"Hindi naman namin kailangan ng papa. Ikaw lang, Mama ayos lang," sabat naman ni Aiden. "After n'ya tayong iwan. Never ko s'yang mapapatawad," seryosong saad ni Aiden.
"Saan mo naman nakuha 'yung idea na iniwan kayo ng papa n'yo?" tanong ni Amithy.
Never s'yang nagkwento tungkol sa tatay nila at maski ang pangalan nito ay walang alam ang kambal.
"Kung hindi n'ya tayo iniwan; where is he?" tanong ni Aiden. "Bakit kailangan pa namin ma-bully na walang tatay kung hindi n'ya tayo iniwan?"
Biglang natahimik si Amithy sa narinig n'ya. Dahil dama ni Amithy ang galit sa puso ng dalawa n'yang anak.
"Galit ba kayo sa kan'ya?" tanong ni Amithy.
"No/No," sabay pa na sagot ng kambal.
"Ayoko lang s'yang makita," saad ni Aiden.
"Masaya naman tayo na wala s'ya, hindi ba, Mama?" tanong ni Addison.
Agad na tumango si Amithy, pero hindi n'ya maiwasan ang malungkot dahil feeling n'ya ay kulang ang atensyon na binibigay n'ya sa mga anak n'ya at hindi n'ya namalayan na ganoon na pala ang nararamdaman ng kambal.
After nilang bumili ng mga gamit ay hinayaan muna n'ya na mamasyal ang kambal at pumunta s'ya sa supermarket habang kausap si Arthur sa phone.
"Ikaw ba ang nagsabi sa kambal na iniwan sila ng tatay nila?" tanong ni Amithy.
Ang kaibigan lang naman nya ang madaldal at hindi kayang pigilan ang bibig kaya wala na s'yang iba pang pagdududahan pa.
"Ano naman ang sa sabihin ko tungkol sa gagong 'yun? Saka ano naman kung malaman nilang iniwan sila ni Zach? Totoo naman," sagot ni Arthur.
Napahinga ng malalim si Amithy. "Ayoko na mayroon silang malaman tungkol sa tatay nila. Matagal na s'yang burado sa buhay namin kaya tumahimik ka na lang," giit ni Amithy.
"Galit na galit? Oo na! mayroon pa kaming date ni Melanie. Ba-bye," paalam ni Arthur.
"Pasaway talaga!" saad ni Amithy.
Graduation day
Bawat tao sa event ay busy sa kanilang mga anak, kita ang saya sa mga mata nila dahil proud ang mga magulang at guro sa mga batang magtatapos.
"Congrats sa inyo," masaya saad ni Amithy sa kambal.
Napatingin naman si Addison sa mga kaklase n'ya na kumpleto ang pamilya at napasimangot ang bata.
"Bakit ganiyan ang mukha mo? Akala mo siguro hindi pupunta si Ninong Arthur?" biglang sulpot ni Arthur at Melanie.
"Congrats mga inaanak ko!" masayang bati ni Melanie.
"Mayroon bang masakit sa'yo?" tanong ni Amithy.
"Wala po. Naiinip lang ako sa tagal mag-umpisa," sagot ni Addison.
"Ahh! Mana sa tatay—Aray!" biglang daing ni Arthur ng kinurot s'ya ni Melanie. Isang masamang tingin naman ang binigay ni Amithy sa kaibigan.
"Pumunta na kayo sa upuan n'yo at magsisimula na," nakangiting sabi ni Melanie.
Pagkawala ng kambal ay mahinang sinipa ni Amithy ang kaibigan n'ya.
"Nabigla lang ako!" depensa ni Arthur.
"Sarap takpan ng bibig mo," inis na saad ni Melanie.
"Gamit labi mo?" pilyong tanong ni Arthur.
Napairap na lang sa ere ang dalawang babae dahil kay Arthur. Nagsimula ang event at tinawag na ang lahat na with honor at with higher honor.
"Mukhang highest honor ang mga inaanak ko," nakangiting saad ni Arthur.
"Wala silang award. Okay na rin 'yun para makapag-focus sila sa iba nilang hilig at hindi pura aral lang ang kambal," paliwanag ni Amithy.
"Ulirang ina goes to Amithy Valdez," biro pa ni Arthur.
Tinawag na si Amithy dahil aakyat na sila sa stage para kunin ang diploma.
"Addison Valdez, with highest honor!"
Hindi makapaniwalang napatingin si Amithy sa kaniyang anak sa narinig at hindi mapigilan ang saya dahil sa achievement ng anak.
After n'yang masabitan ng medal ang anak ay si Aiden naman ang nilapitan n'ya.
"Aiden Valdez, with highest honor!"
Hindi na mawala ang ngiti at saya sa puso ni Amithy dahil sa natanggap ng kambal.
Pero habang humarap sila sa camera ay nahagip ng tingin ni Amithy ang isang lalaki na nakatingin sa kanila. Nakaupo sa VIP chair katabi ang president ng school. Nagpanggap na lang si Amithy na hindi n'ya nakita si Zach.
Pagbaba nila sa stage ay agad na kinausap ang kambal. "Bakit hindi n'yo sinabi sa akin?" masayang tanong ni Amithy.
"Kailangan pa bang sabihin? Sa talino ng dalawa na yan. Expected na 'yun," singit ni Arthur.
"Oo nga naman," dagdag ni Melanie.
After ng event ay umalis na sila Amithy para i-celebrate ang achievements ng mga anak.
Pero si Zach ay nakatingin sa kotseng sinakyan ng mag-iina paalis.
"Aiden and Addison Valdez, kapatid n'ya kaya?" tanong nito sa sarili.
Dumating na ang kaibigan n'ya na may-ari ng school, na pinapunta s'ya para bumisita sa school, pero dahil sa busy ang schedule ni Zach ay umalis din ito agad.
Pumunta si Zach sa restaurant kung saan si Amithy ang manager. Doon s'ya nag-lunch kahit na medyo malayo mula sa kaniyang office.
Busy si Amithy at wala itong chance na makausap dahil sa madaming ginagawa. Kinancel lahat ni Zach ang trabaho n'ya buong araw para lang hintayin si Amithy na matapos sa work.
Paglabas ni Amithy sa restaurant ay ang bumungad sa kan'ya si Zach.
"Hi," nakangiting bati ni Zach.
Nawala ang ngiti ni Zach ng lagpasan s'ya ni Amithy. Sinundan n'ya ito, pero pagpunta n'ya sa car park ay nakaalis na si Amithy.
Napabuntong hininga na lang si Zach.
Pag-uwi sa bahay ni Amithy ay pansin ng kambal na parang malungkot ang ina nila.
"Mayroon bang nangyari, Mama?" tanong ni Aiden.
"Wala naman. Pagod lang ako," nakangiting sagot ni Amithy.
Napatingin silang tatlo ng mayroong kumatok sa pinto. Balak na tumayo ni Amithy, pero inunahan na s'ya ni Aiden.
"Ako na, Ma," saad ni Aiden.
Pagbukas ni Aiden ay tumambad sa kaniyang si Ferry na mayroong dalang bulaklak.
"Who are you?" tanong ni Aiden.
"Hi, son!" bati ni Ferry.
"Son?" takang tanong ni Aiden.
"Yes, where's your mother?" tanong ni Ferry.
Balak na pumasok ni Ferry sa loob ng bahay, pero humarang si Aiden sa daan.
"Who are you?" seryosong tanong ni Aiden.
"Ferry, manliligaw ng mama mo," nakangiting sagot ni Ferry.
Agad na sinarado ni Aiden ang pinto.
"Aiden, bakit mo naman ginawa iyon?!" natatarantang tanong ni Amithy ng makita ang ginawa ng anak.
Mayroon po akong Tagalog Love Story Audobook, free lang po. Sana ay suportahan n'yo po.
YOUTUBE CHANNEL: CAMI STORY
FOLLOW MY sss PAGE: HXNNXHSSI