Chapter 6

3552 Words
“And we also thank God constantly for this, that when you received the word of God, which you heard from us, you accepted it not as the word of men but as what it really is, the word of God, which is at work in you believers.” – 1 Thessalonians 2:13 -- Chapter 6 Pearl “Teka lang, Pearl,” “Sige na, Mark. Baka maabutan pa tayo ni Tiya Adora rito. Alam mo namang pinagbabawalan pa akong ligawan…” “One minute.” “Hindi pa ba okay na kumain tayo sa school at pumayag akong ihatid mo? Kanina pa tayo magkausap. Sige na, sige na.” “Give me one more minute, Pearl. Please,” ungot pa. Hawak ni Mark ang siko ko at nakatayo kami sa labas ng kotse niya. Fourth year college na kaming dalawa pero magkaiba ang course. Siya ay Business Management at ako ay Accountancy. May mga subject pa rin kaming magkasama kaya kahit sa loob ng klase ay nakakapag-usap naman. Nanliligaw siya sa akin. Matagal na pero ilang beses kong sinabihang itigil at ang dinadahilan ko ay ang pagbabawal pa nina Tiya Adora. Mabuting tao naman si Mark. Masipag at matalino sa klase. Hindi siya iyong lalaking umiilag ipakilala ang sarili sa pamilya ng nagugustuhan. Katunayan, pormal na niyang pinakilala ang sarili kina Tiya at nagpaalam na gusto akong ligawan. Pumayag akong pumunta siya kasi first time ko iyong ma-experience. Sabi ni Pamela ay pakilala lang naman at para makitang malinis ang intensyon nito sa akin. But that day also marked his first refusal from my Aunties. Eighteen na ako no’n kaya sumige ako. Iyon ay kahit nasabihan na akong huwag magpaligaw pero panay ang insist ni Mark kaya… nakapunta ito sa bahay. Mark was upset after that. Ang sabi niya maghihintay siya hanggang makatapos ako o hanggang pumayag sina Tiyang. Since then, hindi ko na siniseryoso ang mga pahaging o kahit sa pagiging sweet niya. Kahit ang sabi ni Pamela ay umaarte minsan na MU kami ni Mark o mas malala kumikilos pa iyong parang boyfriend ko. Ako lang ang zero reaction at walang pakielam dito. Dinadala niya ang bag ko, nililibre ng pagkain minsan at hinihintay matapos ang klase ko. But I didn’t give him any hint to stay that way. Napapagod din akong sabihan siya paulit-ulit. Minsan nakakaramdam ako ng awa. Siguro, kung wala sina Tiyang, baka siya ang naging first boyfriend ko. Pero ginusto ko ring mag-aral bago ang pakikipagrelasyon kaya sumusunod ako. Pakiramdam ko, marami pa akong makikita after college life. “Sa school na lang, okay?” Konsolasyon na itong mabait siya at mahinahon. He smiled. “Hindi nakakasawang titigan ang mukha mo. Magkasama nga tayo kanina pero nami-miss pa rin kita.” And look at his sweet words. Kung sa ibang babae niya sinabi, siguro matagal nang naging sila. “Mark…” Pinadausdos niya ang kamay papunta sa kamay ko. Bumaba ang mata niya roon at tiningnan ang paglalaro niya sa mga daliri ko. Tiningnan ko ang mukha niyang may sumungaw na ngiti sa labi. “Kailan kaya kita matatawag na akin?” Ewan ko, Mark. “Sana okay na pagka-graduate natin. I will handle our business then I’ll ask your Aunties your hand. I want to marry you, Pearl.” He looked at me. Natigilan naman ako sa mga sinabi niya. “You are going to be Mrs. Cheng someday, Pearl.” Hinawakan niya ang kamay ko at nakangiti akong tinitigan. If there is one thing, I learnt about him, Mark is a long-term goal planner. Sa