Chapter 7

4214 Words
“At pinigilan pa nila kaming mag-preach sa mga Gentiles ng mensaheng magliligtas sa kanila. Dahil sa ginawa nilang yun, sobra-sobra na talaga ang kasalanan nila. Kaya ngayon, dumating na sa kanila ang matinding galit ng Diyos!” – 1 Thessalonians 2:16 -- Chapter 7 Pearl “Parang hindi yata maganda ang kutob ko rito, anak. Dapat yata nagsabi ka na lang ng totoo o… iba na lang ang ginawa mo.” I feel so guilty. Inasahan kong hindi magiging maganda ang reaksyon ni Tatay Victorio kapag nalaman niya ang nangyari kagabi. Bukod sa matinding pag-aalala na hindi ako nakasakay ng eroplanong pabalik sa Cebu at pagdala sa akin sa yate ni Nick de Silva. Pero ang amining sinalag ko si Ruby laban sa maimpluwensyang tulad niya, kaba at takot ang tumindig sa mga mukha namin. Nangangati ang dila kong mangatwiran. Pero ang pagsisinungaling ay pagsisinungaling pa rin. Hindi ko maitatama ang kasinungalingan sa pagsasabi ng dahilan. Kahit ano pa ‘yan. Mali pa rin. “E, andyan na ‘yan, Mamey,” Sinulyapan ako ni Dyosa na tila nakuha ang katahimikan ko. Nakatayo ito sa harap ng salamin at kanina pa ring nakikinig. Silang tatlo ni Mariposa at Gelay. Wala pang customer at sarado ang pinto. Alas siete pa lang nang umaga. Si Jewel ay natutulog pa sa taas. Halos hindi ako nakatulog kagabi. Pagkakita sa akin ni tatay, katakot-takot na tanong ang binato nito. Ang tanging nasabi ko lang ay may humarang sa pag-alis ko at si Nick iyon. Ang tatay ni Jewel. “Kung papaaminin natin ‘tong si Pearl na hindi siya si Ruby, baka mas mapahamak pa siya.” “Iyon na nga iniiwasan ko. Ang mapahamak siya. Lalong lumaki itong problema kasi hindi niya sinasabing hindi siya si Ruby at naniniwala tuloy ang ibang tao.” I bit my lip. Tama si tatay. Dapat nagsalita ako. Dapat nagsabi na lang ako ng totoo kay Nick. “Mahirap na naman kasing paniwalaan ang mga tao, Mamey Vicky. Sino bang nakakaalam na kambal pala ang anak mo at nasaan si Ruby para patunayan ‘yon? Kung wala si Ruby, paano natin sasabihing dalawa sila, ‘di ba?” Napabaling ako kay Mariposa. Si Dyosa ay isang beses pumalakpak. “Korek ka d’yan! Dapat ipagharap natin sina Ruby at Pearl para may ebidensya tayong kambal nga sila. Nang sa ganoon maabswelto itong si Perlas natin.” “O, ‘di ba may tama ako?” “May tama ka naman talaga, Mariposa. Ilabas mo pa ‘yan para madala ka namin sa mental, friend.” “Teka, teka nga. Malabong mangyari ‘yan.” Lakad sa gitna ni tatay. “Una, hindi natin alam kung nasaan si Ruby. Pangalawa, maraming naniningil do’n kaya nagtatago. At pangatlo, bakit kailangang ibandera ang mga anak ko sa mga taong iyon? Hindi ako papayag. Masyado nang nae-expose ang mga anak ko.” “E, kasi Mamey, may tinakbo si Ruby sa kanila. Ipaglaban man natin ang right of privacy, may nadehado ng mga tao. Nag-invest sila kay Ruby pero winala niya o binulsa ang pera. Hindi natin alam. Kaya itong si Pearl na kambal niya ang nakikita. Siya ang hinahabol. Siya rin ang may threat. Kaya siguro nagawa iyon ni Pearl. Pati siya nahihirapan din kay Ruby.” Gelay understandingly look at me. Bahagya akong ngumiti. “Ang sinasabi ko lang, magsabi na lang ng totoo. Nang sa ganoon, e, makauwi na siyang Cebu. Hindi maganda itong may banta sa buhay niya. At tatay pa kamo ni Jewel ang lalaking ‘yon, tama?” “Opo, ‘tay…” “Buti naniniwalang hindi ikaw si Ruby?” “N-naniwala naman, Mariposa. Saka ilang taon na raw