Chapter 11

4246 Words
“Wag nyong kontrahin ang Holy Spirit. Wag nyong balewalain ang pagpi-preach ng mensahe galing sa Diyos, pero i-test nyo ang lahat ng bagay, piliin nyo ang mabuti, at layuan nyo ang lahat ng klase ng kasamaan.” – 1 Thessalonians 5:19-22 -- Chapter 11 Pearl Binilhan ako ng mamahaling cellphone ng ama ni Jewel. Presyong nagpagulat sa akin. Buong lakas kong pinigilan ang sariling huwag tanggihan at baka isipin niyang hindi ako si Ruby. Hindi tumatanggi si Ruby sa expensive items. Kaya pigil na pigil ako at tikom ang labi ko. Binigay niya rin sa akin ang sustento niya para sa bata at sinabi pang para sa amin ng anak niya ang cash na iyon. Nakalagay sa short brown envelope na tinupi pero makapal pa rin ang itsura. Inabot ko iyon kay tatay, pero ni hindi niya hinawakan. Ayaw niya. Kung pwede kong isoli ay gawin ko raw. Pero hindi ganoon si Ruby. Halos isang buong araw kong inisip kung saan ko itatago ang pera ni Jewel na bigay ng ama niya. Pera ng pamangkin ko. That’s the right term. At kahit alam ni Nick na ako ang ina, hindi ko pa rin babawasan para sa sarili. May pera naman ako at okay na iyon. Mag-oopen na lang ako ng bank account ni Jewel. At ang mamahaling cellphone, isosoli ko. Iiwan ko rito pagkatapos ng papel ko sa buhay nilang lahat. Palagi kong pinapaalala sa sariling pumunta ako rito nang wala at babalik ako sa amin nang wala. Ang nag-iisang mahalagang bagay na nangyari ay nakilala at nakasama ko sina Tatay Vic at Jewel. Nakilala ko ang kambal ko. Siguro ay matatawag kong ‘silip’ ang nangyayari ngayon tungkol sa buhay niya. I don’t want to judge my twin sister. Ayokong maging kapareho ng tingin ko sa kanya ang tingin sa kanya ng mga tao sa kanyang paligid. Kahit pa iyon masama. Lalo na sa galit na nararamdaman kong mayroon si Nick sa ina ng anak. There are always two sides in the story. I want to know my twin’s side. I want to spend time and learn more about her. Malilinawan niya rin ito pagbalik niya. “Ngayong nag-abot na, saka niyo naman gustong tanggihan. Baka gustong bumawi ni Mr. de Silva sa ilang taon niyang pagkukulang sa anak.” Kinuwento ni Tatay kina Dyosa ang ginawa ni Nick para kay Jewel. Nasa kusina ako at nagpiprito ng manok. Kasama ko si Jewel. Nakaupo sa mesa at nanonood ng cartoon sa bagong cellphone. Walang customer. Pare-pareho silang nanonood ng panghapong drama sa TV. “Saka feeling ko hindi ‘yan tatanggihan ni Ruby. Naghirap din naman siya sa pagbubuntis at panganganak. Kahit pa sabihing halos ikaw Mamey ang nag-alaga sa apo mo.” “Kung tutuusin, late na siya sa pagsustento. Pero kung nakakagulat man ang binigay, hayaan niyo na. Kay Jewel naman ‘yon. Manager na lang kayo.” “Teka, teka, teka nga. Kanino ba kayo kakampi? Sa Nick na ‘yon o sa amin? E, wala akong ibang marinig sa inyo kundi papuri sa damuhong lalaking ‘yon. Kung hindi dahil sa kanya, hindi maagang mabubuntis ang anak ko!” “Kung hindi rin dahil sa kanya, wala kang cute na apo, Mamey.” Boses ni Mariposa. “Crush na crush mo talaga ‘yon, Mariposa.” Boses ni Gelay. “Kaya bias ang opinyon niyan. Pero Mamey, naiintindihan ko ang sama ng loob mo kay Nick. Sinisisi mo sa kanya ang pagiging iresponsable niya noon. Kaya kahit tuparin niya ngayon ang role niyang ama ni Jewel, balewala sa ‘yo ang mga ibibigay niya kasi personal ang galit mo sa tao. ‘Wag mo na lang pakinggan ang mga sinasabi ni Mariposa kasi gusto lang niyang makapunta sa TV station no’n.” Parang mabigat na topic sa bahay ang unang pagbibigay ni Nick ng sustento sa pamangkin ko. Ang maganda kay Tatay, nilalabas niya ang sama ng loob sa mapagkakatiwalaang mga kaibigan. Kung hindi, matagal na sigurong alam ng mga kapitbahay naming hindi ako si Ruby kahit minsan ay natatawag nila akong Perlas. Ang pinag-uusapan sa salon, naiiwan sa salon. Kaya lang, naririnig ko naman ang dinadala nilang kwento galing labas. Kaya medyo updated ako sa buhay ng ilang kapitbahay namin. Hindi na muna ako sumali sa kanila. Nanatili ako sa kusina hanggang matapos ang niluluto ko. At nang matapos, tumabi ako kay Jewel at sinuklay ko ang buhok. Paminsan-minsan ay natutulala ako sa kanya. Nabuksan ko na ang f*******: ko at pinalitan ko rin ang mga password na nakabukas sa nawala kong cellphone. Bilin iyon ni Nick pagkauwi namin galing sa SM. Binilhan niya rin ako ng sim card. Agad niyang kinuha ang bago kong number. Pinasave niya ang number niya sa akin. “Better change all your passwords,” Tahimik akong tumango. Binubuksan ko na ang f*******: ko. Sinuguro kong hindi niya nakikita. “Kapag may problema, itawag mo agad sa akin. Ako ang mag-aayos.” He said while driving. I bit my inner lip. Halos nakalimutan ko na ang password ko. Pinilit kong maalala at ayokong siya ang magbukas. Kung hindi na mabukas edi gagawa ako ng bago. Saka ko kinontak si Pamela sa app na iyon. Sinabi ko sa kanya ang pagkawala ng phone ko. Binigay niya sa akin ang contact number nila ni Mark at number ni Tiya Adora. Siya na raw ang magsasabi sa kaibigan namin. Pamela: Kailan ka ba uuwi rito? Miss na miss ka na raw ni Mark. Gusto ka na ngang sundan d’yan. Baka raw may makita kang iba hahaha! Baliw talaga ang singkit na ‘yon. Ako: Baka matagalan pa ako rito. Pamela: Mga ilang araw pa? Ako: Baka buwan pa. Pamela: Seryoso? Bakit? Pinagbabakasyon ka ng kambal mo? Ano itsura? Joke! Ako: Oo parang ganoon. Kaya magpapaalam ako kina Tiyang. Pamela: Sige. Sasabihin ko kay Mark at baka dalhin ko na sa asylum kapag walang balita sa ‘yo. Ako: Thank you, Pam. Pamela: Goodluck sa pagtawag mo kina Aling Adora. Rawrrrr! Medyo nahirapan akong makontak sina Tiyang dahil hindi sinasagot ang tawag ko. Kaya nagsend ako ng text message at nagpakilala. Sa sumunod na minuto, nakausap ko na si Tiya Adora. Kabadong-kabado ako. Tipong nagrarambol ang mga letra sa bibig ko. Pati sarili ko ay hindi maintindihan ang sinasabi. Pero kailangan. Kailangan kong magsinungaling. At ang marinig ang salita galing kay Tiyang, nilulukot ang puso ko. “Bahala ka. Kung nakapagdesisyon ka na at nariyan ka na rin naman, mapipigilan pa ba kita?” malamig na boses ni Tiyang. Hindi siya masyadong nagsasalita at doon ako mas kinakabahan. “P-pero pwede niyo po akong tawagan kahit anong araw, Tiyang. At tatawag din po ako r’yan. Ipapakilala ko po sa inyo si Jewel,” Bumuntong hininga si Tiya Adora. “’Wag ka nang mag-abala, hija. Kahit subukan mo pang ipagkasundo kami d’yan sa pamilya mo sa maynila, hindi pa rin magbabago ang pananaw ko sa ama mo. Mas pinili mo sila, ‘di ba?” “Tiyang… pareho ko po kayong pinipili.” Giit ko. “Ako, hindi ko sila pamilya. Kaya gawin mo na lang ang gagawin mo d’yan. Bukas ang tahanan ko para sa ‘yo pero pakiusap, ‘wag mo silang isama rito. Nagkakaintindihan ba tayo?” “O-opo, Tiyang.” “Alma!” “Yes, ate?” “Ikaw na nga ang kumausap sa mabait mong pamangkin.” Pinasa ni Tiya ang Adora ang cellphone kay Tiya Alma. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Saka lang nagsalita si Tiya Alma pagkatapos no’n. Nakausap ko rin si Tiya Bertha. Sila ang nakasundo ko at naiintindihan ang desisyon kong magbakasyon kuno rito sa maynila. Ang sabi ko ay mag video call kami minsan. Kahit sa account ni Pamela. Okay naman sa kanilang makita at makilala si Jewel. “Pagpasensyahan mo na ang ate Adora, Pearl. Nalungkot lang iyon dahil umalis ka. Alam mo namang parang anak na ang turing sa ‘yo.” “Pero kung maaga kang uuwi, mawawala rin ang sama ng loob no’n.” singit ni Tiya Bertha. Kung pwede akong dumalaw at bumalik na lang dito. Gusto ko. Ang pinoporoblema ko ay si Nick. Sinubukan kong tawagan ulit si Ruby gamit ang bagong numero, kaso nakapatay pa rin ang cellphone niya. Gusto kong makabalita kung ano na ang nangyari sa hinahabol niyang junket casino operator. Kailan niya maibabalik ang mga pera. At kailan siya uuwi. Pero ang hirap niyang makausap. Naisip kong bumalik sa condo ni Preston. Siguro, isa sa mga araw na ito ay pupunta ako. “Mommy!” Napatitig ako nang matagal sa mesa. Kumunot ang noo ko sa tawag ni Jewel at hindi ko siya natingnan agad. Tumingin lang ako nang ipakita niya sa akin ang cellphone. “Daddy is calling…” Mahina akong suminghap pagkakita sa pangalan ni Nick. Kinuha ko ang cellphone. Bumilis agad ang t***k ng puso ko pero nasagot ko naman ang tawag. “H-Hello?” Kabado rin akong tiningnan si Jewel. Para ko siyang kakampi sa gyera pero ako ang nasa frontline. Nakatingala siya sa akin. Hinihintay kung anong gagawin o sasabihin ko sa ama niya. “Hon…” “Ha?” Naguluhan ako. Baka nagkamali ito ng tinatawagan o ano. “Good evening. Anong ginagawa niyo ng anak natin?” Napapikit ako. Nakahinga ako nang maluwag. “Uh. Katabi ko ngayon siya. Nasa kusina kami, e. Katatapos ko lang magluto at nanonood siya sa cellphone nang tumawag ka.” I said as I matter of fact. There was a short silence before he speaks. “Ah. Anong niluto mo?” Bumaling ako sa platong pinaglagyanan ko ng ulam namin. “Pritong manok.” There was a silence again. “’Ayan lang?” Tumango ako. “Oo.” He cleared his throat. “Gusto mong dalhan kita ng ibang ulam? Tanungin mo si Jewel kung anong gusto,” Napaderetso ako ng likod. “Huwag na. Marami ‘tong niluto ko at request ni Jewel ang fried chicken.” “What about vegetables? Dapat hindi lang prito,” Para siyang makikipagtalo dahil hindi healthy ang ipapakain ko sa anak niya. S’yempre naman. Siguro inaasahan niyang mananagana ang bata sa lahat ng bagay dahil sa sustento niya. Plano ko namang ibili si Jewel ng mga gusto niya. Pero dapat kong alalahanin ang kalusugan ng bata. Dapat magdagdag ako ng healthy meal. Para kung magtanong ang ama, may idea siya kung saan napupunta ang binibigay niya kahit hindi derektang magtanong. “Sorry. Magluluto pa ako ng gulay para sa kanya. Tingnan ko kung anong available sa ref,” “Huwag na. Magdadala ako. Anyway, kumakain ba siya ng strawberry ice cream at mango cake? Dadaan kasi ako sa pastry shop.” Masyado iyong mabilis na hindi ako makatanggi. He is making effort for his child so maybe it’s okay. Ipapaalam ko na lang kay tatay pagkatapos ng tawag. “Tinatanong ni daddy Nick mo kung gusto mo ng strawberry ice cream at mango cake?” “Daddy Nick mo… damn.” I sighed. Nagkakabuhol-buhol na ang paghinga ko, naririnig ko pa ang side comment niya. Hindi ko na nilipat kay Jewel ang phone kaya tinanong ko na lang. Mabuti na lang. “Pupunta si daddy Nick, Mommy?” excited niyang tanong. “Opo. Sabi niya,” He chuckled. Pakiramdam ko ngumingisi siya sa likod ng tawag. Napaisip muna si Jewel. Kumurap-kurap at saka ngumiti. “I like strawberry ice cream po, Mommy. Pero ayaw ko ng mango cake…” “What about chocolate cake?” he asked. “Chocolate cake raw?” Namilog ang mga mata ni Jewel sabay tango. “Chocolate cake po!” He chuckled again. Inayos ko ang bangs ni Jewel. “Alright, then. Strawberry ice cream and chocolate cake. Anong gusto mong dalhin ko?” “Chocolate cake nga raw.” “Ikaw. Anong gusto mong dalhin ko para sa ‘yo?” Natigilan ako. Nag-init ang mukha ko at tila nawalan ako ng pangharang sa kanya. “H-ha? Okay lang ako. ‘Wag na. Salamat.” “Bilis na. Anong gusto mo?” “Huwag na nga, Nick. Ayos na ‘yon.” “Mmm… pizza?” Hindi ako sumagot. May ilang segundong walang nagsalita sa amin. “Alright. Ako na ang mamimili. See you later.” “Bye na,” “Hmm.” Hindi ko kaagad binaba ang tawag. Hinintay kong putulin niya. Napaigtad ako nang magsalita. “Ibaba mo na,” “O-oo. Bye!” I almost mess up with myself. I almost trip my face on the fridge’s door and almost put the ice cubes on the sink. Pupunta na naman si Nick dito. Magkikita ulit kami. Kahit ilang beses kong isip-isipin na si Jewel ang dadalawin niya, hindi ko naman mapanatag ang pangungulit ng t***k ng puso ko. Baka mabuko ako. Baka… magkamali ako. Baka… magsuspetsa siya. Puro negatibo ang pumapasok sa isipan ko. Dahil kapag sa harapan niya ako nagkukunwaring si Ruby, hindi ko maitago si Pearl. Pagkasabi ko kay Tatay Vic na dadalaw si Nick, maaga na siyang kumain para hindi sumabay sa amin. Nalungkot ako. Hindi niya pinasara nang maaga ang salon pero umakyat na rin siya sa kwarto dahil biglang ininda ang ulo. “Hindi pa uuwi sina Dyosa. May makakasama kayo habang nandito si Mr. de Silva.” Sabi niya bago pumanhik sa taas. “Mamey talaga oh. KJ, KJ!” Siniko ni Dyosa si Mariposa at pinandilatan. Hindi na nagkomento si Tatay at nagtuloy na sa hagdanan. He didn’t even glance at me. Wala akong masabing makakapagpagaan ng loob niya kaya tumahimik na rin ako. Inaayos ko ang mesa nang ibalita sa akin ni Mariposa na nariyan na si Nick. Pinapasok na nila at in-entertain nang kaunti dahil hindi pa ako tapos maghain. Si Jewel ay nakasilip sa sala. I smiled a bit. Pagkalagay ko sa bowl ng kanin ay nilapitan ni Nick ang anak at nag-squat sa harapan nito. Jewel didn’t flinch. Hindi rin umiyak. Akala ko ay tatakbo siya sa akin pero hindi. She curiously stared at him. Nginitian ni Nick ang anak. Pinakilala ulit ang sarili na parang first time nilang nagkita. Mababa ang kanyang boses at may pananantya sa kausap. He was very careful and attentive. Pero hindi naman tunog kabado. “Ikaw po ang daddy ko?” Jewel’s innocent voice made me look at her. Hindi na nga takot. Mas kuryoso. Mas interisado na siya ngayon kay Nick. “Yes, I am.” Sinulyapan ako ni Jewel. “Kung ganoon… asawa ka ni Mommy,” Suminghap at namilog ang mga mata ko. I straightened up my back. But Nick only chuckled. “Ahh… parang ganoon pero hindi pa.” “Ano pong klaseng sagot ‘yan?” “Jewel.” I stopped her. “Kakain na.” Tumalikod ako para hindi ko na makita pa ang reaksyon ni Nick. Nakatingin siya sa akin. O baka iniisip niyang sinisiraan ko siya sa anak niya. Na baka may sinasabi akong kung ano. Inaalagaan ko lang ang anak nila ng kambal ko. At iilan lang naman ang alam ko tungkol sa kanila. Maliban sa istorya nila ni Ruby. Kung paano nagsimula ang relasyon nila at kung paano sila sa isa’t isa. Wala akong ideya sa personal na relasyon nila. I could act cold and naïve. Other than that, I would be idiot to pretend that I really know him. Except sa pangalan niya at angkan. Pumasok sina Mariposa sa kusina. Nagkabuhay ang lugar at bahagyang bumagal ang puso ko sa pagtibok. Palihim niya akong pinandilatan habang nilalapag sa mesa ang mga dala raw ni Nick. Para may pagkaabalahan, nilagay ko muna sa ref ang cake at ice cream. Binuksan ko ang plastic na lalagyanan ng ulam. Mabangong chopseuy ang nabungaran ko. Iyong isa pang lalagyan ay tortang alimasag daw na may sauce. At sa huling lalagyan, hilera ng Japanese maki ang nakita ko. “Dito na kayo, Nick.” Untag ko. Nakipag-appear si Nick kay Jewel. Binuhat ang anak saka dumulog sa mesa. Nag-uusap sila pero nakabantay ako sa mukha ni Jewel. Nilapag niya ang anak sa upuan at sinandukan ng kanin. “Enjoy kayo, ha!” “Hindi pa kayo sasabay?” Nilingon din ni Nick si Mariposa na palabas na ng kusina. Hindi pa siya nakakaupo. “Mamaya na. Busog pa namin kami. Nood lang kami ng TV. Sige, Mr. de Silva. Kain lang kayo.” He politely nodded. “I will. Thank you.” Hinabol ko ng tingin si Mariposa. Iiwanan nila ako rito. Wala akong backup sakaling magkamali ako. Sabagay nariyan lang sila sa labas. Pasimple akong tatayo kung may mangyari hindi inaasahan. Less talk, less mistake, Pearl. “Ang tatay mo?” Iniwas kong magtagal ang mga mata namin ni Nick. Naupo ako sa tabi ni Jewel. Napapagitnaan namin ang anak niya. “Nasa kwarto nagpapahinga na. Sumakit kasi ang ulo.” Nagsimula kaming kumain. Attentive siya sa bata. Nilalagyan ng ulam, hinihimay at sinalinan ng tubig sa baso. Sinanlinan niya rin naman ang baso ko kaya pasulyap-sulyap ako sa kanya para mag-thank you. Pagkatapos ay tumahimik ulit ako habang kumakain. Kumuha ako sa mga dala niya. Pinaalalahanan niya pa si Jewel sa pagkain ng gulay. Nakikinig naman si Jewel. At mukhang wala na nga ang takot sa ama niya. “Kumakain po ako ng kalabasa, daddy!” “That’s awesome. What about young corn? And this,” Inisa-isa niya ang mga laman ng ulam na dala niya. Iyong iba hindi kilala ni Jewel. Kaya napapangiti ako sa tuwing ngumangaga siya dahil walang masagot sabay lingon sa akin para humingi ng tulong. “Hindi po masarap!” ngumiwi siya pagkatikim sa carrot. “But it's healthy. You need to eat vegetables, baby. I’ll tell your mommy to cook you a lot of nutritious meal.” He glanced at me. Uminom ako ng tubig. “Hindi po madalas nagluluto si Mommy, e. Pero ngayon po… love na niya ako. Binibili na niya ako ng Chicken Joy at French fries at saka po Sundae…” Napainom ulit ako sa tubig. I felt Nick eyes on me. Uminit ang noo ko. “Binili rin po ako ni Mommy ng new clothes. Kasi sinamahan ko siya sa pagbili ng panty niya,” Naubo ako pagbitaw sa bibig ng baso. Tumalikod ako nang hindi nila makita ang paghihirap ko sa pagkasamid. Napapikit ako. Wala akong makitang pamunas at basahan lang ang naroon. Tumayo ako para maghanap sa taas pero nasa harapan ko na si Nick. Inaabot ang panyo niya. “Thank you…” Pinunasan ko ang bibig. Umubo pa ako nang kaunti hanggang unti unting guminhawa ang pakiramdam. Maliban ang dibdib ko. “Okay ka lang?” Akma niyang aabutin ang baso ko pero tumanggi na ako. “Okay na.” Walang tinag siyang nakatayo sa harapan ko. I smelled his expensive scent. I could almost touch his expensiveness and I felt so small to be with him right now. Kaya nauna akong naupo. Halos paglaruan ko ang kubyertos. Ayoko pang kumain ulit. Mabagal na naglakad si Nick pabalik sa upuan niya. Kay Mark ako natutong gumamit ng chopsticks. Kumuha ako ng tatlo at magkakaibang klase ng Japanese Maki. Nilayo ko ang lalagyanan ng wasabi kay Jewel at baka tikman niya. Lahat ng nakahain ay kumain ako pero sa maliliit na portion lang. Si Nick ay nakarami rin ng kain at magana talaga ito. Sinasabayan niya si Jewel na may kasamang kwentuhan. Kapag may tinatanong, magalang at marunong namang sumagot ang pamangkin ko. Kaya nga lang minsan may nasasabi itong masyadong personal. Mabuti na lang nakalimutan na iyong pagbili ko ng underwear. Pagkaligpit ko sa hapunan, hinanap na ni Jewel ang ice cream. Kinuha ko iyon sa fridge. Naglabas ako ng mga baso at kutsara. Busog na ako sa kinain kaya sina Nick at Jewel lang ang pinagsandok ko. Pagkatapos ay pumasok na sina Dyosa para sila naman ang kumain. Nasa sala na ang mag-ama at hinihintay ang ice cream. “Walang aberya? Ayos ka lang?” bulong ni Dyosa. Tumango ako. “Ayos lang. May cake at ice cream pala sa ref. Dala niya.” “Wow. Thank you. Titikman namin ‘yan.” “Takaw!” Nag-aasaran pa sina Dyosa, Mariposa at Gelay nang iwan ko. Paglipat ko sa sala, nakatungo sa cellphone ko ang mag-ama habang nakaupo sa sofa. May tinuturo si Nick. Hawak naman iyon ni Jewel. Kumalabog ang dibdib ko. “Jewel,” “Ice cream!” tumalon ito sa sofa. Kinuha ang baso sa akin. Agad siyang sumubo sa kutsara at wala sa sariling lumapit sa upuan ng pagupitan. Tumayo si Nick at inupo roon ang anak. Inabot ko sa kanya ang ice cream niya. “Ikaw?” Umiling ako. “Busog pa ako. Mamaya na lang.” Tinitigan niya ako ilang segundo. Tinuro niya ang sofa. Sumabay ako sa kanya pag-upo roon. Tumingin ako sa pinapanood nila sa TV. Medyo namilog ang mata ko kasi ibang TV station ang naroon. Isang beses na siyang sumubo nang mapabaling ako sa kanya. I guess, he didn’t mind. Ewan ko kung bakit nilipat ang channel. Maka-DSTV sina Mariposa dahil na rin kay Ysabella. Pagkakain niya, inabot niya sa akin ang baso. Tiningnan ko. May laman pa naman. “Tikman mo. Masarap.” “Busog pa ako.” “Tsk. Titikman lang,” Hindi niya nilayo ang baso. Nakipagtitigan na mukhang hindi susuko. Kaya sumandok ako nang kaunti sa kutsara. Marahan kong sinubo at sinigurado kong hindi didikit sa labi ko ang kutsara. Kaya pagluwa ko, may kaunti pang ice cream. Kinuha iyon ni Nick at siya ang umubos. Bahagya akong natigilan. Uminit ang pisngi ko sabay baling sa TV. “Kailan ka ulit magsha-shopping?” “Ha?” “Sasamahan na kita.” Sabi niya nang hindi tumitingin. Seryosong kumakain. Tumikhim ako. Binalingan niya ako. Sabay lapit ng ice cream sa kutsara sa tapat ng bibig ko. “Mauubos ko na ‘to. Kainin mo na bago malusaw.” May concern siya sa ice cream. Pero kahit tumanggi ako, ipipilit niyang kainin ko. Kaunti lang naman kaso… iyong kutsara… Binuka ko ang labi. Nakatingin siya roon. Nilapit niya ang ice cream. Sinimut pa niya ang baso bago bitawan. “This Sunday, okay lang? Isama natin si Jewel.” Pinunasan ko muna ang gilid ng labi ko. “Magsisimba kami.” “Sama na rin ako. Pagkatapos ipapasyal ko na kayo. Kahit saan.” “Hindi mo ba kasama ang pamilya mo tuwing linggo?” Nag-isip siya ilang sandali. He didn’t look problematic about it. “May family dinner kami sa bahay ng Uncle ko. Kaya umaga pwede kayo naman ang kasama ko.” Siguro malaki ang pamilya niya. Masaya kaya? Tapos sa bahay pa ng Uncle niya. Ibig sabihin marami sila. Ang galing naman. Sabagay ang dami niya ring pinsan. Ako, hindi ko kilala ang ibang kamag-anak ni Tatay. Pero marami akong Tiyahin. Kaya lang wala akong pinsan sa kanila kasi hindi nagsipag-asawa. Minsan, sumasagi sa isip ko ang pagkakaroon ng extended family. Alam kong may ibang tulad ko na naiiba. At hindi lahat ng may maraming kaanak ay masaya. Minsan napapaisip ako kung ano kaya ang pakiramdam nang may ganoon. Masaya? Siguro hindi palagi. Si Pamela maraming pinsan. Noong ma-heartbroken at nalaman ng mga pinsan niyang lalaki, binalak na sugurin iyong lalaki at tuturuan daw nila ng leksyon. Tumawa lang si Pamela. Sabi niya akin, hindi basagulero ang mga pinsan niya. Kapag naaapi lang daw ang miyembro ng pamilya. Nagtitinginan lang daw tapos nagkakasundo na sa gagawin nila. Iba siguro ang kay Nick. Paano kaya sila mag-usap-usap. “Pupunta kami sa bar ng mga pinsan ko. Gusto mong sumama?” Mabilis akong umiling. “’Wag na.” Pinanliitan niya ako ng mata. “Tumatanggi ka na ngayon?” Lumunok ako. Sinulyapan ko si Jewel sa salamin. May pinapanood na ito sa cellphone habang kumakain. “Hindi ko pwedeng iwan si Jewel. Saka t’yak pagod na kami pagdating ng gabi galing sa pasyal.” “Hindi kita papagurin. Saglit lang tayo,” Tiningnan kong mabuti si Nick kung seryoso ba ito. Nakipagtitigan din sa akin. “Saka… para mapag-usapan natin ang tungkol sa kay Preston. Kailangan ko ng ilang impormasyon. Tutulong si Dylan.” Kinagat ko ang labi ko. Sinong Dylan kaya iyon? Pinsan ba niya? Oo, parang. Naalala ko sa sinabi ni Ruby. “Saka si Yale. May koneksyon siya. Kinausap ko na si Hector para plantsahin ang gusot sa mga natakbuhan ng pera. He explained to them. Mas maganda kung maririnig mo galing sa kanila ang mga plano. Wala kang ibang gagawin kundi ang maupo, uminom at makinig.” Umawang ang labi ko. Kumalabog na naman ang dibdib ko. Gumagawa nga siya ng paraan. “Pero…” “Ipapasok din kita ng trabaho sa kumpanya ko. Kung gusto mo. Kung ayaw mo naman pwede kina Dylan, kay Yale o kay Uncle Matteo. Marami kang mapagpipilian. Pero gusto ko sa akin ka na lang. Bakit ka pa lalayo. Kung sa akin, pwede ka na.” Kinunsidera ko ang mga sinabi ni Nick ng gabing iyon. Nahirapan na naman akong makatulog. Nilatag niya ang mga pwede kong pasukan. Ang ganda sana kaso… hindi nga ako si Ruby. Pero gusto kong subukan. Kahit magkaiba kami ng skills pwede kong pag-aralan na lang. Inulit pa niya sa text ang pag-alis namin sa linggo. Ipinaalam ko kay Tatay. Sabihan ko raw si Nick kung pwedeng isama namin si Mariposa o kaya si Gelay. Nang sinabi kong aalis pa kami ni Nick sa gabi, magpasama pa rin daw ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD