Naisipan ko ng huminto nalang sa pag aaral at magtrabaho nalang muna, dahil sobrang hirap na kami, umabot na nga sa punto na nanghihingi nalang kami ng bigas sa kapitbahay, nagbibigay naman ng bigas ang mga kupal pero isang saingan lang at parang mabigat pa sa loob nila.
Kaya napilitan akong buksan nalang ang ipon ko at natuwa naman ako dahil malaki laki ang naipon ko at nakabili ako ng isang sakong bigas namin, nagulat din si mama ng makauwe ako may dalang grocery at bigas na tuwa ito sakin at ang mga kapatid ko, dahil maymakakin na sila, at hindi naman makapaniwala si mama na may pera ako pero tuwang tuwa naman ito, malakingsaya ang tulot sakin ng makita kong muking ngumiti ang mahal kong ina kahit na malaki ang pagkukulang niya akin, realized ko na kahit papano hindi niya ako pinabayaan. at lalong hindi siya naging kagaya ng ugali ni lola na plastik ysaka lang mabait kapag may pakinabang ka.
Nagulat naman ang mga animal at ang hunayupak na ina ng nanay ko ng makita may dala akong isang sakong bigas at grocery.
Nawalan narin ako ng paggalang sa kanila at hindi na ako tumatawag ng lolo at lola, dahil sa galit ko sa kanila sa ginagawa nila sa amin na imbis sila pa sana ang unang tutulong kay mama dahil sa sitwasyon niya, at buntis pa ito, at wala ng nagbibigay ng suporta sa amin, pero ano ang ginawa nila, hirap na nga ang tao pilit parin nilang inilulugmok sa kahirapan at tuwang tuwa pa sila na nakikitang naghihirapan si mama, ewan ko parang mas maganda pa ata ang ibang tao, kesa sa mga ito, pamilya naman dapat pero bakit sila parang hindi pamilya ang turin sa amin.
Humito ako sa pag aaral at nagtrabaho, ako kase yung taong hindi magastos at hindi maluho sa sarili at mahikig akong mag ipon.
Namasukan akong bilang katulong.
Natawa pa nga ako ng ma alala ko ang sinabe ng matabang babae na pinag iwana sakin ni mama,na balang ara window yung tinuturo dawniya sa akin ay magagamit ko at ang unang trabah onto na mapapasukan ng kagaya kong walang natapos ay kasambahay nga.
Kasambahay ang naginig bagsak ko sa poder ng mga chinese, 3OOO naman ang sahod ko kada buwan.
Malake nayun sa panahon namin nuong 2013, nag adjust pa nga ako ng idad ko para lang matanggap sa trabaho.
sa idad na katorse ako na ang bumubuhay at tumutulong kay mama, sa tuwing susuweldo ako umuuwe ako na bumibili ng bigas at ulam nila nagbibigay rin ako ng pera kay mama, para sa gastusin nila, at sa pag aaral ng kapatid ko.
Lumipas pa ulit ang isang taon at napagpasyahan na nga ni mama na bumalik ng Aparri kasama ang mga kapatid ko, dahil sawa na daw siya sa ugaling merun ang mga magulang niya,sila kaya naging dahilan bakit nasrira ang pamilya ni mama dahil pinili silang makasaam ni mama kahit alam nitong may mawawala sa kanya, at lahat binigay ni mama sa mga ito. Pero sa huli heto lang ginawa nila, pinanuod lang jila kami na naghihirap ng panahon nayun.
Kaya wala akong nagawa kundi payagan sila at gumastos ng pamasahe nila, sabi kase ni mama para daw masoportahan daw ang mga kapatid ko ng ama nila kung malapit lang daw.
Lipas ang ialng buwan at tahimik lang ako nagtatrabaho ng biglang tumawag si mama sakin at aanghingi ng pera,kaya padala naman ako kay mama agad.
Nag isang taon ako sa pinagtatrabahuan ko, at naka pag'ipon ng pera.
Sinabe rin sakin ni mama na nasa mga madre ang mga bata at inaalagaan naman daw sila duon, okay naman ako basta ang sakin lang maging maayos at safe ang mga kapatid ko.
Ako naman na natiling maingat sa sarili kahit na nasira ako gawa ng amain kong bumaboy sakin.
Sinabihan ako ni mama sumunod nalang daw ako sa kanila para maykasama daw siya. Bago paman ako lumuwas ng manila ay tinapos ko muna ang kontrata ko, kung saan nakilala ko anak sa naging kaibigan ni mama at tumulong kanya, sa ilang buwan naming pag uusap sa cellphone ay hindi sinasadyang nahulog ang loob ko dito at matanda lang ako ng isang taon dito, naging kami kahit sa cellphone lang ang pagitan ng relasyon namin. At di nagtagal ay lumuwas na ako ng manila.
Pero bago paman mangyari iyun ay binalaan na ako ng matandaang kasama ko na mag iingat daw ako dahil hindi daw maganda ang nakikita niyang magiging kapalaran ko sa pupuntahan ko daw, at darating pa daw na madidigrasia pa daw ako.
Hindi ko naman ito pinansin pa at tuloy na ang alis ko pamuntang maynila.
Sakto naman kararating kolang ng may sumundo sakin sa terminal,nagulat ako ng bumungad ang boyfriend ko na si MJ, kasaam ang ate nito na si joy joy din kapangalan ko rin.
Minahal ko si Mj ng sobra pero ang ending hindi rin kami nag tagal, nakuha narin niya ako at hindi ko masasabi kong siya ba nakauna sakin dahil oo masakit nung una pero walang dugo.
Masakit ang paghihiwalay namin ng bigla nalang niya ako iwasan at hindi napansinin bigla. Hindi korin naman kase ito masisi eh, may mga bagay bagay talaga na mahirap tanggapin.
Hinayaan ko nalang ito pero may malaking parte ng pagkatao ko na sobra kong pinanghihinayangan talaga yun ay binigay ko agad ang puri ko sa lalaking hindi naman pala ako totoong mahal, at parang tinikman lang ako. Yun sanang p********e ko ay nakalaan dapat iyun para sa Crush ko, pero nagmahal ako ng maling lalaki, kaya muli sa pangalawang pagkakataon ay nasira na mana ako.
Hinayaan ko nalang ito at hindi nag habol pa, sa halip ay umuwe ako kila mama.
Nagulat pa nga ako sa ipinagtapat sakin ni mama ng makapag usap kame.
Saglit ako nainis sa kanya dahil pinapairal na naman nito ang pagkaboba sa mga lalake, nsinabe nitong nakatira siya sa lasam at may kinakasama siyang bagong asawa.
Tumahimik nalang ako at hinayaan ko nalang ito sa mga nais niya. Ang gusto kolang ay makapagpahinga at makalimotan ko yung ex kong gago.
Sumakay kami ni mama ng jeep at papuntang lasam ito.
Na alala ko panga kung papano niya ipaliwanag ang lugar ng lasam at ipagmalaki sakin ang bago niyang kinakasama, wala naman ako naging pagtugon, hinayaan ko nalang ito kung saan siya masaya. Basta ako mag eemote muna ako sa isang tabi dahil sa hiwalayan namin ng ex ko.
Ng makarating na kami sa lasam ay mayapa at maganda ang simoy ng hangin, sumaglit kami ni mama sa may karenderya at pinakilala nito sakin ang nakakatandang kapatid ng kinakasa niya.
Alam mo yung wala kang ka alam alam na yung mga taong nakapaligid sayo ay iba na pala ang tingin. Dalagang dalaga na kase ako sa idad na 16 akala nga nila 18 na ako dahil maayos akong dalaga sa sarili at maarte sa katawan, mahilig din mag short at mag sando lang, maputi ako at angat ang ganda ko sa ibang dalaga dito. Yun bang akala nila ganun karin sa nanay mo.
Nung una ninais ko nalang dumit onto nalang manirahan dahi pakiramdam ko tahimik malayo sa gulo.
Pero nagsimula lahat ng kalbaryo ko ng magsimula na ako mag trabaho sa nakakatandang kapatid ng kalive in partner ni mama sa maliit nitong karenderya.
Na akala ko na siyang unang magpoprotekta sakin dahil nasa minor pa ako, pero hindi eh.
Tumagal ng dalawang buwan ang pagtatrabaho ko duon, kung saan may nakilala akong tentero sa kabilang canto at may hitsura din ito matangkad at nag aaral ng kolehiyo.
Una kaming nagkakilala ng bigla itong mag text sakin, hiningi daw niya ang ang cellphone # ko sa kasamahan kong matandang malandi eh.
Yung una hindi ko ito pinapansin at wala akong pake-elam kung taga saan ito oh sino ito. At hindi rin ako nagrereplay sa mga text at tawag nito, na dapat sana ay pinagpatuloy ko nalang sana ang pang dededma ko dito.
" nain Is din ako sa medyo may idad na kasamahan kong nagtatrabaho na malanding matanda eh dahil basta nalang ibinigay ang # ko at hindi manlang nag paalam sakin.
Buti at biglang namatay agad yung cellphone ko, sira na ata.
Usap usapan din ang ang sinasabe ni ante tessi na uuwe daw ang sa susunud na araw ang anak anakan nito, Carlos daw ang pangalan.
Pinagmalaki panga ng kasamahan ko sakin na sobrang gwapo daw nito.
Pero no comment naman ako dahil wala na talaga akong oras sa panahon ngayon sa mga lalake,
Habang nakaupo ako at kumakain ng sinanglaw at tinutoktok ko ang celphone ko sa lamesa dahil ayaw bumukas eh.
Biglang may pumasok na lalaking hindi gaanong katangkaran at naka uniform pa ito ng pang school, hindi naman gaanong matangakad ito pero may muka naman din kahit papano kaso hindi ko siya type.
Agad itong napatingin at saglit na natulala sakin ng makita ako.
Narinig kong tinawag naman ito ng anak ni Ante tesse, yun pala pamangkin niya ito.
Kumain rin ito duon at naupo sa tapat ko, tinaasaan ko lang Ito ng isang kilay dahil sa kakatitig nito sakin na kina aasiwa ko naman.
Saglit ako nito kinausap at kinulit kulit para magsalita lang. Pero hindi ko ito pinansin eh.
Muka namang mabait at simpleng lalake.
Iniwan ko muna saglit ang cellphone kong nakakalat sa lamesa at pati simcard ko. hindi ko naman akalain na mautak rin pala ang lalaking Ito ang palihim na kinuha ang cellphone number ko ng iwan ko ang cellphone sa lamesa.
At pagsapit ng gabi ay nag text na ito sakin. At nagpakilala naman. Hindi kona man ito gaanong kinausap pa dahil nagpapa alam itong mangliligaw sakin. Pero agad ko na ito binasted at sinabe kong magkaibigan nalang kame.
Okay lang daw kahit mag kaibigan daw, duon naman daw ang punta nuon, natawa naman ako sa sinabe nito.
Ang totoo talaga simula ng makita ko ang lalaking ito naging magaan na talaga ang pakiramamdam ko sa kanya yung bang feeling ko safe ako pag nanadyan siya sa tabi ko.
Kaso wala nagpadala ako sa maraming tuksong dumating sakin kaya hindi ko natuonan ng pansin ang lalaking ito. na nagngangalang Jericho.
Makailang beses ako nito sinubukang ligawan kaso inisip ko baka pareho lang siya ni naging ex ko at iwan na naman ako sa ere.
Ganun din ang isa na pusigidong mag text sakin at panay ang lambing nito. Sinabe pa nito na magpapakita daw siya sakin bukas, mas nagtodo bigay ako ng atensyon sa lalaking unang nag text sakin na tawagin nating IYan.
Kinabukasan habang naghuhugas Ako ng Plato, bandang likuran Kase iyung eh, at ang katapat Naman nun ay palengke na nag bebenta ng mga gulay.
Bigla ako napatingin sa lalaking sumisitsit sa kabilang kanto, tinignan ko naman ito at nakita kong kumaway ito sakin.
Sumenyas ito na siya daw ang ka text ko, kasabay ng pagtunog ng cellphone ko. Inihinto ko muna ang paghuhugas at tinignan ko ang mga text messages. Nasa 15 lang naman at yung iba kay jherico galing.