Chapter 9

3666 Words
“Wag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Instead, lagi kayong gumawa ng mabuti sa isa’t isa at sa lahat ng tao.” – 1 Thessalonians 5:15 -- Chapter 9 Pearl Binaba na lang ni Nick ang mga braso at bumuntong hininga. Nilipat ang tingin sa akin na para bang ako ang may kasalanan kung bakit ayaw sumama sa kanya ng anak niya. Pero wala naman akong narinig na ganoon kaya tinikom ko ang bibig. Umupo ulit sa tabi namin. For a while, tanging kami lang ni Jewel ang nag-uusap. May ilang beses ko siyang inangat pero sa huli ay mas pinabayaan kong yumakap sa akin at magtago sa ama niya. Mahirap kapag pinuwersa at ayokong ganoon para kay Nick. At siguro naiintindihan niya. Kasi nanonood lang siya at hindi rin alam ang gagawin. Nagtago si Jewel sa leeg at dibdib ko hanggang sa makatulog ito. Hindi ako tumayo muna. Inayos ko ang paghiga niya sa braso at hita ko. Tinulungan ako ni Nick na ayusin ang pwesto sa bisig ko. “Ihiga natin dito,” turo niya sa sofa. “’Wag na. Mayamaya lang iaakyat ko sa kwarto.” Tumingala siya sa hagdanan sandali at binalik sa bata ang mata. “Magkatabi kayong natutulog?” “Oo.” Iniisip pa ba niyang tigi-tigiisa kami ng room dito sa bahay? Hindi ko na tinanong. Inintidi kong mayaman nga pala ito. Naalala kong ‘mansyon’ ang tawag niya sa bahay nila. Kaya siguro ganoon ang pagkakatanong niya. He sighed. Tinitigan niya ang anak. Inabot ang bangs na tumabing sa mata at hinawi. Walang nagsalita sa aming dalawa. Kahit hindi pa normal ang t***k ng puso ko, atleast hindi ako nanginginig ngayong katabi ko siya. He smelled of that expensive men perfume. Iyong klase na naiiwan sa lugar na madaan niya lang at alam mong siya lang ang may afford no’n. Ang kaha ng katawan ay iyong klase na mahihiya ang upuan, sahig at dingding kapag katabi siya. At ang aura, composition, confidence at attitude ay klaseng matititigan mo pero wala kang balak kalabanin dahil isang tingin pa lang, alam mong talo ka. Nagkatotoo yata ang sinabi ni Mariposa tungkol sa intimidation. Nakakaintimidate siyang kasama at katabi. Mabango, gwapo at may bilib sa sarili. Baka hindi niya alam ang salitang hiya. Alam niya kung ano ang ginagawa at well-informed sa battle palagi. Ang ilang kilala kong tao na medyo ganito ang disposition at point of view ay kadalasang may mahirap at mabigat na pinagdaanan sa buhay. They matured not because they wanted it but because life taught them the hardest way and they accepted it not as defeat but as a challenge to pursue life in different aspect. That’s how I see him. The mature righteous man with a paint of mystery in the air. That’s Nick de Silva for me at this primary stage in my department. “Ako na ang mag-aakyat,” Mabilis niyang sagot nang sabihin kong iaakyat ko na si Jewel. Kanina pa siya tahimik at pinagmamasdan ang anak na kalong. Pagkatayo ko, tumayo rin. Tumikhim si Dyosa. Napalunok ako. “’Wag na. Kaya ko na ‘to,” “Let me, Ruby. Hindi ko pa siya nahahawakan man lang.” giit nito. Nagtitigan kaming dalawa. Hindi ako agad pumayag kasi… kasi hindi ko naisip na mangyayari ito. Pero natakot sa kanya si Jewel. Walang maayos na pag-uusap at tinulugan pa siya. Masama kaya ang loob niya ngayon? “Pumayag ka na, Ruby. Buhat lang naman, e.” Nilipat ko ang tingin kay Gelay. Tumatango rin si Mariposa na tila ayos lang naman iyon. Binalingan sila ni Nick at nagpasalamat. “Hindi pa ba kayo kakain, anak?” “Ah…” Walang salitang kinuha ni Nick sa akin si Jewel. He closed our distances and he fought for his right against mine. Hindi na ako nakaimik. Baka mahulog at magising pa si Jewel. Nang maayos na nakahilig si Jewel sa balikat niya, tinuro nito ang hagdanan. Tumikhim si Tatay Vic. “Ako na lang kaya?” Ngiwing tumawa si Mariposa sabay kapit sa braso ni Tatay. “Okay lang ‘yan, Mamey. Iaakyat lang ‘yung bata. Saka anak naman nila.” Umawang ang labi ko. Ilang beses akong kumurap-kurap hanggang sa bumagal ito. Tunog dayuhan ang mga salitang narinig ko kay Mariposa. Iyon kahit alam na alam naman nilang lahat ang totoo, pero sa pagkakasabi ay para bang ako nga ang ina ni Jewel. At anak namin siya ni Nick. Alam ko ring nagpapanggap lang ako para kay Ruby. Dapat na akong masanay sa ganito, ‘di ba? Kaya siguro bigyan ko na lang ang sarili ng allowance to adjust. Tiningnan ako ni Tatay Vic. Sa lahat, siya ang may naiibang reaksyon at pagtanggap kay Nick. Nang lumapit si Nick sa hagdanan, malakas itong tumikhim at tinawag ako. “Po, ‘tay?” Tinuro niya ang taas. “Samahan mo si Mr. de Silva sa taas. At huwag kayong magtagal para hindi lumamig ang pagkain.” “Opo, Tatay.” Nauna ngang umakyat si Nick suot ang sapatos niya samantalang nakatsinelas ako. Pagtapak nito sa landing, nilingon niya ako para itanong kung saang pinto. Tinuro ko. Again, his presence didn’t fit the place. Nauna ako roon para mapagbuksan ko ng pinto. In-on ko ang electric fan at inayos ang unan. “Dito, Nick,” He went to the side of the bed and carefully placed his daughter. Gumalaw si Jewel at tumagilid. Kinuha ko ang nakatiklop naming kumot. Umayos ng tayo si Nick sa gilid at hindi nagsalita. Hanggang baywang lang ang kumot ni Jewel dahil hindi pa naman gano’n kalamig. Medyo pinagpapawisan ang hairline nito sa noo at tungki ng ilong. Kumuha ako ng panyo at tinuyo. Tinabi ko iyon sa ibabaw ng drawer at tumayo na. “Dito ka rin natutulog?” Nilingon ko siya habang inaayos ang kurtina. Binuksan ko ang bintana para sa malamig at natural na hangin. “Oo,” Ibig sabihin, ngayon pa lang siya nakarating dito? Hindi niya ba niligawan sa bahay si Ruby? Malamang oo. Ngayon lang din siya nakita ni Tatay Vic, e. Malalim itong bumuntong hininga. Pinasadahan niya ng tingin ang kwarto. Sa kaba, binagalan ko ang pag-aayos sa kurtina. “Mag-impake kayo. Ikukuha kita ng bahay.” Natigilan ako sa gitna ng pag-aayos at sabay baling sa kanya. Salubong ang mga kilay nito pagtingin ko. “Masyadong maliit ang tinitirhan ninyo ni Jewel. This isn’t enough.” Lumunok ako. “O-Okay lang kami rito. Saka… walang kasama si Tatay kapag umalis kami.” “Isama mo ang Tatay mo. Walang problema sa akin. Ako ang magbabayad kaya wala kayong aalalahanin.” Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng Jewel at sandali itong pinanood habang natutulog. But I shifted on my feet. “Thank you, Nick. Pero…” He looked at me. I sighed. Paano ba makipag-usap dito si Ruby? Tinataasan ba niya ng boses kapag hindi niya gusto ang binabalak o sinasabi ni Nick? Kung gagawin ko ang sinasabi nilang ugali niya, kung ganoon, dapat lakasan ko rin ang loob ko. Lagyan ng conviction. Na kaya ko ring magdesisyon. “H-hindi ko matatanggap.” Kumunot ang noo niya. “Bakit?” Lumunok ulit ako. Bakit daw. Bakit nga ba, Pearl? “Ah… kasi…” I looked at Jewel. I looked at the pillow. I looked at the floor and wall. Before I looked back at him. My fingers are fidgeting nervously. “Ayoko. I mean… dito lang kami ni Jewel.” Ang daming naglalaro sa isip ko pero iyan ang lumabas sa bibig ko. Tinaas niya ang kilay. “Jewel is my daughter. And I want to give her anything. A comfortable home is one of those.” “She is also my daughter, Nick. Sana tanungin mo muna ako kung gusto ko ba ang plano mo. Ngayon ka pa lang nagpakita pagkatapos ng ilang taon tapos… ikaw agad ang masusunod? Pinayagan na kitang makita siya. Pero it will take time and hard work to prove that you are really capable to be her father.” Umawang ang labi niya. At hindi nakapagsalita. Awtomatiko tuloy kong dinagdagan ang ibig kong sabihin. Baka bigla siyang magalit. I lick my lips. “Ang ibig kong sabihin, ‘wag kang paladesisyon. Hindi porque nandito ka na at kinikilala mo siyang anak, ayos na ‘yon. Hindi ganoon. Para kang… nagtanim ng binhi. Iniwan sa katiwala para alagaan. Tapos ay babalik na lang para mag-harvest. Sinimulan mo. Iniwan. Tapos kukunin? Ni hindi ka nga matingnan ng anak mo. Sa tingin mo ba… ang kumportableng buhay ang magtutulak sa kanyang patawarin ka?” I don’t want him to feel bad. Towards us or Jewel. Pero ang laki ng tutol ko na bigla na lang niyang sasabihing ibibigay niya ang lahat sa anak at bigla ay palilipatin kami ng padalos-dalos. Yes, he is the father and when it comes to money, he has it. Kaso dinadaan niya kami sa kayamanan niya. His first step should be, be humble towards Jewel. Ang laki ng pagkukulang niya sa bata. Nakakadisappoint na gagamitin ang kakayahang bumili para gawing band-aid sa sugat na hindi pa nagagamot. He is arrogant, too. And I am disappointed as Jewel’s Aunt. Tumayo siya. Lumangitngit ang paghakbang niya sa sahig at lumapit sa bintanang kinatatayuan ko. Hindi malakas ang boses ko. At siya rin. Huminto siya at humalukipkip habang tintitigan ako. Mukhang hindi naman na-offend o ano. “I’m sorry. I just thought about her welfare. I didn’t mean to be rude, if that’s how you feel.” Mababa rin ang kanyang boses. Good enough na iniisip niyang tulog si Jewel. Yumuko ako. “Forgiven. Pero sana- “Thank you.” “Sana pagsikapan mo munang makuha ang loob ni Jewel. Kahit mag-iba lang tingin niya sa ‘yo. You don’t have to parade what you can do to have her. Just… do your best. Be a father. Madaling mararamdaman ng bata kung sincere at authentic ang pinapakita mo. Saka anak mo siya. Magkadugo kayo. Mamahalin ka rin niya, Nick.” Maybe… I guess… this is the perks of being poor. Or being in the middle class in the society. Hindi naman ako pinalaki sa layaw ng mga Tiyahin sa Cebu. Tinuruan nila akong pahalagahan ang mga bagay na mayroon kami. Nagtitipid din kami. Hindi kami iyong namimili para lang magtapon ng pera. Hindi kami nagugutom pero hindi nagsasayang ng pagkain. We don’t take advantage but rather grateful for what we have. I liked the idea of the pursuit of being rich. But I don’t think it’s really needed when you don’t have anyone to share with. Matagal akong tinitigan ni Nick. Akala ko ay mangangatwiran siya at hahayaan ko naman kung sakali. Pero hindi na siya umimik. At nanatiling nakatitig. “Kumakain ka ba ng Sinigang na Hipon, Mr. de Silva?” He smiled at Mariposa. “Yes, ofcourse. Call me Nick.” Hindi na ako masyadong nagsasalita habang kumakain. Lahat kami ay nasa hapag maliban kay Tatay na piniling bantayan si Jewel. Sa paglipas ng oras, nawala rin ang kaba ko. Pero hindi ko pa rin magawang tingnan sa mga mata ni Nick. Wala siyang selan pagdating sa paggamit ng plato at kutsara namin. Sa luto at ulam namin. Parang nasarapan pa kasi humingi pa ng kanin. Kami nina Mariposa, Dyosa at Gelay ay nakakapalitan ng tingin. Bumalik kami sa sala pagkatapos maghapunan. Naiwan iyong tatlo sa kusina. Sila na raw ang maghahawan. Bumaling ako sa TV. Siya naman ay tiningnan ang mga gamit sa panggupit. Tinitingnan niya rin ang sarili sa malaking salamin. “Matagal na itong salon niyo, ‘di ba?” Hininaan ko ang volume TV. Parang kinalabit ang puso ko at natakot. Tumibok nang mabilis pagkatapos nitong magtanong. Tunog personal kaya kinabahan ako. “Oo.” That’s what I thought. He nodded. Namulsa at tiningnan ako sa salamin. Bumaba sa katawan ko ang paningin. “Gan’yan ba ang suot mo palagi rito?” “O-oo naman.” Sandali siyang hindi nagsalita. Bumuntong hininga at binaba ang gunting. Naupo sa sofa at pinagsalalikop ang mga kamay habang naka-forward nang kaunti. “Hindi ako gusto ng tatay mo,” Kumurap kurap ako. “What do you expect? Wala ka noong pinanganak si Jewel.” “Sigurado ka?” Natigilan ako at titig sa kanya. Mataman niya rin akong tinitigan. Wala nga ba siya no’n? Hindi ko alam. Hindi ko natanong. Saka… ang sabi nang mabuntis si Ruby ay tinakbuhan na niya dahil wala silang relasyon. Pero… noong nanganak siya… susme. Magbubuko pa yata ako! He then chuckled. “I don’t want to brag. But I’m going to win Jewel’s heart.” Medyo bumaba ang kaba ko at nakahinga nang maayos. “Mabuti naman,” “And…” kinuha niya ang pulumpon ng pulang rosas. “I want to start over… with you.” “Ha?” Inabot niya ang kamay ko at hinila hanggang sa mapaupo sa kanyang tabi. Nilagay niya sa kandungan ko ang mga rosas. “Let’s start over… for the sake of our daughter.” Natulala ako. Kinuha naman niya ang teddy bear at box ng chocolate. “These are for her. Ikaw na lang ang mag-abot. Uuwi na ako,” “Uuwi ka na?” Napatingin siya sa akin. “Ayaw mo pa?” Mabilis akong umiling. “H-hindi naman. Sige umuwi ka.” Ngumisi siya. His aura lightened up a bit. “Babalik ako. Don’t worry, every week niyo akong makikita.” “Bakit?” Kumunot ang noo. “Para sa anak natin. Hindi mo naman siguro ako pagbabawalang makita siya?” “Hi-hindi.” Anak mo iyon. Ako ay Tita lang. “Ilalabas ko rin kayo. Mga next week? May gagawin ba kayo ni Jewel?” “Wala naman…” “Magpapaalam ako kay Mr. Herrera.” Yumuko ako at tiningnan ang mga rosas. “Bahala ka.” Tinabingi niya ang ulo at yumukong mas malalim pa sa akin para makuha ang mata ko. “What are you planning?” “W-wala!” Tahimik niya akong tinitigan. Matagal at nakakakaba. “Good. Nagkikita pa ba kayo ni Preston?” “Hindi… na.” Wala akong balita sa kanila ni Ruby. Magpahanggang ngayon ay hindi sila sumasagot sa tawag namin. “I want information about him. Tutulungan kitang mahabol ang junket operator na tumangay ng perang nakalap mo. And I want you to cooperate with me.” It was as if I done something wrong. Pero alam kong wala. Dahil hindi ako ang gumawa ng masama. Kaso… nagpapanggap ako. I should be guilty too… right? Pagkauwi ni Nick ng gabing iyon, lumabas agad sa kusina ang tatlo. Tinanaw nila ang umalis na sasakyan niya at binomba ako ng mga tanong. Wala akong masagot kundi babalik daw ito. Ipapasyal si Jewel at magpapaalam kay Tatay. Hindi ko na kinuwestyon. At hindi iyon nagustuhan ni Tatay. Hindi ako nakatulog. Paulit-ulit na nag-play sa utak ko ang nangyari sa unang dalaw ni Nick. Gusto niyang makipatulungan ako sa nanloko kay Ruby. Tutulong daw siya. Sa tingin ko, magandang balita iyon. Dapat malaman ni Ruby. Kung ganoon, dapat ay magtapat na rin akong hindi siya? “Pag-isipan mo munang maigi. Pero kung ako ang tatanungin mo, mas maiging huwag ka nang makipaglapit pa sa ama ni Jewel, Pearl. Kapag nagtagal pa ‘yang pagkukunwaring si Ruby ka, baka kung saan mapunta ito. Ikapahamak mo pa.” Nakatingin ako kay Tatay pero nalilito at maraming gumugulo sa isip ko. Pakiramdam ko ay good news si Nick. Iyong makipag-cooperate sa kanya ang hindi ko yata matutugunan. Wala akong alam tungkol kay Preston! Isang beses ko lang siya nakita. He wants information about him through me. Paano ko iyon magagawa? Pumikit ako. Bumuntong hininga ako at sumimsim sa tasa ng kape. “Tama po kayo, ‘tay. Dapat iwasan ko siya.” Binalingan niya ako at tumango. “At kung may pagkakataon, subukan mo ulit na umuwi sa Cebu. Malaman man niya kung nasaan ka roon, atleast ikaw si Pearl at nasa tabi mo sina ate Adora. Kung may awa siya, hindi ka niya guguluhin dahil wala kang kinalaman sa ginawa ng kambal mo. Dito niya kame harapin at hindi ikaw na inosente.” It’s uncomfortable to be the person that you are not. At mas lalo sa pagharap sa tao at magpanggap. Kung sa mukha, walang kukukwestyon niyan. Ang makeup at attitude, pwedeng pag-aralan. Pero iyong ikaw mismo na nagpapanggap, ang makakaramdam ng kaba at cowardness. Takot akong mag-fail ito. Tumapang ako dahil sa pamilya. Pero ang weakness ko naman ay kapag nanloloko na ako. My feelings are contradicting my head’s judgement. But I need to stay like this. I need to face this. There’s no way to turn it back. Niyayakap at nilalaro ni Jewel ang teddy bear na bigay ni Nick sa kanya. Mas malaki pa iyon sa kanya. Tinabi niya sa pagtulog at minsan ay kinakausap pa. Tinanong niya ako kung anong magandang pangalan sa kanyang bagong teddy bear. Nangiti lang ako at pinanood siya. “Dapat bigyan natin siya ng name, Mommy. Kasi ito po ang unang gift ko… galing kay Daddy.” She unconsciously said. Tinabi naman niya sa refrigerator ang box ng chocolate. Pinagsabihan siya ni Tatay na palaging kumain no’n at masisira ang ngipin. “Ikaw ang pumili kung anong gusto mong name.” Lumabi siya at nag-isip. Nakahalukipkip pa at tingala sa kisame. “Mmm… ano po ulit name ng daddy ko, mommy?” “Nick.” Nag-isip siya at ulit. Pagkalipas ng ilang segundo, lumiwanag ang mukha niya. “Edi Nicko!” “Boy siya?” tiningnan ko iyong teddy bear. Kulay brown na may red ribbon sa leeg. Well, siguro kapag ganyan kulay male na. Obviously. “Opo, Mommy. May pink na akong teddy bear. Ayun, oh. Si Francesca.” Natigilan ako. “Francesca?” sabay baling ko sa pink teddy bear. “Opo!” Kinuha iyon ni Jewel. Pinagtabi niya ang dalawa sa kama. Nagmukhang baby iyong pink teddy bear sa laki nu’ng brown. “Eto si Nicko at ito naman si Francesca. Ayan. Mag-asawa na po sila.” Napakamot ako sa buhok habang pinapanood ang inosenteng paglalaro ni Jewel sa mga teddy bear. Inaamin kong… uminit ang mukha ko’t batok pagkarinig sa huli niyang sinabi. “Jewel… sinong nagpangalan kay Francesca?” “Si Tatay Mamey po.” Umawang ang labi ko. I could understand that. Isa sa hindi ko yata makakalimutan ito. Talagang hindi ako kinakalimutan ni Tatay. “Ahh…” Bigla niya akong nilingon. “Bagay sila, Mommy, oh.” Turo niya sa ito. “Mmm… mm.” alanganin kong sagot. Bumaba ako sa kusina para magtimpla ng gatas ni Jewel. Binalingan ko ang plorera. Naroon ang mga bulaklak na rosas na bigay din ni Nick sa akin. Well… kay Ruby at hindi sa akin. Nilipat ko roon para magtagal ang buhay at sayang kung pababayaan. Ang ganda at marami pa. Palagi mong tandaan, Pearl, ikaw lang ang humarap at tumanggap nang para kay Ruby. Kapag na-attach ka sa simpleng bulaklak, baka mag-assume kang sa iyo na ang susunod. S’yempre iyong hindi magaganda tulad ng pang-aaway sa ‘yo at sampal, iiwan mo. Mas lalo na kapag hindi pananakit. Baka sa huli, mas mapanakit ang idulot sa ‘yo niyan pagdating ng panahon. Mabilis akong umiling. “Wala nang susunod.” Bakit ko naman iisiping may kasunod iyan? Iiwasan ko siya. Magsasawa rin iyon. Tulad nang ginawa niya noon. Mabilis akong nagtimpla ng gatas at hindi ko na pinansin ni sinulyapan ang mga rosas. “Magtinda-tinda ka na lang kaya o… magtayo ng tahian dito. Patay na yata ‘yung mananahi d’yan sa kabilang kalye.” Nagtatanghalian kami at kinuwento ko kay Tatay ang ilan sa mga plano ko. Ito kasi ang unang hakbang ko para makaipon at bayad sa mga naatraso ng kambal ko. Kaso bigla kong napagtanto na, kapag nag-apply ako, credentials ko as a CPA ang maibibigay ko. Pearl ang gagamitin kong kataunan at hindi si Ruby. Saka nasa Cebu ang mga documents ko. Pwede akong gumawa ng bagong resume pero kapag ibang requirements na naiwan ko sa bahay, hindi ko maipapakita. Siguro depende sa kumpanyang papasukin ko. I have my savings too. Pwede kong gawing kapital kapag nagbusiness ako rito. “Nakapagpaalam ka na ba kina ate Adora?” That’s another issue. Mabagal akong umiling. Napatampal ng noo si Tatay. “Tatawagan ko po.” “Aba’y tumawag ka na agad at ‘wag mong patagalin, Perlas. Baka bigla ‘yung sumugod dito. Alam ba nila ang address ko?” “Hindi naman po. Alam lang nila ang f*******: account ni Ruby kasi po pinakita ko sa kanila bago ako pinayagang pumunta rito.” “Basta magpaalam ka nang maayos at sikapin mong huwag silang maghinala. Naku, ito na nga ba ang sinasabi ko.” Uminit ang mukha ko sa hiya sa tono ni Tatay. Pinulot ko ulit ang cellphone sa mesa na ginagamit kong pagtingin sa Jobstreet. Sa pagbukas ng screen, tumambad naman ang bagong text ni Nick. Nick: Busy? Pang-apat na text na iyan mula kaninang umaga. Kinakamusta si Jewel. Mag-reply daw ako. At tinanong kung anong ginagawa namin. Bumuntong hininga ako habang tinitingnan isa-isa ang mga text niya. Sabi ko, babalik din naman siya rito next week kaya doon ko na lang sasabihin ang ginagawa ng anak niya. Sabi ko lang sa sarili. Saka kung may emergency o importante, itetext ko siya. In-exit ko ang site at inbox. “Ang bagal na naman…” nagha-hang kasi ang phone. Pagpindot ko sa contacts para tumawag sa Cebu, na-freeze na ang screen. Napaigtad ako nang biglang magring at lumabas ang pangalan ni Nick! Tinitigan ko muna sandali. I sighed. “Kaya siguro nagha-hang,” in-slide ko ang green button. Ayaw. Sinubukan ko ulit. Hindi ko pa rin masagot ang tawag niya. Kumunot ang noo ko at sunud-sunod kong in-slide. Ayaw talaga. Nagriring pero hindi kumakagat ang screen sa daliri ko. Kaya hinayaan ko na lang. Hanggang sa namatay nang kusa ang cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD