“Ito ang patunay na patas mag-judge ang Diyos, na gagawin nya kayong deserving na makasama sa Kaharian nya, at ito ang dahilan kaya nagsa-suffer kayo ngayon. Gagawin ng Diyos kung anong tama, papahirapan nya din yung mga nagpapahirap sa inyo.” – 2 Thessolanians 1:5-6
--
Chapter 13
Pearl
Dumagundong ang pader. Paghawi ko sa itim na kurtina, tila kumalat ang kulay na iyon. Itim ang sahig at ang wall. Marami ng tao nu’ng oras na nakapasok kami. Sumusunod ako sa likod ni Nick. Nagsisilbing liwanag ang malaking LED screen sa harap ng dance floor. May mga taong nagsasayaw. Tinataas ang kamay. Winawagwag nang bahagya ang ulo. Tumatalon ang buhok ng mga babae at paulit-ulit na nag sswing pataas ang sa lalaki.
Ang kulay lavender na ilaw ay parang visible na hangin. Para akong nanonood ng TV pero live ang effects ng ilaw. Nagpapalit palit. Minsang naging pula, asul at lavender ulit. Kung paano pumapalo ang intrumentong ginamit sa kanta, ganoon din ang indayog ng ilaw. Kung kaya mas lalong nagwawala ang katawan ng mga sumasayaw. Na kahit wala sa dance floor, may nakatayo sa gilid, umiinom, nag-uusap at nanonood, sumasabay pa rin.
I looked upstairs. I saw a few people. Watching what’s happening downstairs. Medyo madilim doon. Natatamaan ng ilaw pero hindi sapat para makilala ang kanilang mukha. Ang mga upuan o couches ay okupado pero hindi puno. Parang VIP lounge. Hindi ka makakaakyat kung hindi ka VIP. Binaba ko ang paningin kay Nick. He stopped. Huminto rin ako pero hindi lumapit. May dalawang hakbang ang layo ko. Hinarang siya ng dalawang matatangkad at payat na babae. Nakangiti. Iyong isa ay hinagod ang balikat ni Nick pababa sa siko nito. I saw him smirked. Sumulyap ito sa taas. Ginaya ng dalawa at saka binitiwan ang braso niya. Then, he started to walk again.
“Mukhang kilala rito si Nick, ah. Daming lumilingon.” Dinig kong komento ni Mariposa.
Kumapit ako sa siko niya. Sabay na kaming sumunod ulit kay Nick. I didn’t give any comment. Kumakalabog ang dibdib ko at sumasabay pa sa malakas na tugtog. Pinagpasalamat kong dim ang interior ng lugar. Ang mga taong nakakasalubong ko, may tumitingin pero karamihan ay hindi interisado sa akin. Nang makita ko ang suot ng mga babae, unconsciously, tiningnan ko rin ang akin. I thought, revealing na ang maglabas ng balikat at braso. But when they paraded with confidence of their chests, cleavages, tummies and thighs, pinaramdam nilang balot na balot ako. Though hindi lahat ay pangparty ang suot. Merong lalaking naka three-piece suit at babaeng nakalongsleeves. Kung magpapalit ako, it won’t make a difference. And lastly, I won’t be comfortable.
“Hi, Miss.”
Bahagya akong nagulat, na ang isang lalaking nakaupo sa table nito na daraanan namin ay tinawag ang atensyon ko. Hindi ko siya kilala. Nakangiti habang hawak ang boteng iniinuman. I didn’t smile back. Hinila ako ni Mariposa. Nilagpasan namin ang lalaki. Pero nang makitang papaakyat na sa hagdanan si Nick, mas nagmadali kami. Napapikit ako ng ang makasalubong kong grupo ng tatlong babae ay nagtitili. Malalaking hakbang na naglakad at kamuntik akong mabunggo. May tinuro sila sa likuran namin at mukhang doon ang takbo.
“Oh my god! Sina Shane at Euann ‘yon!” one of the girls screamed.
Tiningnan ko si Nick. Nakatanaw na ito sa amin sa hagdanan. Sa dilim, kita ko pa rin ang pagkunot ng noo niya habang pinapanood akong umakyat palapit sa kinatatayuan niya.
“D’yan ba tayo?” tanong ko para mabawasan ang kaba.
He nodded. He pointed his head to a direction I didn’t get.
“Naroon na ang mga pinsan ko at kapatid.”
Awtomatikong humigpit ang kapit ko sa braso ni Mariposa. Humawak siya sa barindilya. Nilingon ako. Hindi ito nagsalita dahil nakatingin si Nick sa amin. Pinauna na niya kami sa pag-akyat.
“Sa gitna.” He said.
Mas nakakahinga ako rito sa second floor. Hindi crowded. Hindi magulo. Napapalingon pa rin ang mga taong naroon sa amin pero iba ang atmosphere kaysa sa baba. They almost looked like they have their own worlds and neighbors aren’t allowed to butt in. Nagliliwanag sa kaputian ang babaeng tumayo galing sa u-shaped couch. Hindi ko sigurado kung itim o dark blue ang kulay ng dress na suot niya. V shaped ang neckline at may tali sa baywang. Parang maliit na roba. Mas lalong tumangkad sa heels nito. Mahaba ang buhok pero mas mahaba ang akin. Sinusuklay lang niya ang daliri ang buhok at sa pagbagsak ay mas lalo siyang gumaganda. Sa lambot ng buhok ay magaan itong tignan sa nakangiti at maganda nitong mukha.
She looked at me. Mabilis lang. Lumagpas ang mata niya sa likod ko.
“Kuya!”
Hindi na ako nakalakad nang deretso papunta sa gitna. Tumayo kami ni Mariposa sa tabi ng railings. Tiningnan ko si Nick. He is smirking now at that woman. But it’s not playful like the one he gave downstairs. Ramdam ko na kamag-anak na niya ang tumawag. He gave me a look that he is now with his allies.
Dalawang lalaki pa ang tumayo at tiningnan kami. Pinasadahan ako ng tingin. Mukhang galing sa katuwaan ang grupo at naistorbo nang dumating kami.
“Hala, Pearl. Bigla akong nahiya maki-join d’yan.” Bulong ni Mariposa.
Napalunok din ako. “Umuwi na kaya tayo?”
“Kung pwede lang, ‘no. Kaso mukhang malabo. Basta magrelax ka lang. Huwag kang masyadong magsalita para hindi sila makahalatang may iba sa ‘yo. Wala kang alam kung nasaan si Preston. Ayun lang.”
“Ang inaalala ko, baka magtanong sila nang magtanong na hindi na sakop ng nalaman ko tungkol kay Ruby.”
“Magsungit ka na lang. At kibit balikat. dalawang oras na lang naman tayo rito. Kaunting tiis lang.”
Ang dalawang oras na sinasabi niya ngayon ay tila dalawang milenyo na sa akin. Nakangiti at ngisi si Nick habang nakikipagbiruan sa kamag-anak. Sandali niya kaming hindi binalingan. Inabutan siya ng isang bote. Tumungga siya roon at binaba sa mesa. Tumango sa kung sino. I saw how his eyes get smaller while listening to what they are saying. Sumeryoso siya panandalian. Ngumisi ulit at tumawa. Pagbaling niya sa amin, unti unti iyong nalusaw.
“Ikaw ba si Ruby?”
Umawang ang labi ko. Two tall guys went to us. Nakasuot ng dark polo ang isa. Nakabukas ang tatlong butones. His silver chain necklace shone nang tamaan ng ilaw. He smelled of alcohol but his expensive perfume is floating too.
“Ako nga,”
He then smiled and nodded. “Kumusta na? Long time… no see, huh?”
Tila mabibiyak ang dibdib ko. Hilaw akong ngumiti. Kumuyom ang kamay ko. “O-oo nga,”
Umayos ka, Pearl! De Silva ang mga ito!
“Magpapakilala pa ba kami sa ‘yo? Parang nakalimutan mo na kami, a.”
Siniko ako sa tagiliran ni Mariposa. Napaayos ako ng tayo. Tumawa ang isa pang lalaki. Pinapanood nito ang mukha kong weird na yata ang itsura. He has clean cut hair. Nakalongsleeves na kulay gray pero masasabi kong mas malaki ang katawan ni Nick sa ganitong damit. Pero ang lean tingnan ng katawan niya. Hindi mamasel. Hindi payatot. Amoy usok ng sigarilyo at alak. His expensiveness lies on the way he smirked mysteriously.
“Tigilan niyo ‘yan, Anton.” Nick’s warning tone.
Si Anton ang lalaking nakalabas ang dibdib at nakasuot ng silver chain necklace. Binalingan niya si Nick sabay taas ng mga kamay. Tinawanan ng mas good boy tingnan ng katabi niya. He then glared at him.
“Siraulo ka, Dean! Ikaw ang pasimuno nito! Malalagot pa ako!”
“Popormahan mo kamo?”
“Tsk!” pailalim niyang tiningnan si Dean.
Hinawi ni Nick ang dalawa sa harapan namin at parehong tiningnan nang masama. I bit my lip. Umiinit ang mukha ko sa hiya. Pinalapit na niya kami sa mesa at pinaupo.
They all looked at us. Lalo na sa akin. At pinakilala lang ni Nick si Mariposa sa kanila isa isa. Doon ko nalaman kung sinu sino ang naroon.
Unang una ang couple na magkadikit sa couch. Sina Ruth at Dylan de Silva. Suminghap si Mariposa at nakipagkamay sa dalawa. Dylan smiled a bit. But his wife Ruth, malambot at magiliw ang bati niya sa kanya. Nagulat ako nang pati ako ay malambot niyang nginitian. Tinapik niya ang espasyo sa tabi sa akin.
“Dito ka maupo,” she offered to me.
I nodded. “Thank you.” kasya kami roon ni Mariposa. Pero sa tabi ni Mariposa, nakaupo mag isa si Yale Montevista. Sumimsim ito sa baso nang magtaas ng kamay para batiin ang kaibigan ako at ako. He never said anything. He has darkened jaw and his eyes looked bored or sleepy.
“Wala si Deanne. Malapit nang manganak, e.” sabi ni Ruth.
Yale Montevista looked down at his phone.
Nakatayo pa rin kami. Nakita kong inalis ni Ruth ang bag niya at kinandong. Kinuha naman ni Dylan at tinabi sa kanya ang bag ng asawa. He murmured something on her ear that made her smile.
“Mga kapatid ko, Si Anton at Yandrei.”
I immediately stared at his siblings. Lalo kay Yandrei. Siya iyong unang tumayo kanina. She’s radiating. Very pretty. Nakipagkamay siya kay Mariposa. Nginitian niya lang ako.
“Kapatid ni Dylan si Dean.”
Same with others, nakipagkamay din si Dean kay Mariposa. Kinuha niya rin ang kamay ko.
“Kuya Nick, oh!”
Kabababa pa lang ng kamay namin nang lingunin kami ni Nick. Binato ni Anton ng kinakain nila si Dean. Dean cursed. Sinaway sila ni Dylan at pinaupo na.
Nick remained his sharp eyes on his cousin Dean.
“Nasaan sina Dulce at Red?”
“Wala raw sa mood si Red. Sinamahan na lang sa bahay ang kapatid. While si Dulce na kina ate Deanne. Susunduin mamaya ni Kuya Dylan at ihahatid sa mansyon.” Sagot ni Yandrei. “E, nasaan na si Hector?”
I saw Ruth took her phone out. Nakatingin din doon si Dylan.
“Malapit na raw.”
Tinanguan ni Nick si Ruth. His lips twitch a little. Pagkaraan ng ilang segundo, tinawag nito ang server at um-order ng dagdag na inumin.
Tahimik kong pinanood ang unti unting pagpuno ng lamesa sa gitna naming lahat. I sat beside Ruth de Silva. Sa tabi ko ay si Mariposa na nagsisimula nang uminom. Kinakausap siya ni Yandrei, Anton at Dean. Tungkol sa trabaho nito sa salon at sa artistang paborito. Nang marinig nga nilang paborito niya si Ysabella, Yandrei invited him to visit their TV Station. Agad um-oo si Mariposa. Tiningnan ako ni Yandrei at tinaasan ng kilay.
“Hindi mo ba gusto si Ysabella, Ruby?”
I cleared my throat. “G-gusto rin naman.”
Namilog ang mata niya. “Really? Kahit na nali-link siya ngayon kay Kuya Nick?”
Sinulyapan ko ang kapatid niya. Nakaupo ito sa harap ni Dylan. Beside him is Yale. Nagkatinginan kami. Ako ang unang umiwas.
“Walang kaso sa akin ‘yon.”
Yandrei giggled. Inakbayan niya ang kuya niya.
“Sabagay, hindi nga pala kayo, ano? Bale, nagkaanak lang.”
Nauwi sa katahimikan ang bawat isa. Bumuntong hininga si Yale at nagdekuatro. Dylan seriously looked at him. I caught him shaking his head a little towards Yale Montevista. May kung anong kaguluhan sa dibdib akong naramdaman.
They all knew the existence of my niece. Aware rin sila kung sino si Ruby sa buhay ni Nick. Kinuha ni Mariposa ang inumin niya at tumungga sa nguso ng bote. Mayroon din akong ganoon pero hindi ko pa nababawasan. Nahihiya naman akong magpakuha ng juice.
“How’s Jewel?” Anton asked.
Tumingin ako. This question is easier. I smiled at him.
“She’s doing good. She’s three,”
“Sino naman ang mas makuha niya? Ikaw o si Kuya?”
I gulped. “Ahm… mas kamukha ko siya. Pero… nakuha naman niya ang ilong at labi ni N-Nick.”
Nginitian ako ni Ruth. “I want to see her. I imagine, mini version mo si Jewel, right Nick?”
He sighed and simply nodded once. Nakatitig ito sa boteng hawak.
“Can we invite them, babe?” Ruth sweetly tugged Dylan’s collar.
Kumunot ang noo ni Dylan pagkatingin sa asawa. Tumango ito agad.
“Sure, babe. Ipahatid natin kay Nick.”
“Kami na lang ang susundo kung busy si Kuya.”
Binatukan ni Nick si Anton. “Manahimik ka d’yan.”
“Nakakapanibago si Kuya Nick, ah.”
Sa pwesto namin, nagbabatuhan ng asaran ang mga lalaki. Minsan ay sumasali si Yandrei. Pero kapag sinasaway ng kuya niya ay tumatahimik at napapainom na lang. Nick is smirking too. Medyo namumula na nga ang mukha at tainga. Pero sa tuwing nagkakatinginan kami, nalulusaw ang ngiti niya. Pati ang saya sa mata niya. Parang ako ang pampawala ng tuwa niya at nagbabago ang pakiramdam nito.
Ang hinihintay nilang si Hector ay dumating bandang alas dies trenta.
“Sorry, I’m late. Ruth, Dylan.”
Umawang ang labi ko. Alam kong pati si Mariposa ay nagulat pagkakita sa kay Hector. Tiningnan ko siya. Bahagyang akong umiling. Nawalan ng kulay ang mukha ng kaibigan ko.
Siya iyong lalaking nagligtas sa akin sa tapat ng bahay!
That built, that height and that face. Hindi ako nagkakamali. Siya nga iyon!
But my thoughts were drowned when Anton, Dean at Yandrei stood up. Tinawag nina Anton si Mariposa at niyayang magparty sa baba. Si Yandrei ay nakahalukipkip. Magkasalubong ang kilay at matalim ang titig sa bagong dating. Hector saw her frowning face but didn’t even care.
“Tara na. Sa baba tayo, ‘tol!” aya ulit ni Anton.
Napatayo si Mariposa. Hinila ko ang kamay niya. Napakamot ng ulo at hindi malaman kung saan pupunta. Pero dapat maiwan lang siya sa tabi ko.
Tumayo rin si Nick para bigyan ng daan si Mariposa.
“Kami na muna ang bahala sa kaibigan mo. May pag-uusapan lang kami.”
“Edi maiwan na rin ako para may kasama si Ruby.”
Ruth looked at me. Halos hindi na ako humihinga nang maayos.
Nick chuckled. “Ako ang bahala sa kanya. Don’t worry.”
“Pero…”
“She will be fine with me.” Nick added with clear finality.
Isang beses pa kaming nagkatinginan ni Mariposa. Ayoko siyang umalis. Kinakabahan ako lalo nang dumating itong si Hector. Nalaman ba niya ang tunay kong pangalan? Hindi ba siya naghinala kina Dyosa? Pilit kong inaalala ang gabing iyon. Akala ko kung sinong estranghero lang ang napadaan at naligtas ako. Ngayong kakilala pala nina Nick, natapon ang takot at kaba lahat sa dibdib ko!
Hinila nina Anton at Dean sa magkabilang braso si Mariposa. Hindi pa rin alam kung aalis ba siya at maiiwan na lang.
“Busy ka ba? Bakit hindi mo ma-entertain ang kaso ko?”
Hinarap ni Yandrei si Hector. The man sighed and did try to ignore her.
“Wala kang kaso.”
“I’m helping someone, Hector! Estudyante ko! Tapos wala ka man lang malasakit? Ni hindi mo ako mabigyan ng time mo! How dare you ignoring my calls, huh!”
Umiling lang si Hector. While I heard Yale’s low chuckle.
Tumayo si Ruth at humarang sa dalawa. Napakamot ng ulo si Dylan at uminom sa baso.
“Samahan mo sila sa baba, Yandrei. Dito muna si Hector.” Sabi ni Nick.
Namangha si Yandrei sa sinabi ng kuya niya. Her jaw dropped.
“Pero kuya…”
Nick walked. Lumapit sa akin. Umupo sa pwesto ni Mariposa at tinuro kay Hector ang inalisan niya.
“Kung kailangan mo si Hector, mas kailangan din namin siya rito. Go downstairs. Samahan mo sina Anton doon. At doon ka lang, naiintindihan mo?”
I felt the foul mood in his tone. I don’t know why but I gave my sympathy to Yandrei. I sighed and looked at him.
“Pwede naman siya rito, Nick.” I said in a shy tone.
He looked down at me. And blinked once. “Alam niya ang ibig kong sabihin.”
“Pinapababa mo siya gayong alam mong maraming tao ro’n? Magulo.”
“What? Nandoon sina Anton at Dean. Pati ang kaibigan mo.”
“It doesn’t mean na uutusan mo nang sumunod doon ang kapatid mo. Hindi na nga maganda ang mood niya, ginagatungan mo pa ng pang-uutos mo. In the first place, dapat binabantayan mo siya sa mga ganitong lugar. Hindi iyong uupo ka lang d’yan at pabababain mo lang siya. Bakit kaya hindi mo samahan sa baba at saka iwan. Para alam mo kung sino ang kasama niya.”
His lips parted. His eyes looked straight at me like as if he was mesmerized on my own eyes. Pinaglapat ko ang labi. Nangingibabaw sa isip ko ang tamang pag-aalaga at bantay sa kapatid. Hindi ko kadugo si Yandrei. Pero Tita rin siya ni Jewel, hindi ba? Palagay ko ay hindi tama ang malaharing kilos ni Nick. At hindi ba niya nakikita ang inis nito kay Hector? She looked hurt. Maybe not fully but I can feel her pain.
Nakipaglaban siya ng titigan sa akin. I nearly glared at him. Pero nang marinig ko ang malakas at kumukulog na tawa ni Dylan, naputol iyon. Inabot ko ang bote at tumungga. I gasped after I tasted it. Napangiwi ako. Huli na para itago ko pa ang reaksyon.
Binawi niya sa akin ang bote at binalik sa mesa. Pinunasan ko ang labi. I winced. I didn’t like the taste.
“You are doomed, Nicholas.” Sigaw ni Dylan.
Napakamot ng ulo si Yale at tumayo.
“Ihahatid ko si Yandrei sa baba,”
“Ako na, Yale.” harang sa kanya ni Hector.
Sinundan ko ang paghawak ni Hector sa pulsuhan ni Yandrei. Sandali pa silang kinausap ni Ruth. Tumango si Hector. Pero ang mukha ni Yandrei ay hindi pa rin maipinta. Masama talaga ang loob sa lalaki.
“Bumalik ka agad, Hector!” sigaw ni Dylan.
Inirapan ni Ruth ang asawa at kinurot sa pisngi. I sighed. Naupo ulit si Yale.
“Aww, babe!”
She sat again and looked at me. Nginitian niya ako at inabutan ng tissue galing sa bag niya.
“Amm, thank you…”
“Pagpasensyahan mo na ang mga lalaking ‘to. Mga loko ‘yan. Special mention ang asawa ko at ang ‘yang katabi mo.”
Kabado na ako para silipin pa ang mukha ngayon ni Nick. Natahimik siya. Uminit ang ulo ko. Pero mas gugustuhin kong maging tahimik kami kaysa marinig ang mga gusto nilang sagutin ko bilang si Ruby. Yale cleared his throat and slid his phone in his pocket.
“I guess we can start now?”
“Are we in a hurry?”
“Buntis ang asawa ko, Dylan. Kailangan kong umuwi nang maaga. I need some info about that junket casino operator.”
Napalunok ako. Kumuha ng pagkain si Dylan. Sinandal ang likod sa couch.
“Nagtatago raw.”
Then, they all looked at me. Waiting for some words that may connect to theirs. But I… I have no information ready with me. Maliban sa nakita ko once si Preston.
Tumikhim ako. Para akong sira na hindi gumagalaw at napapalibutan ng nag-iimbestiga. The banging sound from the speakers only lessen the awkwardness I am feeling right now.
“What about Preston? Where is he?”
Nick asked in a low but clear sound. I gulped. Marahan akong umiling.
“Hindi ko na alam kung nasaan siya. Ang huling araw na… nagkita kami ay sa condo niya. Kinabukasan, naka-lock na ang unit. At hindi ko na ma-contact.”
“What’s the name of the junket operator?”
Yale’s voice is formal. Almost nonchalant. Hindi tulad ni Nick na pinapakaba ako nang pailalim.
“Si Preston ang nakakaalam kung sino sila. T-tumutulong ako sa… sa paghikayat ng tao.”
“Ang sabi ng Papa mo nasa ibang bansa raw at inaalam mo na kung nasaan?”
Hindi inaalis ni Nick ang titig sa akin.
Marahan akong tumango ako. “O-oo. Kinokontak ko si Preston. Isang beses pa lang niya sinasagot ang tawag ko. Palaging nang nakapatay.”
He nodded once and looked at Yale.
Yale sighed. “Na kay Preston ang pera?”
Walang kibong naupo si Hector malapit kay Yale. Inabutan siya ni Dylan ng bote at tinanggap. He calmy watched us and listened.
“Oo… nasa kanya.”
“Si Yandrei?” Ruth asked.
“Kasama na nina Anton.”
“Thank you, Hector.”
Umikot ang kamay ni Dylan sa baywang ni Ruth at pinatakan ng halik sa noo.
“May kakilala akong legit junket casino operator na pwedeng kilala itong si Preston. Wait, did you already break up?”
Umawang ang labi ko. “Ahm… y-yes. I mean, w-wala kaming formal breakup. Bigla na lang siyang nawala,”
My teeth started to chatter. I bit my lip and suppressed the shaking of my hands. Umiinit ang mukha ko. Nakokonsensya ako. Gusto nila ako o si Ruby tulungang malutas ang problema sa tunay na scammer pero kinukuyog ako ng konsensya dahil kung anu ano lang ang sinasabi ko. Nakakahiya. Hindi makaturungan na gawin ko ito sa kanila.
Umatras ako ng upo hanggang sa tumama ang likod ko sa malambot na sofa. Dinungaw ako ni Nick. Hindi ko siya tiningnan. Pumikit ako. Hinilot ko ang noo ko. Nahihilo na ako. Kung sa nainom ko ba, sa ilaw, sa ingay o sa malakas na sigaw ng konsesya ko.
“Hey…”
What if… umamin na ako? Baka mas makatulong kung sabihin kong magkasama sina Ruby at Preston. Makakasuhan ba ako? O maiintindihan nila kapag sinabi ko ang dahilan kung bakit ako nagpanggap? Hindi naman ako masamang tao. I just want to help my twin too.
Ramdam kong hindi basta basta ang mga taong katabi ko ngayon. May abogado, hotel magnate at businessman. Baka mas mabilis pa nilang mahahanap ang salarin kaysa sa ginagawa ni Ruby.
Hinawakan ni Nick ang kamay ko. Dumilat ako. Binawi ko iyon at bumuntong hininga. Nahuli kong umiwas ng tingin sina Yale at Hector sa amin.
“They can help you to find those people, Ruby. Actually, naghire na sina Dylan at Nick ng mag-iimbestiga kay Preston. All they want right now is your cooperation. Kung may kinatatakutan ka mang malaking tao o ano, ‘wag kang mag-aalala dahil kaya ka naming protektahan…”
Napatingin ako kay Ruth.
“I heard from Hector about the incident outside your house,”
Namilog ang mata ko. Lumipad ang paningin ko kay Hector at halos huminto ang paghinga ko. Pero wala siyang sinabi. Wala itong kibo.
“Sinigurado ni Nick na wala nang manggugulo sa ‘yo at sa bahay niyo.”
“Paano?” I still asked.
“Hinanap niya at binayaran na ang mga natakbuhan. Pinapirma sila ni Hector ng kasunduan na pagkatanggap ng pera ay hindi na nila kayo dapat guluhin pa. Pwede silang kasuhan kapag sinubukan ka ulit saktan.”
I looked at Hector. Tinuro niya si Nick. “Siya ang nagbigay ng pera. Hindi ako.”
Nanliliit ako nang bumaling ako kay Nick. He is now nursing his bottle. All his attention is on that bottle.
“Kaya kung matanggap ka sa trabaho, makaipon, si Nick na lang ang babayaran mo. Hindi ka na mahihirapan. Ay hindi pala.”
Siniko ni Ruth ang asawa. “Dylan, ha.”
“Ano na naman ang ginawa ko, babe?” reklamo nito.
I feel so small to be with them. Kahit ang kabaitan ni Ruth ay nagsisindi ng apoy sa mukha ko. Nag-uusap na sina Yale at Hector. At nang sulyapan ko si Nick na pinaglalaruan ang nangalahati na niyang bote, uminit ang gilid ng mata ko. Tumayo ako ng nag-excuse.
Napagtanungan ko ang security ng Peyton para sa comfort room. Pagpasok ko ay siyang paglabas ng nag-uusap na dalawang babae. Dumeretso ako sa bukas na pinto ng cubicle at nilock. I sat on the closed toilet bowl. I covered my face with my bare hands and cried.
Mas tahimik dito at kulob pero nauulingan pa rin ang tugtog sa labas. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Binuhos ang laman ng dibdib. Tinutusok ng pako ang puso ko. Napupuno ng bato ang lalamunan ko. Ginugulo ang isipan ko pero dapat pa ba akong magpatuloy sa ganitong sitwasyon?
Hindi ko na dapat isipin pa kung magagalit si Nick na nagpanggap akong si Ruby. Mahal ko rin si Jewel. Iniisip ko rin ang kapakanan niya. Pero binayaran niya ang natakbuhan ni Ruby. Ginastuhan at tutulong sa imbestigasyon, dapat ay magtapat na rin ako.
Nangangati akong tawagan si Tatay. Maghihingi ako ng opinsyon. Pero sa puso ko, nanganganib na ang pagpapanggap ko.
Kung i-message ko si Ruby sa kaganapan dito? Baka matuwa pa iyon at umuwi.
Nilinis ko ang mukha bago lumabas. Pagkabukas ko ng pinto, nakahalukipkip si Ruth at inabangan ako sa labas.
Natigilan ako. Hindi ako makalabas agad dahil sa tiim niyang tingin sa akin.
Bumuntong hininga siya. Naroon pa rin ang kindness sa mukha niya. Nang ngitian niya ako, ramdam kong alam niya ang ginawa ko sa loob ng cubicle.
Marahan akong naglakad sa salamin. Gamit ang tissue ay inayos ang gilid ng mata ko. Namumula pa ang ilong ko at malamlam ang mata. Kahit sinong makakita sa akin at alam na umiyak ako.
Pero naghugas ako ng kamay at tinapon na ang tissue. Ruth stepped forward. Nanigas ang lalamunan ko. Hindi ko siya sinulyapan.
“Don’t stress yourself too much. Matutulungan ka nila,”
I licked my lips. Binuksan ko ang bag at kinuha ang liptick. Ganoon din ang ginawa niya. Pero face powder ang kanya.
Nanginginig ang kamay ko ng magaan kong ipahid ang lipstick. Kinalat ko sa labi at tinakpan.
“Gusto ko ring tumulong,”
Tiningnan niya ako sa salamin. “Then that’s even better.”
I stared at her on the mirror. “Babayaran ko si Nick.”
“Kung kaya mo na. Pero hindi ka naman minamadali. Gustong-gusto niya ang cooperation mo.”
I was about to answer but I stopped when I felt like I was going to confess—almost a confession. Tiningnan ko ang mukha sa salamin. Tinitigan ko. Oo. Magkamukha nga kami ni Ruby. Iisa ang hugis. Pero kung tumingin at ngumiti ay ibang iba. Mas confident si Ruby. Naïve ako. Mas matapang siya. Mahiyaan ako. Hinding hindi ako magtatagal sa ganito. Sa huli, ako rin ang susuko.
“Alam mo, gusto kita.”
Napabaling ako sa kanya. Tinatabi na niya sa bag ang face powder nang ngumiti.
“I’m sure, magugustuhan ka rin ni ate Deanne. Lalo na dahil sinermunan mo si Nick kanina.”
“Hindi ko naman ‘yon sinasadya.”
She giggled. “It’s alright. Kakampi mo kami.”
Tinitigan niya ako habang nakangiti. Hindi ko inaalis ang takot na nakapaloob sa dibdib ko. Pero kapag nagsasalita si Ruth ay para bang gumagaan ang nararamdaman ko. Hindi man tuluyang nalulutas ang problema, hindi naman ako nababaon sa lupa.