TWO

1059 Words
"Anyway, graduation nga pala ng inaanak ko next week," saad ni Arthur. "Parang maiiyak ako. Tinutulungan ka pa namin dati magpalit ng diaper, pero ngayon binata at dalaga na sila." "Makaarte parang tatay, ah," giit ni Melanie. "Ikaw ba. Kailan mo ako bibigyan ng anak?!" tanong ni Arthur kay Melanie. Nanlaki ang mata ni Melanie. "I mean, kailan ka magkakaanak?" bawi agad ni Arthur. Napailing na lang si Amithy at napangisi. "Alam ko na. Magtatampo na nga ako dahil hindi n'yo pa sinasabi sa akin," saad ni Amithy. "Sorry, Mhie! Balak naman naming sabihin, pero kasi—" "Baka kasi mainggit ka! Hinihintay muna namin na mayroong lumandi sa'yo bago namin sa ni pancake sa'yo," paliwanag ni Arthur. Muntik ng maibiga ni Amithy ang kinakain n'ya dahil sa narinig ang salitang pancake. "Pancake?!" natatawang tanong ni Amithy. "Maganda naman eh. Di ba, Pancake?" tanong ni Arthur. "Perfect, my syrup," sagot ni Melanie. "M-my syrup?" Hindi alam ni Amithy kung ano ang magiging reaction n'ya sa dalawang kaharap n'ya. "So ano ako, butter?" natatawang tanong ni Amithy. "Ay hindi. Kami lang dalawa. Maghanap ka ng corn mo," sagot ni Arthur sabay yakap kay Melanie na parang pinagdadamot ang girlfriend n'ya. "Corn?" takang tanong ni Amithy. "Yes, ikaw ang butter tapos 'yung partner mo ang corn; para butter corn," sagot ni Arthur. Napatayo na lang si Amithy. "Corny, 'Te!" nakangiwing saad ni Amithy at inayos na ang gamit n'ya para umalis at bumalik sa trabaho. "Magkita na lang tayo sa susunod," paalam ni Amithy. Sa school ng kambal, magkamukha man ng section ay hindi madalas magkasama ang magkapatid dahil sa ibang hilig at kaibigan. "Addison, pasabi kay Mama na mamaya na ako uuwi," saad ni Aiden. "Anong oras at saan ka pupunta?" tanong naman n'ya. "Pupunta lang kami ng mall ng mga kaibigan ko. Last day na rin ito sa grades school," sagot ni Aiden. "Umuwi ka rin agad," saad ni Addison. Umuwi na si Addison.dahil wala naman itong hilig sa mall kaya manunuod na lang s'ya ng movie sa bahay. Si Aiden naman ay pupunta ng mall para din mamasyal at bumili ng art materials dahil buong bakasyon ay plano n'yang mag-paint lang. Independent ang kambal kaya na nilang umuwi mag-isa at umalis mag-isa dahil sinanay sila kasi madalas na wala si Amithy dahil sa trabaho. "Hindi mo ba bibilhin?" tanong ng kaibigan ni Aiden. Binalik ni Aiden ang lapis dahil masyado iyong mahal, pero gusto n'ya talaga iyon dahil kompleto na iyon. "Next time na lang, wala naman sigurong bibili n'yan agad," sagot ni Aiden. Last na kasi iyon at alam n'yang mahirap humanap ng ganoong lapis. Hindi n'ya masabi sa mama n'ya dahil mahal ang nagastos ni Amithy sa school nila ng kakambal n'ya. Aalis pa lang si Aiden ng mayroon na agad kumuha ng lapis na pag-iipunan n'ya pa lang. "Iyan lang ba ang pinunta mo dito?" tanong ng isang lalaki. Nakatingin si Aiden sa kumuha ng lapis at umalis na s'ya doon. "Hey! Kiddo!" tawag kay Aiden. Nagulat na lang si Aiden ng mayroong paper bag ang inabot sa kan'ya at nang tignan n'ya kung sino iyon ay yung lalaki. "Keep it," nakangiting saad sa kan'ya. "Sorry po, pero hindi ako tumatanggap ng bagay sa ibang tao," sagot ni Aiden. Agad na binalik ni Aiden 'yung paper bag at tinalikuran ang lalaki. "Let's have a lunch, Zach!" aya ng kaibigan ni Zach. Nakatingin naman si Zach sa bata na naglalakad na palayo sa kan'ya. "Mayroong isang sikat na restaurant dito, at guess what! Type ko 'yung manager nila," bulong ni Ferry Huling tingin muna n'ya ang binigay kay Aiden bago ito tumalikod at sumunod sa kaibigan n'ya. Pagdating nila sa restaurant ay agad na umorder ang dalawang magkaibigan. "CEO Zach, finally, lahat ng paghihirap mo ay napalitan na," bati ni Ferry. "Matanda na kasi si Papa. Ako na ang pinapapalit sa kan'ya para sa business namin," saad ni Zach. "Manager Valdez!" nakangiting tawag ni Ferry kay Amithy ng makita itong lumabas. Nag-wait sign si Amithy dahil mayroon itong kakausapin na customer. "Look! Iyan 'yung sinasabi ko sa'yo liligawan ko," bulong ni Ferry. "Papaiyakin mo na naman 'yan," nakangising saad ni Zach. Tinignan ni Zack ang sinasabi ng kaibigan, pero hindi n'ya makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa kan'ya dahil sa kinakausap nitong customer. "Hindi, seryoso ako sa kan'ya," sagot ni Ferry. Nagpatuloy lang sa pagkain si Zach dahil mayroon itong meeting mamaya kaya kailangan na n'yang magmadali. "Sir Ferry, buti ay napadaan ulit kayo dito?" nakangiting bati ni Amithy. Nawala ang ngiti ni Amithy ng makita ang lalaking matagal na n'yang hindi nakikita, na sa tagal ay halos burado na sa buhay n'ya. "Umupo ka muna at sabayan mo kaming kumain. Si Zach Buenaventura, kaibigan ko mula sa France," pagpapakilala ni Ferry. Napaayos naman ng upo si Zach ng makita si Amithy. "Nice meeting you, Sir," saad ni Amithy na parang hindi kilala ang kaharap n'ya. Hindi naman alam ni Zach kung ano ang sa sabihin kay Amithy. "Have a seat," anyaya ni Ferry, pero umiling si Amithy. "We have a lot of customers. Kailangan ako sa loob. Maybe, next time," pagtanggi ni Amithy. "Pasyensya na," paalam ni Amithy sabay alis. Agad na pumasok sa loob ng staff room si Amithy at huminga ng malalim. "Buhay pa pala s'ya. Wag n'yang asahan na didikit pa ako sa kan'ya!" inis na saad ni Amithy. After ng ilang araw ay sabay-sabay na kumakain ang tatlo ng lunch sa isang mall para bumili ng mga bagong gamit sa graduation ng kambal. Napansin ni Aiden at Amithy ang biglang pagsimangot ni Addison ng humawak ito ng phone. "Ano problema at naiba 'yang mood mo?" tanong ni Amithy sa anak na babae. Napa-cross arm naman si Addison at buntong hininga. "Pinagyayabang kasi ng iba kong kaklase na ang kasama nila ay 'yung tatay nila; as if naman mayroon akong pakialam?" nakasimangot na saad ni Addison. "Binubully ka ba nila?" tanong ni Amithy. "Mama, are you serious sa tanong mo? Ni hindi nga sila pumantay sa level ko. Saka hindi ako nakikipag-usap sa mga bobo," giit ni Addison. Kitang-kita ni Amithy ang sarili sa anak n'ya, pero kuha rin nito ang ugali ng ama nila may pagkasuplada. Mayroon po akong Tagalog Love Story Audobook, free lang po. Sana ay suportahan n'yo po. YOUTUBE CHANNEL: CAMI STORY FOLLOW MY sss PAGE: HXNNXHSSI
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD