng nasa bisig n'ya. "Akala ko ay tuluyan ka ng wala sa akin," bulong ni Zach sa kasama n'ya. "Tanggap ko na ang lahat, masaya na ako sa kambal," sagot ni Amithy. Kumalas sa pagkakayakap si Zach at agad na pinunasan ang luha na nagkalat sa pisnge ni Amithy sabay iling ito. "Papakasalan kita!" saad ni Zach. Hindi pa nakakapagsalita si Amithy para sa narinig ay hindi na napigilan ni Zach na halikan sa labi ang kasama. Matagal n'yang hindi natikman muli ang tamis ng halik ng babaeng totoong nagmamahal sa kan'ya. Napahawak lang sa damit ni Zach si Amithy dahil sa halik ni Zach sa kan'ya ay napapaatras ako. Sa ilalim ng buwan at sa mga hindi mabilang na stars ay nasisilayan ang dalawa na pagkalipas ng ilang mahabang panahon ay ganoon pa rin ang nararamdaman sa isa't isa. Bumalik sila sa room ni Addison para bantayan ang anak nila at gusto rin makasama ni Zach ang kambal para bumawi sa mga ito. "Aiden, matulog ka na," saad ni Amithy. "Matulog ka na at bukas ay pupunta tayo sa..." hindi natuloy ang sa sabihin ni Zach ng biglang lumayo sa kan'ya ang si Aiden. "Bakit nandito ka pa?" seryosong tanong ni Aiden kay Zach. "Aiden, bumisita lang s'ya kay Addison," sagot ni Amithy. "Kaya mo s'yang tanggapin agad, Mama?" seryosong tanong ni Aiden. Sa tagal ng panahon na wala si Zach za buhay nila, ay nasanay na lang ang kambal na mabuhay sa sarili nila dahil laging busy sa trabaho ang mama n'ya kaya natutong maging independent ang kambal at maagang naunawaan na kulang ang pamilya nila, isama pa ang laging pambu-bully sa kanila na walang tatay. "Anong ibig mong sabihin, Aiden?" kunot noong tanong ni Amithy. "Narinig ko kayo." Nagkatinginan si Amithy at Zach dahil mukhang sinundan sila ni Aiden sa labas. Lalapitan ni Zach si Aiden, para ipaliwanag ang lahat, pero lumayo ang bata sa kan'ya. "Bakit bumalik ka pa kung kailan kaya na namin ang lahat?" Bakas sa bawat salita ng bata ang sakit ng pangungulila sa ama. "Sorry, Aiden! Hindi ko alam na buntis pala ang mama mo," paliwanag ni Zach. "Hindi ko kayang tanggapin ang sorry mo," seryosong saad ni Aiden at biglang tumakbo ang bata palabas ng kwarto. "Aiden!" tawag ni Amithy sa anak. Pinigilan ni Zach na habulin ni Amithy si Aiden. "Ako na," saad ni Aiden bago ito tumakbo palabas ng kwarto para habulin ang anak. Pero pagkalabas n'ya ng hospital ay walang makita si Zach maski ang anino ng anak n'ya. Nilibot n'ya ang buong paligid ng hospital, pero wala ang bata kaya nagsimula s'yang maghanap sa kalsada. Dahil ilang minuto na ay hindi pa rin n'ya nakikita si Aiden ay balak na nitong tawagan ang mga tauhan n'ya para ipahanap ang anak nito, pero napatigil sa pagtakbo si Zach ng makita ang anak na nakahinto sa tulay habang nakatingin sa buwan. Binaba n'ya agad ang phone n'ya at nilapitan si Aiden. Kita n'ya ang luha sa anak na lalong ikinasisi ang taon na nawala sa kan'ya na hindi sila kasama. "Umalis ka na," umiiyak na saad ni Aiden. Napahinga ng malalim si Zack. "Mayroon kaming business sa ibang bansa at ako din ang nagma-manage kaya aalis din ako dito," sagot ni Zach. Nakatingin lang din si Zach sa buwan habang nasa gilid n'ya ang anak. "Delikado dito kung mag-isa ka. Ihahatid na kita pabalik sa hospital. Kung ayaw mo akong makita ay aalis na ako pagkabalik mo sa hospital," mahinahon na sabi ni Zach. Ilang minutong tumahimik ang paligid at hinayaan lang ni Zach na umiyak ang anak n'ya sa tabi n'ya. Pero naglakad na ulit si Aiden pabalik sa hospital kasama si Zach. "Aiden!" agad na niyakap ni Amithy si Aiden ng makita ito. Napatingin naman si Amithy kay Zach. "Babalik na lang ako," paalam ni Zach sabay talikod at naglakad paalis. Tahimik naman si Aiden at halos ilang araw na hindi nakikipag-usap. Dumalaw si Zach sa bahay nila Amithy, pero ng makita s'ya ni Aiden ay agad itong pumasok sa loob ng kwarto n'ya. Mayroon po akong Tagalog Love Story Audobook, free lang po. Sana ay suportahan n'yo po. YOUTUBE CHANNEL: CAMI STORY FOLLOW MY sss PAGE: HXNNXHSSI
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD