“For you remember, brothers, our labor and toil: we worked night and day, that we might not be a burden to any of you, while we proclaimed to you the gospel of God.” – 1 Thessalonians 2:9
--
Chapter 4
Pearl
Sa tulong ngmga barangay tanod, napaalis ang tatlong taong naniningil kay Ruby. Pare-parehong binabawi ang napakalaking halagang binulsa raw niya. Nalaman at narinig din ng mga kapitbahay ang pangyayari kaya naging usap-usapan daw kami mula sakanto hanggang palengke.
Pinagbawalan na akong lumabas ngbahay ni tatay. Mahirap na. Baka nakaantabay angmga taong iyon at tambangan ako.
Natakot ako. Ilang beses kong tinext ang tungkol do’n kay Ruby. Pero nang tawagan ko ulit ang numero niya, hindi na naman makontak. Nakakagalit na kung kailan kailangan na kailangan siya ay saka niya pinapatay ang cellphone! Para siyang walang pakielam sa nangyayari sa bahay. At isipin pang sina tatay at Jewel ang nakatira rito.
Gusto niyang maiwan ako. I started to think na kaya niya ako pinapunta ay para makaalis siya. At ako ang haharap sa mga nakaatraso niya.
Sana mali ako. Sana nagkataon lang. Hindi naman ito kayang gawin ni Ruby sa akin dahil magkapatid kami—kambal pa. Ang tagal kong inasam na makita siya para lang makulong sa ganitong sitwasyon. At si tatay… at Jewel… iniisip din naman niya. Kung kapakanan ang uunahin, hindi niya magagawa ito.
“Ayy lintek na pako ‘yan!”
Nalingunan ko si Gelay na hawak ang hem ng suot na t shirt. Sumabit yata sa nakausling pako kaya napunit.
“Madaling madali kasi.”
May bini-bleach na buhok si Dyosa nu’ng hapon na iyon. Nasa labas si Mariposa at si tatay ay nasa palengke kasama si Jewel.
Nagpunas ako ng kamay sa basahan. “Tara, Gelay. Tahiin ko,” ngiti ko sa kanya.
Kanina pa siya nakasimangot. Angdinig ko ay mayproblema sa bahay nila kaya medyo hindi maganda ang timpla ng mood niya. Tulad nu’ng nakalimutan niyang ilista ang customer na nagupitan ni Dyosa kanina.
“Buti na lang marunong ka, Pearl.”
Pinahiram ko muna siya ngdamit ni Ruby habang tinatahi ko angdamit niya.
“Madali lang naman ‘to. Saka halos straight line ang punit. Running stitch lang.” kulay itim ang t shirt kaya kakulay nito ang sinulid naginamit ko. Maliliit na running stitch angginawa ko para hindi masyadong halatang napunit pala.
“Ang galing! Parang tahing makina ang kamay mo, ah! Amazing!”
Pinakita ko sa kanya ang natapos at saka ko ko ginupit and dulo ng buhol sa sinulid.
“Patingin nga,” sumungaw si Dyosa at nilapit naman sakanya ni Gelay ang t-shirt niya. “Ang bongga niyan, ha. Malaki ba angkita niyo sa pagtatahi, Perlas?”
“Nagtatahi ka, Miss?”
Una ko munang sinagot ang babaeng customer. Tinatabi ko na ang karayom at sinulid sa karton na box nang magsalita ako.
“Marunong po. Tinuruan ako ngmga tiyahin ko mula pagkabata.”
Since Elementary pa. Kaya sa mga Embroidery subject ko, mataas na grade ang nakukuha ko. Cross stitch at crochet ay mga paborito ko rin. I really worked hard in that area since we have a tailoring shop. May libre akong materials. Pero hindi ko rin pinapabayaan ang ibang subject ko sa school.
“Depende sa kung anong klase ang tatahiin. Iyong iba repair o adjust. Iba-iba ang presyo.”
May time na tambak ang trabaho. Kapag may ikakasal at sa amin kumuha ng gowns para sa mga abay, malaking blessings iyon. But also tiring. Lalo nakung maraming gown. Masakit sa likod. Kahit sina Tiyang naman ang pinakapunong abala, hindi ako nauunang matulog sa gabi. I was their assistant and trainee too.
“Ilang beses ka ng natusok ng karayom?”
“Marami-rami na rin. Normal naman ‘yon.”
