ONE
"Saan sila pumunta?" tanong ni Zach habang naglalakad sa kwarto ni Amithy na alam n'yang malungkot.
"Umuwi sa probinsya. Dadalawin nila lola ko," matamblay na sagot ni Amithy.
Pagpasok nila sa kwarto ni Amithy ay balak nilang manuod ng movie, bukod doon ay ito na rin ang huling bonding ng dalawa dahil kailangan umalis ni Zach para mag-aral sa ibang bansa. Tahimik lang ang dalawa habang nanunuod sila.
"Hanggang kailan ka doon?" hindi na mapigilan ni Amithy ang kaniyang lungkot na nararamdaman.
Hinawakan ng binata ang malambot na kamay ni Amithy.
"After college. Bata pa 'yung kapatid ko at matanda na si Papa kaya hinahanda na ako para pumalit sa kan'ya," malambing na sagot ni Zach.
Napanguso naman si Amity kasi ngayon pa lang na iniisip n'ya na mawawala ang boyfriend n'ya ay nami-miss na n'ya agad ito.
Napako naman ang tingin ng binata sa labi ni Amithy na parang inaakit s'yang lapitan iyon.
"Baka palitan mo ako sa mga kulay puti doon?!" nakangusong tanong ni Amithy.
"Malabo pa sa tinta ng pusi," nakangising sagot ni Zack. Pagkasabi n'ya ng ganoon ay hindi na n'ya napigilan ang sarili at hinalikan ang dalaga.
Napangiti naman s'ya ng hindi pumalag ang taong mahal n'ya, hanggang sa lumalim ang nararamdaman na init ng dalawa at hindi na nila ma-control ang lahat.
"Babalik ako," bulong ni Zack.
After a week
Ang dalaga ay umiiyak habang pinapanuod si Zack na papalayo na sa kan'ya. Wala itong magawa kung hindi ang kumaway habang tumutulo ang tubig sa kaniyang mata.
"Tatawagan kita!" sigaw ni Zack bago ito pumasok sa loob ng airport.
Tumalikod si Amithy dahil ayaw n'yang makita ang pag-alis ng boyfriend n'ya.
"Saglit lang naman ang three years," pampagaan loob n'ya sa sarili.
Nag-focus lang sa pag-aaral si Amithy para hindi n'ya mamalayan ang araw na lumilipas. First year college pa lang si Amithy ng Marketing Management.
Habang na sa klase ang dalaga ay narinig n'ya ang mga kaklase n'ya na mayroong pinag-uusapan.
"Huy, Te! Anong mag-aaral lang sa ibang bansa? Sure yun, hindi makakapagpigil iyon na palitan s'ya sa ibang babae doon. Masyado kasing kampante sa boyfriend n'ya."
"Eto na ang tea, mga beshy ko!"
"Ano 'yun?!"
"Huli na kayo sa balita. Si Stacy, yung boyfriend daw n'ya mag-aaral sa ibang bansa. Boom! Pinalitan na s'ya. Saka deserve naman n'ya iyon, porket higher level lang s'ya sa atin nagmamaganda. Deserve!"
Nagtawanan ang mga kaklase ni Amithy, pero kahit na hindi naman s'ya ang pinag-uusapan ay parang tinamaan s'ya. Napatayo na lang bigla si Amithy ng makaramdam ito ng pagbaliktad ng tyan n'ya.
Nagmamadali itong tumakbo papunta sa comfort room ng school nila habang nakahawak ito sa bibig n'ya para pigilan lumabas ng suka.
"Mhie! Saan ka pupunta?!" sigaw ni Melanie ng makitang tumatakbo ang kaibigan sa corridor.
Pagkapasok ni Amithy sa C.R ay agad n'yang niluwa ang hindi mapigil na suka.
"Mhie, may sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Melanie sa kaibigan ng sundan n'ya ito.
Nag-flash lang ng toilet si Amithy at nagmumug ng bibig sa sink. Si Melanie naman ay hinihimas ang likod ng kaibigan.
"Okay lang ako. Baka kasi sa kinain kong breakfast kanina kaya sumakit ang tyan ko," sagot ni Amithy sa kaibigan.
Paglabas nila ng C.R ay nakita n'ya ang isa pa n'ya kaibigan na si Arthur na sobrang nag-aalala sa kan'ya.
"Umuwi ka na," utos ni Arthur sa kaibigan.
"Ayos lang ako," nanghihinang sagot ni Amithy.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ni Amithy, pero bigla ng nagdilim ang paningin n'ya. Buti na lang ay mabilis s'yang nasalo ni Arthur.
Sinugod nila si Amithy sa hospital. Mayroong kotse si Arthur kaya s'ya ang nagda-drive.
"Mayroon namang clinic sa school bakit hindi mo doon dinala?!" reklamo ni Melanie.
"Paano kung kailangan n'yang operation? May equipment ba ang clinic?!" natatarantang sagot ni Arthur.
Napairap na lang sa ere si Melanie habang nag-aalala sa kaibigan.
"Sabi ko naman sa'yo, wag kang masyadong magpuyat, exam lang naman yan," parang maiiyak na saad ni Melanie.
"Di ba, Nursing student ka? Gamutin mo na s'ya hanggang wala tayo sa hospital!" saad ni Arthur.
"First year pa lang ako. Halos lahat ng subjects ko minor lang!" iritang saad ni Melanie.
"Sus, palusot!" bulong ni Arthur.
"Kung bilisan mo na lang kaya magmaneho?!" reklamo ni Melanie.
Pagdating sa hospital ay nasa waiting area lang ang dalawa habang tinitignan ng doctor si Amithy.
"Buhay pa naman siguro s'ya sa loob?" tanong ni Arthur.
"Ewan ko sa'yo!" sagot ni Melanie.
Pagkatapos ng ilang oras ay lumabas ang Doctor.
"Nasaan po ang boyfriend n'ya or asawa?" hanap ng doctor.
"Huh? Bakit po?" tanong ni Arthur.
"She's one month and two weeks pregnant," sagot ng doctor.
Napatakbo sa loob si Melanie at si Arthur para tignan si Amithy na ngayon ay nakaupo na sa hospital bed.
"Sino ama?" takang tanong ni Arthur.
"Tsk! Sino pa? Edi malamang si Zach! S'ya lang naman boyfriend ni Amithy!" sagot ni Melanie.
"Alam na ba n'ya?" tanong ni Arthur.
Biglang umiyak si Amithy kaya nagtaka ang dalawa.
"H-hindi s'ya sumasagot sa tawag ko. I have no idea sa kan'ya since last three weeks," iyak ni Amithy.
"Gago ba s'ya?!" inis na tanong ni Arthur.
"Sabi na, duda ako sa lintek na yun, eh! Mukha lang ang maganda sa kan'ya!" giit ni Melanie.
"P-paano gagawin ko?!" natatakot na tanong ni Amithy.
"Edi sabihin mo kila Tita. Malalaman din naman nila yan kaya wag mo na itago," seryosong sagot ni Arthur.
Niyakap na lang ni Melanie ang kaibigan dahil nabalot na ng katahimikan ang buong paligid.
After 13 years
"Ma, is that fine kung wala akong award sa graduation?" tanong ni Addison sa mama n'ya.
"Me too, Mama. Na-focus ko kasi ang sarili ko sa painting kaya medyo hindi ko na abot 'yung requirement grade to get the higher honor," saad naman ni Aiden.
"Grumaduate lang kayo ay malaking achievements na sa akin," nakangiting sagot ni Amithy sa kambal.
Binigyan ni Amithy ang mga anak n'ya ng eggs at bread para makakain na sila ng breakfast. Nagkwentuhan lang silang tatlo at after nilang kumain ay hinatid na ni Amithy ang kambal sa school nila para magpractice sa graduation. Habang si Amithy naman ay pumasok na sa trabaho. Isa na s'yang manager sa isang sikat na restaurant.
Lunch break na, dumalaw ang kaibigan n'yang engineer na si Arthur at ang best friend n'yang si Melanie na ngayon ay nurse na.
"Tuloy ba ang plano natin na magtayo ng isang restaurant?" tanong ni Arthur.
"Mayroon ng plano si Amithy, and s'ya na rin ang magma-manage noon para sure na hindi malugi. Kasi kung ikaw baka magsayang lang tayo ng oras at puhunan," banat ni Melanie.
"Nahiya naman ako sa'yo. Kaya ka nga nag nurse kasi bobo ka sa business," ganti naman ni Arthur.
Napangisi naman si Amithy sa kaniyang kaibigan. Halata naman na mayroong silang lihim na relasyon at ayaw lang sabihin kay Amithy, pero matagal ng n'yang alam. Wala naman matatago ang mga kaibigan n'ya sa kaniya.
"Ikaw na ang bahala about sa construction, about sa mga internal management kami na ni Melanie ang bahala," paliwanag ni Amithy.
Nilabas n'ya ang laptop para pag-usapan ang kanilang plano.
Mayroon po akong Tagalog Love Story Audobook, free lang po. Sana ay suportahan n'yo po.
YOUTUBE CHANNEL: CAMI STORY
FOLLOW MY sss PAGE: HXNNXHSSI