Nakatunganga lang din ito sakin matapos ang pangyayaring iyun na tila hindi makapaniwala sa naganap, bigla namang na tahimik ang buong school kasama na ang mga teacher, nanyuko nalang ako talaga dahil sa hiya at iniisip ko na baka iniisip na nila ngayon na sinadya kong halikan si Ziel jhon, na hindi naman ganun talaga ang etensyon ko at naku hindi naman ako ganung kadesperadang babae para manghalik nalang ng kung sino sino noh!.. at hindi ko naman alam na siya pala iyun, kaya hindi nila ako puwede iblame sa pagkakamali na hindi ko naman sinasadya!.
Pero sa loob ko masaya na ako dahil crush ko ang naging unang halik ko. Okay na ako nito masaya na ako para na ako na na nalo sa lotto nito.
" Ako rin kaya ang first kiss niya?."
Agad na napatingin ako kay Yvonne na pakalaki ng ngisi sa sakin na tila sinasabi ng kanyang mga ngiti at mata na binabati niya ako. Pigil akong tumawa dahil baka may makapansin sakin at pagbabatuhin pa ako ng papel sa kinatatayuan ko dahil nahalikan ko lan gang naman ang crush ng huong school ehh.
Tumayo na naman na ito mula sa kinatatayuan at nag salita na ikinagulat ko naman at kinilig saglit kahit medyo masungit ang pagkakasabe niya.
Sa panahon kase nuon kahit bata palang kami nuon sa panahon namin pero kung kumilos kami at mag isip at magsalita mga matchord na kami ng kapanahunan namin, ng kami pa ang mga studyante. Kaya kahit na ganun ang idad namin para na kaming nasa high school kung mag isip.
" Suwerte mo, ikaw ang unang babaeng humalik sakin!.." Sabi nito sa seryosong tinig at masamang nakatitig sakin. t'saka ito umalis at hindi na ako nilingun pa.
Ng araw nayun ay lutang lang ako buong maghapon at ultimo sa gabi ay hindi rin ako makatulog sa kakaimagine ko ng labi niya at tumatak talaga sa isip ang sinabe niya, mas lalo lang tuloy ang na eng eng sa lalaking iyun at na inlove ng matikman ko ang labe nito.
Dahil sa saya ko ay hindi ko napigilan ang bibig ko ng makita akong ngumingiti ngiti ni mama mag isa harap nakaharap sa bintana namin.
" Oh nabaliw kana ata anak ah, bakit ka nakangiti dyan ng mag isa?, at unamumula payang pisngi mo!.." Tanong nito sakin na nagtataka.
" Mah tanong kolang, masarap ba magmahal?!.." Biglaan kong sabi na Ikinahinto naman nito. At saglit na napatingin sakin.
" Oo naman anak, pero minsan alam mo ba ang pagmamahal nagdudulot din ng kapahamakan sa taong sobra kung magmahal, Oo masarap ang magmahal lalo' t alam mong mahal karin ng taong minamahal mo!.." Sabi nito sakin.
Napangiwi ako sa huling sinabe ni mama na lalo na kung mahal karin ng taong minamahal mo!, kase ako hindi eh ako lang ang nagmamahal.
" Bakit anak?!, may nangliligaw naba sayo?, May minamahal kana bah?.." Biglaan nitong sabi. Umiling naman ako at ngumiti, nalang nahihiya kase ako magsabe kay mama eh.
" Bata kapa anak, hwag mo munang ma daliin ang sarili mo para sa ganyan, hindi kapa handa at bata kapa masyado, 12 kapa nga lang tapos magmamahal kana, naku hwag mona, sira ang buhay mo nyan!.." Sabi nito habang nakangiti.
" Matagal ng sira ang buhay ko ma!, simula ng iwanan mo ako!.." Bulong kong sabi naman pero hindi na nito narinig.
Dumaan naman ang ilang buwan at sasapit na namn ang pasukan at graduated na ako sa elementarya sa idad na 13.
Pero kapalit naman ng biglaan kong pagkawala ng gana sa pag aaral dahil wana akong inspiration sa araw araw at tatlong buwan palang lumilipas namis mis kona siya, hindi korin alam saan na ito nag aaral ngayon bilang grade 7 sa high school.
Pero pinilit ko paring libangin ang sarili ko at pinagtuonan ko nalang ng pansin ang pag aaral ko.
Sakabila ng kakungkutan ko dahil hindi na ako magiging excited na pumasok araw araw dahil wala na ang nag sisilbing inspired sakin para pumasok sa paaralan kahit sobrang layo at naglalakad lang ako papasok ng school.
Lumipas pa ulit ang isang taon at tuluyan na nga akong wala ng balita sa lalaking naging bahagi ng maikling panahon ko at naging dahilan para muli akong sumaya at matutung mag mahal.
Pero patuloy parin akong nag aaral at first year high school na ako ng taong 2011.
Dalawang taon na pala at kababalik lang namin sa aparri cagayan nuong nakaraang buwan, ngayon lang ako nasama kay mama sa pagbalik ulit dito sa Cagayan Valley . Pero si mama pabalik palik na dito dito sa Aparri para kamustahin ang stepfather ko at buntis na naman ito sa pangalawa nilang anak.
Sakto naman mag sesencond year na ako sa high school ng maipanganak ulit ang ikalawa nilang anak na pinangalanan naming bb dahil babae ito.
At dumaan ulit ang isang taon ay napagpasyahan na naman ni mama na umuwe nalang ulit sa mindanao, at duon nalang daw kame manirahan dahil nagloloko na daw si papa roger.
Nung una hindi kolang masyado pinapansin ang sitwasyon ni mama kase wala namanaakong alam sa mga ganyan na tagpo lalot hindi ko pa naman nararansana ang magkanobyo eh, pero kita ko sa mukha nito ang lungkot. Dumating pa kase sa punto na hindi na ito nagpapakita sa amin at nagbibigay ng pera, nag gagatas pa naman didin ang bunso naming kapatid, duon unti unti naghirap na kami at nararanasan na namin ang hindi kumain ng isang araw, at minsan wala ding ulam. Nakita ko kung papano umiyak si mama ng patago, dahil hindi na namn nito alam paano na namn kami bubuhayin,
Humingi ito ng tulong sa DSWD para makauwe kami sa Mindanao. Kase akala ni mama kahit iwan siya ng ama ng mga mga niya ay hindi siya mangangamba dahil may mga magulang pa naman siya. Pero hindi iyun ang nangyari eh.
Biglang nagbago ang lahat at nag iba ang pakikitungo nila lolo at lola kay mama. Nuon pansin ko na parang mahal na mahal nila si mama dahil may pera pa ito at nagpaadala pa si papa Roger sa amin ng allowance.
Pero ngayon na nalaman nila wala nasila at hindi na nagpapa dala ng pera si roger kaya mama, pansin kong parang nag iba sila sa amin yung tipo hindi na nila papasinin si mama, samantalang nuon kada padala ng step father ko ay naka abang sila sa mabibili ni mama, lahat ng gusto nila binibigay naman ni mama dahil mga magulang niya ito.
Pero hindi sukat akalain ni mama na mismo ang sarili pa niyang mga magulang ang dahilan para bumalik ulit kami sa Appari, dahil inaaway ni lola si mama sa tuwing walang maibibigay na pera, hindi nalang sumasagot si mama sa kanila dahil iniintindi niya ang mga ito, dahil may idad na.
Kaya hinayaan nalang ni mama sila at naghanap buhay ulit si mama kung saan nakaisip siya na mag negosyo sa tabi ng kalasada, tabe kase ng kampo ng pulis ang bahay namin naisipan ni mama na magtayo ng payag payag sa tabe ng kalsada upang gawing maliit na tindahan.
Nalaman korin na nagpadala ulit ang stepfather ko ng pera sa kanya, at yun ang ginamit niyang puhunan sa pagtitinda para mabuhay niya kami, nalaman korin na buntis na man pala siya sa ikatlong nilang anak. Apat na buwan ito nag dadalang tao, nasa ikaapat naman na idad ang panganay nila na si duday at isat kalahating taon naman si bb, at anim na taon naman si bubuy habang ako nasa 14 na ang idad.
Napansin ko naman na mabait na naman sila lola at lolo kay mama, ng malaman nilang maymaliit itong tindahan, at pati sa amin ay bumait bigla.
Napaisip ako na ganito ba dito? tsaka kalang kilala ng tao dito pag merun ka? oh baka sila lang may ugaling ganito?!, Hindi naman na ako bata para hindi ko mapansin eh, pero dahil mga lola at lolo ko naman sila at nakikita ko namang okay naman na sila, pero halata naman na tsaka lang sila mabait kay mama kapag may pera pero kapag walang wala lalo kapa ididiin sa hirap at parang hindi kana kilala kapag wala kanang silbe sa kanila.
Naging okay naman sila ng ilang buwan, lalo na yung may mga trainee na pulis, at naglalabandera pa sila ni lola, pero napansin agad ni mama ang pagka suwapang ng nanay niya, na lahat ng labahin sana na paghahatian nilang dalawa ay lahat kinuha ni lola binigyan lang siya ng tatlong supot na may lamang damit, na labahin samantalang kay mama naman talaga lahat ng labahin nayun. Malaki narin kase ang tyan ni mama at hindi na makagalaw ng maayos, kaya ako na ang nagtitinda at naglalaba kapag may pinapalabhan na damit ng pulis sakin. Dumating na sa punto na unti unting ng humihina ang tindahan ni mama at naubus lahat ng paninda niya at pati puhunan, yun pala kapag wala kami ni mama sa at naglalaba sa suba ay kinukupitan pala ni lola si mama at ang pinagbentahan niya ng mga panin dida ni mama ay binubulsa pala nito, may nakapag sabe lang kay mama an narinig ko naman dahil may nakakita na kapitbahay namin.
Hindi naman makompronta ni mama si lola dahil aawayin naman daw siya nito at baka pati pa daw si lolo magalit sa kanya.
Alam kong para talaga sa aming pag iipon ni mama at sa panganganak niya.
Iba kase sila dito, kahit na may pera sila kapag alam nilang may bigas kami sa amin parin ng hihingi ng bigas pag hindi mo binigyan sila pa may ganang magalit.
Lahat iaasa nila kay mama, kahit naman may pera sila, tapos pag sila naman ang merun at nakapagpamalengke si lola hindi sa tapad ng bahay namin dadaan kundi sa kabilang daanan, lalo na kapag hindi alam ni lolo.
Kaya alam na alam ko na talaga mga ugaling merun si lola madamot tapos sinungaling pa, swapang , enggetera nasa kanya na lahat ng ugaling demonyong ina na nakilala ko.
Tapos isang araw nagulat nalang kami ng biglang nagpatayo ng tindahan sa tabi ng tindahan ni mama, at shempre kompleto ang tindahan ni tanda, galing kase magnakaw ang kupal eh.
Halos wala ng bumili ng paninda ni mama dahil sa paninira nito sa mga paninda ni mama na kesyo daw mahal daw ito at expired na daw. Tuluyan na nga nag sarado ang maliit na tindahan ni mama, nakita ko lang ito umiyak sa isang tabe.
Tatlong buwan nalang at manganagnak na si mama, buti nalang may naitabi akong pera sa paglalaba ko at pagtitinda.
" Hindi ko muna ito ibinigay sa kanya at baka pag pyestahan na naman siya ng demonyita niyang ina at ubusin ang pera!.."