“We exhorted each one of you and encouraged you and charged you to walk in a manner worthy of God, who calls you into his own kingdom and glory.” – 1 Thessalonians 2:12
--
Chapter 5
Pearl
I slowly opened my eyes to an unfamiliar and almost darkened room. Nasa kama ako. Nababalutan ng makapal at malambot na kumot hanggang dibdib. I… couldn’t get my thinking as I calmly staring at the brown wood ceiling in front of me. Nakatihaya ako at mabigat pa rin ang talukap ng mata ko.
Nasaan nga ba ako?
Kumirot ang ulo ko kaya napapikit ako. I touched my fingertips on my head and I winced a little. Hindi naman sobrang sakit at sa tingin ko maya-maya ay mawawala rin ito. I moaned a bit. Parang umiikot pa rin ang pakiramdam ko.
Bahagyang gumegewang ang paningin ko. Parang may mahinang lindol. Pero… marahan at dinuduyan yata ako sa ibabaw ng kama.
I inhaled… and exhaled. I repeated it again and slowly… I delicately open my eyelids.
Ito na naman. Ibang kisame pa rin ang nakikita ko. Walang parte ng kwarto ko ang ganito. Hindi rin ganito ang kwarto sa bahay ni tatay Victorio. Nasa nasasakyan ako kanina papuntang airport tapos…
“Oh n-no!”
I sat up badly and my world spin around. Napapikit ako agad. Kinagat ko ang labi sa hilong nararamdaman. Pinanlamigan ako. Hindi ko gusto ang hilong nararamdaman at pati ang katawan ko ay hindi nakikisama. Dapat nasa eroplano na ako. Nakatulog ako sa byahe. Napagod ako. Pero bakit hindi ko nakaya ang antok kanina?
“Sea sickness, wild guess.”
Suminghap ako at napadilat. May lalaking nakadekuwatro at nakaupo sa kulay kremang reclining chair sa corner na bahagi.
“S-sino ka-
Sabay kaming napalingon sa pagkatok sa labas.
“Handa na po ang hapunan, Sir Nick.”
“Lalabas na lang kami maya-maya.” Sagot niya nang hindi inaalis ang mata sa akin. hindi ko rin nakita kung sinong lalaki ang kumatok pero base sa tono ay magalang ito at halatang maawtoridad ang tinawag niyang ‘Sir Nick.’
“Okay po, Sir.”
Nasundan iyon ng ilang hakbang at naglaho na.
Bumalik ang mata ko lalaking prenteng nakaupo. He isn’t wearing his sunglasses now but I’m sure, siya iyong Grab driver na sinakyan ko kanina. Now I can see him fully and this near. May isang hakbang lang yata ang pagitan ng kama at ng recliner chair na inuupuan nito. His phone is on his right thigh and comfortably sitting. His elbows are on the armrest and his long fingers are intertwined over his abdomen. Sa pwesto niyang iyon, may pakiramdam akong kanina pa siya naroon at pinagmamasdan ako habang walang malay!
We stared at each other. My hand on the bed. Kung hindi nakatungkod ang mga ito baka kanina pa ako bumagsak ulit. Hindi ko maalis ang titig sa kanya—sa mga mata niya pero halata roon na kasing lamig ng hangin sa Baguio ang paningin na iyon.
I’ve seen it before. Pamilyar siya sa akin. Saan nga ba? Sa TV? Sa Advertisement? Nakasalubong ko na ba siya dati?
He’s massive kind of man. Dumadagundong ang dibdib ko at takot na lumapit sa taong ito. Kung uupo siya sa tabi ko, masasakop niya ang kamang ito.
“N-Nick?”
Out of nowhere, I wanted to call his name. So short. But it feels something powerful in it. Nick. His name is Nick.
Nagtitigan kami ilang sandali pa. Nanliit ang mata niya. Parang patalim na hinihiwa ako sa paningin niya. Naumid ang dila ko. Just by simple looking at me like that, he intimidated me. Nabahag ang pakpak ko at gustong magtago sa pinakadulo nitong kwarto.
It’s so weird that I am feeling this uncomfortability, shyness and even immobilized towards him. My goodness! I have the right to confront him why I am here! Pero siguro, natatakot din ako dahil hindi ko naman siya kilala. Nagising akong nasa ibang lugar. I shouldn’t belittle myself. I was abducted!
“Long time no see, Ruby. Mabuti naman at kilala mo pa ako.”
We stared at each other again. Then, like a lamppost started to light up the street, unti-unting umawang ang labi ko.
Umangat ang gilid ng labi niya. “I can’t believe you didn’t recognize me a while ago. Ganoon na ba tayo matagal na hindi nagkita?”
“H-ha?”
“Well, while I was abroad, I never think of you. Busy ako sa pagpoprotekta sa pamilya ko. Now that I see you again, my bad, I didn’t ask someone to look after you. You’ve been terrorizing my name—my family’s name—while we were away. Aren’t you tired of using my name, huh?”
He stood up. Pinindot niya ang kanyang cellphone at tumingin sa malaking flatscreen TV sa harapan ko.
Tumingala ako sa TV. Nasa screen ang imahe ng carpeted hallway, halaman at nakasaradong pinto. Gumalaw iyon at napagtantong video ito. Umaandar ang oras sa ibabang gilid. No. Hindi lang ganoon. Kita ang kahabaan ng hallway.
It’s a CCTV footage.
Bumukas ang isang pinto kung saan pinakamalapit ang camera. Namilog ang mata ko. Si Ruby ang babaeng iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Mula sa hugis ng katawan at aninag na parang sarili ko ang nakikita. Malibang kulot ang buhok niya at naka-black high heels. Wala ako no’ng hawak niyang shoulder bag at isa pang itim na bag. She flipped her hair and arranged the cream cardigan on her forearm. Sinarado niya ang pinto at mala-model na naglakad paalis.
He paused the video where she was about to exit the TV screen.
“This was Alfred Go’s suite in the Paradise Hotel and Casino. You invited your prospective high roller and checked in the hotel as part of perks from your business,”
Bumaling ako sa kanya. He is staring at me with contempt and intimidation.
“Hours after you left, he died.”
Bumagsak ang panga ko.
“The investigation found out that he killed himself. But his family is not believing this. There is a conspiracy. You took his money in the bag, the key of his car and left the hotel just like that. Like a smooth criminal.”
Hindi pa rin ako nakapagsalita. Natutulala ako sa mga sinasabi niya kaya hinayaan ko siyang magsalita pa.
“Hindi ka nagpakita para makipag-cooperate sa imbestigasyon. Pero ginamit mo ang pangalan ko para makatakas.”
I felt like my heart sank in the deepest and most elusive part of my soul. Titig na titig siya sa akin. At hindi ako magkakamaling galit ang isa roon.
“P-paano ko gagamitin ang pangalan m-mo sa… nangyari?”
He stepped forward. Never leaving his eyes on me. And the scrutiny he has over me.
“You’ve been using my name, my number and my address, Ruby. Pinapalampas ko noon ang pagiging malapit mo sa mga de Silva. You are a former friend but what you did is not acceptable and humane. You’ve crossed the line this time. Nadamay mo pa ang hotel at casino ni Yale Montevista. He’s a family member now. Kaya dawit na ang buong pamilya ko rito.”
“P-pero hindi ako ‘yon!” I said in my defense.
He looked down on my clothes then he glanced on the TV. Ginaya ko ang ginawa niya. Only to find out that I am currently wearing Ruby’s black tight dress and the white cardigan that also seen on the footage. Para akong binuhusan ng nagyeyelong timba ng tubig.
Ngumisi siya ulit.
“Aapila ka pa ba, mm?”
Kumuyom ang kamao ko. Isa lang ito sa mga naatraso ni Ruby. Pero mas mabigat ang pinaparatang. Kung ilang oras ng nakaalis ang kambal ko bago namatay ang Mr. Go na ito, bakit niya siya sinasama rito? Kung may conspiracy, wala nang kinalaman doon ang kambal ko!
“Wala akong kinalaman,”
“Inamin mo ring ikaw ang nasa video.”
“Hindi ganoon ang…”
Napapakit ako at kagat ng labi.
“Itigil mo ‘yan.”
“Wala akong kinalaman sa… sinasabi mo.”
He sighed heavily. Halos tumalbog ang paghinga niya sa bawat sulok ng maliit na kwartong ito.
“You are part of a big Ponzi scheme group, Ruby. And you stained my name!”
“I said, I’m not-
Paano ko made-defend ito? Kung pila-pila ang mga taong humahabol sa kapatid ko para bawiin ang perang kinuha niya?
“You pocketed a billion pesos from your clients. Some of my friends are your victims, too. Tuwang-tuwa ka ba sa nagagawa ng pangalan ko? You fooled everyone because I was your financier… and boyfriend, huh?”
“Ano…” para akong nanghina at kunot ang noo siyang tiningnan.
Umigting ang panga niya. Matalim niya akong tinitigan.
“Hindi ko mapapalagpas ang unti-unti mong pagsira sa pangalan at negosyo ng ama ko, Ruby. The De Silvas are not going to stay unbothered while you are gaining a lot from us. Marami na akong nalalaman tungkol sa ‘yo at hindi na mapagtatakpan pa ng naging samahan natin noon. Kung may dahilan pa ako para palagpasin ka, iyon ay si Jewel lang.”
Nagtatagis ngayon ang kanyang mukha. Kabado akong napaatras at bahagyang nag-aalala para sa sarili.
Kilala niya si Jewel. Ano ang samahan nila noon? Part of it, he is Nick de Silva! Si Nick de Silva siya! Sa mga pag-uusap namin ni Ruby, palaging siyang kasama. Now, it is becoming clear to me. I remembered how she is so bubbly while mentioning his name. Na para bang pinagmamalaki niya o maligaya siya tungkol sa kanya.
“Dito…” tinuro niya ang isang litrato ng lalaki. “Kay Theodore Nicholas o mas kilalang Nick de Silva. Ang panganay na anak nina Reynald at Kristina de Silva.”
I saw him. I remembered his face.
“Tandaan mo ang mukhang ‘yan, Pearl. Baka isang araw, makasalubong mo ‘yan.”
Hindi lang siya ordinaryong tao. Kung sinuman ang mga De Silva na ito, may pakiramdam akong makapangyarihan ang mga iyan kung kaya ganoon na lang ang paggamit at nagagawa ni Ruby para makakumbinsi ng tao.
“E, si Nick, pinuntahan ka na?”
Ano itong ginawa mo, Ruby? Hinding hindi ka patatahimikin ng mga taong ito.
He stood beside the bed’s edge. Tumingala ako sa takot na baka kung ano ang kanyang gawin sa akin.
“Kung hindi dahil kay Jewel pinabayaan na kita sa mga Go. You don’t deserve her.”
I could clearly see the anger in his eyes and the way he speaks Jewel’s name. A man like him…
“Bakit ka nag-aalala kay Jewel?”
Pinanliitan niya ako ng mga mata. “Kailangan mo pa bang tanungin? Ikaw ang mas nakakaalam n’yan, Ruby.”
Tinitigan ko siya at matapang na sinabayan ang kanyang paningin. Bakit siya mag-aalala kung hindi siya ang…
“Ang alam ko ay isa sa mga kaibigan ni Ruby ang nakabuntis sa kanya. Sabi niya, mas matanda iyon at mayaman. Maimpluwensya ang pamilya at ayaw sa kanya. Hindi rin siya pinakasalan ng lalaki dahil nambababae. Wala raw silang malinaw na relasyon kaya kahit nabuntis, hindi na siya pinanagutan.”
I pursed my lips tightly. My eyes glared specifically towards him.
“Ayaw mong akuin pero hindi mo rin tinatanggi.” Mariin kong sabi. “Irresponsable kang-
Tinabingi niya ang ulo. “Ikaw pa ang may ganang magalit. Bakit mo ginagawa mo ‘yon? Saan mo gagamitin ang bilyong perang kinuha mo?”
Uminit ang ulo ko. Nanginig ang kalamnan ko. May mali si Ruby pero may karapatan pa rin naman siyang ipagtanggol ang sarili. Lalo na sa lalaking bumuntis lang sa kanya.
“Bakit? Nagtatanong ka pa?”
Kumunot ang noo nito.
“Dahil kailangang mabuhay ni Jewel! May gastusin din ang bata at hindi ka nagbibigay ng sustento bilang ama niya!”
The main idea is simmering in my mind. My blood is boiling. At wala na akong pakielam kung makapangyarihan pa siya o mas malaki kaysa sa akin. I could voice out for my niece. I could voice out for anyone who couldn’t have a chance to defend herself.
Mukha siyang nagulat. Bahagyang umawang ang labi at titig na gulat ang mata.
“Kaya masisisi mo ba ako kung wala na akong alam na pwedeng kapitan sa pagpapalaki ng bata? Hindi mo pinakasalan ang ina pero okay lang. Pero sana man lang, tumulong ka sa gastusin nang hindi lang ako mag-isa. Hindi ako kasingyaman na…”
Inikutan ko ng tingin ang paligid. Ang bintana ay nagpapakita ng mga malalayong ilaw ng building at mahinang pag-alon. Malaya niya akong madadala sa kung saang bahay o lugar naisin. Pero siguro sa tulad niyang barya-barya ang ganoon, sa gitna ng dagat niya akong napiling dalhin. Napakaswerteng nilalang, ano. Kayang-kaya ang ganitong karangyaan.
Kaya ba gamit na gamit siya ni Ruby?
“…tulad mo. Pwedeng maglamyerda, mawala o magbakasyon. Hindi nga maganda ang panloloko pero anong tawag sa pagbubuntis mo? Kay Jewel na anak mo, ha? Nagkakalat ka ba ng lahi mo?”
Pinakita ko na ang galit ko sa lalaking ito. Siguro tunog ate na nanenermon sa lalaking bumuntis sa kapatid ang boses ko pero ano naman. Dapat niya lang marinig iyan. Magpapasalamat akong naiisip pa niya si Jewel pero… nakahanda akong magtanggol kung kailangan.
Mabigat pa rin ang ginawa ni Ruby. May namatay na tao at bilyong piso ang inabot ng binulsa niya. Makakabuti ngang hinahabol niya ang totoong mastermind ang scheme na iyon. Gumagawa rin siya ng paraan. At habang wala siya… heto ako, pipilitin kong ilaban ang nadumihan niyang pangalan.
We have the same face. But we don’t have the same motivation. Aalis siya para habulin ang salarin at maiiwan ako dahil kaya kong harapin ang naapi. If this is called as her representative while she is in the battlefield, then… go ahead. Treat me like I am the culprit but I will also fight with my own bullets. May pagkakaiba pa rin kami.
Lumabas si Nick ng kwarto. Saka ako nakahinga nang maluwag at lahat ng naipon sa dibdib ko ay pinalaya. Umupo ako sa gilid ng kama. Binaba ko ang palda dahil masyadong nilabas ang hita ko.
Sinuot ko ang sandals na nasa sahig. Inalis pa niya ito sa paa ko?
Binalingan ko ang TV. Naroon pa rin si Ruby. Suot ko ang damit niya sa footage. Nga naman. Kamukha ko na nga, pareho pa ng damit. Paano ko itatangging hindi ako iyon?
“May kakambal siya. Ako. Pearl Francesca ang pangalan ko at hindi Ruby Francine. Pinapunta niya lang ako ng maynila kasi… gusto niya akong makilala. Pagkakataon nga naman. May kasalanan siya at tinakbuhan ito.” Bulong ko sa sarili.
Yumuko ako at tinakpan ang mukha ng palad. Bumalong ang luha sa mga mata ko. Ang hapdi ng dibdib ko at nauubusan ng hangin. I bit my lip harder. I can feel the heavy weight on my shoulder. I can feel the disorganization in my mind. The problem and the pros. The choices and the truths. Why do I need this tonight? Why do I need to be tormented the life I’ve been dreaming to experience?
Nagagalit ako! Pero ramdam ko rin ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ko. Tinuruan akong maging independent. Maging resourceful. Maging palaban dahil una, babae ako at lumaking puro tiyahin ang kasama. I was almost instructed not to be involved with any men. It isn’t an obligation but a told future that I should follow—first.
Malalim akong bumuntong hininga. Inayos ko ang sarili. Tumayo ako at lumapit sa maliit na bintana. Hindi kami naglalayag pero nasa gitna ng dagat ang yateng ito. Ano ang plano niyang gawin kay Ruby? Hindi kaya…
Itatapon sa dagat? Isasako at ihahagis kaya?
Napahawak ako sa dibdib sa pagkalabog nito. At siyang mabilis na pagpasok ni Nick. Dumeretso sa akin at hinaklit ako sa braso.
Nangangalit ang mata niyang tila sinasabuyan ako ng apoy.
“I went to your boyfriend’s condo! May nakita akong kamukhang-kamukha mo at naghihintay sa labas ng unit ninyo. Sino ‘yon? Kapatid mo? Hindi ikaw ‘yon dahil hindi ka nagdadamit na parang takot kang maarawan ang balat mo.”
Namilog ang mga mata ko. Ang lapit lapit ng mukha niya sa akin. Kaunting tulak pa ay didikit na ang labi niya.
“Sino ang babaeng ‘yon? Sino?!”
Napaigik ako nanggigigil niyang bulyaw.
Naalala ko na siya. Siya rin iyong nakasabay namin sa elevator. Alam niya ang tungkol kay Preston marahil.
“K-kambal ko…” takot kong sagot.
Dumiin ang hawak niya sa braso ko.
“Where is she now?”
Umalon ang dibdib ko. Natatakot ako sa diin ng hawak, boses na galit at matang nag-aapoy.
“U-umalis,”
“Anong pangalan ng kambal mo, Ruby?”
Kailangan pa ba niyang malaman ang tungkol sa akin? At hindi niya napagkamalang si Ruby din iyon?
“Wala siyang kinalaman dito, Nick. Ako lang. Walang alam dito ang kambal ko,”
He grinned in the middle of his furious handsome face.
“You never told me that you have a twin sister. Tinatago mo ba siya? Anong plano mo? Ninyo.”
“Wala akong pinaplano. Kung ano man ang ginawa ko rito, labas doon ang kapatid ko. At hindi siya rito nakatira kaya huwag mong guguluhin ang buhay niya.”
“Guguluhin ko ang buhay niya dahil ginulo ng kakambal niya ang buhay ko. Ngayon, kung hindi mo pa rin sasabihin sa akin ang buo niyang pangalan, ipapaikot ko ang mga tauhan namin at sisiguruduhin kong magpapakita siya sa akin.”
Binawi ko ang braso pero ni hindi niya ito binitawan.
“Huwag mo siyang idamay,”
“Natatakot ka?”
Mariin kong sinara ang labi. I’m totally glaring at him.
“Alam kong may pinaplano ka kaya nandito sa maynila ang kakambal mo. Sinusubukan mo ako? Gusto mong makita kung paano ko siya matatagpuan, huh?”
Bumigat ang bawat paghinga ko sa bawat segundo ng kanyang titig.
“Ruby Francine Herrera. Anak ni Victorio Herrera na nagtatrabaho bilang hair stylist at may-ari ng salon sa Manila. Sino nga ba ang ina mo? Let’s find out about your mother, then.”
Tinaas niya ang cellphone at inisang swipe niya. I saw him dialed a number. Tinawagan niya at nilagay sa tapat ng tainga nang hindi inaalis ang mata sa akin.
“I want you find out who is Ruby Francine Herrera’s mother… Yeah… she has a twin sister… I want her full name and address-
Tinabig ko nang malakas ang cellphone at tumilapon iyon sa sahig. Hindi ko nakitang naputol ang linya pero buo pa ang screen.
I gritted my teeth. “Huwag mong guluhin ang pamilya ko.”
“Sabihin mo ang pangalan niya at titigil ako. Ano. Ang. Pangalan. Niya.”
Nanginginig ang kalamnan ko. Putol-putol ang paghinga na parang kakaunti na lang ang hangin.
Handa akong isalang ang mukha para kay Ruby pero handa ba ang buong pagkataong madamay din?
“Pearl…”
Tinitigan niya ako.
“Pearl. I want her full name. Tell me more...”
Nanubig ang mata ko. Bakit? Bakit ako naiiyak? Sa takot taong ito?
I gasped a little to suppress my upcoming sob.
“Pearl… Francesca… V-villaruz…”
“Saan siya nakatira?”
I moaned. Hindi ko kayang sagutin. “Nick,”
“Don’t let me ask you twice. Or else…”
Pumikit ako. Lumandas ang luha ko sa pisngi.
“C-Cebu,”
“Malalaman ko kung nagsinungaling ka.”
“Carcar, Cebu! Tumigil ka na, please!”
Dahan-dahan niyang binaba at binitawan ang braso ko. Agad kong tinakpan ang mukha at tahimik na umiyak. Takot na takot ako. Sa kanya at sa mga nangyayari. Sukdulan na pati ang pagkuha niya sa akin at pagpapatulog. Ano pa ang pwedeng mangyari sa mga kaaway ng kambal ko?
Natatakot ako. Hindi lang para sa sarili, kundi kina tatay at Jewel. Ni hindi na maaaring maging sagot ang pag-uwi sa amin. Aalamin niya ang tirahan ko at pati sina Tiyang ay madadamay pa. Okay lang kung ako… pero paano kung hindi? At isang bilyon? Wala akong maibibigay na ganyan.
Pangarap at saya ang hinangad ko sa pagpunta rito. At pagkatapos kong makilala ang pamilya, ito ang kahihinatnan ko?
I just want my father and Jewel to be okay. Please, don’t hurt them, too. Please. It is a nightmare. Kung hindi man, sumpa.
Pinanood niya lang ako hanggang sa tumahan. Hindi ko na siya tiningnan kahit nu’ng tawagin niya ako para kumain sa labas. Sa upper deck daw. Wala na akong naiisip na ano kahit pagkain pa. Malamang naiwan na rin ako ng eroplano. At baka nagtetext na ngayon si tatay.
My things are still with me. Nasa kama rin. Mukhang hindi nagalaw pero hindi ko pa nasisilip at ayaw kong makita niyang ginagawa ko iyon.
Dumapyo ang lamig ng hangin pag-akyat ko. May lalaking nakatayo sa tabi ng hinandang mesa. Maliwanag. Kahit ang baitang ng hagdanan ay may ilaw. May couches, lounging chairs, built-in stools at bar area pero walang tao kundi kami lang.
“Tell Captain Severino to sail back to the dock.”
“Alright, Sir Nick. Enjoy your dinner.”
The man lightly bowed his head and looked towards me and smiled a bit. Tinungo nito ang hagdanan at bumaba na.
Hinapit ko ang suot na cardigan dahil sa sobrang lamig. May bubong naman ang area na ito pero mukhang pwede ring tanggalin. Hinila ni Nick ang upuan. Tinuro. I’m still not in the mood for this but I sat down. Umupo rin siya sa tapat ko.
May makapal na laman ng baka ang dalawang platong naroon. May asparagus at mixed vegetables. Then there’s wine glasses and a bottle of red wine. May tubig sa dalawang baso, bowls ng soup at mga tinapay. Napangiwi ako at titig sa karneng kulay pink pa ang laman.
“Hindi ‘yan lalapit sa bibig mo mag-isa.”
Masama ko siyang tiningnan. “Hindi ako gutom.”
Sinalinan niya ang mga baso ng wine. Ngumisi siya tapos sumulyap.
“Ilang oras kang tulog na parang puyat na puyat. Ilang oras ding walang kain kaya bakit hindi pa kumakalam ang sikmura mo?”
He took his glass and lightly sip. Binagsak niya ang likod sa upuan. His eyes directly looking at mine.
“This is kidnapping.”
“Ihahatid kita pagkatapos nito.”
Pinanliitan ko siya ng mga mata. “And then?”
He scoffed and sat back the wine glass. “Relax. Wala akong gagawin sa ‘yo. Kakain lang tayo rito,”
“Nag-pretend kang Grab driver.”
“Yes. Para hindi ka makaalis. At hindi ka na pwedeng umalis ngayon.”
“Dahil ba sa pera? ‘Wag kang mag-aalala, magbabayad ako,”
“Bilyonarya ka ba?”
“H-hindi. Pero… gagawa ng paraan.”
He chuckled and looked at the water surrounding us. Nanatili ang mata ko sa kanya. Tiningnan niya ang katubigan nang may pilyong ngiti sa mata pero hindi nagtagal ay tila lumalim ang narating ng paningin na iyon. Ng isip na iyon. Layo na hindi ko na mahabol.
I slowly blinked my own eyes and just stared at him. Pagbalik ng atensyon niya sa akin, bahagya pa siyang nagulat.
“Nasaan na ang pera nila?”
Iyon bang tinakbo ni Ruby? Baka iyon. Ang sabi niya naloko rin siya kaya…
“W-wala sa akin. Tinakbo ng junket operator.” Hindi pa ako sigurado sa pagsasalita.
Tiningnan niya lang akong ilang sandali bago umimik.
“You’re going to work here, then you can pay?”
Tumango ako agad. Malamang.
“Dito ka lang magtatrabaho at hindi sa ibang lugar. Hindi ako papayag na umalis ka tulad ng balak mo kanina.”
Napalunok ako. “Bakit hindi kung pwede ring magtrabaho sa ibang lugar? Malaking pera ang kailangang bunuin,”
“You are considered at large. Atleast to me. Ikaw ang sagot kung bakit namatay si Alfred Go sa hotel ng mga Montevista. Bumabangon pa lang ang hotel na iyon pero nabahiran pa ng krimen.”
“Sabi mo, pinatay niya ang sari-
“Ikaw ang huling lumabas ng kwarto, Ruby. Kaya may kinalaman ka.” mariin niyang salita.
Tinikom ko ang bibig ko. I don’t know anything about it and I don’t even know Alfred Go. Mas mabuti pang huwag ko nang ulitin ang pag-uusap tungkol dito.
He started to eat his steak. Mabagal kong kinuha ang kutsilyo at tinidor. Gulay lang kakainin ko. Kailangan ko ng lakas kaya kahit ayaw kong kumain, kakain pa rin.
“Give me your bank account,”
“Ha?”
He looked at me. “Magpapadala ako ng panggastos ninyong mag-ina.”
Lalong lumawak ang pagnganga ko. Kulang na lang ay saluhin ko ang panga ko.
“Bakit?”
“Galit na galit ka kanina dahil hindi ako nagbibigay ng sustento kay Jewel. Tapos ngayong mag-aabot na, nagtatanong ka pa rin?”
“I mean, bakit pa? Tatlong taon na ‘yung bata.”
“Nag-aaral na ba siya?”
“Hindi pa. Papasok pa lang this June.”
“Then use the money for her studies and for your needs. Give me your bank details, then.”
Inabot niya sa akin ang kanyang cellphone. Tinitigan ko lang dahil anong ibibigay ko sa kanya? Bank account ni Pearl. Hindi ko naman alam ang kay Ruby. Malabo iyon.
Napailing ako ng wala sa oras.
“Ayaw mo?”
Kinabahan ako. “’Wag na,”
He chuckled. Binaba niya ang phone sa mesa. “Alright. Ihahatid ko na lang sa bahay niyo kung ganoon. Sa salon ka ng tatay mo nakatira, ‘di ba? Doon ko kayo dadalawin.”
“Ha?!” nagulantang ako.
“Isa sa mga araw na ‘to, dadalawin ko kayo ng anak… natin.” tinusok niya ang karne sa tinidor at sinubo. Nakatingin siya sa akin habang ngumunguya.
Umaandar na ang yate pabalik sa kung saan ang uwi nito. Patuloy na kumakalembang ang puso ko na tila aalis sa pinagtataguan.
Nagtalo ang isip ko kung tama ba ang ginawa o pinahamak ko lang sarili at pamilya. He is Jewel’s father and now, he is going to fulfill his neglected responsibility since she was born. Pero kilala niya ako bilang Ruby at ina ni Jewel. Makakasama ba iyon?
Kung para kay Jewel, hindi. Para sa kanya ang lahat ng ibibigay ni Nick. Hindi ako makikihati o ano. Lahat ay para kay Jewel. At kung dadalaw sa bahay, okay lang din siguro. Ang anak ang dadalawin niya. But it also means I won’t be coming back home. I need to call my Aunties and explain.
Anong sasabihin ko? Magagalit sila. Kapag tumakas ako, ibig sabihin guilty si Ruby at hahanapin pa ako ni Nick. Now, I am forced to stay because of him.