business ganoon siya. Kinuwento na niya sa akin ang mga possible plan niya para mapalago ang mamamana niyang negosyo na sinimulan pa ng kanilang ninuno. Masarap pakinggan ang sinasabi niya pero aminado akong wala akong interest. But I never say that bluntly to him. “I really love- “Pumasok ka na rito, Pearl!” Napatalon ako sa gulat at takot na rin nang marinig ang istriktang boses ni Tiyang Adora. Mabilis kong hinila ang kamay kay Mark at walang lingong pumunta sa nakabukas ng pinto. Matalim ang mata nito. At ewan ko anong reaksyon ni Mark. “Good afternoon po, Tiyang,” paghinto ko sa harap niya ay nagmanong ako. “Kaawan ka ng Diyos. Sa loob na.” she didn’t change her tone. “Opo, Tiyang.” Hindi ko na nilingon si Mark. Naiwan pa sa pinto si Tiyang at sa tingin ko ay kinausap sandali ang kaibigan ko. Pagkapalit ko ng damit pambahay, uminom ako ng tubig bago bumaba sa silong. Nagtatrabaho pa rin sina Tiyang Bertha at Tiyang Alma habang nanonood ng paborito nilang TV drama. Kabado ako nang magkatinginan kami Tiyang Adora. Nasa makina de pedal ito at may tinatahi. Ang salamin sa mata ay nasa bridge ng ilong kung kaya nang tingnan ako ay parang sobrang sama na ng ginawa ko. Palaging ganoon ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita siya. “Nobyo mo na ba ang lalaking iyon?” “P-po? Hindi po, Tiyang. Kaibigan ko lang si Mark.” Bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Napalunok ako sa kaba. “O bakit magkahawak kayo ng kamay at nagbubulungan kung mag-usap?” “M-May sinasabi lang po. Saka hinatid niya po ako pauwi.” “Nagpapaligaw ka sa kalsada, Pearl?” Namilog ang mga mata ko sa biglang pagtanong ni Tiya Bertha. Tumayo naman si Tiya Alma para hinaan ang volume ng TV. Mas lalo akong kinabahan dahil pare-pareho na silang nakatingin sa akin. “Hindi po, Tiyang Bertha! Hindi po!” Guilty’ng guilty naman ako tingnan. Mabigat na bumuntong hininga si Tiyang Adora. Umiling. Batid ko na ang ganoong reaksyon niya ay disappointment. “Ilang beses ko nang pinagsabihan ang Mark Cheng na ‘yan. At ikaw rin. Wala kang mapapala sa pakikipagnobyo. Tingnan mo na lang ang nangyari sa Nanay mo. Hindi ka pa ba nadadala roon, Pearl? At ang sagwa niyong tingnan ng binatang iyon. Sa tabing kalsada pa. Baka sa loob ng campus mas malala ‘yan,” “Hindi po kami ganoon, Tiyang. Ginagalang naman po ako ni Mark at alam niya pong ayaw ko. Nag-aaral po akong mabuti.” “Ang ganda-ganda kasi ng pamangkin natin kaya maraming nagkakagusto, ate. Hayaan mo na,” Tinigil ni Tiya Adora ang pagpepedal at binitawan ang telang tinatahi. “Hindi tama ang ganoon, Alma. Ano na lang sasabihin ng mga kapitbahay natin? Kailanman ay hindi naging magandang makipagmabutihan sa lalaki sa kalsada.” “Sorry po, Tiyang.” Nagkatinginan kami ni Tiya Alma. Tipid niya akong nginitian at tila nakakaunawa sa nangyayari. “Layuan mo ang lalaking iyon, Pearl. At kung kulang ang perang binibigay namin sa ‘yo para sa pamasahe mo pauwi, dadagdagan ko pa. Huwag na huwag kang sasakay sa kahit kaninong sasakyan lalo na kung lalaki ang may-ari! Naintindihan mo ba ako?” Mas lalo akong napayuko at hiyang-hiya sa nangyari. Ayoko nang mag-explain dahil mas matatanda sila. Pakiramdam ko ay nasira ang magandang track record ko kaya sobrang nahihiya ako. I will say sorry again even if I really don’t like Mark. Even if they won’t ever know or ask about my feelings. “Opo, Tiyang.” It’s okay, then. Nanunuot sa balat ang matinding lamig sa loob ng sasakyan ni Nick de Silva. His yacht is mooring at the Manila Yacht Club. Ilang oras nga akong tulog at himbing na himbing kaya matagal akong nagising sa yate. Nagutom nga pero gulay lang ang kinain ko. Hindi masabing ayaw ko sa steak. Ngayon dahil sa gutom, nangangatog na ako. Panay ang kurot ko sa braso para maiwasang manginig. “Tumatawag pa rin ba ang tatay mo sa ‘yo?” Ayaw ko sanang gumalaw. Pero oo. Kanina ko pa naririnig ang pagwawala ng cellphone ko sa loob ng bag. Hindi ko sinasagot dahil nakatingin siya. Para bang sasakmalin ako kapag nagsumbong o ano. Pero iniiwasan ko ring makausap sa phone si tatay. Paano kung ipa-loud speaker niya at marinig na Pearl ang pangalan ko? Iisipin niya agad ang kasinungalingang ginawa ko. “O-oo,” tumingin ako sa madilim na kalsada. Malapit na kami sa bahay. Totoong hinatid niya ako at mukhang makakauwi naman ako ng ligtas. He is the driver and we’re alone. Sa passenger seat na niya ako pinasakay. No’ng sa likod na pinto ang inaabangan ko, hinila niya ako sa harapan at siyang nagbukas ng pinto. Badtrip ang mukha niya pagsilip ko. “Bakit hindi mo sagutin?” Umiling ako. “Sa bahay na lang kami mag-uusap. Mag-aalala lang iyon. Hindi kasi ako naka- Stop, Pearl, stop! Be careful with your words! Kamuntik na ako roon, ah. Better not to mention him about Cebu. Kahit alam na niyang tagaroon ako. Hindi ako mahusay sa acting department kaya mabuti pang less talk na lang. Isang beses niya akong sinulyapan. He drove safely and was very relaxed. Alam kong nasa kalsada at street signs palagi ang mata niya pero may oras na nararamdaman kong minamasid niya ako. He side eyed me then sighed. Minsan naman, ngumunguso siya at nagsasalubong ang mga kilay. Hindi maimik kaya sobrang tahimik naming dalawa sa byahe. Takot akong lingunin siya. Kanina no’ng pababa kami sa yate, nagkaroon ako ng chance na titigan siya. Ang tangkad niya. Hanggang balikat niya lang ako. Ang built ng katawan, ang tibay tingnan. Bumabagat ang muscle sa braso pati dibdib. Kamay niya malaki rin. Kayang durugin ang akin. I’ve seen his hands on the steering wheel. He got long and strong legs. Nakakahiyang tumabi sa kanya kahit bagong ligo siguro ako. Iniiwasan kong madikit sa kanya ulit pagkatapos ng paghaklit niya sa braso ko. Kahit nasa sasakyan na ako, ramdam ko pa rin ang init ng palad niya. Its intensity, wideness and touch. Pati ang paglapit ng mukha na amoy ko ang hininga niya. The warmth of his breath, that even if he was angry at me, I was mesmerized. His whole being was just perfectly a whole new horizon for me. Nauutal ako. Kinakabahan. Pero baka dala ng takot na masaktan dahil sa ginawa ni Ruby. Siguro nga. He is new to me. My definition of him is surprising at this stage. “Sisiguruduhin kong makakauwi ka.” I sighed heavily. “Alam ko.” there’s no doubt. Nag-ring ang cellphone niya at sinagot niya iyon. Nagulat pa akong ni-loud speaker niya. “Hello. Yandrei,” Mabuti na lang hindi ko sinagot ang tawag ni tatay kanina. “Kuya! Is Hector with you? Hindi ako sinasagot, e!” It’s a woman’s voice. Bumaling ako sa labas. Bigla akong nahiyang marinig ang personal na tawag na iyon sa kapatid o kung sinumang kumukuya sa kanya. He’s older. Ang sabi nga ni tatay mas matanda ang ama ni Jewel. Siguro nasa trenta na o higit ito. Bata pa rin naman pero mas matanda sa akin ng ilang taon. He chuckled. Tumitig ako sa labas. “Abogado ‘yon, Yandrei. Huwag mong tawagin basta sa pangalan lang. Instead, call him Attorney Fronteras.” Nagmaktol sa linya ang babae. “Ehhh! Ang panget niya! Ang sungit-sungit pa! May itatanong lang naman ako,” “Ten times a day mo na raw siya kung tawagan. Busy din ‘yung tao,” “Sa trabaho ‘tong itatanong ko. May student akong nangangailangan ng may alam sa batas. I’ll shoulder his fee. Pero ang hirap hagilapin?” “Better set an appointment to his secretary.” “I already did that. Puno raw ang schedule at nirekomenda ako sa ibang Law firm. Kahit panotaryo nga, dedma siya. Ang unfair niya, Kuya!” “Edi sa ibang abogado ka pumunta. Problema ba ‘yon?” “Kuya… I-I… want him!” “Yandrei, stop it. Hindi ka na bata.” “Yes, I’m not! Kaya nga…” Mas lalo kong pinokus ang mata sa labas ng bintana. Sinulyapan niya ako. Dama ko ang awa at frustration ni Yandrei. May ibang ibig sabihin ang tono ng kanyag pagsasalita. Halos kapareho ng kakulitan ni Mark sa akin pero ang kay Yandrei ay… iba. Mas… may hugot? Naglaro ang isipan ko sa iba’t ibang dahilan. “Maya-maya uuwi na ako. Hintayin mo ako sa mansyon.” “’Wag na. Pupuntahan ko si ate Ruth. Siya malamang sinasagot ni Hector ang tawag.” “Pwede ko ring tawagan para sa ‘yo.” Natahimik si Yandrei. Pero naririnig ang buntong hininga. Umangat ang likod ko nang makita ang paglapit namin sa kanto nina Tatay Victorio. “Okay. Kapag ayaw pa rin, kay ate Ruth na talaga ako.” Nick sighed and parked his car. Tinanggal ko ang seatbelt at kinuha ang bag. Natigilan ako. Bigla niyang kinuha ang kamay kong aabot sana sa likuran. He stared at me. “Alright. Bye, sis.” Oh. Kapatid pala. Nagtitigan pa kami. “Bye, Kuya!” siya na rin ang unang nagbaba ng tawag. Tiningnan ko ang mga kamay namin. Napapaso kong binawi ang akin at nilipat ang paningin sa harap. Inabot niya ang bag ko sa likod. “Ihahatid kita hanggang sa bahay,” “’Wag na!” He already has my bag and unclasped his seatbelt. Kumunot ang noo. Napalunok ako. “A-ako na lang. Baka kasi… magalit si tatay. S-siga ‘yon dito! Kapag nakita ka, baka masapak ka!” I meant to scare him off. Alam kong nakita na niya si tatay kanina nang hinatid ako. Pero kapag magkasabay kaming dumating sa bahay, matatawag nila akong Pearl. Kailangan ko pang i-orient sina tatay tungkol sa nangyari at sa plano ko. Napakagat ako sa labi. Ang lakas na naman ng t***k ng puso ko. Gusto ko nang kumaripas ng takbong kasing tulin ng nasa loob ng dibdib ko. “I’m not scared.” Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Inagaw ko sa kanya ang bag. “You should be. Iba magalit ang mga tatay. At saka… hindi nila magugustuhang makita ka roon. W-wala silang alam sa g-ginawa kong pang i-scam…” Truly, walang alam sina tatay. Nalaman lang din no’ng may maningil. He sighed heavily and looked outside. Isang segundong pagitan, tinitigan niya ulit ako. Niyakap ko ang bag at nanatiling nakaupo. Hinintay kong payagan niya akong bumaba kaysa tumakbong parang sira. “Alright, then. Give me your cellphone number,” Kinuha niya ulit ang cellphone niya at binuhay. “Bakit?” Tumawa siya sabay bagsak ng kaliwang kamay sa manubela. Parang tawang naiinis o nanunuya. He then looked at me. “I want connection with you. Hindi ba, obvious? Now, type in your number. Para alam mo kung kailan ako dadalaw kay Jewel.” “Ahh…” Kinuha ko ang mamahalin niyang cellphone. Ang ganda. Parang hindi marunong mag-hang ng ganitong gadget. Tinayp ko rin ang number ko. Pagkatapos ay sinoli ko sa kanya. He typed ‘New Ruby’ then registered my number. I’m the new Ruby now. Dapat ko nang paalalahan ang sarili na ganyan na nga. “Kumusta si Jewel?” “Maayos naman,” Pagkaisip ko sa maamong mukha ni Jewel ay gumaan ang stress sa mukha ko at dibdib. Kung gaano siya ka-cute kapag ngumingiti at tawa. Ang amo at inosente niyang mata. “She likes to draw. Mmm… iyakin lang minsan pero kapag nakikita naman ako ay tumatahan,” “She doesn’t want not seeing you?” I blinked my eyes and relaxed more. “Sa tingin ko hindi naman. Natural lang ang reaksyon niya. Saka three years old pa lang ang anak mo. Ayaw niyang hindi ako kasama.” “Never leave her, then.” Nauna siyang bumaba. Hindi ako agad nakakilos. Malalaking hakbang itong umikot sa harapan at tumungo sa pintuan ko. “S-Salamat,” Nagkatinginan kami. Hawak niya ang pinto at bahagyang nakaawang ang labi. Napalunok ako. May pailan-ilang sasakyan na lang ang dumadaraan. Kasya naman ang sasakyan niya papasok sa loob pero siguro dito niya ako nasundo kanina kaya hindi rin nagtangkang pumasok. Umusod ako para masarado niya ang pinto. Bitbit ang bag at sling bag sa katawan. “Hindi pa tayo tapos mag-usap.” Naniniguro niyang tono. “Alam ko.” At wala akong balak pang umalis ng manila. Hindi pa sa ngayon. Kailangan ko ring makausap ng masinsinan si Ruby. Lumakad ako papunta sa tabi ng daan. Sa bangketa kung saan may nagtitinda ng balut. Ang basket nitong may takip na makapal na foam at katya ay medyo nakalihis kaya nasisilip ang mga itlog. Hindi agad naitakip dahil nakatingin sa amin ang tindero. Tumikhim ako at tumingin ulit kay Nick. Sinundan niya pala ako kaya halos magdikit na naman kami. Isang beses akong umatras. “Okay lang bang… sa gabi ako pumunta? Maaga aga naman,” Banayad akong tumango. Hindi niya inaalis ang titig sa mukha ko. Ako ang umiwas dahil baka mabuko niya ako kung tatapatan ko ang matang iyon. Matang parang hinuhuburan ang kaluluwa ko. Matang tumatagos sa buto ko. Matang misteryoso at kabado akong may mahuli siya sa aking ikapapahamak ko o ng pamilya ko. I gulped nervously and looked down. Napatingin ako sa tindero. “Baluuuut, penoy kayo d’yan.” Tumaas ang kilay ni Nick at napatingin din sa tindero. “Uwi na ako, Nick.” Paalam ko. Magtatagal pa kami rito kung hindi ko siya papaalisin. Bumaling siya sa akin. Hinayon niya ang mata sa kalsadang lalakaran ko bago alanganing tumango. “You sure? Ihahatid kita hanggang labas ng bahay niyo,” “Huwag na. Kaya ko.” “Baluuuut… Penoy...” “Alright…” Hindi na naman kami nagkaimikan. Parang nag-aalangan pa rin siyang pakawalan ako. O hindi sigurado kung papayagan akong umuwi. Wala sa tono at mukha na maluwag niya akong pinapayagan kaya nahihirapan akong humakbang paalis. “Nasa iyo na ang number ko. Magtext ka na lang kung kailan at anong oras mo dadalawin si Jewel. Nasa bahay kami palagi. At para makapag-prepare kami… ng meryenda. At saka para maihanda ko si Jewel. Hindi ka pa niya kilala…” Ang sabi ay kailanman ay hindi pa niya nakikita si Jewel. Walang pumupunta sa bahay para i-claim na anak ito. Kung dadalaw siya dapat ay maipaliwanag ko muna sa bata kung ano ang mangyayari at kung ano siya ni Jewel. Ayaw kong ma-trauma ang pamangkin ko. Hindi rin madali ito para sa bata niyang isipan. “I understand. I will text or better call you.” binasa niya ang ibabang labi. “Maaga ka bang natutulog?” “Hindi naman. Mga ten o eleven PM…” Kapag may iniisip lang naman ako inaabot ng madaling araw. Pero sa Cebu, ganyang oras ako natutulog. Kinabukasan ko na sinasagot ang text ni Mark. “Okay, then.” Nilingon niya ang sasakyan. Parang nag-commercial sa pagtitig sa akin. Tapos bumaling ulit. “Sige na.” I stepped back. He stepped closer. Parang hahabulin ako. Kinalampag ang dibdib ko. Iniwas ko ang tingin at nagkunwaring sa daanan na ang atensyon ko pero ang totoo ay naiwan sa kanya. “Baluuut! Penoy…” Kumahol ang aso ng kapitbahay. I started to walk away and forced myself not to look back. Nagawa ko. Nakailang hakbang na ako. Iyon ay kahit umiinit ang batok ko at kinakabahang matalisod dahil iniisip na nakatingin pa siya. Hindi ko na ulit narinig ang sigaw ng tindero. Sumubok akong lumingon. Bumagal ang lakad ko. Walang katao-tao sa kalye. Ultimo paghinga ko at t***k ng puso ay dinig na dinig ko. Nakatayo pa rin doon si Nick. Sa gilid ng sasakyan niya. Kausap na niya ang tindero ng balut at mukhang bumibili. Maliksi kumikilos ang tindero habang naglalagay ng mga itlog sa papel na pambalot. Nick glanced at my direction. Napabilis agad ang lakad ko at inalis ang mata roon. My heart raced. Uminit ang tainga ko pati mukha at batok. Parang nakikipaglaban ang labi ko sa kakakagat ko. Mamaya pag-uwi ko sugat-sugat na ito nang hindi ko namamalayan. Bakit kasi lumingon pa ako! Nahuli pa niya tuloy. I never looked back again. Hanggang makarating ako sa labas ng nakasaradong pinto ng salon. Hingal na hingal ako. My phone beeped. Bago ako kumatok, nilabas ko ang cellphone at para rin makatawag kay tatay sakaling hindi tulog na sila. May numerong hindi ko kilala ang nagtext. Binuksan ko at tumigil ang paghinga ko. Unknown number: Tanong ko lang kung gusto mo ng balut at penoy. Pwede kong dalhin sa iyo. – Nick Hinagilap ko muna ang tamang paghinga bago nagtipa ng reply. Inhale… exhale… umayos ka, Perlas! Text na lang iyan kinakabahan ka pa rin! Ako: Hindi na, Nick. Umuwi ka na rin. Hindi ko inalis ang mata sa screen. Ni-register ko agad ang number niya. Then, he replied asap. Nick: Okay. Magda-drive na ako. Usap tayo ulit. Goodnight, Ruby. Natigilan ako. When I saw my twin sister’s name from his text, tila ako nahimasmasan. Parang inalis ang harang sa mukha ko. At napagtantong, nanloloko nga pala ako. Bakit ako nagpapaepekto sa taong ito? Tatay iyan ni Jewel at dating nakarelasyon ni Ruby. Mali ang makaramdam… Ng alin, Pearl? Anong nararamdaman mo? Crush? Paghanga? Agad-agad? Siguro. Ngayon lang ako nakalabas ng lungga at para akong ignorante sa ganyang klase ng tao. At hindi basta-bastang tao. Mayaman iyan at maimpluwensya. Akalain mong isang tawag lang at utos, may instant detective na siya. May-ari pa ng yate. Walang-wala ako kumpara sa taong iyan kaya tumigil. Kumatok ako sa pinto. At sana pati sa utak ko. Hindi na ako nag-reply.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD