"Hindi ko alam kung, makakapunta ako 'yung kambal kasi—"
"Ako na ang bahala sa kambal, magpapadala ako ng tao para bantayan sila," saad ni Ferry.
Dahil na rin sa pangungulit ni Ferry ay nahiya ng tumanggi si Amithy.
After one week, nakaayos na si Amithy ng kaniyang sarili para pumunta sa event na sinasabi ni Ferry.
"Ayoko s'yang maging step father," seryosong saad ni Aiden kay Amithy.
"Mabait naman si Ferry," sagot ni Amithy, pero wala namang balak makipag relasyon ito kay Ferry.
"Ayoko," mariin na saad ni Aiden bago umalis.
Pagkatapos mag-ayos ni Amithy ay pinuntahan n'ya ang kwarto ng mga anak n'ya at inuna nito si Aiden dahil kita n'ya na ayaw talaga nito kay Ferry.
"Aalis na ako. Babalik din ako agad," paalam ni Amithy sa anak.
Nakatalukbong ng kumot si Aiden. Kahit na medyo mature na mag-isip ang mga anak n'ya, pero hindi pa rin nakakalimutan ni Amithy na bata pa rin ang mga ito.
"Gabi ka na lang namin makakasama, pero ibibigay ko pa sa Ferry na yun," nagtatampong saad ni Aiden.
"Mag-leave ako tomorrow para umalis tayo," saad ni Amithy.
Napabuntong hininga na lang si Aiden at tumango. Sunod naman nagpaalam kay Addison si Amithy bago umalis.
Pagdating ni Amithy sa venue ay agad n'yang hinanap si Ferry at busy ito sa mga kausap n'ya.
Halos lahat ng makita n'ya ay mga high profile ang mga tao, ang iba ay mga sikat na model at artista.
Napatingin si Amithy sa harapan n'ya ng biglang sumulpot si Zach. Binaling ni Amithy ang tingin n'ya kay Ferry na agad naman napansin ni Zach.
Hindi sila nagpapansinan na dalawa at walang nakakakilala kay Amithy maliban kay Ferry at Zach.
Abala si Zach makipag-usap sa mga kasama n'ya, pero hindi nito maalis ang tingin kay Amithy, pero ang nakakuha ng attention ni Zach ay mayroong nilagay na bagay si Ferry sa inumin ni Amithy.
Alam na ni Zach kung gaano kagago si Ferry kaya hindi ito kampate sa lalaki pag kasama si Amithy.
Binigay ang inumin kay Amithy. Balak lumapit ni Zach sa babae, pero mayroong humarang sa kan'ya at kinausap siya.
Hindi mapakali si Zach dahil nakikita n'ya ang pag-iba ng kinikilos ni Amithy.
"Give me a sec," paalam ni Zach ng makita na n'yang tumayo si Amithy.
Patingin-tingin si Zach sa paligid dahil baka mayroon makakita sa kanila. Balak pumunta ni Amithy sa C.R, pero hindi pa nanapasok sa loob ng C.R ay napahawak na lang sa pader si Amithy dahil nakaramdam ito ng hilo at gusto na lang n'yang matulog.
"Amithy!" tawag ni Zach bago pa mawalan ng malay si Amithy, pero buti ay nasalo ni Zach.
Dinala n'ya ang dalaga sa room n'ya dito sa hotel. Hindi mapigilan ni Zach ang tumingin sa buong katawan ng kasama n'ya kaya napahinga ng malalim si Zach at kinumutan si Amithy bago bumalik sa event.
Pansin ni Zach na mayroong hinahanap si Ferry kaya nilapitan n'ya ito.
"Nakita mo ba si Amithy?" tanong sa kan'ya.
"Nakita kong lumabas na. Baka umuwi na," seryosong sagot ni Zach bago lagpasan si Ferry dahil baka makagawa lang s'ya ng gulo.
After party ay bumalik sa room si Zach. Isa lang ang kama dito at ayaw naman n'yang iwan si Amithy na mag-isa. Nagising si Amithy at ang agad na bumungad sa kan'ya ay si Zach na natutulog sa sofa. Agad na napabangon si Amithy at hinagisan ng unan si Zach dahil sa gulat n'ya.
"Anong ginawa mo sa akin?! N-nasaan ako?" sigaw ni Amithy.
Pumungay-pungay pa ang mata ni Zach dahil sa Inaantok pa ito. Binato ulit s'ya ni Amithy ng unan na sumakto sa mukha ni Zach.
"A-anong ginawa mo sa akin?!" kinakabahan na tanong ni Amithy.
"Anong gagawin ko sa'yo? Hubad ka ba? No, right? Meaning wala akong ginawa," medyo pikon na sagot ni Zach at nakahawak pa sa ulo n'ya dahil parang gusto pa nitong matulog.
Tumayo si Zach at humiga sa kama na agad naman tinayuan ni Amithy para umiwas sa kasama n'ya.
"Nasaan si Ferry?" tanong ni Amithy.
Ang pangalan ni Ferry ang naging kape para magising si Zach.
"Layuan mo s'ya," seryosong saad ni Zach.
"Wala ka sa lugar para utusan ako ng gusto kong lapitan," seryosong sagot ni Amithy.
Balak na umalis ni Amithy, pero biglang tumayo si Zach at hinarangan si Amithy; wala itong sinabi na kahit ano, nakatingin lang s'ya sa mata ng kasama at halos sa sabog na ang isip n'ya sa daming gustong sabihin kay Amithy, pero ni isang salita ay wala itong masabi.
Nilagpasan s'ya ni Amithy. Parang napako na sa kinatatayuan si Zach dahil hindi na ito gumalaw doon at napahinga na lang ito ng malalim.
"Bakit di mo ako hinintay?" mahinang tanong ni Zach sa kawalan.
Tinupad ni Amithy ang pangako n'ya sa kambal na aalis sila, sa una ay masaya ang tatlo sa kanilang ginawa dahil matagal na since huli nila nagawa ang bagay na ganito. Kakain sa labas, at mamamasyal.
Pero hindi inaasahan ng tatlo na dadating si Ferry. Walang idea si Amithy, pero ang inakala ng kambal na tinawagan iyon ni Amithy.
"Namamasyal ba kayo?" nakangiting tanong ni Ferry. "P'wede ba akong sumama?"
"Ferry, anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Amithy.
"Hindi kasi natuloy ang bonding naming tatlo kaya nang makita ko kayo dito ay pina-cancel ko na lahat ng trabaho ko ngayong araw," nakangiting saad ni Ferry.
"Gusto ko ng umuwi," aya ni Addison kahit hindi pa dumadating ang order nilang pagkain.
"Why?" tanong ni Ferry.
"Dahil sa'yo," seryosong sagot ni Aiden.
"Aiden!" saway ni Amithy sa anak.
"Masakit 'yung tyan ko," saad ni Addison.
"Wag kang maarte, Ija. Bibili na lang tayo ng gamot," saad ni Ferry.
"Maarte?" ulit na saad ni Aiden.
Biglang tumayo si Amithy at nilapitan ang anak n'yang babae. Hindi naman umaarte ang anak n'ya dahil kilala n'ya ang mga ito.
"Umalis ka na!" seryosong taboy ni Amithy kay Ferry.
"Why? O-order ako ng mga pagkain ng mga anak mo na hindi pa nila natitikman," saad ni Ferry.
"Hindi namin kailangan. Kaya kong ibili ang gusto ng mga anak ko," mariin na sagot ni Amithy.
"Wag ka ng umarte," saad ni Ferry kay Amithy.
Nagulat ang lahat maski ang ibang customer ng biglang sinabuyan ng tubig ni Aiden si Ferry sa mukha.
"Hindi maarte ang kambal ko, at hindi maarte ang mama ko!" seryosong saad ni Aiden.
Balak lapitan ni Ferry si Aiden, pero agad na hinarang ni Amithy si Ferry. "Wag mong subukan na hawakan ang anak ko! Mapapahiya ka dito!" bant ani Amithy.
"Sino ba kayo sa inaakala mo? Director ako ng ZHB group at ano ang ipagmamalaki ng isang manager lang naman ng isang pipityuging restaurant? Kaya pala kayo iniwan ng tatay ng mga iyan—"
"Masyado ka ng maraming sinasabi!" galit na saad ni Arthur pagkatapos suntukin si Ferry.
"Arthur!" sigaw ni Melanie.
Hinila naman ni Amithy ang kaibigan para awatin. "Wag mo ng pag-aksayahan ng oras ang isang iyan," away ni Amithy.
Mayroon po akong Tagalog Love Story Audobook, free lang po. Sana ay suportahan n'yo po.
YOUTUBE CHANNEL: CAMI STORY
FOLLOW MY sss PAGE: HXNNXHSSI