Nanlaki ang mata ng kambal ng makita kung sino ang kinakausap nila ngayon.
"CEO?" gulat na tanong ni Addison.
"My name is Zach Buenaventura, CEO of ZHB Group," pagpapakilala ni Zach sa kambal.
"Umalis na tayo," aya ni Aiden.
Pero si Addison ay parang lalong nabuhayan ng malaman kung sino ang kaharap nila.
"P'wede po ba kaming pumunta sa office n'yo?" nagpapa-cute na tanong ni Addison.
"Addison, wala naman dito si Ferry! Umuwi na tayo," aya ni Aiden.
"Bago kayo umuwi. P'wede n'yo naman bisitahin ang office ko," aya ni Zach.
Walang pagdadalawang isip si Addison at agad na tumango.
"Nandoon din ang iba kong paintings," saad ni Zach na nagpapayag kay Aiden.
Pagpunta nila sa office ay parang nagningning ang mata ng dalawa bata para sa kanilang mga gustong makita. Si Addison ay agad na nilapitan ang table ng CEO at si Aiden naman ang painting na naka-display.
Nakalimutan ng bawat isa ang mga dahilan kung bakit sila nasa iisang lugar.
After ng ilang oras na pag-stay ay uuwi na ang kambal dahil medyo magdidilim na. Si Zach mismo ang naghatid sa kambal para na rin malaman n'ya kung saan sila nakatira.
Bumaba ang tatlo sa kotse at tinignan ni Zach ang bahay na tinitirahan ng mag-iina.
"Pasok po muna kayo sa bahay," aya ni Aiden kay Zach.
Napangiti naman si Zach ng hawakan ng kambal ang pareho niyang kamay para papasukin s'ya sa loob ng bahay.
Pagpasok nila ay agad na pinakita ni Aiden ang kaniyang painting kay Zach na nagustuhan naman ni Zach dahil maganda naman talaga ang gawa ng bata.
At si Addison ay ini-interview si Zach para malaman kung paano s'ya naging CEO.
"Paano po kayo naging CEO?"
"My father is the founder, pero bago ka maging CEO iboboto ka muna ng mga shareholders, nakadepende ang shares nila sa boto nila. Nagkataon lang si Papa ay mayroong 50% shares na pag-aari. 1% na boto lang ang magkuha sa ibang shareholders, ako na ang panalo," nakangiting paliwanag ni Zach.
"Hindi po pala ikaw ang owner," saad ni Aiden.
"50% naman na shares ang hawak nila, parang sila na rin ang owner," saad ni Addison.
"CEO isn't the owner, pero ako 'yung nagma-manage ng company. The real owner ay ang mga shareholders," paliwanag ni Zach.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Amithy ng makita si Zach sa loob ng bahay nila at kasama ang kambal.
Napatayo naman 'yung tatlo.
"Mama, hinatid lang kami ni Sir Zach dito. Hindi naman lumitaw si Ferry at dinala n'ya lang kami sa company ni Sir Zach," paliwanag ni Aiden.
Hinila ni Amithy ang kambal para ilapit sa kan'ya at napatingin naman si Zach sa ginawa ni Amithy.
"Makakaalis ka na," seryosong taboy ni Amithy.
"Mama, hindi pa n'ya nauubos yung juice na ginawa ko," saad ni Addison.
"And sabi namin, na dito na s'ya kumain ng dinner dahil pinakain n'ya kami sa office n'ya," dagdag ni Aiden.
"Busy s'ya, wag na natin abalahin," saad ni Amithy.
"Maybe next time na lang," paalam ni Zach sa kambal.
Nagpaalam muna si Zach sa kambal dahil medyo na lungkot ang dalawa dahil nagustuhan nilang kausap si Zach.
"You can visit me anytime you want sa office," nakangiting saad ni Zach.
Agad naman tumango yung kambal. Tinignan ni Zach si Amithy, pero umiwas ng tingin si Amithy.
Nilagpasan ni Zach si Amithy, pero agad na sumunod si Amithy sa labas.
"Wala ng next time, at hindi na sila pupunta sa'yo. Wag ka ng magpakita pa sa amin," seryosong saad ni Amithy kay Zach bago ito pumasok sa loob.
Sa office ni Zach. Nakatingin si Zach sa bag na naiwan ni Addison sa office n'ya. Hindi na nila namamalayan ang mga bagay noong nagkasama sila.
Tinabi n'ya iyon. Pumasok naman si Ferry sa loob ng office ni Zach at kita pa sa lalaki na mayroon itong hang-over.
"Musta ang pangasinan?" tanong ni Zach.
"Dinalaw ko lang 'yung ex-wife ko, and you know what happened," nakangising saad ni Ferry.
Napatingil sa pagsusulat si Zach at tinignan ng seryoso si Ferry.
"'Yung mga bata na pinapunta mo dito?" tanong ni Zach.
"Di ko naman anak yun. 'Yung nanay lang naman nila ang gusto ko."
Nabitawan na ni Zach ang pen na hawak n'ya at napahawak ito sa sintido n'ya dahil nakaramdam ito ng inis sa lalaking kaharap n'ya.
"Madali ko naman magawan ng paraan 'yun. Sabihin ko mayroong emergency na nangyari," nakangising saad ni Ferry.
"Umalis ka muna dito," seryosong utos ni Zach. Dahil inis na ang nararamdaman n'ya.
"Anong problema?" takang tanong ni Ferry.
"Madami akong ginagawa, kaya mamaya na lang tayo mag-usap," saad nito.
"Hindi naman kita ginugulo—Okay, fine! Aalis na ako," saad ni Ferry ng makakuha s'ya ng masamang tingin kay Zach.
Napahinga ng malalim ang binata at binalik ang attention sa trabaho.
Sa bahay nila Amithy, kumakain sila ng agahan na tatlo.
"Mama, wala naman kaming gagawin sa bahay. P'wede ba kaming pumunta sa building ni Sir Zach?" tanong ni Addison.
Agad na umiling si Amithy. Ayaw na n'yang mapalapit pa ang kambal kay Zach o maski ang magkita sila ay ayaw na ni Amithy.
"CEO s'ya, busy s'yang tao at hindi p'wede puntahan ng kusino lang. Saka hindi pasyalan ang building nila kaya sa ibang lugar na lang kayo pumunta," sagot ni Amithy.
"Sabi n'ya sa amin, anytime p'wede kaming pumunta," saad ni Aiden..
"I said, no na. Sumunod na lang kayo sa akin," saad ni Amithy sa kambal. "If naiinip kayo, you can go sa mall para mamasyal, manood kayo ng cine or sa amusement park. Tatawagan ko 'yung tito n'yo para samahan kayo," paliwanag ni Amithy.
"Hindi na po kailangan. Sanay na kaming dalawa na walang kasamang adult," sagot ni Addison.
"Malaki na rin naman kami, we can commute alone."
Halata sa mukha ng kambal ang dismayado ang mga ito, pero hindi pa rin pagbibigyan ni Amithy ang dalawa.
Tumahimik ang kambal at pagkatapos kumain ay umakyat sila sa kanilang kwarto.
Sa trabaho naman ni Amithy ay dinalaw s'ya ni Ferry. "I'm sorry sa nangyari last time. Nagkaroon kasi ng biglang meeting sa trabaho, pero binilin ko naman sila sa kaibigan kong si Zach," nakangiting paliwanag ni Ferry habang nakahawak sa kamay ni Amithy.
Tumango si Amithy at ngumiti. "Siguro, next time if wala ka talagang time ay ipahatid mo na lang s'ya sa bahay. Ayoko kasing ipagkatiwala sa iba ang mga anak ko," saad ni Amithy.
"I will do that," mabilis na sagot.
Mayroong nilabas na invitation si Ferry. "Mayroong event kami, p'wede ka bang maging partner ko?" tanong ni Ferry.
Mayroon po akong Tagalog Love Story Audobook, free lang po. Sana ay suportahan n'yo po.
YOUTUBE CHANNEL: CAMI STORY
FOLLOW MY sss PAGE: HXNNXHSSI