FOUR

1060 Words
Binuksan ulit ni Amithy ang pinto at pinapasok sa loob si Ferry. Masama naman ang tingin ni Aiden at Addison sa lalaki habang nakaupo sa hagdan at pinapanuod ang dalawa na mag-usap. "Kahit ano ibigay sa'yo n'yan. Wag kang papayag na maging step dad natin s'ya," saad ni Amithy. "Of course! Halata sa mukha n'ya na lolokohin n'ya lang si Mama," giit ni Aiden. "Ma, kailangan mo ng matulog! Maaga pa pasok mo bukas," saad ni Addison. "Tama si Addison, magpahinga ka na. Aalis na din ako," paalam ni Ferry. "Thank you sa flowers at chocolates," paalam ni Amithy. Binuksan ni Aiden ang pinto para hindi na tumagal ang pag-uusap ng mama n'ya at ni Ferry. "Hindi maganda 'yung ginawa n'yo," puna ni Amithy. "Mukhang hindi kasi maganda ang motibo n'ya sa'yo, Mama!" sagot ni Addison. "Dapat ako lang lalaki sa buhay mo, Mama!" saad ni Aiden. Umakyat na ang kambal sa kwarto nila. Napailing na lang si Amithy dahil sa ugali ng kambal. Napaupo si Amithy sa sofa dahil kahit na gusto n'yang kalimutan si Zach ay dalawa naman ang laging nagpapaalala sa kan'ya. "Sana ay hindi na s'ya bumalik pa," bulong ni Amithy sa sarili n'ya. Sa office kung saan nagtatrabaho si Zach bilang CEO at isa sa mga director. "Kailangan ko lang mapalapit sa mga anak n'ya, and then boom! Makukuha ko rin s'ya," kwento ni Ferry sa kaibigan nito. "Anak n'ya 'yung kambal?" tanong ni Zach. "Yes, pero hindi halata na mayroon ng dalawang anak no?" nakangising tanong ni Ferry. Napaisip naman si Zach sa nalaman. Ang akala n'ya ay kapatid n'ya lang iyon since Valdez ang ginamit na apilido ng kambal. "Nasaan 'yung tatay noong kambal?" tanong ni Zach. Kahit na maraming ginagawa si Zach ay gusto n'ya pa rin malaman kung ano ang nangyari kay Amithy. "I don't know. Baka nadisgrasya lang," sagot ni Ferry. "What about your family?" seryosong tanong ni Zach. "Nakapagpirmahan na kami ng annulment paper kaya walang problema ex-wife ko," sagot ni Ferry. Tumahimik na lang si Zach at nagpatuloy sa kaniyang trabaho. Halos araw-araw ng dumadalaw si Ferry sa bahay nila Amithy, pero wala pa ring nagbabago sa pakikitungo ng kambal kay Ferry. "Pasyensya ka na sa kambal ko. Baka na hihiya lang sila sa'yo," nahihiyang saad ni Amithy. "I understand. Siguro dahil wala silang ama na kinalakihan kaya medyo nahihiya pa sila sa akin. Kailangan kong mag-effort para sa kanila. Free ako tomorrow, okay lang ba na isama ko sila? Mamasyal at kumain?" tanong ni Amithy. Nag-aalinlangan si Amithy, pero biglang hinawakan ni Ferry ang kamay ni Amithy. "Bonding na rin naman para magustuhan na din nila ako," saad ni Ferry. Wala namang nagawa si Amithy kung hindi pumayag dahil kinukulit s'ya ni Ferry. Kinabukasan ay hinanda ni Amithy ang kambal dahil susunduin ang mga ito ng driver ni Ferry. "Ayokong makasama 'yun," reklamo mo ni Addison. "Sino ba ang may gusto?" giit ni Aiden na masama ang loob. "Pagbigyan n'yo na. If hindi n'yo magustuhan then hindi na mauulit," paliwanag ni Amithy. Napabuntong hininga na lang 'yung kambal dahil wala naman na silang choice kung hindi ang sumunod sa mama nila. Dinala ang kambal sa ZHB Group building, pero walang Ferry ang lumabas. Halos isang oras ng naghihintay ang kambal, pero hindi pa rin dumadating. "Kung alam ko lang umuwi, ay uuwi na tayo," inis na saad ni Aiden na nauubusan na ng pasyensya. Tumayo si Addison mula sa bench. "Saan ka pupunta?" tanong ni Aiden sa kakambal. "Maglilibot. Ayokong maburo dyan sa upuan," sagot ni Addison. Agad naman na sumunod si Aiden para libutin ang napakalaking building na pinagdalhan sa kanila. Marami ang painting ang naka-display sa paligid kaya nabawasan ang pagkainip ni Aiden, si Addison naman ay pinagmamasdan ang mga taong busy sa kanilang ginagawa at pinapangarap na mag-manage din ng kaniyang sariling business. Bumukas ang elevator at nilabas noon si Zach na mayroong hawak na papel dahil mayroon itong pupuntahan na hindi naman ganoon kaimportante, pero napansin n'ya ang isang bata na kinukuhanan ng picture ang mga paintings na naka-display. "Sino nagpapasok sa mga batang iyan?" tanong ni Zach sa secretary n'ya. Nakatalikod ang kambal kaya hindi nito makita ang itsura. Nilapitan ni Zach ang dalawa at ng makitang pamilyar ang mga bata ay napakunot ang noo nito. "Anong ginagawa n'yo dito? Children are not allow here," saad ni Zach. "Ferry, I don't know his last name, pero dito daw s'ya nagtatrabaho. Pinapunta n'ya kami dito," sagot ni Aiden. Napansin ni Zach ang picture sa phone ni Aiden at 'yung painting na s'ya mismo ang may gawa. "Do you like the painting?" tanong ni Zach. Agad na tumango si Aiden. "Marami pa sa taas," saad ni Zach. "Akala ko po ba bawal ang bata—" "Gusto po namin umakyat," parang kumikinang ang mata na saad ni Addison. Gustong makita ni Addison ang buong building dahil pangarap n'yang makapasok sa ganitong building. "Paano si Ferry?" tanong ni Aiden. "Wala din si Ferry. Mayroon s'yang meeting sa Pangasinan," sagot ni Zach. "Wag mo ng isipin si Ferry." Napatingin si Zach sa kamay n'ya ng hawakan iyon ni Addison. Wala s'yang naramdaman kung hindi ang gaan ng loob n'ya sa kambal. Balak na lapitan ng secretary ni Zach ang kambal para palayuin, pero pinigilan ito ni Zach. Umakyat sila sa taas at tinour na rin ni Zach ang kambal sa building. Kahit na maraming trabaho si Zach ay parang nakalimutan n'ya iyon ng kasama ang kambal. "Mahilig din po kayo magpainting?" tanong ni Aiden. "Yes, some paintings here are mine," sagot ni Zach habang naglalakad sila, pero tatlo lang ang naka-display sa buong building ang ibang gawa ko ay nasa office at bahay ko," paliwanag ni Zach na kinamangha agad ni Aiden. "Marketing department," basa ni Addison sa pinto na dinaanan nila. "Do you like business?" tanong ni Zach kay Addison. "CEO, that's my dream," confident na saad ni Addison. "Same tayo. Since when I was at the same age with you both. Iyan din ang pangarap ko to become CEO." "May I know the position you are in? You look high profile person," nakangiting saad ni Addison. Kinuha ni Zach ang I.D n'ya sa wallet n'ya para ipakita sa batang kaharap. Mayroon po akong Tagalog Love Story Audobook, free lang po. Sana ay suportahan n'yo po. YOUTUBE CHANNEL: CAMI STORY FOLLOW MY sss PAGE: HXNNXHSSI
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD