Chapter 3

4053 Words
“For we never came with words of flattery, as you know, nor with a pretext for greed—God is witness. Nor did we seek glory from people, whether from you or from others, though we could have made demands as apostles of Christ.” – 1 Thessalonians 2:5-6 -- Chapter 3 Pearl Tatlong araw kong hindi nakakausap ang kambal kong si Ruby. Tinawagan din siya ni tatay pero pareho lang kami ng resulta. Nakapatay ang phone niya at ang social media account ay hindi online. Kinakabahan na ako pero ayaw kong ipahalata kay tatay. Magmula nang magka-connect kami sa f*******: at text messages, sumasagot naman si Ruby. Kahit hindi kami madalas mag-usap, sumasagot ito kapag nangangamusta at naging madalas ang usap noong pinapapunta niya akong maynila. Medyo nasanay ako sa klase ng pag-uusap namin. At visible siya sa social media. Ganoon din daw siya kina Tatay at Jewel. Pero nabawasan ang pag-uwi kapag may boyfriend at busy sa trabaho. Nauubos ang panahon nito sa lalaki. Madalang dalawin ang anak. “Bagay naman sa ‘yo ang damit ni Ruby, ah. Kasya pa.” Wala akong choice kundi ang magsuot ng damit ng kambal ko. Kasya nga. Pero puro spaghetti strap blouse at short shorts ang laman ng aparador. Maiiksi at tinipid sa tela halos ng damit. Itong suot kong t shirt sumisilip ang tiyan ko. May itim na pedal pusher akong nakita at una kong sinuot. May white at brown na sunod ko ring sinuot. Ang sabi ko ay bibili na lang sa bayan o palengke kaso ang sabi nina Dyosa ay pagtyagaan ko muna ito para makatipid ng pera. “Kasya naman po. Kaso… maliliit karamihan ng damit niya.” nahihiya kong sabi. Pagtingin ko sa salamin, tinitigan ko ang sarili nang suot ang damit ni Ruby. Kumukurba sa katawan ang tela. Ngayon ko lang din yata napansin ang hubog ng katawan ko na dati ay sanay sa maluluwag at walang style na damit. Nasanay ako sa pinapasuot sa akin ni Tiya Adora. Basta huwag ilalabas ang mga binti at palaging tingnan kung lumuluwa ang dibdib. Tama naman siya pero pwede ko rin pa lang subukan ang ganitong porma? “Maganda ka, Pearl! Kahit sobrang simple ng ayos mo, maraming nagkakagusto sa ‘yong mga kaibigan natin. Tingnan mo si Mark, ilang beses mong binasted pero hindi tumitigil sa pagsuyo sa ‘yo. Pinaglaban ka pa niyan sa parents niya kasi wala kang dugong intsik. Mahal ka talaga no’n.” Pinahinga ko ang kamay sa kandungan at bumuntong hininga. Nasa court kami at pinapanood sa paglalaro si Mark dahil may practice ng ligang sinalihan. Lumingon ako sa paligid. May iilang nanood at medyo malayo sa pwesto namin. Ayaw kong may makarinig sa sasabihin ko kay Pamela. Feeling ko minsan ang alien ng pananaw ko. Pumapalakpak kami kada shoot ni Mark. Lilingon pa ito sa amin at tinuturo ako. Panay ang tili at asar ni Pamela pabalik sa kanya. Iyong ibang intsik na kaibigan ni Mark na player din, napapalingon at iling. “Wala na akong balak mag-asawa.” “Ha? Ano?!” I sighed. Sinundan ko ng tingin ang paglalaro ni Mark. “Ang sabi ni Tiyang, ‘wag na raw akong mag-asawa. Ibibigay niya sa akin ang shop, ang bahay at mga napamana nilang ari-arian kung hindi ako mag-aasawa,” No’ng una kong narinig, nagulat ako. In my younger years, I dreamt of having my own man, my child and my own family. Sa karamihan naman ng tao sa mundo ay humihiwalay sa pamilya para bumuo ng sarili. Syempre, noong nag-aaral pa ako ay inuna ko iyon dahil alam kong dapat inuuna ang pag-aaral. At nang makatapos, naghanap ako ng trabaho. I tried to blend myself in another world aside home. Nag-resign ako nang palipatin na lang sa shop. Na okay din naman kasi nasa bahay lang at hindi na mamamasahe kada pasok. Wala akong ini-entertain na manliligaw maliban kay Mark Cheng. He’s a friend and I’m comfortable to be with him. Hindi ko sinasagot dahil ang sabi ko ay ayaw ko pa. Naiintindihan niya iyon at ilang beses kong pinatigil manligaw. Tumigil naman pero may paminsan-minsang pumuporma. Na okay lang kasi palagi kong pinapaalalahanan. At nang sabihin iyon ni Tiyang Adora, napaisip isip ako tungkol sa buhay ko. Ang pinakauna kong pangarap ay ang makita si tatay Victorio at Ruby Francine. They are my number one priority to find not my boyfriend or even marriage. I was content just to see them in person then… I’m finally good. I will be back in Cebu and continue to spend my life with my three Aunties. Hindi naman kasi masama ang loob ko sa kapalaran. Thankful ako sa kung nasaan ako ngayon. Gusto kong nakakatulong tulad kung paanong binabalik ni Nanay Clara ang utang na loob kina Tiyang. Mahal na mahal nila si Nanay at ako. Na kung naroon lang din si Ruby kasama namin ay tiyak kong pareho ang mararamdaman niya. Love for me is… a choice. Nararamdaman—oo—pero pipiliin mo kung gusto mo. Kung talagang gusto mo. My Aunties didn’t marry. But they’re contented. Iyon ang pinili, e. It’s still a matter of choice and I grew up with that kind of household. At wala akong kahit anong negatibong sumusuot sa puso ko. Hindi ko rin masasabing pipiliin ko si Mark. Kaibigan ko lang siya. Walang humigit sa nararamdaman ko para sa kanya. If… one day I fall in love with him, papipiliin pa rin ako kung siya o singlehood. It’s still a choice. Something na siguro hindi kayang maintindihan ng lahat. Tulad na lang ng kaibigan kong si Pamela. I don’t have a lot of things and that’s fine with me. I have education, home and job. I really don’t intend to step in higher kind of living or dreams. I am contented with what I have. I think, I am already living the life I look up to. I can pay bills and buys food I want. I don’t travel a lot. Manood lang ng TV ay ayos na ako. I only travel in my dreams. “So, ayaw mong magkaanak?” Hindi agad na process ng utak ko ang tanong na iyon ni Pamela. Naagawan ng bola si Mark ng kalabang grupo. Napikon siya at gustong bumawi. Kinurot ng kaibigan ko ang pisngi ko para kunin ang atensyon ko. I glared at her. “Kapag mag-aanak ako, ibig sabihin no’n magbubuntis ako,” “Malamang! Sa tingin mo ini-order ‘yon?” Marahan akong pumikit. “Kung magbubuntis ako, edi dapat may asawa ako,” “But ofcourse, my dear! Hindi mo ‘yon kayang buuin mag-isa. Ano ‘yan, DIY baby? Duh!” “Kung ganoon, kailangan may lalaki sa buhay ko,” “Ano ba namang mga tanong ‘yan, Pearl! Puro basic! Kung gusto mo ng anak, ng baby, ng chikiting, s’yempre may daddy na involve. Sabay niyong ginagawa ‘yon. Maliban na lang kung mapera ka at gagawin iyong… iba ang magbubuntis? Ano bang tawag do’n?” “Surrogacy.” “Oo ‘yon! O kaya magbubuntis ka pero hahanap ka ng sperm cell. Bubuo ng baby sa hindi natural na paraan. Kaya mo ba ‘yon?” “Ayaw ko niyan.” “Edi magpabuntis ka na lang.” “Pamela!” napasigaw ako sa pangalan. Napakaeskandolosa ng pagkakasalita. “Sorreh na, sorreh.” “Labas sa ilong naman.” Pinanlakihan pa niya ako ng butas ng ilong. Napabaling kami sa court nang patawan ng foul ang kaibigan namin. Tinitigan ko si Jewel sa mesa. Nagkukulay ito ng bulaklak na tinuro ko sa kanya. Nilingon niya ako at nginitian. “Ganda po, Mommy?” pinakita niya sa akin ang bond paper. Lagpas ang kulay red sa drawing at hindi pantay ang linya. “Maganda po.” magiliw kong sagot. Bumungisngis siya at nilapag ulit ang papel sa mesa. Hinalf ponytail ko ang mahabang buhok at tinirintas ang nakagoma. Kulay lavender ang laso na tinali ko at ni-ribbon. She’s wearing a yellow sando and shorts. I rummaged in her closet and let myself chose for her. Hindi pa siya nag-aaral. This coming June ay ipapasok nila sa day care sa barangay. Libre raw iyon. Ayaw pa sana ni tatay pero kung wala rin namang gagawin sa bahay ay mabuting mag-spend ito ng dalawang oras o higit sa day care. Para malibang kahit saglit gayong hindi nagpapakita ang ina nito. Pinaghanda ko siya ng meryenda. Nasa kusina kami at may customer na ginugupitan si tatay sa labas. Nagtimpla ako ng juice at kumuha ng dalawang cheesecake. Plano ko ring ilibre kahit sa Jollibee kung papayagan kami. Busy din naman si Gelay sa trabaho sa salon. “Mommyyyy!” Napabalik agad ako sa mesa ng walang sa oras. Si Tatay ay sumilip pa at kung napano siya. “Jewel,” “Mommyyy!” “I’m here, baby…” alu ko dahil bigla nitong pag-tantrum sa mesa. Hindi siya umalis sa inuupuan at hawak pa rin ang krayola. Pero tumingala ito at umiyak na. Tumayo ako sa kanyang likod at pinunasan ang luha sa pisngi. Ngumiti ako at inayos ang nagulong bangs. “Kinuha lang kita ng snacks mo. Bakit ka umiiyak?” Lumabi siya. Nakatingala sa akin. Her eyes are misty… sad… so lonely… and why a child like her possessed all of that? “Dito ka p-po…” My lips parted and wanted to assure her that I will be with her. But… I lost the words from my lips. Tinuyo ko ang luha sa gilid ng mga mata ng bata. I nodded and looked at my father. I parted my lips again but I just couldn’t ask something now. Inilingan niya ako. “Mamaya.” He mouthed. Ang summer sa maynila ay nakakanuot sa balat ang tindi ng init. Tama nga ako sa naisip sa second floor. Hindi makakatagal doon kapag tanghali. Kaya nasa baba rin kaming lahat. Medyo siksikan lalo na kung may customer kaya niyayaya ko si Jewel na magdrawing siya sa kusina para lumuwag doon. Pagdating ng hapon ay sinama ko siya sa palengke. Titingin kung may underwear akong mabibili. Sasamahan sana ako ni Mariposa at Gelay sa Divisoria pero maraming customer ang nagpagupit at treatment. Okay na ring si Jewel ang kasama ko para maipasyal ko sa fast food. Kahit hapon na, pawis na pawis pa rin ako sa paglalakad at ikot sa palengke. Hindi ko binibitawan ang kamay ni Jewel at baka mawala. Ginamit ko ang sariling pera sa pagbili. Binukod ko ang magagastos ko sa ticket pabalik sa amin. Bukod sa underwear ko, namili rin ako ng bagong damit kay Jewel. “Patingin nga po ako nu’ng pink,” nakahanger ang t shirt at skirt na Hello Kitty. Napatalon ng kaunti si Jewel sa excitement. “Gusto mo ‘yon, baby?” “Yes, yes, Mommy!” she tilted her head and pouted her lips a little. Pulang pula ang pisngi dala ng init. “Eto miss, oh,” Chineck ko muna ang tahi. In-stretch ko. Baka isang suot matastas lahat. Tapos ay yumuko ako at tinapat sa katawan ni Jewel kung babagay. Ngumiti ako. “Medyo malaki pa,” “Ilang taon na ba ‘yang anak mo, Miss?” Bumaling ako sa tindera sa loob. Hindi ako agad nakasagot pero tinitigan niya ako at kunot ng noo. What is difference if I say that she’s not my daughter? Hinayaan ko siyang tawagin akong mommy kahit na ang sabi ni tatay ay ipakilala ko ang sarili kapag hindi ito nagta-tantrum. Medyo mahirap kausapin si Jewel. O ipaintindi na kambal ako ng kanyang tunay na Mommy. Ruby isn’t always with her. And Jewel is missing her mother so much. May time raw na umiiyak ito sa kalsada kapag wala si Ruby. At kung nagta-tantrum naman kasama ang ina, kumukuha raw agad ng hanger si Ruby at hinahataw sa anak. “Huwag kayong mangingielam! Anak ko ‘to!” Iyon daw ang palaging litanya niya. Pero inaagaw ni tatay ang hanger at kinukuha ang apo sa tuwing naaabutan ang kambal ko. Umayos ako ng tayo. Bumuntong hininga ako. I calmed myself. “Tatlong taon po.” Tumingala sa ibang nakasabit na panindang damit ang tindera. Ipinakuha ang isang naka-hanger sa tauhan na nasa labas. “Eto ang para sa kanya. Tatlong taon. Ang bulinggit ng anak mo.” Inabot sa akin ang bagong kuha. “Salamat,” at sinukat ko kay Jewel. Sinugurado kong maayos ang tahi. Matibay, walang tastas at may luwang nang kaunti para magtagal ang damit. Bumili ako ng tatlong t shirt at shorts para sa kanya. Pagkabayad ko, hinawakan ko ang kamay niya at tinungo ang labasan ng pamilihang iyon. Pagkalabas namin ay natanawan ko ang fast food sa malapit. Tinuro ko iyon kay Jewel. “Gutom ka na ba?” Tiningala niya ako at pangusong tumango. “Alright. Magja-Jollibee tayo.” Nilakad namin ang patungo roon. Pagkaraan ng jeepney ay tumawid kami sa malalaking hakbang dahil sa paparating na kotse sa kanan ko at motor sa kaliwa. Naaninag kong hindi masyadong mahaba ang pila kung kaya mas lalo akong naengganyong dalhin doon ang pamangkin. O-order-an ko ng dagdag na ulam sina tatay pag-uwi namin. Dumeretso ako sa pila. “Anong gusto mo, Jewel?” Ang mata ko ay nasa menu sa likod ng cashier area. Spaghetti and burger with fries na lang? The usual for kids. Kinagat ko ang labi ko. Iyon na lang din ang akin. Kinuwenta ko kung magkano ang aabutin pati ang chicken bucket. “Pa-Jollibee-Jollibee ka na lang ngayon, Ruby?” Nanatili ang paningin ko sa harap at hindi ko agad napansin ang pagtabi sa gilid ko ng isang ginang. Bahagya niya akong hinila sa balikat kaya napaharap ako sa kanya. Nanlalaki ang mata niya. Maputi at may kulay ang buhok nitong babae. Ang gintong alahas sa leeg ay kumikinang pero salungat sa nakikita kong reaksyon ng mukha. “Totoo pala ang balitang bumalik ka nasa puder ng tatay mo. Akin na ang pera ko.” I disengaged myself from her hand. Ang maliit niyang bag na mamahalin ay nakaipit sa kilikili at hawak sa kamay ang kulay gintong case ng cellphone. But she stepped forward. “Ano ‘yan? Bait-baitan ka ngayon? Nasaan na ang pera ko? Hindi ka na tumutupad sa pangako mo, ha. Anong five percent monthly incentive ang sinasabi mo? Ni isang kusing wala kang pinapadala at hindi pa kita mahagilap,” Napaatras akong kaunti. “Teka lang po…” Pinagtitinginan kami ng mga tao at kumakain sa mga mesa. Silence started to creep awkwardly. “Hindi po ako si Ruby,” “Nagbago lang ang ayos mo pero hindi mo ako maloloko. Isang milyon ang pinasok ko sa ‘yo. Perang pinaghirapan ko sa ibang bansa tapos itatakbo mo lang? Ibalik mo ang pera ako!” “Hindi ako si Ruby,” “M-Mommy…” Bumaling ako kay Jewel—pero hinablot ng babae ang braso ko nang mariin. Hindi ko biniwatan si Jewel sa takot na mawala siya kahit nasa loob kami ng fast food chain. Halos yugyugin ng babae ang ulo ko at galit na galit na hinahanap ang perang wala akong kaalam alam. “Putanginamo ibalik mo ang pera ko, Ruby! Ibalik mo!” “M-Mommy…” Jewel started to sob and it’s making a scene. Hindi lang sa pagsigaw nitong babae kundi sa pag-iyak niya. “Wala po akong alam sa sinasabi niyo,” “Idedemanda kita kapag hindi mo sinoli ang pera ko, Ruby. Alam ko ang bahay mo, ang tatay mo at ‘yang anak mo. Masama akong kaaway, tandaan mo ‘yan!!” she screamed her lungs out and let go of my hands. Nag-martsa palabas ng kainan ang babae. Sumakay ito sa nakarapadang sasakyan. Niyuko ko si Jewel at hinawi ang buhok nito. “Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?” Nagpatuloy siya sa pag-iyak. Mahihirapan na akong patahanin kaya binuhat ko at lumabas na kami. Hindi ko na inalintana ang mga taong nakasunod ang tingin. Pumara ako ng tricycle. Pagkaupo ko, saka ko naramdaman ang panginginig ng kamay at kalamnan ko. Nilalamig na pala ako at halos hindi humihinga. Niyakap ko si Jewel na patuloy pa rin sa pag-iyak. “Shhh, tahan na, Jewel…” Siya lang ang iniisip ko habang pauwi kami. Baka mahirapan itong huminga sa kakaiyak. I also calm myself. Sumandal ako at pumikit. Napaigtad ako sabay lingon sa likuran at baka nakasunod ang babaeng iyon. Hindi naman. Salamat. Kinuwento ko kina tatay ang nangyari. Napatulog ko na si Jewel at inakyat sa kwarto. Wala silang alam na may inutangan si Ruby na ganoong kalaki. “Mukhang hindi utang ‘yon, Mamey. Parang scam yata,” “Investment Scam ang pinasok ngayon ni Ruby?” hindi makapaniwalang tanong ni Mariposa. Pinagmasdan ko si tatay. Pagkakita pa lang niya kay Jewel pag-uwi ay para na siyang tumanda sa takot sa apo. At pati ngayon pagkarinig sa nangyari, dumoble na yata ang kanyang edad. Nilapitan ko at tinabihan. Tiningnan niya ako. “Wala ka bang galos, anak?” Umiling ako. Napatayo si Dyosa galing sa harap ng salamin. “Alam kong maluho si Ruby, pero hindi akalaing aabot siya sa ganyan. Kaya pala hindi nagpapakita kasi may tinakbuhang- Napabaling kaming lahat sa sunud-sunod na kalampag sa pinto. “Ano ba ‘yon?” Binuksan ni Mariposa ang pinto. Sinalubong siya ng dalawang lalaki at isang babae na tila nagdidilim ang mga mukha. “Nasaan si Ruby, bakla? Ruby! Nasaan ang pera namin?!” “Hoy, Ruby!!” Dinuro ako nu’ng isang lalaki gamit ang payong dala. Napatayo ako at agad kumalabog ang dibdib. Humarang si tatay. Pati si Dyosa na pinakamatangkad sa amin ay pumunta sa pinto para hindi ako makita. “E, magandang gabi ho sa inyo. Ano po bang maipaglilingkod namin?” “Ipapahuli kita sa pulis, Ruby! Walanghiya ka! Nasaan na ang pangako mo sa mga pera namin?!” “Teka lang ho, nakakabulahaw kayo sa mga kapitbahay,” harang si Mariposa. “Ibalik mo ang pera namin!” “Nasaan na?!” Marahan akong tinulak ni tatay patungo sa hagdanan. Nilalamig na naman ako sa kaba. Alam kong hindi para sa akin ang galit na binabato pero kapag nakikita ko ang nagdidilim nilang mga mata sa akin, nararamdaman ko ang hatid na takot no’n sa dibdib. “Umakyat ka muna, Pearl.” Udyok ni tatay. Nanginginig akong tumango at walang pasubaling sumunod. Umakyat ako sa hagdanan na naririnig ang sigaw ng mga iyon sa labas, tawag sa pangalan ni Ruby at tahol ng mga aso sa kapitbahay. Tulog na tulog pa rin si Jewel pagpasok ko sa kwarto. Tumungo ako sa bintana at sumilip. Hindi kita ang nangyayari sa harap pero naririnig ang sigaw at pagtataboy nina Dyosa. “Mumurahin ko ‘yang walanghiyang anak mo dahil manloloko siya! Ini-scam niya kami!” “Pati pamilya ko, niyaya kong sumali sa alok niya. Pati pangalan ko nadadamay sa kagaguhan ng babaeng ‘yan! Hoy Ruby ‘wag kang magtago! Lumabas ka!” Umalis ako bintana. Kinuha ko sa bag ang cellphone ko at tinawagan ang kambal ko. Hindi na maganda ito. Hindi lang isa ang naniningil, may tatlo pa! At paano kung mayroon pang iba? “The number you have dialed…” sagot ng operator. Nanginginig ang mga kamay kong inulit ang pagtawag. “Ruby… Ruby…” I chanted nervously. “Talagang sa korte tayo maghaharap!” sigaw ng babae sa baba. Operator pa rin ang sumasagot. Pero inulit ko. At halos mapagot ang hininga ko nang mag-ring ang number niya. Kinuyom ko ang kamao. Lumapit ako sa tabi ng bintana. Nasa labas na rin ang ilang kapitbahay na nakiusyoso sa salon. May isang barangay tanod na lumapit. “Pearl,” Suminghap ako. “Ruby!” Hindi siya agad nagsalita. Ilang saglit pa, bumuntong hininga ito. Hingal na hingal naman ako. “Nasaan ka ba? Kailangan ka rito! May mga taong naniningil sa ‘yo,” sunud sunod kong baril sa mga nag-uunahang salita. “Ilan na ba?” “Ano? May babaeng humarang sa akin kanina sa fast food. Kasama ko pa si Jewel kaya iyak nang iyak ang anak mo sa takot. Tapos ngayon, may dalawang lalaki at isang babaeng sumugod at hinahanap ang pera nila. Gumagawa na sila ng gulo rito. Ilang araw ka na rin naming tinatawagan!” “What happened, honey?” Narinig ko sa linya ang tila bagong gising na boses ni Preston. “Nothing. Napagkamalan nilang ako si Pearl,” “Oops!” Nagtawanan ang dalawa. Humigpit ang hawak ko sa cellphone. “Sila pa lang ba, Pearl? E, si Nick, pinuntahan ka na?” “Sinong Nick? Nasaan ka ba? Umuwi ka na ngayon, Ruby!” Malakas na suminghap ang kambal ko. Natigilan ako. Ilang segundo ang matuling lumipas, naringgan ko ang paghikbi niya. “Ruby…” nanghihina kong tawag. Ano bang nangyayari sa kanya? “P-Pearl…” she started to sob almost quietly. “Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hirap na hirap na ako…” “Ano ba kasing ginawa mo sa kanila, ha? Ang laki ng pera na ‘yon.” “Business transaction ‘yon, okay? I'm legit and I can prove that to you. Kaso… pati ako naloko.” “Ano?” Doon pa lang ay kinawawa na ng kaba at takot ang puso ko. Sunud sunod ang paghikbi ni Ruby at halos hindi nakapagsalita. “Agent ako sa Junket casino operator. Malaki ang kita saka walang talo kaya naengganyo akong sumali. Naghahanap kami ng mga maglalaro sa casino. Alam mo ‘yon, ‘di ba?” My lips just parted and grimly listened to her. “No’ng nakakuha na kami ng pera at binigay sa junket, naglaho na rin sila. Iniwan kami sa ere!” “Pero ang sabi nila may pinangako kang monthly incentive.” “Eh k-kasi… ‘yon daw ang sabihin namin para marami ang sumali. Saka inutos lang sa amin ‘yon.” “That’s not fair, Ruby! Alam mong may mali bakit ginawa mo pa rin?” “Dahil kailangan ko ng pera, Pearl. Nakita mo naman ang kalagayan ni tatay. ‘Yang salon niya barya lang ang kinikita. At si Jewel! Hindi kami sinusustentuhan ng ama niyang ubod ng yaman pero walang kwenta! Ano sa palagay mo ang gagawin ko, aber?” “Hindi ito ang oras sa mga ganyang litanya, Ruby. Kailangan nating solusyunan itong pinasok mo. Nasaan na ang junket operator na ‘yan?” “Wala na nga! Nangibang bansa na!” “Then, humarap ka sa kanila at sabihin ‘yan.” “Gaga ka ba? Edi pinatay ako ng mga ‘yan! Wala sa akin ang pera, Pearl.” “Kung ganoon, dalhin natin sa korte para lumabas ang totoo.” “Ayokong makulong! Lalayo na lang ako hanggang makalimutan o kapag bumalik ang junket operator namin. Ang balita namin ay nasa Macau. Tinutulungan ako ni Preston para makawala sa manlolokong ‘yon. Kaya…” “Pero Ruby, kawawa sina tatay at pati si Jewel nadadamay. Hindi mo ba sila iniisip?” “Iniisip. Kaya ko nga ito ginagawa, e. Kaya Pearl sana matulungan mo ako habang sinusolusyunan ko ito,” Natigilan ako at nanahimik. “Ikaw na muna ang mag-alaga kay Jewel. Promise babayaran kita. Ilang buwan lang- “Ruby kailangan ko pa ring bumalik ng Cebu!” “Dyan ka muna. Sabihin mo sa mga tita mong kailangan ka ng pamangkin mo. Bakasyon kamo. Magpapadala ako ng perang panggastos.” “Ruby…” “Minsan lang ako hihiling sa ‘yo, Pearl. At hindi rin ito habangbuhay. Tinataya ko pa ang buhay ko para mahanap ang nanloko sa amin. Kung pwede lang… mawala—ginawa ko na!” “Tumigil ka nga! ‘Wag kang mag-isip nang gan’yan. Pera lang ‘yan. Pwedeng kitain.” “Edi tulungan mo ako. Pearl… kailangan ko talaga ng tulong ngayon. I’m sorry kung nadamay ka. I’m sorry kung natatakot ka. Pero gumagawa naman ako ng paraan- “Then solve this. Tutulong ako kung kaya ko. Pero hindi ko pwedeng iwan basta sa Cebu sina Tiyang Adora. Hindi mo ito pwedeng takasan at kung may natitira kang awa para kina tatay at Jewel, utang na loob—umuwi ka na.” “Oo na sige na! Ang drama mo! Bye!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD