“Sana palakasin nya kayo at maging perfect at banal kayo sa harap ng Diyos at Tatay natin pagdating ng Panginoon nating si Jesus kasama ang lahat ng mga taong pinili ng Diyos.” – 1 Thessalonians 3:13
--
Chapter 8
Pearl
Pagsapit ng alas seis ay bumangon na ako at hindi malaman kung ano ba ang dapat kong unahin sa araw na iyon. Pero bago ang lahat ay naligo na muna ako. Nagsuot ako ng pantalong maong at short sleeves white t shirt. Basa pa ang buhok kaya hinayaan kong nakalugay.
Para akong aatakihin sa puso sa sobrang ngarag, kaba at nalilito sa kung ano ang dapat kong makumpleto sa mismong araw na ito nang hindi nagkakamali kahit kaunti. Ni hindi ko pa nakakausap man lang ang pamangkin ko. Ang sabi ko ay uunti-unti ang pagpapakilala sa kanyang ama pero ni isang hakbang wala akong nagagawa. I have so many on my plate but I was given so little time to take all in.
Magkaiba kami ng sitwasyon ni Jewel. Siya ay maagang makikilala ang ama. Ako ganitong edad na nakita. Kumbaga, her mind is still open for anything and she is just going to accept what’s store for her. Unlike myself, I readied my mind and attained this time na malawak na ang kaisipan ko. Naiintindihan ko ang puno’t dulo at may kakayahan akong i-manage ang nararamdaman.
Paano si Jewel? Yes, nagtatanong na siya. Nagtataka na bakit kulang siya? At ngayong makikita na niya si Nick na hindi ready ang mindset, baka matakot sa ama. Baka ilagan o iyakan nang iyakan. O pwede ring sumama ito at iwan ang Tatay. Ang… complicated kapag napakabata. Maraming pwedeng mangyari. Baka hindi niya rin matanggap si Nick.
Ang dapat naming gawin ay alalayan ang pagtanggap ni Jewel dito. Isang maling word lang, malaki ang role no’n sa bata niyang isip. Hindi pwedeng biglain. Hindi pwedeng sopresahin. Dahil ang araw na ito ay tiyak kong tatatak sa alaala niya.
Pagbaba ko sa kusina, nagsilapitan sa akin sina Dyosa, Mariposa at Gelay. Nagulat ako kasi ang aga nilang pumunta.
“Tinawagan ko sila na maagang pumasok… para tulungan ka.”
Binalingan ko si Tatay Vic. Nagwawalis ito malapit sa bukas na pinto.
“Madaliang makeover at tutorial tayo buong maghapon. Alas siete darating si Nick, ‘di ba?” tila excited na tanong ni Mariposa.
Siniko ni Gelay. “First name basis, ha. Close kayo, friend?”
“Hindi pa, friend. Pero baka kapag nakita niya ako ay mabighani siya sa kagandahan ko.”
Humalukipkip si Dyosa. “Baka kapag nakita ka no’n, matakot nang bumalik.”
Naguluhan na ako kung bakit sila nandito kaagad. Pinasadahan ako ng tingin ni Gelay.
“Pearl, kapag ganyan ang suot mo, baka mabuko ka agad ni Nick de Silva. Hindi nagpapantalon sa bahay si Ruby. Minsan nga naka-tube at short shorts lang siya, e.”
Sumang-ayon si Mariposa at hinawakan ako sa braso. Hinila niya ako sa harapan ng salamin. At ginalaw-galaw ang buhok ko.
I stared at myself in the mirror. Ang pale kong tingnan pero itim na itim naman ang kilay ko at pilikmata. Medyo dry ang labi dahil kaka-toothbrush ko pa lang.
“Kapag may lakad naman, minsan naka-dress o mini skirt. Bihirang magpantalon. Pero kapag nagsuot, hindi niya pinapartneran ng simpleng t shirt na tulad niyan,”
“Ano dapat?”
Sinilip ako ni Dyosa sa salamin. “Sando o Spaghetti strap blouse, Perlas. Labas ang hita o ang braso o sabay. Iyan ang taste ni Ruby sa damit.”
Nadinig namin ang pagbuntong hininga ni Tatay kaya napabaling kaming lahat sa kanya sa may pinto. Namaywang ito at halatang napipilitan.
“Naiwan sa taas ang makeup kit ng kambal mo. Pwede ka sigurong kumuha. Iyong paborito niyang lipstick, alam ko ay may extra siyang tinatago.”
Isang beses pumalakpak si Mariposa at ngiting ngiti sa akin.
“Gagawin ka naming si Ruby Francine. At para kapag nakita ka ni Nick de Silva na ‘yan, hindi ka niya mabubuko.”
Inabot ni Dyosa ang blow dryer at inusod na ang dalawa para magkapwesto siya. Umakyat naman si Gelay sa kwarto para kumuha ng ibang damit ni Ruby. At si Mariposa ay hinanda ang pang-manicure at pedicure na gamit.
Ang makeover na ginawa nila sa akin ay hindi naman ganoon kabongga pero nagdala pa rin ng pagbabago sa mata ko. Ni-layer nang kaunti ni Dyosa ang buhok ko. Sabi ko hindi kailangang gayang-gayang ng kay Ruby dahil matagal naman silang hindi nagkita ni Nick.
“Kulayan natin kaya?”
“Huwag na, Dyosa.” Agap ni Tatay na siyang naghahanda ng almusal ni Jewel.
Tipid ko siyang nginitian. Slowly, my father accepted this pretense. Hindi man siya vocal sa ngayon, at naiintindihan ko kung mananatili siyang di sang-ayon, ay hindi niya naman ako pinapabayaan. He is subtly helping even if he isn’t into it.
Kaya mas dapat kong ayusin ang ginagawa. Hanggang makabalik si Ruby.
Kinorte nang kaunti ni Dyosa ang kilay ko. Natuwa ako sa ginawa niya. Pagbaba ni Gelay sa makeup kit ng kambal ko, pinapili niya ako ng lipstick at eyeshadow.
“Kaunting eyeshadow lang. Baka isipin ni Nick… nagprepare ako,”
I mean, siguro okay lang na hindi mag-makeup. Nasa bahay lang naman ako saka… hindi ako kumportableng may kulay ang mata.
Nagkatinginan sina Dyosa at Mariposa. Nilapitan ako ni Gelay na umiinom ng kape.
“Sa tingin ko tama si Pearl. Kung nandito lang din si Ruby, mas ini-emphasize niya ang kilay at labi. Heavy red lipstick ‘yon, e. Pero hindi palagi. Minsan nakikiuso lang sa sikat sa market na kulay at brand.”
Kinuha ko ang dalawang lipstick na kilala ang brand. Red iyon. Bold Crimson at Rich Ruby. Ngumuso ako. Tinaas ko ang Rich Ruby.
“Pwede na.” sang-ayon ni Dyosa. “Palagi mo na itong gagamitin. Baunin mo kapag may lakad ka.”
“E sa nails, anong type mo, Perlas ng silanganan?”
Bukod sa pag-aayos na tulad kay Ruby, sinabi nila sa akin ang ilang impormasyon tungkol sa kanya. Ang kilos niya, pati usual na pagtawa, ngiti at kahit pagsasalita. Na napansin ko no’ng una kaming nagkita. Ruby speaks like she is the queen with full of conviction. May awtoridad at hindi people pleaser na tulad ko. Hindi mahiyain at hindi mahina magsalita.
“Malakas ang boses no’n dito. Ewan ko sa trabaho niya.”
I learnt that she worked in a Travel Agency. Maraming kaibigang mayayaman. Hindi nga lang nila masabi ang mga pangalan dahil hindi rin kilala. Madalas magparty at malakas uminom. Hindi ko kailangang uminom. Iiwas na lang kapag may na-encounter saka mommy na siya, e. Pwede na iyong dahilan.
“Nagyoyosi nga rin pala ‘yon,” dagdag ni Gelay.
Tumango ako. “Ano ang hobby niya?”
“Matulog. Kumain. Magcellphone. At magpost ng picture sa internet.”
“Grabe ka naman kay Ruby, Dyosa.”
Nagtakip ng bibig si Gelay at sabay siko nga kay Dyosa.
“Hobby din niya ang mag-shopping. Pero pwera biro, iyong lang talaga ang ginagawa kapag bored siya. Hindi mo ‘yon mapapahawak ng walis at dustpan. Mauubos ang plato rito kapag siya ang naghugas.”
Bumuntong hininga ako. Hindi ko malaman kung maniniwala ako. Si Tatay ay tahimik lang at pasilip-silip galing sa kusina.
“Ano ang paborito niyang pagkain kaya?”
“Basta hindi isda at okra. Kahit ano naman.” Sagot ni Mariposa.
Tumango ako. That’s fine. Pero mahilig ako sa Galunggong, Bangus at Tilapia. Sa tingin ko naman, hindi gaanong halata iyon, ano?
Naalala ko kung saan siya nagtapos ng college, kurso at trabaho. Some of it, like names of her friends and Exes, wala na akong alam. Pero kung sa kalagayan at sitwasyon ko, wala namang magtatanong niyan. I just need to be her. I need to shift my identity for the mean time.
Tinuro sa akin ni Mariposa ang ilang mannerism ni Ruby. Pinaraktis ko ang lakad, halukipkip at ngisi niya. Pinarampa pa nila ako sa salon tulad no’ng tinuro nila nang sumali ito sa beauty pageant. Pero hindi ako confident kaya tinigil din namin saka hindi naman gaanong kailangan… sa ngayon.
Umaga hanggang tanghali, pinag-uusapan namin si Ruby. Kung paano siya makipag-usap sa mga kapitbahay at tambay. Nakiki-shot pa raw minsan at iyon ang pakikisama niya. Napapagalitan ni Tatay kapag ganoon. Ayaw kasi nitong nakikipag-inuman sa kalsada. Bukod sa hindi magandang tingnan, babae pa.
The more I learn about her, the more I fill in my identity shifting. Pero hindi ko maiwasang ma-shock sa nalalaman. Ang dami. Ibang iba sa una kong pagkakakilala sa kanya. My feelings for her remained the same but my knowledge a bit tainted.
Sinuklay ko ang buhok ni Jewel. Mag-aala dos na ng hapon. Bukas ang salon at kasalukuyang may customer na nirerebond si Dyosa. Sina Mariposa at Gelay ay nanonood ng TV at paminsan-minsang nagse-cellphone.
She looked up at me. Magkatabi kami sa sofa. Si Tatay ay nasa palengke para sa lulutuin mamayang hapunan. Kabilang si Nick.
She sleepily smiled. I tilted my head. “Are you sleepy? Pwede kang mag-nap,”
Niyakap niya ako sa baywang at tumingala sa akin. Umiling.
I sighed. Napatitig ako sa sahig. Paano ko sisimulan ito? Ilang oras na lang ay darating na si Nick.
Humugot ako ng hangin. Dinala ko muna sa kusina si Jewel dahil kalat ang amoy ng gamot sa ginagawa ni Dyosa. Pinaupo ko ang pamangkin at nag-squat ako sa paanan niya.
“Jewel,”
Tiningnan niya lang ako. Her chubby rosy cheeks look so pretty on her.
Banayad kong hinaplos ang pisngi niya.
“Mamaya… may… bisita tayong darating. Gusto ka niyang makilala…”
Tiningnan niya ako na parang hindi naiintindihan. Dalawang beses siyang kumurap at ang munting noo ay kumunot.
“Sino po siya, Mommy?”
My chest pounded so fast. Malalim akong bumuntong hininga. Inisip ko kung paano ba dadahan-dahanin ng isang ina ang pagsasabi nang ganito sa maliit pang anak? Ang naalala ko, ang Nanay Clara. Hindi niya ako binigla. Nakangiti siya at nararamdaman kong para lang siyang nagkukwento ng napakagandang istorya. Wala akong nakita kundi ang saya at panghihinayang. Kung may kirot man, dagli niyang pinalis. Parang pinahiram niya sa akin o binahagi ang sariling memories kasama si Tatay.
“Your father was a loving and sweet man, Pearl. And he loves you… you and Ruby Francine.”
I remembered her soft voice. Her kind face. And her beautiful aura that she only shown to me. Nilabas ko sa puso ko ang nakita sa Nanay. I sweetly smiled at Jewel. I held her tiny hands.
“Isang taong… matagal mong hindi nakita. Isang taong… parte ng buhay mo. At… magmamahal sa ‘yo nang bukod pa sa akin,”
Natigilan ako sandali.
“Mamey Vicky loves me. Mommy loves me now. Sino pa pong may love sa ‘kin?”
Her innocence voice turned back my senses. Nagawa ko na. Naumpisan ko na kaya hindi na pwedeng magpatumpik-tumpik ka. Now, she’s open. She’s asking. What word to say?
Kinabahan ako. Pinagmasdan ko ang maamong mukha ni Jewel. Kinulong ko ang mukha niya sa mga palad ko.
“Your… Daddy.”
And there you go.
Hindi umimik ang pamangkin ko. Kumurap-kurap siya ng tatlong mabibilis na ulit at mangha akong tinitigan. Her lips formed an ‘O’ shape.
Marahan akong tumango. “He is coming tonight to see you, Jewel.” I whispered.
“May Daddy na po ako, Mommy?”
Hindi ko alam kung bakit pero tila kinurot ang dibdib ko. Pinalitan ko iyon ng ngiti.
“Yes…”
Hinawakan niya ang kamay ko at binaba.
“Makikita ko na po siya?”
“Opo. Mamaya.”
“Yehey!!” patalon siyang bumaba sa upuan at nagtatakbo sa labas.
Tumayo ako at sumunod sa kanya.
“May Daddy ako! Pupunta ang Daddy ko, ate Gelay!” nakangiti at masaya niyang kwento sa kanila.
Binalingan ako nina Dyosa. Pati ang babaeng nirerebond niya ay nakuryoso at tumingin din. Binuhat ni Gelay si Jewel. Makahulugan niya akong nginitian.
“Wow! Makikita na natin ang Daddy ni Jewel! Are you happy, bebe?”
Mabilis na tumango si Jewel. Tinaas pa ang mga kamay na tila taong nanalo. I just hope, Nick will never disappoint her true and newly found happiness.
I made the first step. Mamaya ang encounter. And I have to be ready for my new identity.
Nagtatawan sa baba sina Mariposa. Alas seis. Nagpalit na ako ng damit ni Ruby. Isang kulay pulang spaghetti strap blouse na hapit sa baywang at itim na mini skirt. Shorts ito na may palda sa harap. Medyo kumportble naman kaso… naiiksian ako. Pagtyagaan ko na lang daw ngayong gabi. Saka nasa bahay lang din naman ako. Kaya um-oo na lang ako.
“Oh Ruby! Totoo pala ang balitang nandito ka na.”
Natigilan ako sa pagkababa. May iba pala silang kasama. Babaeng morena. Sexy at maganda. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin at sinusuklay ni Mariposa ang kanyang mahaba at straight na buhok.
Umawang ang labi ko. Sinulyapan ko si Dyosa. Hindi ko siya kilala at saka napagkamalan na naman akong si Ruby.
“Ah, eh, ilang araw na rin, Sheena! Hindi lang naglalalabas itong si R-Ruby. Alam mo na…”
Nagkatinginan sina Mariposa at Gelay pagkatapos iyong sabihin ni Dyosa.
“Narinig ko nga. Kalat na rin ang chismis na ‘yan sa bar, e.” she looks at me again then smirked. “Kung ako sa ‘yo, hindi muna ako umuwi rito. Guguluhin ka lang ng mga ‘yon. Pero mukhang malakas ang loob mo, ah. Hindi ka ba natanggal sa trabaho mo?”
Napalunok ako. Umiinit ang mukha ko na tila nalagay sa gitna na hindi pwedeng iwanan. Hindi ko rin naman ito pwedeng takbuhan. Nasimulan ko na. Pati itong ayos ko.
“W-wala na… Sheena.”
Tumikhim ako. Hindi pa ako sigurado sa boses. Kailangan kong pang magpractice.
Tumawa ang babae. “Saan ka ngayon nyan? Walang perang pambayad?”
“Hay naku! Naloko rin ‘yang si Ruby. Balak niyang maghanap agad ng trabaho para makabayad.” Singit ni Mariposa.
“Saka hindi na niya maiiwan si Jewel, ‘no.” dagdag ni Gelay.
“Malaking pera ang kailangan mo niyan. Kung gusto mo, ipasok kita sa bar na kinakantahan ko? Kulang kami sa waitress ngayon, e. Bentang benta ‘yang ganda mo. Malay mo… maka-jackpot ka.”
“Ay tumigil ka, Sheena. Hindi pwede sa lugar mo ang anak ko.”
Napabaling ako kay Tatay. Hindi ko napansin ang paglabas niya sa kusina na hawak pang sandok at nakasuot ng apron.
“Para namang bago ito kay Ruby. Magaling naman siyang makipag-usap sa tao. Saka waitress, Mamey. Magse-serve siya ro’n hindi mag-eentertain. Ang ganda ng anak mo, oh. Kaunting ayos pa d’yan, maraming magbibigay ng tip d’yan.”
“O tapos, babastusin siya ro’n at hihipuin? ‘Wag na nako.”
Tiningnan ako ni Tatay. Pasimpleng umiling. Tumango ako at sure namang hindi ako sasama kay Sheena. Hindi ko siya kilala saka wala sa isip kong magtrabaho sa isang bar. Kung sa opisina siguro iyon, pwede kong pag-isipan. Pero kung ganoon na haharap sa tao, hinding hindi.
Tumawa si Sheena at tumayo. Nang lapitan niya ako at pasadahan ng tingin, bahagya akong napaatras. Para akong inieksamin. Ang mukha ko, dibdib at hita. Pinagdikit ko ang mga paa sa sobrang kaba at hiya sa ginawa.
“May bouncer kami ro’n. Safe ang mga waitress saka ako na performer nila. Maraming umiinom do’n kaya asahang may malalasing at mawawalan sa katinuan. Pero kung ayaw… edi ‘wag. Inalok ko lang naman. Inokray niyo na ang bar namin.”
“Ah, eh, hindi naman sa ganoon, Sheen. Protective lang si Mamey kay Ru-ruby. Hindi sanay sa gano’ng lugar. Pero ako ba pwede ro’n?”
Nag-pose pa si Mariposa na tila sasabak sa rampahan.
“Sira! Sexy at may itsura ang requirements do’n.”
“May itsura naman ako, ah.”
“Pero wala sa standard nila, friend.” Kalabit sa kanya ni Dyosa.
Tumawa at binalingan ulit ako ni Sheena. Nagkatinginan kami. Ngingitian ko sana kaso hindi siya ngumingiti. Tinitigan niya lang ako ilang sandali bago nagtaas ng kilay.
“O siya. Aawra na ako sa labas. Salamat sa trim, Mariposa! Next time ulit! O, tip mo,”
Pagkaalis na pagkaalis ni Sheena ay agad nilock ni Gelay ang pinto. Medyo maayos na ang salon at nakapagwalis agad ng retaso ng buhok. Sinundan ko si Tatay sa kusina. Nanlalamig na ang mga kamay ko at kabadong kabado. Palakad lakad ako na at hindi mapirme sa isang lugar.
“Wala pa ba?” baling sa akin ni Tatay. Inaayos na niya ang mga plato. May nakahain ng bowl ng kanin. Ang ulam na sinigang na hipon ay isasandok na lang. Mayroon pang Coke sa gitna. Bisita na lang ang kulang.
“Basta ganito, Pearl. Relax ka lang. Huwag kang kakabahan. Ang alam niya si Ruby ka,”
Lumunok ako pero masinsinang nakinig kay Mariposa.
“Okay,”
“Magdekuatro ka kapag uupo. O kaya halulipkip na ganto,” humalukipkip siya. “Chill ka lang. Nandito naman kami. Tutulungan ka namin. Saka si Jewel lang naman ang target niyang makilala ngayon, hindi ka mabubuko.”
Nakaayos na ang lahat. Nasa kwarto sina Jewel at Gelay. Mayamaya ay bababa na rin. Tumayo kami sa pinto ni Mariposa na may last minute advice at si Dyosa ay nakatambay sa tapat hinihintay ang bisita namin.
“Naalala mo ba ‘yung acting ni Ysabella?”
Kumunot ang noo ko. Bakit nasama siya?
“Mahinahon ang mukha. Kalmado. Pero ang mata…” pinaliit niya ang mga mata. “Nasa mata talaga ang tunay na acting, e. Kahit hindi ka magsalita masyado pero kapag confident kang tumingin, mapapa-wow mo ang kausap mo. Matatameme sila. I-mata mo lang.”
“Ha?” naguluhan ako.
Tinuro niya ang sariling mata na para bang tutusukin niya.
“Idaan mo sa mata ang aktingan. At kung maintimidate ka sa de Silva na ‘yan, don’t worry, kaming bahala sa ‘yo. Ipagtatanggol ka namin.”
“Ayan na, Perlas!”
Sabay kaming napabaling ni Mariposa sa tinuro ni Dyosa. Kumunot ang noo ko. Gulat kong tiningnan si Mariposa nang bigla itong lumabas na ng pinto at sabay hawak ng mga kamay.
“Ang pogi ng sasakyan, Pearl! Paano pa kaya ang driver?” sabay hawak sa magkabilang pisngi.
Bumuntong hininga ako. Humawak ako sa frame ng pinto at tahimik na tinanaw ang itim na sasakyan. Hindi ko alam kung paano nasabi nina Dyosa na siya na ‘yan, e, hindi naman kilala ang sasakyan dito. Kaso… kahit madilim, ang mga tambay at naiiwan pang tao sa labas ay nakatutok sa paparating.
Mabagal ang pagtakbo nito.
Tumunog ang hawak kong cellphone.
Nick:
Nandito na ako.
I looked back at his, I guess, car. Itim na BMW. Tumayo at napa-wow ang isang lalaking umiinom sa gilid. Ang babaeng nagwawalis ay tumigil at pinanood ang pagparada no’n sa tapat ng salon. Biglang nilapitan ni Dyosa ang side ng driver. Binaba marahil ang bintana at kinausap siya. Mabilis na tumango si Dyosa sabay baling sa akin.
“Hinahanap ka,”
Ipit na napatili si Mariposa sa harap ko. Parang kinukurot ang tagiliran.
Namatay ang ilaw nito. Bumukas ang pinto at agad kong nakita si Nick. He is wearing a cream color knitted longsleeves. Balikat pa lang ang nakikita ko. Hinanap niya ako sa pinto. Wala naman itong reaksyon kaya… hindi rin ako nagbigay ng reaksyon.
Bumaling ako sa hagdanan.
“Pasok ka, Mr. de Silva,” magiliw na alok ni Mariposa.
“Manliligaw mo, Ruby? Putcha bigatin ang sasakyan, ah!” usisa ng isang tambay sa harap.
“Lumalayo-layo kayong kaunti at baka magasgasan niyo. Di baleng magasgas ang baga niyo kakainom, ‘wag lang ‘to. Tsupi ka ro’n!”
“Luh si Dyosa? Tinitingnan lang namin. Yabang neto,”
Hindi pinapansin ni Nick ang mga taong nakatunghay ngayon sa kanya. May kinuha ito sa likod ng sasakyan at binitbit palapit.
Napatakip ng bibig si Mariposa pagkatapos niyang silipin iyon.
“May pa-flowers at teddy bear, Perlas!” bulong niyang tsismis.
Siniko ko siya at pinanlakihan ng mata.
“Ay sorry. Ruby nga pala. Ruby.”
“Papasukin niyo na lang. Tatawagin ko si Jewel,”
“Sure, sure.”
Umalis ako sa pinto. Pero una ko munang sinilip si Tatay sa kusina.
“Nandyan na?” tanong niya habang nagsasalin ng ulam sa tasa.
“Opo, ‘tay. Tawagin ko lang si Jewel.”
“Sige. Ihahanda ko ang hapunan niyo.”
Pagtungo ko sa hagdan, nakatayo na sa doormat si Nick. Huminto ako sa paghakbang na parang batang nahuli sa aktong may gagawing kalokohan. Nakatayo lang siya roon. Pinunas niya ang sapatos sa doormat. Nang mapansin ako, tumigil din ito.
Tinitigan niya ako. Nasa kaliwang kamay niya ang kulay brown na teddy bear at may kalakihan. Sa bandang tiyan ng teddy bear ay hawak ang isang box ng chocolate. Sa kanang kamay naman ay isang pulumpon ng mga bulaklak. Namumukadkad ang kulay pulang rosas na tila nang-aangkit na hawakan at yakapin ito.
Bumaba ang mga mata niya sa balikat ko. Sa braso, tiyan at hanggang ilang segundong nanitig sa mga binti. Ito na naman ang mga matang misteryosong tumingin. At naulit na naman ang kalampag ng dibdib ko na parang sasabog sa tindi ng pagtibok.
Malakas akong tumikhim. “Ah, tatawagin ko lang si J-jewel…”
I bit my lip. I am shaking! Literally!
Tumaas ang mata niya sa mukha ko. Tinawag siya ni Mariposa at niyayang maupo sa sofa. Pinagpag pa ulit ang sofa bago siya pinaupo nito.
“Mamey! Nandito si Mr. de Silva!”
Habang umaakyat ako sa hagdanan, malakas ang pakiramdam kong naroon din ang mata ni Nick.
“Jewel?”
Nakatayo na pala sila sa taas ng hagdanan o pababa na. Pero namumula ang mata at ilong.
“Mommy… I’m scared…” maliit na boses niyang sabi.
Umawang ang labi ko. Alam kong naka-expose ang mga binti ko sa hagdanan at nakikita ni Nick pero si Jewel ay hindi niya pa rin nakikita.
“Kinakabahan na raw siya. Baka raw hindi siya love ng daddy niya.” paliwanag ni Gelay.
Naiiyak na si Jewel. Kahit hawak siya sa balikat ni Gelay tila mahuhulog sa hagdan kaya inabot ko ang kamay niya. Isang beses kong pinahakbang at inayos ang bangs ng buhok. Bahagyang akong yumuko.
“Kaya nga siya nandito kasi gusto ka niyang makita. Makilala. Matagal ka niyang na-miss…”
Humikbi na siya.
“Jewel… nandito naman ako, e. Sasamahan kita…”
“P-pero Mommy… b-bakit ngayon lang po siya pumunta? B-bakit wala siya dati? Umalis po ba siya?”
Lumunok ako. “Kasi… may work siya,”
“H-hindi niya ba ta-tayo love mommy kaya siya u-umalis?”
“Hindi sa ganoon. Ano… kailangan niyang mag-work. Pero ngayon nandito na siya. He wants to meet you!” pinasigla ko na lang ang boses ko.
Sabay na kaming bumaba ni Jewel. Pero nang nasa kalagitnaan na ay bumitaw sa akin at umupo sa hagdanan. Nick can see her there. Nakita rin niya ang ama niya. Parang sumisilip. Nakalabi pa at ayaw talagang bumaba.
Bumuntong hininga ako. Nilapitan siya ni Tatay at sinubukang aluin. Kaso ay matigas na umiling si Jewel. Naupo na lang siya roon.
“Hayaan mo na at ‘wag pilitin. Nasanay naman kasing walang…” makahulugang tiningnan ni tatay si Nick.
Tumayo si Nick at pormal na pinakilala ang sarili. Nakipag-shakehands kay tatay pero malamig ang pakikitungo nito sa kanya.
“Buti naman at naisipan mong dalawin ang anak mo. Kung hindi mo kinausap si Ruby, wala kang plano, ano?”
Tumikhim si Nick. Sinulyapan ako.
“May plano naman po, Mr. Herrera. Hindi ko lang inaasahan na… magkikita kami ni Ruby at sa… maling sitwasyon pa.”
Mabigat na bumuntong hininga si Tatay. Sina Dyosa at Mariposa ay nagkatinginan at nanlaki ang mga mata.
“Mamey, mamaya na natin pag-usapan ‘yan. Si Jewel muna,”
Kinabahan ako. Para kay Tatay at para kay Nick. Nakipagpatigasan ng titig si Nick at talagang pinakita niyang hindi siya natatakot sa pagpunta rito.
“They are right. I don’t want to talk about it. My priority is to meet my daughter Jewel.” He looked at her again. Nilapitan at tinitigan.
Naiwan akong nakatayo sa paanan ng hagdanan. Nang magkatinginan kami ni Tatay, nahuli ko ang matalim at disgusto nito sa bisita.
“Hi, Jewel.”
Hindi sumagot ang anak. Tiningnan lang siya.
“My name si Nick.”
Nilusot niya ang kanang kamay para maabot ito. He offered his big hand. Jewel looked at me. At ilang sandali pa, malakas at takot na takot itong umiyak.
“M-Mommy…”
Para siyang nagpapanic at kinabahan na rin ako. Inabot ko siya sa hagdanan at binuhat. Bumaba na rin si Gelay at tumabi kina Dyosa.
“Hindi mo pa ba nasasabi sa kanya?”
Tiningnan ko si Nick habang inaalu at hinahagod ang likod ng anak niya.
“Sinabi ko. Okay naman siya kanina. Saka excited makita ka.”
Tumayo siya sa gitna ng salon. Nakapamaywang kaming pinanood.
“Ganyan talaga ang bata sa umpisa, Mr. de Silva. Siguro, bigyan niyo muna ng time si Jewel na matanggap na may daddy na siya. Mag-adjust kumbaga. Ang tagal mo kasing nagtago, e.”
“Sisipitin ko ‘yang bibig mo, Mariposa.” Awat ni Dyosa.
Nagkatinginan ulit kami ni Nick. Kumunot ang noo. Nakita niya ang pagsiksik ni Jewel sa leeg ko at umiyak.
“Can I…”
Sinilip ko ang mukha ni Jewel. Hinawi ko ang buhok at hinalikan ang pisngi. “Daddy is here na, baby. He wants to see you,”
“I’m scared, Mommy.”
Pinagtuloy ko ang paghagod sa likod niya. Inilingan ko si Nick.
Sa mga oras na iyon ay pare-pareho kaming walang magawa. Nakatayo lang kami. Tila nakasalalay kay Jewel ang magiging ng hatol ng pagpunta ni Nick dito at ganoon din para kay Nick. Hindi siya kilala ng sarili niyang anak. At mukhang nangangapa rin siya sa pakikitungo rito.
Si Tatay ay tahimik na nagmamasid sa gilid. Pinagmamasdan niya si Nick. At sina Dyosa ay sinusuyo si Jewel para mawala naman ang takot nito sa ama.
Pinaupo ko si Nick sa sofa. Inusod niya ang teddy bear at bulaklak para makaupo ako. No’ng una ay ayaw ipakita ni Jewel ang mukha sa kanya. Ilang beses kong nilambing at binulungang okay lang iyon. Hindi ko siya bibitawan. Kaya nang maiikot ko siya at kinandong, nakita siya sa wakas ni Nick. Kahit yumukong todo naman ang anak.
“Hi, Jewel. I’m Nick.”
Inulit niya ang pagpapakilala. Yumuko rin siya para mahanap ang mga mata ng bata. Inayos ko ang nagulong buhok nito.
Nick smiled. Nagpalit ang reaksyon ng mukha niya. Pati ang mata niya ay tila lumambot pagtingin dito.
“Can I hold your hand?”
Kumurap-kurap si Jewel. Hindi inalis ni Nick ang kamay. Unti-unti iyong tiningnan ni Jewel at umangat ang mata para makita ang mukha niya.
Nick smiled again. “Your name is Jewel, right?”
Isang beses tumango si Jewel.
“I’m Nick. I’m your… Daddy Nick.”
Hindi ko na inalis ang atensyon kay Jewel. This night is all for her. For her identity and wholeness. For her completeness as a human being. Nasa harap na niya ngayon ang kanyang pinanggalingan at matagal na hindi nakilala. Ito na ang kukumpleto sa kuryoso niyang isipan.
“D-daddy?”
Nick tilted his head. Ilang sandali, umalis ito sa pagkakaupo at nag-squat na sa paanan ko.
“Pagod na si Mommy, baby. Pwede bang si Daddy naman?”
Natigilan ako at tiningnan siya. Tinitigan niya ako. Pero nilipat niya rin ang atensyon sa anak.
“Pwede ba kitang buhatin din, hm?”
He then extended his arms for her. Tiningnan iyon ni Jewel. Hinintay ni Nick na sumama sa kanya si Jewel pero umiling ulit ito at ako ang niyakap.