“Pero mas bet mo ang calculator, ‘no? Kasi nag-Accountancy ka noong College mo.”
“Ah…”
Before my mother died, she told me to finished my studies. Para sa akin, mahigpit na bilin iyon kahit hindi niya ako pini-pressure sa pag-aaral. I’ve got my College Diploma but she never seen it. Never seen me achieving the dream she asked me to get. Atdahil din doon, nakaranas ako ng ibang lugar at field bukodsa pananahi.
Pinagtabi ko ang CPA certificate ko sa litrato ni Nanay Clara. I only hope she is happy up there with my humble achievement here on earth.
Nilapit din sa akin ni Dyosa ang isang shorts niyang nasira ang zipper. Hindi na kumakagat kaya kailangang palitan. Nagpahingi ako ng bagong zipper o kaya lumang shorts pero buo pa ang zipper. At iyon nga ang kinuha ko.
“Thank you, Pearl! Favorite ko talaga ‘to kaya ayoko pang gawing basahan. Sayang.”
“Walang anuman.”
Dinala rin ni Mariposa ang pantalon niyang maluwag sa baywang. Gumamit ako ng medida para sa baywang niya at sa pantalon.
“Pwede bang gawing shorts na rin ‘yan?”
Tumango ako. “Oo naman. Gaano kaiksi ba?”
“Hanggang… dito,”
“Okay. Ako nang bahala.”
“Salamat, Perlas ng silanganan! Ililibre kita ng Milktea mamaya.”
I only chuckled. Naupo na ako sa kusina at doon nagtahi ngmga damit nila. Pagdating ng gabi, si Jewel naman ang inalagaan ko at tumulong din ako sa pagluluto ng ulam kay tatay. Nakalimutan kona halos ang gambala sa dibdib ko kahapon sa sunud-sunod na gawain kong nagpakabusy sa isipan ko.
Nag-celebrate ngbirthday si Dyosa sa salon, araw ng linggo. Pagkasimba naming lahat ng umaga, agad kaming nag-ayos at luto ng handa. Pumunta ang ilang kamag-anakan niya para tumulong. Hinayaan ko namang maglaro sa labas ng bahay si Jewel at bantay naman sina Gelay at Mariposa. May lamesa rin salabas para sa inuman mamaya. Parang fiesta ang dating sa akin dahil sa get up at usad ng paghahanda rito. May speaker pa na nakakabit sa cellphone at doon namimili ng kanta.
Ang saya pala kapag magkakakilala kayo ng kapitbahay niyo.
“Mommy… you’re pretty like me po,”
Niyakap ako sa leeg ni Jewel pagkatapos ko siyang labasin at palitan ng bimpo ang likod niya. She even kissed me on my cheek and hugged me tighter.
I kissed her hair and hugged her. “Thank you, Jewel.”
And then she giggled. “Love you po, Mommy.”
Nagdadaldalan no’n sina Gelay, Mariposa at Dyosa pero nang mag-I love you sa akin si Jewel ay pare-pareho silang natahimik. Tulad ko. Umawang anglabi ko.
Tumikhim ako. Bumuntonghininga… at ngumiti.
“Love you too, Jewel.” I whispered. Sinuklay ko ang bangs niya at inayos ang kwelyo ngdamit. Now, that I said it aloud, I discovered how deep the warmth gets into my heart. Ibang level kapag nasambit mo ang salitang iyon nang personal.
Hindi ko nasabihan ng ganyan sina Tiya Adora, Tiya Bertha at Tiya Alma. Masaya kami at minsang nagkakakwentuhan naparang heart to heart talk pero walang nagsasabihan. Parang ang awkward kasi palagi naman kaming magkakasama. But deep inside my heart, I knew very well that I love them.
Coming to Manila is something new. But discovering things for the first time is different. Marahil, dagdag ito sa experience kong masasabi na maganda naman. May problema, may hirap, pero may ligaya rin. I just hope this kind of things remain even if I go back home.
Pagkatapos ng ilang oras na inuman, kantahan na halos buong barangay yata ay bisita ni Dyosa sa birthday niya, mag-a-alas dos na kami naglipit at linis ng kalat. Kanina pa tulog si Jewel. Ayaw nga akong pakawalan ng yakap at nagigising sa tuwing babangon ako. Unan muna ang pinalit ko sa bulinggit niyang braso.
“Ako na po rito, tay. Magpahinga na kayo sa taas.”
Hinila ko ang tatlong case ng alak na binili. Hindi ko akalaing mauubos nila ang ganito karaming bote. Magpapabili pa nga dapat ngmalaking bote pero naubusan lang sa tindahan.
“Ano ba ‘yan, hindi ready!” reklamo ni Mariposa. Kaya ayun, bagsak sa salon.
“E, anak, bisita rin kita tapos ikaw pa paglilinisin ko?”
Natawa ako. Isa isa kong nilulusot sa case ang mga boteng simu’t sarap. Wala na ngang tao sa labas. Kami na lang ang maingay.
“Alam ko pong pagod kayo sa pagluluto. Sanay naman po akong sa gawain, tay. Ako na po,”
Lumabas si Gelay at siya namang nagtapon ng mga paper plates sa plastic bag niyang dala.
“Kami na rito, Mamey. Tulog na kayo,”
“Sige na po, ‘tay. Sandali na lang po ito.”
Kailangan lang naman mailigpit ang mesa para hindi makahambalang sa daanan. Ipapasok namin. Pagod at inaantok na rin ako. Nahugasan ko na ang mga dapat hugasan kanina pa habang nag-iinuman sila. Angmga pagkaing natira ay nasa ref na. Paper plate ang ginamit pangkain para raw kaunti lang ang hugasin.
“O siya, siya. Gelay, sabay kayong pumasok ng dalaga ko, ha. Dito kana rin matulog at gabi na. Akyat na ako.”
“Goodnight po, tatay.”
“Goodnight, Perlas. Gelay.”
“Goodnight, Mamey.”
Pinasok ko sa sala ang case ng alak. Doon sa tabi ng pinto para kung sino ang unang gigising mamaya ay baka maisipang isoli iyon sa tindahan.
Winalis tingting ko angkaunting kalat sa tapat ng bahay. Si Gelay ang nagbuka ng plastic at ako nagtuwad sa dustpan. Pinagpatong patong niya ang mga plastic na upuan. Hiniram daw iyon at mamaya din isosoli. At pinagtulungan naming tiklupin angmesa.
I stretched my back and massaged my shoulder. Nang walang anu-ano’y may dumiin sa leeg ko at hinila akong mahigpit!
Malakas akong suminghap at agad tinawag angkasama. Nanlaki angmga mata ni Gelay. Hindi ko alam kung sino angtaong nasa likod pero malaki at maasim ang amoy.
I gulped and tried to rewire my brain even if it was impossible.
“Perlas!”
Tila umugong ang dibdib ng nasa likod pagkahawak na pagkawak niya sa akin. I automatically felt the loud and pounding of the heart. Pati ang mabilis nitong paghinga.
“Hayup ka, Ruby! Hayup ka!”
Tumili nang napakalakas si Gelay na siyang nagpatahol sa mga aso ng kapitbahay. Dumadagundong angdibdib ko. Nakita kong hilong bumangon si Dyosa sa sofa at tumayo sa pinto.
“Hoy! Sino ka?!”
Hinigpitan ng lalaki ang braso niya sa lalamunan ko. Napahawak ako roon at pilit huminga. Umatras siya kasama ako at tinutok ang hawak niyang kutsilyo sakanila.
“Papatayin ko ang babaeng ‘to! Sige lumapit pa kayo!!”
Nawala ang antok ko, ang pagod ko. Nanginig ang mga kamay pero ang diwa ko ay buhay na buhay para sa leeg kong dinidiin niya para mapagot ang paghinga ko.
Inisip ko sina Tiyang. Si Jewel, Si Tatay at si Ruby. Kung sakaling may mangyari ngayon sa akin…
“Bitawan mo ‘yang kutsilyo mo o bubutasin ko ang bungo mo.”
May taong tumayo sa gilid namin ng lalaki. Pero nahihirapan akong makita siya nang buo dahil sa braso ng taong nasa likod. Nanatiling nakataas angbraso nito pero nang magsalita ang lalaki, naramdaman ko rin angpag-igtad niya.
“’Wag kang mangielam!”
“I don’t intent to, Sir. But if you try to hurt the woman you’re holding, I’m warning you, you will die.”
Malamig, pero malinaw namalinaw ang boses nglalaki. Na kahit ako ay natakot sa sinabi niya.
But I groaned when the man moved a bit and tightened his forearm on my throat.
“Aw…” I murmured. Hinihila ko palayo sa lalamunan ang buto niya.
Nagpalipat-lipat ang atensyon ng lalaki. He stepped back once but halted.
“Demonyita ang babaeng ‘to! Manloloko!”
He started to weep. Natigilan ako.
“Binigay kong lahat ng pera ko sa kanya… nagtiwala ako… pero ngayon ano?! Tinakbo niya lang! Iniwan ako ng asawa’t mga anak ko dahil sa babaeng ‘to! Kaya dapat sa kanya mamatay!!” he shouted.
Napatakbo palabas ng bahay si Dyosa para daluhan ako. Pero mabilis na kumilos ang bagong dating lalaki. Madilim. Hindi ko halos maaninag pero alam kong maong jeans ang suot niya at itim na v neck t shirt. His brown skin arms swiftly tugged the saggy arm on my throat.
Pinukpok niya sa ulo ang lalaki at sinipa sa binti. Nang bumagsak ito, hinila naman niya ako at tinulak kay Dyosa.
“Susmiyo!”
Hinapuhap ang hiningi ko. Nakahawak ako sa lalamunan. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko pero ang takot ay nahaluan ng kuryoso at agad kong tiningnan ang matangkad na lalaking nagligtas sa akin. He took the man’s knife. Umaaray ito sa binti. Nakangiwi angmukha at pikit angmata.
“Hindi mo dapat dinadaan sa ganito ang problema mo. Humingi ka ng tulong.”
His authoritative voice made my skin shiver.
“Dahil sa hayup na babaeng ‘yan, iniwan ako ng pamilya ko! Kumapit ako sa pangako niyang kikita ako ng malaki at iyon lang ang savings namin! Pang matrikula sana ‘yon ng anak ko! May sakit pa ang asawa ko…”
“May kakilala akong pwede kang tulungan.”
Lumingon ito sa akin.
“Ayos ka lang, Miss?”
“O-oo,” nanginginig kong sagot.
“Anong nangyari?!”
Bumaba si tatay pero hindi ko tiningnan. Hindi ko inalis ang titig sa matangkad na lalaking tumulong. Hinila nito sa braso ang lalaki sa harap. He took his phone out from his back pocket and dialed. May sumagot agad.
“I need a car… Alright. Thanks.” Pinatay niya rin.
Inalis niya ang lalaking tumutok ng kutsilyo sa tapat ng bahay paalis nang hindi na kami nililingon pa. Agad binitawan ni Gelay ang basura at isa-isa kaming nagsipasok sa loob ng bahay.
Buong gabi kaming hindi nakatulog. Madaling araw nang kumatok sa bahay ang Barangay Tanod at nagtatanong sa nangyari. May dumating ding pulis at nag-imbestiga. Susubukan daw nilang hanapin ang lalaking nanutok ng kutsilyo at ia-update na lang kami sakaling makilala ito.
“Bumalik ka na ng Cebu, anak.”
We are all traumatized. Kahit ilang beses naming iliko ang usapan at kahit mag-joke pa sina Mariposa, malinaw sa amin ang gabing iyon.
“Sino kaya ‘yung lalaki? Kung wala siya baka kung ano na ang nangyari kay Pearl, ano.”
Hindi ako masyadong nagsasalita. Katabi ko si Jewel na nanonood ng cartoon sa TV. Bukas ang salon pero sa mga oras na ito ay wala ni isang customer ang pumapasok.
“Tindig ng sundalo o pulis ang dating niya, e. May dalang baril, Mamey. Rumoronda kaya iyon sa atin?”
“Baka may pusher na namang active rito,” sabi ni Gelay.
Dumaing si tatay at hilot sa kanyang noo. “Susko. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko kay Ruby tapos… dumagdag pa itong mga nakaatraso niya. Wala nga siya pero tayo ang natatakot sa mga ginawa niya. Ilang tao pa ang pupunta rito para manugod at maningil, ha?”
Napayuko sina Dyosa. Kahit hindi derekta, pati sila nadadamay sa sitwasyon.
“Gumagawa naman daw po ng paraan si Ruby, ‘tay. Hinahabol na nila ang bumulsa ng pera ng mga taong iyon.”
“Pero nandito sa atin ang resulta ng problema niya, anak. Nagkakandaletche-letche na tayo. At ikaw ang napapahamak dahil buong akala nila ikaw si Ruby.”
“Tama ang tatay mo, Pearl.” Mahinang boses ni Mariposa. “Hindi naman natin pwedeng sabihin sa kanila isa-isa na hindi ikaw si Ruby at kambal ka niya. Wala masyadong nakakaalam na may kakambal siya. E kung kami nga, sa pagdating mo dito saka lang namin nalaman na may isa pang anak si Mama Vicky. Masyado nang magulo ang sitwasyon. Sa bigat ng ginawa ni Ruby, hindi na sila paniwalain.”
“Kaya mas maiging umuwi ka na sa Cebu. Para naman makaiwas ka sa gulo rito sa maynila.” Sang-ayon ni Dyosa.
“At nang hindi na mag-alala pa sina ate Adora.”
Naiintindihan ko ang ibig nilang sabihin at alam ko ring pwede akong umalis na lang. Binalingan ko si Jewel. Hindi pa niya masyadong naiintindihan ang nangyayari. At pagbalik ko sa Cebu, babalik din sa dati ang araw-araw niyang set up na wala si Ruby.
Tiningnan ko si tatay. Problemadong-problemado ang mukha niya. “Pero paano po kayo rito, tatay? Kung bumalik ang mga iyon?”
Siguradong babalik pa ang iyon dahil kay Ruby.
“’Wag mo kaming intindihin dito. Kami na ang bahala. Ang mahalaga ay makalipad kang Cebu at huwag ka na munang makipag-usap sa kambal mo. Tiyak na magagalit siya kapag nalamang pinauwi na kita pero hindi ako makapapayag na ikaw ang sumalo ng galit ng mga taong siya ang nakagawa ng kasalanan. Tama na ito. Muntik ka nang mapahamak.”
“P-paano po si Jewel?” halos bulong kong tanong.
They all looked at the little princess who is comfortably leaning on my waist. Banayad kong sinuklay ang buhok niya at hinaplos ang noo. It’s disheartening to think that I will leave her and yet her mother isn’t coming home. Hindi pa sa ngayon kung pagbabasehan anghuling pag-uusap namin. Napakabata pa ni Jewel pero tila basag na salamin angkanyang pamilya. Ang hapdi sa puso na may ganito kaming kinakaharap.
Malungkot na bumuntonghininga si tatay.
“Magiging tulad pa rin ng dati, anak.”
Kaya sa huli, nakabuo kami ng huling desisyon.
Naging mabilis ang mga oras sa huling mga sandali ko kina tatay. Naroong parang ayaw kong umalis. Tatawagan ko na lang sina Tiyang at sasabihing sa maynila muna ako ng ilang linggo. Pero kapag naiisip ko naman sila ay kumukurot ang dibdib ko. Ayaw kong magsinungaling sa kanila. Hindi sila pabor sa pagpunta ko rito at parang dagdag sa sama ng loob kung gagawa pa ako ng kwento. At kailangan ko ring umuwi na. Parang may mga matang nakasunod sa akin sa tuwing lalabas o bibili lang sa tindihan. It’s not safe for me to be here. I don’t want to be a burden to my father too.
I’ve got my plane ticket the next day. I only have my sling bag and another small bag with the things I bought here. Huwag ko na raw kunin ang maleta ko sa condo ni Preston kung wala ring mahalagang gamit. Puro mga damit ko lang naman at wala na.
Pinabaunan din ako nina tatay ng delicacies para kina tiyang at mga kaibigan ko. Iyon ang nagpapuno sa bag ko at walang masyadong bitbitin.
Sinuot ko ang itim na bestida ni Ruby pauwi. It’s a spaghetti strap plain black dress. Hapit sa baywang at taas ng tuhod ang palda. Pinatungan ko ito ng puting cardigan para hindi malamigan at para kumportable pa rin. Itim na flat shoes and pinares ni tatay na siyang bumili sa palengke para sa akin.
“Marami pa akong utang sa ‘yo, Perlas. Taon, araw at oras na hindi kita nakasama. Kada birthday mo binabati kita sa alaala ko. Pagpasensyahan mo muna itong regalo ko. Hayaan mo’t babawi ako sa ‘yo.”
“Tatay…”
Mahigpit kong niyakap si tatay Victorio. Mariin akong pumikit at umusal ng pasasalamat na pagkatapos ng ilang taong pag-aasam ay nakilala ko siya. Nagpapasalamat pa rin ako dahil natupad ang panalangin ko.
“K-Kayo na po angbahala kay Jewel, ‘tay.” Nanginginig ang boses ko. Hindi ko na napigilan ang matang lumuha salungkot at sayang nakita ko siya.
Tinapik niya ang pisngi ko. Sinulyapan namin ang hagdanan. Nasa kwarto si Jewel at natutulog. Pinatulog ko siya para hindi ito humabol sakali. Ganoon daw ang mangyayari kapag nakita niya ang pag-alis ko.
“Sandali ka pa lang nakilala si Jewel, palagay na palagay na ang loob niya sa ‘yo, Pearl. At ikaw din. Ngayon mo pa lang siya nakita pero nakikita ko ang pag-aaruga mo sa pamangkin mo. Pumayag ka pang tawagin kang ‘Mommy’ niya,”
“Hindi naman po mahirap mahalin at alagaan si Jewel, ‘tay. Mabait siyang bata. Hindi dahil kadugo ko, pero nangangailangan si Jewel ng atensyon at pagmamahal. Alam kong kaya mo po iyong ibigay. Kayo nina Gelay, Dyosa at Mariposa, pero iba pa rin kung kadugo at ina ang gumagawa no’n sa kanya. Maswerte po ako at naalagaan ako ni Nanay Clara. Inasam niya ring maalagaan si Ruby. At siguro po… kung… naabutan niya rin si Jewel na apo niya… ganitong pagmamahal din ang ibibigay niya. Kaya siguro ganito ako sa pamangkin ko.”
Hinawakan ni tatay ang mga kamay ko at tahimik akong pinagmasdan. Parang pinipiga ang puso ko sa bawat haplos ng kanyang paningin. Iniwan na ako ni Nanay. Pero may Tatay pa ako. At kapatid. At pamangkin. Pero iba talaga sa pakiramdam ng puso ngayong may nag-iisa pa akong magulang. Magulang na tinanggap ako at inalagaan at hindi nakalimutan kahit matagal na nagkawalay.
I’m willing and very much ready to give my all for this family. Kung pagmamahal lang, madali kong maibibigay. Matagal ko na kasi itong naipon sa puso ko. Paano kung hindi ko na sila nakita pa? Paano kung hindi nila ako mahal? Sabi ko, ayos lang. Basta ako, mahal sila.
Nagagalit lang ako sa sirkumstansya ngayon. Ginamit lang ba ako ni Ruby o nagkataon lang? Pero kung hindi ko siya nahanap, hindi niya ako makikita. I don’t want to paint harsh on her image. But I hate to think that we end up like this. That it’s painful to go back home just because I have to.
“Napalaki ka nang maayos ni Clara, Pearl Francesca. Pearl…”
Tinitigan akong muli ni tatay bago niyakap.
“Mag-iingat ka, anak. Tatawag ako sa ‘yo.”
Ang sinabi niyang iyon ang nagpagaan sa dibdib ko. May koneksyon na ako sa tatay ko. He gave me his cellphone number and I gave mine. Kinuha na rin nina Dyosa ang numero ko at pati kanila sa akin. Atleast, kahit nasa sa Cebu na ako, makakabalita pa rin.
“I-book na kita ng masasakyan, Perlas ng silanganan.”
“Thank you, Mariposa.”
Ang hirap umalis. Iyan ang masasabi ko. Nagpaiwan muna ako sa salon habang hinihintay ang na-book na sasakyan ni Mariposa. At para ligtas din.
“Magsumbrero ka, Pearl.” Binigyan ako ng itim na sombrero ni Gelay.
“Salamin?”
“Dyosa ‘wag na. Halata masyadong nagtatago. Spy na ‘yan!”
Sumang-ayon ako sa sinabi ni tatay. Okay lang itong sombrero. Though, hapon na naman. Pero ayos lang. Pakiramdam ko kapag nabilad ang mukha ko sa labas, pagtitinginan na naman ako.
“Hello?”
Nang mag-ring ang cellphone ni Mariposa, tumayo na ako.
“Saan ka pumarada, kuya?”
Kinuha ni tatay ang bag ko. “Nandyan na ang maghahatid sa ‘yo. Tara na. Gelay si Jewel, ha?”
“Ako nang bahala, Mamey. Mag-iingat ka, Pearl.”
“Salamat, Gelay. Pakitingnan si Jewel palagi.” pakiusap ko sa kanya. Niyakap ko siya at muling tumingin sa hagdanan.
I love you, Jewel. Mami-miss ka ng Tita Pearl mo. Babalikan kita, promise.
“No problem. Ingat ka!”
“Nasa kanto na raw ang sasakyan. Taralets.”
Tatlo silang naghatid sa akin. Nauuna si tatay bitbit ang bag ko. Nasa magkabila ko naman sina Dyosa at Mariposa at umarteng mga bodyguard kuno. Agad nilang hinaharang ang mga braso kapag may nakakasalubong kami. Napapaiwas tuloy sila sa akin kahit halatang walang pakielam.
“Magsatabi kayong lahat, dadaan kami.”
Nilingon ko si Mariposa. Napangiwi ako. Lalaking lalaki pa ang boses ni Dyosa sa pagpapatabi.
“Okay lang ba ito?”
Mariposa giggled. “Hayaan mo na. Maton naman tingnan.”
“Walang didikit.” Salita na naman ni Dyosa.
Huminto si tatay sa paglalakad at hinila ang tainga ni Dyosa.
“Aray ko naman, Mamey! Nag-dinosour na naman ‘yang kamay mo.”
Bumalik sa dating liit ang boses niya.
“Walanghiya ka. Tinatago nga natin ang anak ko pero kung makatabig ka ng tao naghahanap ka ng atensyon! Pinagsumbrero mo pa? In-announce mo namang ‘wag lapitan.”
Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad pero kahit nabawasan ang pagka-bodyguard ni Dyosa, nakabantay pa rin sila.
“Ayun na yata,” turo ni Mariposa sa kulay itim na sasakyang nakaparada. “Hello, Kuya?” kausap niya sa phone.
Isang beses na bumusina ang sasakyan. Pumunta roon si Mariposa para kausapin ang driver. Hinintay niyang ibaba ang salamin. At nang makumpirma, kinawayan na niya akong sumakay.
“Ingat ka, Perlas. ‘Wag mong kalimutang tumawag pagkarating mo ro’n, ha?”
“Opo, ‘tay.”
He smiled but I felt like it’s a sad smile.
“Ihingi mo ako ng paumanhin kina ate Adora. Kapag may pagkakataon, isasama ko si Jewel at Ruby, kami naman ang dadalaw sa ‘yo roon.”
I smiled and hugged him again. “Mami-miss po kita, ‘tay. Kayo ni Jewel.”
“Tumawag ka, okay?” pumiyok ang boses niya.
Tumango ako. Pinagbuksan ako ng pinto ni Dyosa sa likod. Unang binaba roon ni tatay ang bag ko.
“Mami-miss ka rin namin, perlas ng silanganan. Sumulat ka, ha?” mangiyak ngiyak na sabi ni Mariposa.
Binatukan naman ito ni Dyosa na hawak ang pinto ng sasakyan. Sumakay na ako.
“Gaga, nasa Pilipinas pa rin siya. Saka anong sulat?”
“Ay, text lang pala! Sorry. Na-overdose ako.”
Hinila ni Dyosa ang damit nito.
“Overwhelmed, gaga!”
“Ay, binago na?”
Umiling na lang ako. Inusod ko ang bag. “Ba-bye po. ‘Tay… Dyosa… Mariposa…”
Yumuko si tatay. “Sigurado ka bang ayaw mong ihatid ka namin hanggang Airport, anak?”
Hiling ko iyon. Pakiramdam ko mas maiging mag-isa na lang ako sa Airport at mas madali akong makakasakay ng eroplano nang hindi mabigat ang dibdib.
“Kaya ko na po. Sige po.”
Atubuling tumango si tatay. Binalingan niya ang driver.
“Hanggang airport, mamang driver,”
Binalingan ko rin ang Grab driver. Nakapantalong itim na maong ito at gray longsleeves na nakarolyo hanggang siko. Malaking tao ito at malapad ang balikat. Nakita ko sa rear view na may sunglasses ang lalaki. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.
“Yes, Sir.” Sagot nito.
He looked at me through rear view mirror. Panandalian kong hindi naalis ang mata roon.
“Ba-bye!”
“B-Bye…” medyo gulantang kong sagot kina Mariposa.
“Text-text na lang, ha? Babussh!”
Kinawayan ko si Dyosa at saka sinarado ni tatay ang pinto. Hindi sila agad umalis. Alam kong pauunahin nila ako.
“Okay na ba, Ma’am?”
Napabaling ulit ako sa gwapong driver. Umawang ang labi ko. Nakuha ng ilong ko ang amoy na iyon. Mabagal akong kumurap. Parang… parang pamilyar ang pabango…
He is staring at me through the mirror. Angat ang nose bridge nito. Ang side view ng mukha niya ay may magaspang na panga. But its edge left my lips hanging.
“Pwede na bang umalis? Baka ma-late ka sa flight mo.”
His tone has authority. Or confidence over me. Parang naiinis ito o nababagot sa kabagalan ko gayong kasasakay ko pa lang naman. Baka naman nagmamadali lang siya.
“Uhh… o-oo! P-pwede na po,” kabado kong sagot.
Umigting ang panga niya. Tinitigan niya ako ilang sandali sa salamin. Pagkatapos ng humigit kumulang limang segundo, kumilos ito para paandarin ang sasakyan.
Kumaway ako kina tatay kahit hindi ako nakikita. Nakatingin lamang sila sa sinasakyan ko habang papaalis. I will miss them for sure. Banayad akong bumuntong hininga nang hindi ko na sila nakita at sumandal na ako sa malambot na leather ng upuan.
When I got lost in silence, I’ve noticed how elegant this car seat. Ang linis linis ng sahig at makintab ang bawat makita. Parang bagong bili kaya parang nakakahiyang upuan.
Napunta ang panunuri ko sa driver seat at dashboard. Nasa manibela ang malaking kamay niya at ang hahaba ng mga daliri. He has clean nails and properly trim. May mga ugat na nakalabas kamay at mamula-mula ang ilalim. Kumurap kurap ako.
Sumulyap ako sa labas. Nasa kamaynilaan pa rin kami.
“Nasaan ang cellphone mo, Kuya?”
Bahagya akong umusod pero hindi ko pinahalata. Tiningnan ko ang dashboard niya at paligid ng manibela. Dapat nandyan lang iyon, ‘di ba?
“Why?”
He is concentrating on driving. Pero hinugot niya ang phone niya galing sa bulsa ng suot na pantalon. Nakapatay. Binaba niya sa dashboard na parang sagabal.
“Hindi ba dapat nakabukas ang map mo? I mean, ‘yung App ng trabaho mo?”
Hindi siya agad nagsalita. Naisip ko tuloy, pwede bang patay iyong App?
“Kabisado ko ang daan, Ma’am. At ‘wag kang mag-alala… nasa maynila pa rin tayo.”
Tinitigan ko siya kahit hindi niya ako nililingon. He glanced swiftly on the mirror. His forehead knotted a bit.
“What’s with the hat, huh?”
Mabagal akong lumunok. Napagtanto kong natutuyot na pala ang lalamunan ko. Binuksan ko ang zipper ng bag at hinugot ang cellphone ko. Kailangan kong tawagan si tatay.
Gumalaw ang lalaki at may kinuha sa compartment. I looked down on my phone. Kabado ako. Pero sumabay sa panginginig ng daliri ko ang pagha-hang ng screen at ayaw bumukas!
“Please… please…” bulong ko. Parang na-freeze ang screen.
Tinapat niya ang hawak sa aircon. Maliit na bote. Isang beses siyang nag-spray. Naamoy ko iyon. Almost citrus scent but… it isn’t. Kumurap kurap ako. Bumilis ang pagtibok ng puso ko.
Nabitawan ko ang cellphone. Binagsak ko ang likod sa upuan at nagawa ko pang tumingin sa labas ng bintana. Nasa maynila pa rin kami. I recognized Roxas Boulevard. That famous TV Program kung saan ang dating Mayor at Host nito ay nagshu-shooting sa lugar. May nagde-date, kumakain, naglalaro at namamasyal.
Kumikinang ang tubig sa pagtama ng pababang sinag ng araw. Bumigat ang talukap ng mga mata ko. Inaantok ako. Pero… hindi pwede. Aalis pa ako. Hindi ako pwedeng matulog. Kailangang gising ako.
“Hello? Okay na ba ang lahat?”
My eyes closed halfway. Inalis na niya ang sunglasses at bahagya akong nilingon. I tried to open my eyes but it continues to close.
I’m too tired…
“Malapit na kami.”