NINE

1577 Words
"Babalik na ako sa France," saad ni Zach. "Hanggang kailan?" tanong ni Amithy. Umiling si Zach. "Hindi ko alam kung kailan. Gusto ko sana makasama 'yung kambal bago ako umalis," sagot ni Zach. Agad na tumango si Amithy kahit na medyo nalulungkot ito na aalis ulit si Zach. Pinagbihis n'ya ni Amithy ang kambal para sumama kay Zach. Kinausap naman ni Amithy si Aiden na last na nilang pagkikita iyon kaya napapayag ang bata, si Addison naman ay walang alam sa nangyayari. Dinala ni Zach ang kambal sa office n'ya para ipagpatuloy ang paglilibot nila doon sa buong building. Masayang-masaya si Addison sa nakikita habang si Aiden ay tahimik lang hanggang sa nag-stay sila sa office ni Zach. "Gusto kong magtrabaho dito," masayang saad ni Addison. "You can," sagot ni Zach. "Just focus on your study first. If you will, ibibigay ko sa'yo 'yung position ko if ready ka na," paliwanag ni Zach. "Talaga, Sir?" masayang tanong ni Addison. "Call me, Papa," nakangiting saad ni Zach. Bakas naman sa mukha ni Addison ang pagtataka. "Why?" taka nitong tanong. Nilapitan ni Zach ang anak at hinawakan ang dalawang kamay ni Addison. "Sorry, kung matagal akong nawala, kung hindi ko agad kayo nakilala noong nagkita tayo," parang maiiyak na si Zach ng makaharap n'ya si Addison. "I'm your father," pag-amin ni Zach. Napalayo si Addison kay Zach at tinignan ito ng seryoso. Napayuko si Zach dahil alam n'yang hindi s'ya kayang tanggapin ng kambal. "Bakit mo iniwan si Mama? Sobrang naghirap s'ya kasi s'ya lang mag-isa!" umiiyak na sabi ni Addison. "Hindi ko alam na may anak kami," sagot ni Zach. Napayakap na lang si Zach kay Addison habang si Aiden ay piniling lumayo sa dalawa at kitang-kita ni Zach na si Aiden ang nakakuha ng ugali n'ya. Hindi inaasahan ni Zach na naiintindihan s'ya ni Addison, pero hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak hanggang sa inuwi na sila sa bahay nila. "Paalam," saad ni Zach kay Amithy. Hinawakan n'ya ang kamay ni Amithy at hindi mapigilan ang luha sa mata n'ya dahil natupad n'ya ang isa sa mga gusto nito na magkaroon sila ng anak ni Amithy. "Babalik ako pag naghilom na ang sugat sa puso nila. Papakasalan kita pangako," saad ni Zach at hinalikan si Amithy. "Masyado pa silang bata para maintindihan ang mga nangyayari," sagot ni Amithy. "Paano gagaling ang sugat kung aalis ka?" Napatingin ang dalawa sa likuran nila at si Aiden ay nakitang nakatayo habang nahihiyang tumingin kay Zach. “Don’t promise, just do it,” saad pa ni Aiden. Napangiti naman si Zach dahil sa narinig n’ya sa anak. Tumango si Zach at nilapitan si Aiden para yakapin. “Don’t leave, Mama, again,” mahinang bulong ni Aiden, pero malinaw pa sa malinaw na narinig ni Zach ang lahat. Mahigpit n’yang niyakap si Aiden. “Wala akong hug? Anak mor in naman ako, hindi ba?” nakangusong tanong ni Addison na nakatayo sa gitna ng hagdan pababa. “Come here, my daughter, my future CEO,” nakangiting saad ni Zach. Tumakbo naman si Addison papunta kay Zack at Parehong niyakap ang kambal. Sa 12 years na nabubuhay ang kambal ay sa isang yakap lang ni Zach sa kanila ay pakiramdam nila ay nabuo na ang kulang sa buhay nila. Ganoon din si Zach, nabuo ang lahat ng mapatawad na s’ya ng kambal. “Don’t be shy, Amithy,” nakangiting aya ni Zach kay Amithy para sumama sa yakapan nilang lahat. Itong ang unang pagkakataon na magkayakap silang apat ng buo, at saya lang ang nararamdaman nila ngayon. After ng ilang oras ay nakatulog na ang kambal at si Amithy and Zach na lang ang nanatiling gising habang nanunuod. Sa Sala sila natulog para kasya silang apat. Nalipat ang tingin ni Amithy sa kamay n’ya ng hawakan iyon ni Zach, pero ang tingin ni Zach ay nasa monitor. “Do you wanna come to France for vacation?” tanong ni Zach kay Amithy. “Mayroon kaming business na itatayo at hindi ako pwedeng umalis,” sagot ni Amithy. “Just comeback,” dagdag ni Amithy. Inayos ni Zach ang kumot ng kambal at nilapitan si Amithy para bigyan ng halik. Namula bigla ang mukha ni Amithy at medyo na hihiya pa ito, pero gusto naman n’ya. Mahigpit na hinawakan ni Zach ang kamay ni Amithy at hindi na n’ya bibitawan pa ito kahit na anong mangyari. After four months. Nasa loob ng airport si Amithy habang hinihintay ang paglabas nila Zach mula sa Paris, France. “Mama!” sabay na sigaw ng kambal na makita si Amithy. Isang buwan na nagbakasyon ang kambal kasama si Zach sa France para na rin ipakita kay Addison ang mga bagay na gusto n’yang gawin in the future, at ganoon din si Aiden na makita ang painting na Monalisa. Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Amithy sa kambal dahil sobra na-miss n’ya ito dahil ngayon lang sila nawalay sa bawat isa na ganoon katagal. Hindi sumama si Amithy dahil sa business na matagal na nilang pinaplano na magkaibigan. “Nag-enjoy ba kayo?” tanong ni Amithy. “Yes,” agad na sagot ni Addison. Napatingin sa paligid si Amithy dahil mayroong isang kulang na dumating. Akala ni Amithy ay dala ni Zach ang mga gamit ng kambal, pero dumating ang isang tauhan ni Zach na may dala ng gamit ng kambal. “Let’s go na, Mama!” aya ni Aiden at hinihila ang kamay ni Amithy para umalis na. “Hinihintay n’ya yata si Papa,” biro ni Addison. “Bakit ko naman hihintayin ang papa n’yo? Tinitignan ko lang kung kumpleto ang gamit n’yo,” depensa ni Amithy, pero ang mata n’ya ay hindi naman sa gamit naka tingin. “Hindi daw s’ya uuwi kaya kami na lang ang umuwi sa pilipinas ni Addison,” saad ni Aiden. “Pinabayaan n’ya kayong umuwi mag-isa?” seryosong tanong ni Amithy. “Pasalamat s’ya at walang nangyari sa inyo kung hindi ay lagot s’ya sa akin!” “Miss mo lang si Papa,” biro ni Addison. Napa-make face naman si Amithy. “Bakit ko mami-miss ang papa n’yo?” tanong niya. Natawa na lang ang kambal dahil iba ang sinasabi ng mukha ng mama nila kasya sa sinasabi ng bibig nito. Kinuha ni Amithy ang gamit ng kambal para umuwi na sila, pero napatigil ito ng pagtalikod n’ya ay nakita si Zach sa harapan n’ya kasama ang kambal, pero ang lalong nagpatigil dito ay nakaluhod ito; at ang tingin ni Amithy ay lumipat sa kamay ni Zach na mayroong hawak na maliit na box at mayroong isang kumukinang na singsing sa loob noon. “I never saw myself deeply in love since we parted our way; Hindi lang isang pag-asa ang binigay mo sa akin…” Tiniganan ni Zach ang kambal na todo ang suporta sa ginagawa ng papa nila at binalik ang tingin kay Amithy na hindi alam kung ano ang mararamdaman n’ya. “Kung hindi dalawa,” pagpapatuloy n’ya. “13 years ago, I thought our love story are ended there, but I was wrong, ngayon pa lang pala magsisimula ang lahat.” Huminga ng malalim si Zach at inangat ang kamay n’ya para ipakita kay Amithy ang singsing. “My love, are you willing to build a lifetime of love and happiness together? Amithy, the mother of my twin, will you marry me?” tanong ni Zach. “How can I say no, if my heart already says, yes,” naiiyak na sagot ni Amithy. Nagsigawan ang kambal sa saya dahil mararadaman na nila ang isang buong pamilya na matagal na nilang inaasam-asam. Napatayo si Zach at Sinuot ang singsing kay Amithy. “I love you,” masayang saad ni Zach sabay halik kay Amithy. Hindi naman napigilan ng kambal ang mapayakap sa magulang nila dahil sa saya. After ilang weeks, sa school ng kambal ay pumapasok na sila bilang grade 7 students. Uwian na, pero habang naglalakad ang dalawa sa corridor ay mayroon silang narinig na nagsalita sa gilid nila. “Wala naman tatay iyan eh,” rinig nila. Napahinto si Addison sa paglalakad dahil alam n’yang sila ang pinaparinggan ng kaklase nito. “Sinong walang tatay?” matapang na tanong ni Addison. “Addison, wag mo na patulan ‘yung kulang sa aruga ng may tatay,” banat ni Aiden. “Kung kami walang tatay, ikaw walang utak!” banat ni Addison. “Hoy! Bata, ang talas naman ng dila mo! Saka totoo naman na wala kayong tatay!” saad ng tatay ng batang nagparinig sa kambal. “Excuse me!” Lumitaw si Zach mula sa likuran ng kambal at binigay ang business card sa tatay ng bata. “CEO?” gulat na tanong ng lalaki. “Alam mo ba kung saan yung registrar?” tanong ni Zach. Agad na tinuro ng lalaki ang daan kaya napangiti si Zach. “Balak ko kasing ilipat sa prestigious school ang mga anak ko,” seryosong saad ni Zach. “Papa!” tawag ni Addison. Napaiwas na lang ng tingin ang lalaki at umalis dahil sa hiya. “Let’s go. Hinihintay na tayo ng mama n’yo sa kotse,” aya ni Zach sa kambal. Lalong naging masaya ang pamilya nila at wala ng tinatagong pangungulila sa bawat isa at tuluyan ng gumaling ang sugat na matagal na nilang iniinda. End. Mayroon po akong Tagalog Love Story Audobook, free lang po. Sana ay suportahan n'yo po. YOUTUBE CHANNEL: CAMI STORY FOLLOW MY sss PAGE: HXNNXHSSI

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD