“Pinagpe-pray namin sa Diyos na nagbibigay sa atin ng kapayapaan na gawin nya kayong banal sa lahat ng bagay, para maging maayos ang lagay ng buo nyong pagkatao, ang espiritu, kaluluwa, at katawan nyo, hanggang dumating ang Panginoon nating si Jesus Christ.” – 1 Thessalonians 5:23
--
Chapter 12
Pearl
He wanted to show me the background of his family. Maybe I was overreacting. But I felt like he was inducing me of how powerful and rich they are. Parang titulo sa lipunan. Na kumikinang at hindi mahawakan. Hindi ako makapagsalita. Tulala. Lumilipad ang isipan ko sa kawalan at lumulutang ang bawat salita pagkarinig. Pagtawag sa akin ni Mark, napaigtad ako pagbaling sa kanya.
“You’re not listening to me.” he accused.
He kept his voice low when he was irritated. Bumaba ang tingin ko sa mga libro sa kandungan ko. Nakinig ako pero sadyang lumalayo ang isipan ko sa iba. Kilala ko na ang pamilya niya. Institusyon na ngang matatawag ang negosyo nila sa tatag nito sa larangan. Ilang henerasyon ang nagpalitan sa paghandle hanggang sa nakatakdang ipamana kay Mark.
“Sorry. Narinig ko naman ang sinasabi mo.”
“Hindi ka nakikinig. I am giving you my dreams… my future plans… pero pagtingin ko sa ‘yo, blangko ang mata mo. Hindi ka talaga nakikinig.”
Dumako ang mata niya sa quadrangle ng eskwelahan. Sumasayaw ang mga sanga at dahon ng mga puno dala ng hanging panghapon. May mga estudyante rin kaming kasama pero magkakalayo ang pwesto.
He looked at the ground coldly. He was disappointed, I could see it from the way he was pursing his lips.
Dumaan ang maingay na grupo sa likuran namin. Pareho kaming hindi nagsalita ni Mark. At paglagpas nila, nilingon ko siya. Na-guilty ako. Passionate siya. At parang kasiyahan na niyang ikwento iyon sa akin kaya madalas ay tahimik lang ako sa tabi niya. Minsan ay natutuwa ako. May oras ding natutulala lang tulad ngayon. I felt sorry hindi dahil nahuli niya ang kawalan ko ng interest kundi dahil sa naramdaman ko.
“I’m sorry, Mark.” I murmured and touched his hand.
He looked down on it. Mababaw lang ang pagdantay ko. Pero tumaas ang hinlalaki niya at unti unting hinaplos at hinawakang tuluyan ang kamay ko. Nagtagal ang paningin niya. Na parang isang mahalagang bagay ang kalong ng kamay niya.
“Wala akong ibang gustong makasama kundi ikaw, Pearl. At parang… hindi ko na kayang tumingin pa sa iba.”
I stared at him for a short moment. We didn’t talk. Then another guilt sprung in my chest. The feeling like as if I’ve done something wrong, I shouldn’t do. Wala akong masabing masama sa background ni Mark. Matalino siya. May future. Hindi ka pababayaan. Kaso… kahit ilang beses kong i-play sa utak ko ang mga sinasabi niya at tingnan ko man ang pamilya niya, oo maaaring hindi nila ako matanggap at matanggap man, hindi ko pa rin makita ang sarili na kasama sila bilang kapamilya.
Mark is a good man. There’s no doubt. Pero may doubt ako sa sarili.
Kaya ang sabi ko kay Pamela, hindi na ako mag-aasawa. Hindi naman pinagbabawal sa batas ang hindi pag-aasawa. Though I’m still young, sa ganitong edad pa lang ay alam ko na ang gusto ko. Hindi dahil wala akong pagpipilian. But it’s a matter of personal choice.
Indeed, people would forever question you why you’re choosing to be single all your life. Or quietly judging you. If you’re inside the circle with them, you will give your answer. But if you’re outside the circle and they’re left inside, you’ll rather ask yourself, ‘Why do I need to explain?’
Isa iyong walang katapusang talakayan, pero ayokong gawing sentro ng kanilang libangan.
Some people just don’t know how to get life or even understand it. Shallow minds are scattered. Isa na lang ang pinupursue ko, kung ano ang magagawa ng buhay ko para sa iba. But during those low events, my angsts are nowhere to be found. It’s a like telling you that life is indeed a roller coaster ride. The loops give you different feelings. Parang gusto mo nang bumaba pero hindi pwede. Kailangan mong tapangan hanggang sa matapos sa pag-ikot-ikot. Dahil alam mong matatapos din nang kusa. May time allocated. Na temporary lang ang nararamdaman mo. Eventually, ibang feelings naman ang mangingibabaw.
Thankful ako palagi sa mga taong naglalaan ng pagmamahal sa akin. Kay Mark, Pamela at sa mga Tiyang ko. Gusto ko silang mapasaya palagi. Kahit sa anong paraan. Pero kapag dumadapo na sa commitment na kasama ang puso ko’t katawan, napapaso ako. Mas gusto kong exclusive sa akin ang parteng iyon. That I am better for giving service without including the deep meaning of myself. And at that realization, I’ve noticed that I am sparing my heart and soul all for one corner. It will not be touched by anyone. That part of me is sacred. Because that is the only part of me that I can call mine.
“Hindi kaya… binayaran na ni Mr. de Silva kaya wala nang nananakot dito?”
Palagi na naming pinag-uusapan si Nick sa bahay. Kapag kumakain, kapag walang customer at kapag tulog si Jewel. Tulad ngayon, nasa kusina kami at si Jewel ay nanonood sa labas kasama si Gelay.
“Wala tayong ideya kaya ‘wag magsalita nang tapos. Kung sakali mang ginawa niya iyon, bakit?”
Nagsalubong ang kilay ni Tatay Vic. Tulad nina Dyosa at Mariposa. Hindi pa naman nasisigurong inabonohan nga ni Nick. Ang nasabi ko lang ay may kumausap sa kanila, ayon na rin sa sinabi niya. Iyong Hector. At kung tama ako, siya iyong Attorney Fronteras na hinahanap ni Yandrei sa kanya. Nagconclude silang binayaran na niya para hindi na manggulo.
“Iyon ang malaking tanong. Bakit? Dahil ba sa anak niya kay Ruby?”
“Maaari. Kasi delikado para sa kanya kung may banta sa buhay ng ina niya. Tulad no’ng nagpunta ritong gustong saktan si Pearl. Na akala si Ruby.”
“Pero malaking pera iyon. Kaya ba niyang… ano, b-bayaran?”
Money is money. Hindi ko kilalang lubos si Nick de Silva. At kahit siya pa ang ama ng pamangkin ko, kaya ba niyang magpakawala ng malaking halaga? Hindi biro ang isang bilyon. Nagtyaga rin si Ruby na makahikayat ng tao para makalikom ng ganyang kahiganteng halaga.
“Sa yaman nila, oo naman, Perlas. Kita mo naman ang pamilya nu’n,”
Nalaman ko ang tungkol sa mga De Silva dahil kay Ruby. Sa pagkakakwento niya, parang ginto kung tingnan ang mga ito. Mapapabilang ka sa mga bituin at may access ka sa maraming bagay. Nag enjoy daw ba siya paggamit ng pangalan ni Nick? As her financier and boyfriend? At kahit si Mariposa ay paniwalang paniwalang magagawang maglabas ng isang bilyon si Nick para mapalitan ang kinuha ng kambal ko.
Ang research ko sa kanila ay kulang kung sa internet lang ako dedepende. Pero… kung value ng kanilang negosyo at ari-arian ang pag-uusapan… oo, walang dudang may kakayahan nga siyang gawin iyon.
Nakakalula. Pwede niyang i-solve ang problema sa mabilis na paraan. Sa pera lang. Sa side namin, panibagong suliranin pa rin. Hindi. Ganoon pa rin. Naiba lang ang haharapin.
Unang linggo ng Abril, maagang dumating sa bahay si Nick para sumabay sa amin sa pagsimba. Sinundo niya kami. Si Tatay ay hindi na makatangging sumakay sa BMW. Pinili niyang sa likod sumakay katabi si Jewel kaya ako ang katabi ni Nick sa harapan nang magmaneho ito. He is wearing a white polo shirt and black jeans. His jaw was freshly shaved. Kumakalat sa hangin ang halimuyak niya at naconscious ako sa sariling amoy kahit bagong ligo naman ako. He was effortlessly handsome. What a curse.
Pagdating naming lahat sa simbahan ay nag-uumpisa na ang misa pero hindi pa nagsesermon ang Pari. Naupo sa kami sa bandang gitna. Si Nick ang naghanap ng mauupuan naming apat. Siya rin ang huling naupo… sa tabi ko. Nasa dulo kami. Nang may dumating na isang matandang babae at batang kasama nito, umusod ako sa kanya para magka-space sila sa side ni Tatay kung saan may kaunting espasyo. Then, I sat up straight and was very awkward.
Kung hindi ko kasama si Jewel, naging bato na ako rito. May time na may sinasabi at tinatanong si Jewel. She wasn’t really listening but curious and bored the whole time. Si Tatay ay seryosong nakikinig sa misa. Ako ay tahimik. Paminsan-minsan ay sumusulyap kay Nick. Hindi niya ako nililingon pero pagkaalis ng tingin ko saka niya ako nililingon. Seryoso rin ang mukha niya. He took my hand during “Our Father.”
Parang normal na araw ng linggo lang iyon. Sa loob ng simbahan, may taong attentive makinig, sumagot at kumanta. May mga tao ring pabaling-baling, galaw nang galaw, umiikot ang leeg at malalim na bumubuntong hininga. Pagkatapos ng misa, kanya-kanyang usap, ingay at kilos na ang lahat. Hinawakan ko sa kamay si Jewel habang nakasunod sa likod namin si Nick. He is quiet. Aalis daw kami after mass. Pero ihahatid muna si Tatay Vic sa bahay.
Palapit na kami sa malapad na gate ng simbahan nang may tumawag kay Tatay. Lumilim kami sa malaking puno. Bahagya akong lumayo sa dalawang taong palapit sa kanya. Si Nick tumabi sa amin.
“’Yan ba ang tatay ng apo mo, Victorio? Ang gwapo, ah!”
Nilingon nila kami. Humawak ako ng mahigpit sa kamay ni Jewel at sa bag ko. Dagsa ang mga taong paalis. May nakatinginan akong lalaki. Sa tingin ko ay kasing edad ko rin. Kumunot ang mata tapos ay ngumisi ng ilang segundo. Agad kong inalis ang paningin at lumunok sa kaba.
“Ah… o-oo. Siya nga.”
Namilog ang mata ng babaeng nagtanong. Her lips formed an O shape and looked at Nick again. This time, mas matagal at hinaguran niya ang kabuuan ng tao. Sinundan pa niya ng tingin nang lumapit sina Nick at Jewel sa tindero ng lobong hugis ng cartoon characters. Naiwan ako mag-isa. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko nang mawala sa kamay ko si Jewel. Kaya kinuyom ko ang kamao.
“Akala ko bagong jowa na naman ni Ruby. Buti mukhang tumino na. Wala na raw trabaho?”
She checked me out and my church dress. Nakasuot ako ng puting sleeveless at white sneakers. Pinili kong maging komportable sa araw na ito para sa lakad namin mamaya at dahil mainit din ang panahon. Nakita ko ito sa closet ni Ruby sa pinakailalim pa. Alam kong hindi niya ito sinusuot. Ang suot ni Jewel halos pareho ng sa akin. May cartoon na design lang ang damit niya at plain ang sa akin.
“Nagresign na siya sa Travel agency, Dolor. Para makabonding naman ang apo ko.”
Mahinang tumawa ang babae at tiningnan din siya ng kanyang anak.
“Bonding? E ang dinig ko maraming na-scam ‘yang anak mo. Tinanggal ba siya sa agency niya? Sana makahanap agad ng bago, ano? Sa hirap pa naman ng buhay ngayon.”
“Scammer siya, Mama?”
Napayuko ako ng tinuro ng kanyang anak.
“’Wag kang maingay, anak. Nasa simbahan tayo!” saway niya. Parang nagsasaway lang ng musmos na bata.
Hindi mukhang napahiya o kahit nag-aapologize ang mukha ng anak niyang teenager. Pagkatapos niya akong sulyapan na tila taong wanted sa batas sa kanyang mata, bahagya itong yumuko at nagcellphone ulit. Ayaw na niyang makausap ang klaseng kong nilalang.
“Naloko lang din itong si Ruby, Dolor. Hinahanap na nga niya ang leader ng junket operator. Nagtatrabaho ng matino itong anak ko tapos gaganunin? Hindi tama ‘yon. At kahit sinong makausap namin palaging siya ang tinuturo. Ang bibilis mambintang at magsalita ng mga taong walang alam sa nangyayari. Ang daming judgmental sa mundo pati rito sa atin.”
Bumalik ang mag-ama sa tabi ko. Tuwang tuwa si Jewel sa mukha ni Hello Kitty. Pinakita niya sa akin. Tipid akong ngumiti. Iniwas kong makita ang mukha at mata ni Nick. Dahil alam kong nawiwitness na niya ang isa sa mga panliliit at pagsasalita ng hindi maganda kay Ruby.
“Ah, ganoon ba? Naku, ipagdasal natin ang ganyang tao. Mga walang budhi. Naghihirap ang mga tao sa paghahanapbuhay tapos gogoyoin nila. Ano, nagsampa na ba kayo ng kaso? May nahuli na?”
“Wala pa, Dolor. Ang dinig ni Ruby ay nasa ibang bansa pa raw.”
“Sana mahuli na at mabasawan ang ganyang tao. Walang puso! E saan ka ngayon pumapasok, Ruby?”
I startled a bit. Tila nagbago ng kulay ang paligid at pati ang mga negatibo kong naisip at sakit ay bahagyang nalusaw kasama ng init ng araw. This is not good.
“Wala pa po sa ngayon. Naghahanap ulit.”
“Ah. O sige. Kaya mo ‘yan. Maganda ka naman. Tyaka marami kang mapapasukang trabaho. ‘Di ba nga, trabaho ang lumalapit sa ‘yo?” malakas itong tumawa. “Dami ring naiinggit sa ‘yo rito sa atin. Amoy expensive ka nga raw. Tapos itong tatay ng anak mo, mukhang yayamanin!” tumawa siya ulit pero namula ang mukha. “Makakaahon ka na sa hirap, Ruby!”
“Ma, bunganga mo.” sabay hila sa kanya ng anak sa braso.
“Heh! Nakikipag-usap lang ako.”
“Ang lakas lakas kasi ng tawa mo, Ma!”
Hindi niya pinansin ang anak. Malaki ang kanyang ngiti pagbaling sa amin. Lalo na kay Nick.
“Napakaswerte talaga sa lalaki nitong si Ruby. Kahit noon pa. Kaya nga si Sheena, selos na selos sa ‘yo. Oo. Totoo. Doon sa bar na pinagtatrabuan niya, walang ibang bukambibig kundi si Ruby na lapitin ng swerte. Maganda na, maappeal pa. Halos lahat ng lalaki yata may crush sa ‘yo, e. Tanungin mo pa!”
“Nako, hindi kami interisado, Dolor. Sige na. Uuwi na kami’t magluluto pa ako ng ulam. Una na kami sa inyo.”
Hindi kaagad nakakilos ang babae. Nagulat sa pagpapaalam ni Tatay. Binuhat ni Nick si Jewel at nauna nang naglakad sa paradahan ng sasakyan. Hinawakan naman ni Tatay ang siko ko at hinila paalis doon.
“’Wag mo nang tingnan at baka may sabihin na naman ‘yan.”
Marahan akong tumango. “Opo, ‘tay.”
Magkakahalo ang naramdaman ko. Nerbyos, inis at uminit din ang pisngi ko. Walang magandang sinabi iyong babae at kahit patungan niya ng magagandang salita, hindi pa rin ako natutuwa. She is the kind of person I will never trust. Tinangay ako ni Tatay hanggang sa sasakyan ni Nick. Hindi na namin pinag-usapan ang babae pati ang kaso ni Ruby.
Kahit si Nick ay tahimik. Kita ko ang buhos niya ng atensyon sa kanyang anak. Nag-uusap na sila habang nagdadrive siya. Pagkauwi namin, si Gelay ang kapalit sa likod ni Tatay.
“Okay lang ba sa ‘yong ipasama ko si Gelay, Mr. de Silva?”
Hindi ngumiti si Nick. Hindi rin sumimangot. Wala siyang pakielam kahit sino pa ang ipasama ni Tatay sa amin sa pamamasyal.
“Ayos lang po. ‘Wag niyo na pong tawagin sa apelyido, Mr. Herrera. Nick na lang po.” tuloy tuloy niyang sabi.
Nagkasulyapan kami ni Gelay. Habang sinusuklay ko ang buhok ni Jewel.
Tumikhim si Tatay. “O sige. Mag-ingat kayo, ha? ‘Wag mong pabayaan ang mag-ina. Kapag may mangyaring hindi ko nagustuhan… hindi na ito mauulit. Nagkakaintindihan ba tayo, Nick?”
Binalingan ako ni Nick sa salamin. I dropped my eyes on Jewel’s hair and the comb I am using. Malamig pa rin sa kanya si Tatay. Sa oras na ito, alam na naming nakarating iyon kay Nick.
“Wala po akong gagawin na hindi maganda sa mag-ina ko. Iuuwi ko po sila ng ligtas dito.”
Gumapang ang init sa batok ko.
“E, mabuti nang nagkakaintindihan tayo. Alam naman nating ito ang unang beses na ilalabas mo sina Ruby at Jewel. At hindi rin lihim sa amin ang atraso sa ‘yo ng anak ko. E, walang-wala kami kumpara sa tulad mo. Kaya sana, ang hiling ko lang, ingatan mo sila habang kasama mo. Kahit wala kaming pangtapat sa ‘yo, ‘wag mo na lang idamay ang bata. Ibang usapan na ‘yon,”
“Kahit hindi niyo po sabihin ‘yan, aalagaan ko sila. Mas lalo na po ngayon na binigyan niyo ako ng karapatan sa anak namin. Nagpapasalamat po ako nang malaki sa inyo ni Ruby, Mr. Herrera.”
“Ang sa akin lang ay maging mabuti kang ama para kay Jewel. Maswerte kayong dalawa at napakabait ng anak ninyo. Sana ‘wag mong baliin ang pangako mo.”
“Ako po ang bahala, Sir.”
Marahang tumango si Tatay at pinanliitan ng mata si Nick.
“Hindi ka ba naaalibadbaran sa akin dahil bakla ako, ha? Baka naman sa loob-loob mo, asiwang-asiwa ka sa akin at nagtitiis lang dito, aber?”
Lumihis sa isip kong magtatanong ng ganito si Tatay. Natigilan pa ako at tumingin sa kanya.
Kalmadong ngumiti si Nick. Umiling at saka namulsa. He isn’t frightened not even an inch of it. Naconfuse lang nang kaunti kay Tatay.
“Hindi po ako pinalaki ng ganyan ng mga magulang ko, Sir. Tinuruan po kaming magkakapatid na gumalang sa lahat ng tao. Mayaman man o mahirap. Pati sa sekswalidad. Lalo na po kung nagtatrabaho nang maayos at walang ginagawang masama. At kung ikakapanatag niyo po, katulad niyo ang bestfriend ng mommy ko. Malapit din po kami sa kanya. Hindi po kami tumitingin sa panlabas at katayuan ng tao, Sir. Hindi kami ganyan kababaw.”
“Ahh. Akala ko lang naman, hijo. Pasensya ka na. Gusto ko lang makilala ang taong malapit din sa apo ko.”
“Naiintindihan ko po. At mapagkakatiwalaan niyo ako, Sir. Lalo na sa anak niyo.”
“Mabuti naman kung ganoon. Nabawasan ang pag-aalala ko.”
Tiningnan ko si Nick sa salamin. Deretso ang kanyang tingin kay Tatay. May paggalang pati sa pananalita. Nang banggitin niya ang tungkol sa pagpapalaki sa kanila ng mga kapatid niya, kita ko sa mukha niya ang pagmamalaki. Hindi nag-i-stutter. Alam ang sinasabi. Malinaw ang boses at matapang. He is intelligent. I guess. Kung hindi, hindi niya iyon masasabi.
Bumigat ang pakiramdam ko. Kahit sa pagngiti ay sandali kong hindi magawa. May pinong kirot sa dibdib akong naramdaman. Nag-uunahan ang mga salita sa isip ko pero pinalipad ko sa ibang dereksyon. Ang pang-umagang hangin ay biglang nakakairita sa balat. Pinokus ko na lang ang mata kay Jewel at paminsan-minsan. Tumatahimik ako kapag sila ni Nick ang nag-uusap.
Nick is my niece’s father. I will remember that always. No excuses. No buts, Pearl. He is your twin’s man. Or maybe Ex. Kahit ano pa iyan. Pero ang pinakauna, siya ay ama ni Jewel.
I pouted my lips a bit while staring at the window. Naaalarma ako. Hindi rin siya magugustuhan nina Tiya Adora. Kahit sinong lalaki ay ayaw nila sa akin. At… wala na akong balak mag-asawa pa. Mali na nga ang nasa isip ko, nababali pa ang plano ko.
Dinala kami sa Mall ni Nick. Pinaglaro si Jewel sa isang kids’s station. Si Nick na ang pinasama kong bantay sa loob. Akala ko ay aayaw dahil bigla akong tinitigan. Pero nang yayain ko si Gelay na uminom, saka siya pumayag at naghubad ng sapatos.
Sandali lang kami nawala ni Gelay. Binalikan ko rin sa kid’s station ang mag-ama. Napapanood ko sila sa dingding na salamin. Hindi ko sila agad nahanap dahil maraming bata ang naglalaro. Nag-i-slide si Jewel. Sumusuot sa tunnel. Si Nick ay nakabantay sa labas. He stood broodily. Nakahalukipkip ito pero ang mata alerto sa kung nasaan ang anak. At pag-slide ni Jewel, inalayaan niya sa pagtayo. Pero mabilis na kumawala si Jewel. Sumunod si Nick. Doon sa pool ng mga bola.
“Paano kaya niya nagustuhan si Ruby, ‘no?”
Hindi ko inalis ang tingin sa mag-ama. Enjoy na enjoy si Jewel. Wala na siyang pakielam sa pagsunod at suway sa kanya ni Nick. Sumampa si Nick sa mga bola dahil pumunta sa gitna si Jewel. May malaking inflated unicorn doon. Pilit sumasampa si Jewel kaya inalalayan ni Nick. Mukhang may baong pasensya naman ito.
“Okay naman pala siya sa pagiging ama, e. Siguro natakot lang nang mabuntis ang kambal mo.”
Bumagal ang paghinga ko. My shoulder softened with Gelay’s words. Baka tama siya. Noon, natakot si Nick. Bata si Ruby. At bachelor siya. Meaning, hindi sila parehong handa at walang malinaw na relasyon. At ngayon pagkatapos maipanganak ang bata, nagkaroon na ng lakas ng loob humarap sa responsibilidad. Mas kaya na.
“Mabuti at nakaya ni Ruby mag-isa. Hindi biro ang mabuntis habang nag-aaral pa. Baka dahil sa lakas ng loob at tapang kaya… nagustuhan ni Nick ang kambal ko.”
“Sabagay. Extroverted si Ruby. Magaling magsalita saka marunong makibagay. Lalo kung talagang tipo niya ang tao,”
Nilingon ko si Gelay. “Hindi lang naman si Ruby ang bumuo kay Jewel. Kahit ganyan pa ang ugali niya, ang lalaking matino ay hindi iiwan ang babaeng nabuntis. Kahit sabihin pa nating hindi sila handa pareho. O nabigla at walang plano. Hindi porke masama ang ugali ng kapatid ko, hindi na siya pwedeng magustuhan. May mabuti pa rin sa puso niya.”
Napakamot ito sa batok. “Pasensya na, Pearl. Nasanay na kasi kami sa kakaibang ugali ni Ruby. Saka mas matagal ko na siyang kilala kaysa sa ‘yo. Pero sa tingin ko tama ka naman. Kita mo nga ay nakaya niyang ipagbuntis si Jewel.”
I sighed. “Dapat mabago natin ang tingin niyo kay Ruby. Lalo na may Jewel siya. Alam kong nagbabago ang ina dahil anak.”
After an hour, lumabas ng palaruan si Jewel na pawis na pawis. Agad itong nanghingi ng tubig. Binuksan ko ang takip ng bottled water at binigay sa kanya. Kumuha ako ng bagong bimpo sa dala kong bag para pampalit sa likod nito at punas na rin sa noo at leeg.
Pinapanood kami ni Nick. Wala akong extrang tubig para sa kanya. Siguro naman, hindi siya napagod sa pagbabantay kay Jewel?
“Nauuhaw ka rin ba?” tanong ko.
He shook his head. Then sighed. “Kumain na tayo.”
Tumango ako at kuha sa tubig ni Jewel. Pinunasan ko ang labi at inayos ko ang ipit niyang nagulo. May pinapanood na batang maiingay si Gelay. Tinawag ko na siya nang magsimulang maglakad si Nick.
Nagtatalon si Jewel nang makita ang estatwa ni Jollibee. Hindi agad iyon napansin si Nick dahil sa restaurant siya nakatingin. Pagsigaw ni Jewel kay Jollibee, binalingan niya kami at ang tinuturo ng anak niya.
Hindi ako sure kung nakakain na siya sa ganito. Sinamahan ko siyang um-order. At siya na rin ang nagbayad. Agad kong tinabi ang isang libong nilabas ko dahil matalim niya akong tiningnan. Pinagkibit ko lang balikat.
Pagkatapos naming kumain, dinala kami ni Nick sa bilihan ng mga laruan. Kumuha pa siya ng cart. Nagniningning ang mata ng pamangkin ko paghakbang pa lang sa loob. Nagdala naman ako ng pera panggastos ni Jewel. Pero nang magturo ito ng doll house at makita ko ang presyo, pinagpawisan yata ako. Kinuha iyon ni Nick at nilagay sa cart!
Sunud-sunod ang pagturo ni Jewel at kuha ni Nick. Hindi yata niya nakikita ang presyo o baka wala siyang ideya. Nang halos umapaw ang cart, hinabol ko na siya.
“Masyado na ‘yang marami, Nick. ‘Wag mo masyadong i-spoil si Jewel.” Bulong ko. Nakangiting nakatingin sa amin ang mga staff ng tindahan. Kumpara sa ibang customer, sa amin ang pinakabongga.
Isang beses niyang sinulyapan ang kinuhang laruan. Kumunot ang noo.
“Marami na ba ‘yan? Kulang pa yata ‘to.”
Nagulantang ako. “Oo. Wala na kaming paglalagyan niyan sa kwarto.”
“Gusto kong makabawi sa bata. I-dispose mo o ipamigay kapag nagsawa at nakalakihan na. Ang mahalaga ay naranasan niyang magkaroon ng ganyang laruan. Hindi lahat nakakaranas magkaganyan.”
I can see his point. But then…
“Alam ko ang pinipinpoint mo. Pero marami na nga ‘yan. Baka hindi pa malaro lahat. Sayang ang pera.”
He stopped and possibly pissed while staring at me. “’Wag mong problemahin ang gagastuhin. Akong bahala sa lahat. Kapag lalabas tayo, palaging ako ang magbabayad. Ako ang bahala sa inyo. Pero kung iniisip mong sobra na ‘to…”
“Sobra sobra na. Itong oras na nilaan mo para sa kanya ang pinakamahalaga sa lahat, Nick. Extravagance gift is just a small fraction out of this. I do appreciate your effort. But please… don’t spoil her too much. Baka ang tumatak sa isip niya ay ang galante niyang daddy imbes ang effort mong bumawi. I won’t stop you from buying her anything she wants but please don’t do it too much.” I knew that I almost beg. Kaya tinitigan niya ako.
I gulped and I felt like I did too much. I exaggerated these toys even if he can pay for it. At hindi pa ako ng mommy ni Jewel. Tita pa lang ang concern ko pero ang pakiramdam ko lumampas ako sa boundary.
Tumikhim si Gelay sa likuran ko. Bumaling ako sa kanya at kagat ko ang labi kong hindi mapigilan ang rason.
“Pagod na yata si Jewel, Ruby, Nick. Humihikab na, e.”
Hinanap ko agad si Jewel. Nakita ko sa isle ng mga stuffed toys at inaasikaso ng isang babaeng staff. Tinawag ko at malamlam na nga ang mga mata.
“Mommy…”
Nagpabuhat na sa akin. Tinagilid niya ang mukha sa balikat ko’t binagsak. Hinagod ko ang kanyang likod habang naglalakad papunta sa cashier.
Tinatanaw kami ni Nick. Nilabas nito ang card at binigay sa kahera. Sandali kaming nagtitigan. Hindi na ako nagsalita. Bumuntong hininga lang ito. Hinintay kong matapos ang pagbabayad. Pagbalik namin sa sasakyan, tulog na tulog pa rin si Jewel.
Hindi na kami nakapasyal masyado at umuwi na lang din. Bukod sa nakatulog si Jewel, hindi na kami nagkikibuan ng daddy niya. Si Gelay naman ay sobrang tahimik din sa likod na siyang katabi ng pamangkin ko.
I am not mad. Malayo roon. Kinabahan ako sa nasabi kay Nick at baka siya ang na-offend ko. Baka pakiramdam niya ay pinangungunahan ko ang effort niya. At ganoon lang siya bumawi sa anak. But since then, hindi na siya gaanong kumikibo.
Pasado alas kuatro ng hapon, nakauwi kami sa bahay. Binuhat ko Jewel mula sa sasakyan. Tumulong si Gelay sa pagpasok ng mga nabiling laruan kasama si Nick.
Dumeretso ako ng akyat sa kwarto. Sinalubong ako ng mainit na singaw. Nilapag ko muna sa kama ang pamangkin. Binuksan ko ang bintana at hinawi ang kurtina. Pinaikot ko ang electric fan para humawi ang mainit na klima. Bumaba na ang matinding araw.
Pagbaba ko, halos mapuno ng mga pinamili ang sahig ng salon. Iyong iba ay pinagpatong-patong na lang para may madaanan.
“Susunduin kita ng nine PM.”
Lumipad ang paningin ko kay Nick. Naroon ang lahat at tahimik.
“Nine? Sige. Pwede ko bang isama ulit si Gelay?”
“Si Mariposa na lang, Ruby. Uuwi ako sa amin mamaya, e.”
“Thank you sa pagsama kanina, Gelay.”
Tinaas nito ang kamay at nag-approve sign.
Nick looked at Mariposa. Umayos ng tayo ang kaibigan ko na para bang pipiliin siya nito.
“Pwede. Mga twelve siguro ihahatid ko kayo o mas maaga pa.”
“Ay hindi strict ang parents ko, Mr. de Silva. Kahit twelve-o-one pwede ako!”
Nick smirked slowly. He looked… tired? Tila bumaba ang energy niya. His eyes say so.
“Okay na ang twelve. Baka magalit si Mr. Herrera kapag late kong binalik dito ang anak niya. Alis na ako.”
Lumapit ako sa kanya. Tiningnan niya ako. Ramdam ko ang lamig ng hangin na nakapalibot sa pagitan namin. Pumunta ako sa pintuan para ihatid siya. At paglabas niya, hindi na ako umalis sa hamba. Tumigil siya bago sumakay sa loob ng sasakyan.
“Nine PM. Magtetext ako.”
Tumango ako sa naaayon na sagot. “Sige. Thanks.”
Sandali niya akong tinitigan. Mukhang pagod nga siya. Pagsakay niya sa loob, pinailaw niya ang sasakyan at nagmaneho paalis sa lugar namin.
At exactly nine PM, he arrived. Nakapagbihis na ako. Skinny jeans at kulay gray na hapit na blouse. Squared neckline at malapad ang strap. Kinulot ni Mariposa ang dulo ng buhok ko at inayusan ako nang kaunti. Ang sabi niya mild version ng gabi-gabing lakad ni Ruby.
“Hindi naman nagbago ang mukha mo kaya keri na ‘yan. At para s’yempre kumportable ka. First time mo ‘to, ‘di ba?”
Tumango ako. He made my face pretty. Kinakabahan talaga ako sa pag-uusapan namin doon kasama ng kaanak ni Nick. Buti kasama ko si Mariposa. Hindi ako gaanong mabubulol o ano.
Hindi na pumasok sa bahay si Nick. Nagpalit din siya ng suot. Kulay itim na knitted longsleeves na nirolyo sa siko at maong jeans. He is dashingly handsome and he knows how to present himself comfortably.
Hinaguran niya ako. Tumaas ang kilay niya. Pero hindi kumibo. Hinayaan ko. Tumikhim ako. Pagkabukas niya ng pinto sa passenger seat, naupo ako. Si Mariposa ay pinagbuksan din niya.
“Thank you, Mr. de Silva!”
“Nick na lang.”
“Ay nakakahiya. Pero gorabels!”
Nick chuckled and closed his door. Sumakay na rin ito sa driver seat at pinaandar ang BMW niya.
Nagpapasalamat akong narito talaga si Mariposa. Kada lingon ni Nick sa akin, tumatalon ang pulso ko. Hindi naman nagbago ang mukha ko. Ako rin ang kasama niya kanina sa Mall kaya okay lang siguro ang ayos ko.
Tahimik niya kaming dinala sa Peyton Bar. Natigilan ako. Parang gusto kong umatras pagbaba ng sasakyan.