silang hindi nagkikita ng kapatid ko. Galing pa ngang abroad at ngayon lang niya ulit naalalang…” “Naalala kasi ginagamit ni Ruby ang impluwensya niya para makapanghuthot ng salapi.” Matalim na tiningnan ni tatay si Dyosa. Tumikhim ako. “At dadalawin niya si Jewel dito.” “Ano?!!” Sabay-sabay nilang tanong. Napaigtad akong kaunti at gulat din silang tiningnan. “Pu-pupunta siya rito para makita at dalawin ang anak niya.” Nilagay ni Mariposa ang kamay sa tapat ng dibdib at harap ng bibig. Kamukha niya iyong mga artistang nananalo ng award. Bilog ang mata at nakanganga. “Wait lang, ano ulit ang pangalan ng tatay ni Jewel? Nick ba?” Marahan akong tumango. “Oo. Nick de Silva.” “De Silva?!!” Magkasabay na sambit nina Mariposa at Gelay. “O ano meron?” walang-buhay na tanong ni Dyosa sa kanila. Nagkatinginan kami ni tatay. Kinuha ni Mariposa ang cellphone at may pinindot. Nagmamadali pang lumapit sa kanya si Gelay at sinilip ang ginagawa nito sa phone. Tumingala ako sa hagdanan. Baka biglang magising si Jewel sa ingay namin. Kailangan ko siyang ipagtimpla ng gatas at iluto ng agahan. Pancake ang meron ngayon sa kusina. Hindi pa rin ako nakakakain dahil nag-usap-usap na agad kami. Malakas na suminghap si Mariposa at mangha akong tiningnan. “Tama ba, Nick de Silva? As in si Theodore Nicholas de Silva ang tatay ni Jewel, Perlas ng silanganan?!” “Parang siya nga.” Hindi ko masyadong maalala ang buong pangalan pero katunog ng sinabi ni Ruby. “Tinago siguro ‘to ni Ruby.” Mangha ring sabi ni Gelay. Hindi na nakatiis si Dyosa. Lumapit na rin sa dalawa at tiningnan ang screen na nangliliit ang mga mata. “Kilala mo ba ang damuhong lalaking ‘yan, Mariposa?” malamig na tanong ni tatay. Malalim munang bumuntong hininga si Mariposa. “Hay naku, Mamey. Damuho talaga ang lalaking iyon. Damuho sa kagwapuhan at kakisigan. Ito siya, ito siya oh!” Pero pinigilan siya ni Dyosa at imbes ay tinuro ako. “Ipakita mo muna kay Pearl kung siya nga ‘yan para sure.” “Ay oo nga.” Kaya una kong nakita ang screen ni Mariposa. Hindi ko agad nakita nang malinaw ang taong naroon at tinuturo niya. Dumagsa ang kaba sa dibdib ko dahil sa ragasa naman ng pamilyaridad. “Ito ba si Nick de Silva, Pearl?” The man on the screen was on his black tux. Kuha sa isang marangyang event na puro pormal ang suot. He was photograph standing beside a rounded table. It was a stolen shot. May kausap na matandang lalaki at babaeng nakasuot ng asul na gown. His face was serious. Halos kapareho no’ng magising akong nakaupo ito sa reclining chair. Sa litrato ay nakasuksok ang mga kamay sa harapang bulsa at ang tindig ay may kumpyansa. Nananatili ang mga mata ko sa kanyang mukha. Kapag hindi nagsasalita ay maamo itong tingnan. Dito sa litrato mukha siyang hindi naninigaw o marahas. Pero alam kong kapag narinig mo na ang boses niyang tila panggabing DJ sa radyo, matatameme at kakabahan ka. Magkaiba siya sa litratong ito at sa personal. O lahat naman ng tao ay ganoon. “S-siya nga ‘yan…” Tumili si Mariposa sabay tadyak sa sahig. “Oh my gosh! Oh my gosh! Jewel! Ipakilala mo ‘ko sa tatay mong pogi!” “Hoy, tumigil ka nga! Damuho pa rin ang lalaking ‘yan at hinding hindi ko ibibigay sa kanya ang apo ko, ‘no!” Maliliit na hakbang pero patakbong lumipat si Mariposa kay tatay. He showed him Nick’s photo. Sinuot muna ni tatay ang eyeglasses niya dahil nahirapan ito no’ng unang tingin. Pagkasuot, nanatili saglit ang paningin sa screen ng cellphone. “Hindi naman niya kamukha si Jewel.” Malamig niyang komento. “Mamey, siya ang may-ari ng DSTV Network. Iyong palabas ni Ysabella na gabi-gabi nating pinapanood na channel? Kanila ‘yon. Saka isang de Silva ‘yan. Marami silang negosyo, e. Isa pa lang ‘yang TV Station…” “Ang angkan nila ang isa sa pinakamayaman dito sa atin. As in sa business world, nado-dominate nila. Malalaking pangalan ang nakakasalamuha at medyo arogante pagdating d’yan. ‘Yan ang dinig ko. Halos sa mga sosyal na event, may naiimbitahang miyembro ng pamilya. Iba’t iba ang koneksyon—malawak. Bali-balita pa nga noon ‘yung tungkol sa mga asawa ng mga de Silva. Nag-leak kasi ang personal information ng mga asawa nila. Na pribadong tinatago para hindi guluhin ng media. Sa sobrang powerful nila, naglalahong parang bula ang mga sekretong impormasyon.” Napatitig ako kay Gelay. Naiintindihan ko ang parteng private information. Hindi lahat ng tao gustong pinag-uusapan o pinagkakaguluhan. Lalo na sa panahon ngayon na pwede kang magsalita kahit walang katotohanan. “Nagagawa nga naman ng pera.” Tatay bitterly commented. “Kasi naman, mamey, may mga taong nangingielam ng buhay iba. Lalo na sa mga sikat. Hinahabol sila ng mga Entertainment writers at ginagawan ng istorya. At saka, sa ganda ba naman ng genes ng mga de Silva at walang nasa showbiz, kahit ako naiintriga sa personal nilang buhay. S’yempre, hindi lang ako OA. Minsan lang.” “At kaya nilang magtago kahit saan. May isla pa yata sila, e.” “Tangi! Sa asawa ‘yon ni Deanne Montevista. May isla ‘yun.” Napanguso si Gelay. “E, ano ‘yung article ni Ruth de Silva? Tungkol sa…. Blue Rose something?” “Aba, malay ko d’yan. May alak din silang kumpanya saka… may kinalaman din sa eroplano. Ganoon katindi ang yaman ng mga de Silva.” “Kung ganyan kayaman, kaimpluwensya na kayang magtago ng personal nilang buhay at halos mahiga sa pera, bakit initsapwera si Jewel, aber?” Natahimik silang lahat. Yumuko ako. Hindi nagpasindak si Tatay sa kung ano nga ba ang kakayahan at kapangyarihang ng mga de Silva na ito. Aaminin kong namamangha ako sa mga alam nina Mariposa sa pamilya ni Nick pero isinaalang-alang ko rin ang estado ng pamangkin ko. “Alam niyo ang mga gan’yang klaseng tao, namumuhay na lang sa pagkita ng milyon-milyon pero walang pakielam sa ugali at nagagawa nila sa iba. Ang bata pa noon ni Ruby. Ga-graduate pa lang tapos ano? Binuntis! At saka iniwan! Tapos ngayon, pupunta rito para makita at dalawin ang anak? Aba, ano siya, sinuswerte?” “Mamey, dalaw lang naman…” tila nanunuyong boses ni Mariposa. Tumayo si Tatay. Padabog niyang pinunasan ng basahan ang mga salamin ng salon. Nakasimangot ang mukha at aburido na. “Kahit na ano pa ‘yan! Walang kwenta pa ring lalaki ang tatakbuhan ang babaeng binuntis!” Tumikhim si Dyosa. “E kaso, Mamey, nagkausap na sila ni Pearl at saka ginamit din ni Ruby ang pangalan niya para alam mo na, sa pera. Ngayong nagkatakbuhan na, naghahabol din iyong tao. Tama ba, Pearl?” I calmly looked at my father. “May mga kaibigan din po siyang naloko ni Ruby, ‘tay. At saka… ‘yung sa hotel na nakuhaan siya ng security camera…” “Isa pa ‘yan. Mabigat na akusasyon ‘yan. Parang sinasabi niyang si Ruby ang pumatay do’n!” “Pero hindi naman derekta. May ilang oras pagkatapos umalis ni Ruby at saka nachugi.” “Sabi niya, sa imbestigasyon, nagpatiwakal daw si Alfred Go na ito. Hindi nakipag-cooperate si Ruby kung kaya naniniwala ang pamilyang may kinalaman siya…” Naniniwala rin akong walang derektang koneksyon ang kambal ko sa kung anong nangyari kay Alfred Go. Hindi naman pinakita sa akin ni Nick ang buong footage tulad ng kuha ng makita ito sa suite niyang walang buhay o ang mismong pagpunta ng mga pulis. Na-determine nila ang oras ng kamatayan nito at malamang lumabas na walang forced entry at hindi rin nanlaban. Maliban sa hindi pakikipagtulungan ni Ruby sa kaso, doon lang siya dinidiin ni Nick. Pati ng pamilya. Napahilot ng noo si Tatay sabay upo ulit. “Susmiyo. Habang tumatagal mas lalo yata akong nanlalata sa anak kong ‘yan… susme!” Binalingan ako ni Dyosa. “Pero ikaw, Pearl,” “Po?” bigla akong naalarma. “Sakali, ikaw ang haharap ulit doon. Napigilan ka niyang umalis ng Maynila. Hindi ka ba natatakot?” “Kaya nga magsabi na lang tayo ng totoo! Hindi ikaw si Ruby! Aminin mo na sa kanya para hindi ka mahirapan!” my father strongly suggested. Lumakad sa likuran ni tatay si Mariposa at hinagod ito sa likod. “Kalma lang, Mamey. Mukhang alam naman ni Pearl ang ginagawa niya. Saka… kailangan din ni Jewel ng Mommy.” “Napansin ko, mula nang dumating si Pearl, hindi na madalas umiiyak ngayon si Jewel. Palagi na rin siyang nakangiti.” Gelay said smiling at me. “Ilang araw pa lang naman, Gelay.” “Hindi si Pearl ang mommy ni Jewel. May sariling buhay din siya at mas maayos ang kalagayan niya sa Cebu. Doon kina ate Adora,” Tila nanlamig ang kamay ko. Kabado kong tiningnan si tatay. “’Tay… a-alam na po ni Nick na… taga-Cebu po ako,” Disappointment clearly showed on his face. Sina Mariposa naman ay nagulat at napasinghap. “Paano niya nalaman?” Tiningnan ko si Mariposa. “Nakita niya raw po ako sa condo ni Ruby. Hindi pa ako nagpapalit ng damit kaya sigurado siyang hindi si Ruby ang nakita niya. Nakasakay natin sa elevator…” Unti-unting bumagsak ang panga ni Mariposa. “Siya ‘yong matindi tumitig sa ‘yo sa elevator?” “Oo siya…” “Edi kilala ka na niya?” “Tinanong niya ako kung may plano kami. Ang sabi ko wala at wala na rito ang kakambal niya. Inalam niya ang totoo kong pangalan…” “Sinabi mo, anak?” Napalunok ako. Dapat hindi pero… takot na takot ako. Nag-uunahan ang mga salita sa utak ko ng mga oras na iyon. Dahan-dahan akong tumango. Napahawak na ng ulo si tatay. Nilapitan ako ni Gelay sa sofa. “Pero hindi pa rin niya alam na ikaw talaga si Pearl at hindi si Ruby?” Kabado akong tumango. “Ako pa rin si Ruby sa paningin niya.” Nagkatinginan sila at natahimik. Pagpatak ng alas-otso y media ay umiiyak na bumaba ng hagdanan si Jewel. Agad ko siyang nilapitan. Pagkakita niya sa akin, niyakap nito ang leeg ko at nagpabuhat. Tumahan at siniksik ang mukha sa leeg ko. “Mommy…” Pinaghanda ko siya ng almusal niyang pancake. Pagkakain ay pinaliguan ko bago nag-drawing sa mesa. Tinirintas ko ang buhok habang masayang nagkukulay. Nakatinginan kami ni tatay. Inilingan niya ako. Sa totoo lang, nagda-doubt din naman ako. Hindi ko masabing tama ang ginawa ko pero… kung para kay Jewel at tatay… kung mapapanatag ang pamangkin at matutulungan si tatay sa pagharap sa mga taong matindi ang galit sa kambal ko… hindi ako manghihinayang isangkalan ang sarili sa kanila. Iyong doubt ko ay para sa kakayahan, pero kung kaya ko bang panindigan… susubukan ko. Gusto ko ring umuwi sa amin. Gusto kong magsalita kina Tiya Adora, Tiya Bertha at Tiya Alma. Nasisiguro ko na agad na tututol sila at hindi na ako pababalikin ng maynila. Naisip kong… hindi naman ito habangbuhay, hindi ba? Uuwi rin si Ruby para kay Jewel. I will just replace her for the mean time. Oo, kalokohan pero may idudulot din namang maganda para sa iba. Ang mga tinakbuhan, kapag nakatanggap ng kaunting bayad ay mapapanatag. Magtatrabaho ako para mabayaran sila. And it is impossible for me to go home. Nariyan si Nick de Silva. Hindi ko pa sukat ang galamay niya kasi… paano niya nalamang aalis ako. Paano siya nakapasok as Grab driver. Siya ang pinakamatindi sa lahat ng humahabol kay Ruby. At tama rin si Mariposa. Kailangang bumalik dito ng kambal ko para maniwala silang may kakambal nga siya. Dahil kung ako lang, iisipin lang nilang may tililing ako at nagpapalit ng katauhan. Ruby needs to come back. Sinearch ko sa internet ang buong pangalan ni Nick. Natutulog na sa tabi ko si Jewel at patay na rin ang ilaw. Hinayaan kong bukas ang bintana para pumasok ang malamig na hangin. Sinasayaw nu’n ang kurtina at naliliwanagan din ng buwan. Kakaunti lang naman ang lumitaw. Lumabas ulit ang pinakita sa akin ni Mariposa. Iyong sa event. Tapos ay picture ng building ng DSTV Network. May another event siyang dinaluhan at nakunan ito ng litrato. Again, stolen shot pero official photographer naman ang kumuha. Nakasuot ito ng gray corporate suit. He has clean cut hair. Mukhang malambot haplusin ang buhok niya. May ibang kuhang nangingitim ang panga nito. Mayroon ding malinis. He looks better when he has rough skin. Iyong patubong stubble pa lang. Pero gwapo rin kapag bagong ahit. “Screenshot…” I whispered and did it. Hindi ko ma-download ang picture. Ito ang pinakamalinaw at malapit niyang kuha. Parang in-interview siya. Medyo nakataas ang dulo ng labi. Zinoom in ko para mas lalo kong makita ang kurbada at detalye ng kanyang mukha. Tinitigan ko ang panga niya. Makapal ang kilay at pilikmata. Double eyelid at saka ang ganda ng mata. Parang inaantok sa malapitan tingnan. Iyong ilong… ang tangos. I’ve seen his side view. Pero natitigan ko siya ng malaya sa litrato. I even imagine my fingertip sliding from his forehead to the bridge of his nose down to his reddish lips… down to his strong chin… Agad kong binaba ang cellphone. I pursed my lips tightly. Ano ‘yan, Pearl? Bakit mo in-imagine si Nick de Silva? Mahahawakan mo ba ang mukha niyan? Pinadausdos mo talaga sa gitnang bahagi ng mukha niya? Kung nakikita lang nina Tiyang Adora ang lumalabas na imahe sa utak ko, hinimatay na iyon. Malalim akong bumuntong hininga bago tinayo ulit ang cellphone. Tinitigan ko siya sandali. Binuksan ko ang ibang pictures niya. I found one when he was in a bar. Nakaupo sa couch at maraming kasama. Hindi siya pormal ngayon at mukhang maligaya sa litratong ito. “The de Silva siblings and cousins at the private party in Peyton.” – caption sa baba ng litrato. Tiningnan ko isa-isa ang mga kasama niya. Karamihan ay lalaki pero may babae rin naman at magaganda. May mga itsura. Totoo ang sinabi nila sa tungkol sa genes ng pamilyang ito. Lahat may personalidad na makakagaw ng pansin. Hindi ko masisisi ang mga writer at photographer. They all look like kings and queens and interesting even on the photo. Hindi rin mukhang mayayabang tingnan. They were just enjoying what they were enjoying. Pero litrato lang ito. Anong malay ko sa tunay nilang ugali. “Sino kaya rito si Yandrei…” Hindi ko masyadong inintindi ang pinagsasabi ni Ruby noon sa kanila. Kahit ang litrato ay hindi ko inalala. Dumaan lang sila sa paningin ko. Pero ngayon… parang gusto ko rin silang makita’t makilala. Is this what it means to be in the City? Lights are blinding. People are interesting. Hindi naman. Hindi lahat. Pero nagkaroon ako ng interest matapos kong makilala si Nick. Kumakain ba iyon ng balut? Napangiti ako. Binuksan at binasa ko ulit ang text niya. Hindi na ako nagreply. Wala pa rin siyang text. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nahanap ko ang litrato at kung sino si Deanne de Silva. She is married to a hotel magnate Yale Montevista. Oh. Itong Yale ang tinawag niya nu’ng nasa condo kami ni Ruby. May nakita rin akong picture ni Yale. Then, I found a gossip article about Dylan de Silva. That he married his former cousin Ruth Kamila Hilario. Namilog ang mata ko. Hindi naman daw magpinsan at may lumang article excerpt pang pinaalis niya ito sa pagiging de Silva. Sa isang birthday party. What? Sa mismong birthday party pa ng ama niyang si Johann de Silva. I found a photo and it was true. May ibang write up na sinusundan ang buhay ni Red de Silva. He’s still young. Siguro ay hindi nalalayo sa edad ko. “Is Red becoming the shadow of his father? Or the worst version?” – title tungkol sa kanya. Hindi ko na binasa dahil parang napaka-unreal na magsabi ng ganoon. Saka hindi ko naman kilala ang tatay no’n. I found another photo of Nick. Kasama na niya si Ysabella. Ang tinaguriang biggest star sa TV ngayon. Ang ganda ni Ysabella. Bagay sila ni Nick. Kahit hindi intimate ang litrato parang may sekreto sa pagitan nilang dalawa. “Kailangan bang maging big star para bagay sa kanya?” I murmured. Walang gana kong pinatay ang internet data ko. Tinabi ko ang cellphone. Matutulog na lang ako. Nawalan ako ng ganang saliksikin ang mga de Silva. Pati excitement at curiousity, nawala. He is big, Pearl. He is a successful businessman. And he is so handsome. Sinong babaeng ang itatapat mo d’yan? Edi dapat lang ‘yung ka-level naman niya. The biggest, most popular and award-winning actress na tulad ni Ysabella. I sighed. Masyado na akong tumitingila sa kanya. Paliwanag pa lang kalangitan, bumangon ako. Umupo muna ako sandali sa gilid ng kama. Mahimbing pa rin ang tulog ni Jewel. Wala naman akong ginawa kundi ang umupo at tumingin sa labas ng bintana. Malalim akong bumuntong hininga at tinanaw ang isip sa unang dilat agad ng mga mata ko. Iba na ngayon ang paligid ko. Pati ang mga taong nakakasalamuha ko. At malaki ang impluwensya ng desisyon ko. Malaki ang pagtutol ni Tatay Victorio kaso… payag ako. Oo. Pumapayag akong magpanggap na si Ruby sa harap ng mga taong iyon. Kahit sinabi ko sa kanyang uuwi pa rin ako sa amin. Pero nang harangan ako ni Nick de Silva… malaki ang impact na hindi ako makakabalik pa kung hindi ko sosolusyunan ang problema. I don’t want to leave like how my twin did to them. Kung aalis ako, nasaan si Ruby? Walang maiiwan dito kundi problema. At kung nasa Cebu nga ako, ano rin ang makabuluhang gagawin ko roon. Kung pwede namang tumulong dito. I also thought about my Aunties’ safety. Mabuti ngayon tahimik sila roon. Kailangan kong tumawag at magpaalam na magtatagal ako sa maynila. Kung hanggang kailan, mga isang buwan? Dalawa, tatlo—hindi ko pa makumpirma. Pero tutulong ako rito. Mayroong saysay ang pansamantalang pag-alis ko sa Carcar. Hindi ito basta-basta lang. Tutulungan ko ang pamilya ko. Hapon ng araw na iyon, may dumating na batang mag-asawa. Hinarap ko sila. Humingi ng tawad pero isang sampal ang inabot ko sa babae. “Walanghiya ka! Manloloko ka, Ruby!” Halos tumulo ang luha ko sa hapdi ng pisngi at hiyang sinapit. Kasama ito sa desisyon ko. Haharap ako. Itutuwid. Itatama hangga’t kaya. Kapag bumalik ang kambal kong dala ang pera nila, tapos na rin ito. “Alam ko pong hindi madali. Pero kakayanin ko, ‘tay. Maghahanap po ako ng trabaho. Tutulong ako sa kambal ko,” Tinalikuran ako ni Tatay. Susundan ko sana pero pinigilan ako ni Dyosa at siya munang sumunod. Nasa kusina sila. Sumilip din si Mariposa at palihim sa aking sinabi na umiiyak si tatay. May dalawang araw na hindi ako iniimikan ni Tatay. Pero pagkatapos ng sampal na inabot sa labas, wala nang dumating na naniningil at galit na galit kay Ruby. Napadasal akong sana last na iyon. Hihingin ko kay Ruby ang listahan ng mga tinakbuhan na kahit ang labo ay pipilitin kong gawan ng paraan. Kahit suntok sa buwan ang makaipon ng isang bilyon… sige, itutuloy kong bunuin. Dahil kung hindi ko sisimulan, kailan at paano pa? Baka ngayon mahirap tanggapin. Pasasaan pa… maaayos din ang lahat. At exactly ten PM, nabasa ko ang text message ni Nick. Kumalabog ang dibdib ko. Nick: Tomorrow, seven PM, I’ll be there. Okay lang? Bukas pupunta na siya! Napalunok ako. Nang pindutin ko ang reply, nanginginig pa rin ang daliri ko. Ako: Okay Napadantay ako sa dibdib ko. Parang naririnig ko ang boses niya sa letra ng salita niya. Nick: Is there a problem? Kumurap kurap ako. Napaisip. Ako: Wala. Maging mapagpasensya ka muna kay Jewel kapag umiyak siya. Hindi ka niya kilala Nick: Alright. Tulog na ba siya? Hindi ba maiistorbo kapag tumawag ako? Tumigil ang ikot ng mundo ko pagkabasa sa reply niya. Naghumerantado ang dibdib ko. Ganito kalakas ang epekto niya sa text pa lang? Pinakalma ko ang sarili. Binalingan ko si Jewel. Bahagyang nakaparte ng labi at tulog na tulog. Sa tingin ko ay hindi magigising kung mahina lang ang boses. Saka ako lang naman ang tao rito. Tumayo ako sa tabi ng bintana. Before I could type a reply, tumawag na siya! I sighed. Nagwawala na ang puso ko. "Hindi mo kailangan ng reply ko sa tanong mo?" bungad ko. Mabigat ang pagbuntong hininga niya. "Baka makatulugan mo 'ko." "Sumasagot naman ako sa text mo, ah. At hindi pa nagtatagal ang huling message mo." "Do we have a problem with this?" Saka ako natigilan. My lips parted and suddenly, I felt like I made a mistake. I could feel it in his tone. I gulped. "Wala naman..." and I bit my lip. He sighed. "Or maybe you're tired," I sighed too. "Nabigla lang ako sa... pagtawag mo. Hindi pa naman ako pagod." "May trabaho ka na ba? What are your plans by the way," "Maghahanap pa lang." Hindi siya kaagad nakaimik. Kinabahan naman ako. "Wala akong balak umalis kung iyan ang iniisip mo, Nick." Lalo pa ngayon. May pagbabanta siya. "I know. I just want to hear your plans, lady. Huwag kang masyadong defensive. Hindi mo pa ako nakikilala," he said like mocking me. I know who you are now. I know your family and businesses. And I'm so afraid to face you not being the real me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD