Hinila n'ya ang mga anak para lumabas sa loob ng restaurant.
"Mukha pa lang ng isang 'yun ay mukhang gago na!" sagot ni Arthur.
Habang pinapakalma si Arthur ay napatingin si Melanie sa liguran ng mag-iina.
"Z-zach?" gulat na tawag ni Melanie.
Napatingin silang lahat, pero si Zach ay kay Arthur lang nakatingin sabay lipat kay Amithy.
"Sir Zach," tawag ni Aiden.
"Buti dumating ka, Zach! Tatawag ako ng pulis para ipahuli ang lalaking iyan!" saad ni Ferry.
"Wag ka ng magsayang ng oras," seryosong sagot ni Zach.
Tatalikuran n ani Zach silang lahat, pero napahinto ito ng hinawakan s'ya ni Addison na namumutla na. Agad na nasalo ni Zach si Addison ng mawalan ito ng malay.
"Addison!" sabay-sabay nilang tawag.
Binuhat na agad ni Zack si Addison at tinakbo iyon. Sumakay sa kotse si Zack kasama si Aiden at Amithy. Mabilis na pinaandar ni Zach ang kotse para dalhin sa hospital si Addison.
"Addison, I told you na wag mo ng kainin 'yun!" nag-aalalang saad ni Aiden sa kakambal.
"Ano 'yung kinain ni Addison?" nag-aalalang tanong ni Amithy.
"Expired bread. Bigla kasi syang nagutom kagabi and wala ka kaya kinain n'ya 'yung expired na tinapay," parang maiiyak na saad ni Aiden.
"Bilisan mo, Zach!" natatarantang utos ni Amithy.
Pagdating nila sa hospital ay agad na dinala si Addison sa emergency room at food poisoning nga ang rason kung bakit sumasakit ang tyan ni Addison at dehydration naman ang dahilan kung bakit nawalan ng malay ang bata.
"Hindi dapat ako umalis," nag-aalalang saad ni Amithy habang hawak ang kamay ni Addison na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
"Thank you, Sir Zach," saad ni Aiden kay Zach ng maging ayos na ang lahat.
"No worries, young man!" nakangiting sagot ni Zach.
"Addison!" hinihingal na saad ni Arthur pagkapasok dahil tumakbo sila ni Melanie para lang mapuntahan agad ang kwarto ni Addison.
"Ninong!" tawag ni Aiden kay Arthur.
"Ninong?" takang tanong ni Zach, pero mukhang sya lang ang nakarinig sa sarili n'ya dahil naging abala ang lahat kay Addison.
Umalis na si Zach dahil mayroon pa itong trabaho na naghihintay sa kan'ya, pero buong araw ay ang iniisip n'ya kung ayos lang ba si Addison.
Kinagabihan ay balak na dumalaw ni Zach kay Addison. Kinuha nito ang naiwan na bag ng bata at napatingin s'ya sa isang favorite n'ya na libro since nakita ni Zach kung gaano kagusto ni Addison ang business world, at 'yung lapis na binili ni Zach na hindi naman n'ya nagagamit dahil sa wala itong oras ay gusto na rin n'yang ibigay iyon kay Aiden.
Pagdating ni Zach sa hospital ay nakita n'ya sa labas si Arthur at Amithy na masayang nagpapaalam sa isa't isa.
"Balitaan mo ako pag lalabas na kayo," paalam ni Arthur.
Pagkaalis ni Arthur ay saka naman lumapit si Zach.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Amithy.
"Gusto ko lang makita kung ayos na si Addison," sagot ni Zach.
"Ayos lang s'ya kaya makakaalis ka na," tugon ni Amithy.
Tumango si Zach at inabot 'yung mga gamit kay Amithy. "Pabigay na lang sa kambal," saad ni Zach.
"Ito na sana ang huli n'yong pagkikita," seryosong sabi ni Amithy.
Kinuha ang bag ni Addison, pero iniwan 'yung libro at lapis na gustong ibigay ni Zach sa kambal. Sabay talikod ni Amithy kay Zach at naglakad na paalis.
Hindi na nagpumilit pa si Zach na pumasok at bumalik na lang sa parking lot, pero ang hindi n'ya inaasahan na nandoon pa si Arthur na mukhang hinihintay s'ya.
Walang balak na pansinin ni Zach ang kaibigan ni Amithy, pero humarang ito sa dadaanan n'ya.
"Hindi ba naglaho ka na ng parang bula? Bakit bumabalik ka pa para guluhin ang kaibigan ko?" seryosong tanong ni Arthur. "Tapos pati 'yung kambal ay guguluhin mo rin?! Ayos naman sila noong wala ka!" saad ni Arthur.
"Hindi ko guguluhin 'yung anak mo," seryosong saad ni Zach.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Arthur dahil naguluhan ito sa narinig n'ya.
"A-anak ko?" takang tanong ni Arthur. "Paano ako magkakaanak, virgin pa ako!"
Seryosong tinignan ni Zach si Arthur. Wala itong nakikita kung hindi palabirong lalaki lang ang nasa harapan n'ya.
"Pancake, tara na... May kausap ka pala," saad ni Melanie ng dumating ito galing sa loob ng hospital.
Nagdikit ang dalawang kilay ni Zach dahil sa dalawa na kaibigan ni Amithy. Lalong nagtaka si Zach ng hawakan ni Melanie si Arthur.
"Alam ba iyan ni Amithy?" seryosong tanong ni Zach.
"Bestfriend n'ya kami kaya paanong hindi n'ya malalaman?" tanong naman ni Melanie. "Umuwi na tayo, Arthur," aya ni Melanie.
Lalong gumulo ang lahat kay Zach dahil sa mga nalalaman n'ya na hindi nagtutugma.
"Hindi mo anak 'yung kambal?" seryosong tanong ni Zach.
"Ang kulit mo! Virgin pa nga ako!" iritang sagot ni Arthur. "Saka kaya ko namang maging anak-anakan 'yung kambal, since hindi mo naman magawa—"
Hindi natapos ang sasabihin ni Arthur dahil biglang tinakpan ni Melanie ang bibig ng boyfriend n'ya.
Tinanggal ni Zach ang kamay ni Melanie sa bibig ni Arthur. "Hindi ko magawa ang alin?" seryosong tanong ni Zach.
"Uuwi na kami," saad ni Melanie.
Tatalikod na 'yung dalawa, pero hinawakan ni Zach si Arthur. "Isipin mo," seryosong sagot ni Arthur at tinanggal ang pagkakahawak ni Zach sa kan'ya.
"Anak ko ba 'yung kambal?" walang pagdadalawang isip na tanong ni Zach.
Hindi s'ya pinansin ni Arthur at agad na umalis sa parking lot. Napasabunot naman sa ulo si Zach dahil sa naisip n'ya hindi n'ya alam kung ano ang gagawin at ngayon n'ya lang napansin na kaya pala same hobby sila ng kambal.
Tumakbo si Zach papunta pabalik sa hospital para si Amithy na mismo ang tanungin ng bagay na iyon.
Gulat na napatingin si Amithy at 'yung kambal ng biglang pumasok sa loob si Zach. At nakita n'ya na pinapakain ni Amithy ang dalawang bata.
"Bakit hindi ka pa umalis?" seryosong tanong ni Amithy.
"Mayroon ka bang sa sabihin sa akin?!" seryosong tanong ni Zach.
Nagsalubong ang kilay ni Amithy. "Wala akong sa sabihin," sagot ni Amithy.
"Tungkol sa kanila, after 13 years?" seryosong tanong ni Zach.
Napatayo si Amithy sa narinig n'ya kaya hinila n'ya sa labas si Zach para doon mag-usap. Huminto ang dalawa sa lugar kung saan walang tao, sa garden ng hospital.
"Umalis ka na at wag ka ng bumalik pa, mas okay kung babalik ka sa France!" saad ni Amithy.
Hindi mapakali si Amithy ngayon. Wala s'yang balak ipaalam ang lahat at kakalimutan na nila si Zach, pero ngayon ay hindi mawari kung paano nalaman ni Zach ang tungkol sa kambal.
"Kaya ba pinapalayo mo ako sa kanila dahil ako 'yung tatay ng kambal?" seryosong tanong ni Zach.
Mayroon po akong Tagalog Love Story Audobook, free lang po. Sana ay suportahan n'yo po.
YOUTUBE CHANNEL: CAMI STORY
FOLLOW MY sss PAGE: HXNNXHSSI