CHAPTER 01
[Warning]
This story is:
-Purely fictional.
- Not based on real events or individuals.
- Not intended to promote illegal or harmful activities.
- Contains sensitive themes: violence, murder, romantic relationships.
- Includes scenes with: abuse, exploitation, violence.
>>>>
Ang hirap paglumaki kang may troma at takot sa mga taong nakapaligid sayo, yung tipong hindi mo alam saan mo ilulugar ang sarili mo.
Ako si joy, bata palang ako ng maranasan kona ang mga di dapat maranasan ng batang may idad na pitong taong gulang. Lumaki akong broken family.
Sariwa pa sa ala-ala ko nuon na sa tuwing sasapit ang gabi nakikipag unahan na kami sa mga kasamahan naming mangangalakal ng basura, Lata, bote plastic at kung ano ano pang puwede naming ibenta sa palitanan ng kalakal. Natutuwa nga ako pag na alala ko si mama eh yung tipo isa nalang siyang alala, kase ngayon wala na siya!.
Marumi at mababa man kung titignan ng iba ang hanap buhay namin ni mama atlis malinis at hindi salot sa lipunan.
2003 ang taon nayun at nasa anim na taong gulang palang ako. Kasa-kasama na ako sa pamamasura ni mama dahil ako panganay na babae, takot din ako palaging naiiwan sa bahay kasama ang step father ko kase parang maykakaiba sa kanya eh, kaya kahit bata palang ako at hindi puwede sa ganitong hanap buhay ay nagpupumilit akong makasama kay mama.
Natutuwa kami pag nakakakuha kami ng mga pagkain na puwede pa namang kainin kaya inuuwe namin iyun at iniit para may makain kami at ang mga kapatid ko bale tatlo lang kame na magkakapatid, anak ako ni mama sapagkadalaga at yung dalawa sa step father ko naman.
Tamad kase humanap ng trabaho ang asawa ni mama at nag aadik rin kaya napipilitan si mama na siya nalang maghanap buhay, bukod sa tamad na nga wanted pa dahil sa dr*gs. Kaya nagtatago ito at yun din ang isa sa dahilan kaya hindi talaga makapaghanap ng trabaho ang step father ko nuon.
Hanggang sa dumating na sa punto na nagsasawa na si mama sa ganung pamumuhay yung sa pangangalakal nalang umaasa, kaya nag pasya itong humanap ng trabaho.
Yung inaakala kong marangal ay hindi pala, bata palang kase ako kaya wala akong kamuwang muwang sa trabaho ni mama, basta ang alam ko bahay na maraming ilaw at may mga tugtug na musika, maraming tao at mga lalake na nag iinuman, nakikita kulang ang mga nagaganap ng magpunta kami ng stepfather ko sa pinagtatrabahuan ni mama, naabutan ko panga ito na maykatabe na lalakeng lasing at nag iinuman sila, napatingin naman ako sa stepfather ko na tila wala lang sa kanya ang nakita niya, tinanong ko panga siya sino yung kasama ni mama, ang naging sagot lang niya ay hayaan ko nalang daw si mama kase magkakapera naman si mama duon, pero kita ko sa muka ni mama na hindi siya masaya sa ganung trabaho, na aawa ako kay mama sa ganun na situwasyon, na parang napilitan lang ito na magtrabaho duon.
Lumapit ito samin at tumingin sakin tas biglang ngumiti.
Narinig ko namang nagsalita ang stepfather ko at sinabe nito na hihingi daw ng pera. Medyo nagtalo pa silang dalawa dahil wala pang maibigay si mama at narinig ko nalang na sinabe nito na bukas pa maiibibigay ang suweldo niya. Nakasimangot lang ako habang nakikinig sa kanilang dalawa na nagtatalo at panay mura pa ang stepfather ko kay mama, wala naman nagawa si mama kundi ang umiyak .
Umalis nalang ako at naiwan silang patuloy parin na nagtatalo, nag ikot ako sa loob ng bahay na maraming ilaw na ibat ibang kulay, at mga tao at malalakas na music.
Nagtaka pa ako ng makakita ng mga babaeng nakasuot ng maiikling short at damit na parang bra, merun din yung nagsasayaw sa entablado at nakakandong sa lalake, nalaswaan ako ng makakita ng naghahalikan at hinihimas ang hita ng mga babae na nasa tabe nila, bigla ako napaisip at na alala si mama.
" Ganito ba ang trabaho ni mama?! bakit may ganito?.." Saad ko saking murang kaisipan.
Sumapit na ang alas dose ng gabi at sabay sabay na kaming umuwe, sumaglit muna si mama sa minut borger at bumili, tuwang tuwa naman ako kase ngayon lang ako nakakain ng ganun, naiingit kase ako kapag nakakakita ako ng mga kaidad ko na kumakain ng ganun, tinirahan ko nalang yung dalawa ko pang kapatid para naman makatikim din sila.
Nagdaan pa ang ilang buwan at ganun parin ang trabaho ni mama, hindi ko nalang ito pinapansin dahil wala naman akong alam tungkol sa trabaho niya, ang na alala ko lang na bilin niya na huwag daw ako tutulad sa kanya, kase hindi daw maganda at mababang lipad, at hindi daw marangal na trabaho. umuuwe si mama ng gabi, habang ako naiiwan palagi sa bahay, minsan nasa kapitbahay ako naglalagi tuwing nasa trabaho siya, kinukuha din ako ng kaibigan ni mama na si tita melba, kase wala daw itong kasama sa bahay niya.
Hanggang sa dumating na nga ang kinakatakutan ko na magtatrabaho si mama sa malayo. Yun ang ayaw ko sanang mangyari dahil hindi ako sanay na hindi siya nakikita oh nakakasama, at hindi lang iyun ang kinakatakutan ko rin ang stepfather ko, hindi lang ako nag susumbong kay mama sa tuwing sinasaktan niya ako,
oh binubugbug at kung minsan pag umuuwing lasing mararamdaman ko nalang na hinahaplos nito ang hita ko at puwetan ko, pero hanggang duon lang siya, hindi ko naman pinapansin ang mga ganun na galawan nito dahil sinasabi naman niya na naglalambing lang daw siya at parang tunay na anak na daw ang turin niya sa akin dahil nga wala akong alam sa mga ganung bagay kaya hindi ako nagsusumbong kay mama oh sa kahit na sino man, dahil ang laging nasa isip ko lang naman ay nilalambing lang niya ako na parang isang amang naglalambing sa anak. Kaya kahit kailan hindi ko inisip na masama na pala ang ganung ginagawa niya sakin.
Dalawang linggo na simula ng umalis si mama at magtrabaho sa malayo.
Napapansin kong palaging umuuwing lasing ang stepfather ko tuwing gabi, at ako ang pinag iinitan, dahil nga ako ang madalasna maiwan sa bahay at nagbabantay sa mga kapatid ko, hindi ko alam bakit mainit na ang ulo niya sakin, nandyan yung bigla nalang ito mananampal, at maninipa sa likod, mananadyak sa tiyan ko.
Merun panga yung tulog na tulog ako at umuwe itong lasing na naman ulit, ginising niya ako para utusan na itimpla ng gatas yung bunso namin, dahil antok na antok ako kaya hindi ako nakabangun agad, bigla nalang ako nagising sa gulat ng bigla niya ako hawakan sa isa kong paa at iniangat sabay hagis sakin sa semento na pader na kung saan naramdaman ko ang pagbali ng buto ko likod at napahiyaw ako sa sobrang sakit!, umiyak nalang ako at hindi pa nakontento,
kinuha pa nito ang isang galong tubig tsaka ibunuhos sakin ang laman, para daw magising ako, at pinaghahapas sa ulo ko ang galon ng wilkins hanggang sa mayupi, tanging iyak nalang ang nagawa ko ng oras nayun, duon ko naramdaman ang sobrang takot at panginginig ramdam korin ang sobrang lamig dahil pasado alas dose palang ng gabi at malalayo rin ang kabahayan dahil nakatira kami sa sementeryo, tanging puntod lang ng mga namatay ang malapit samin, panay lang ako sa pagsambit ng mama habang umiiyak.
Tumakbo ako palabas ng maliit naming bahay at nagtago sa malapit na puntod sa likod, iyak lang ako ng iyak kasabay ng malakas na ulan.
Dahil sa kakaiyak ko hindi kona namalayan na nakatulog pala ako habang nakadungo sa tabi ng sementado na nitchu.
Umuwe akong masakit ang buo kong katawan at ulo, sakto naman naabutan ko itong nagwawalis sa labas.
Masama na naman ang tingin nito sakin kaya nakaramdam ako ng takot na baka saktan na naman niya ako oh pagbuhatan ng kamay.
Akala ko yun na yung pinakanakakatakot na naranasan ko sa kamay ng atep father ko pero hindi pa pala dahil habang tumatagal mas lalong nagiging mabangis ito sakin, na halos araw- araw ako kung saktan, at dumating pa sa punto na minomolestya na niya ako.
. Umuwe naman kase itong lasing at napagdiskitahan na naman ako, sa idad na pitong taon ay danas kona ang pangmomostestya nito sakin, na halos warakin na nito ang pagkatao ko na hanggang ngayon na natili parin ang pilat ng nakaraan ko sa buo kong pagkatao at pati kalukuwa dahil sa mga karanasan ko na kahit kailan hindi ko malilimutan.
Tatlong buwan na ganun palagi ang dinadanas ko at pagtitiis, at paulit ulit nalang na binababoy ako ng taong pinag iwanan ni mama sakin, hindi ko alam kung dapat ba ako magalit sa kanya oh hindi, kase sa ganitong idad hindi koto dapat dinadanas, yung tipong unti unti kanang natutunaw, wala rin akong lakas ng loob na sabihin sa iba dahil sa takot at sa pagbabanta niya sakin, kaya tikom at na natili lang akong tahimik habang tinitiis ang kababuyan ng hayop nayun sakin.
Tatlong buwan narin na hindi umuuwe si mama, halos mawalan na ako ng pag asa. dahil sa umaga pangangalakal ang ginagawa ko at sa gabi taga bantay habang ang demonyo kong stepfather ay pahilata hilata lang at panay pa sa inum habang ako kumakayod sa ganung idad.
Naiiyak nalang ako sa tuwing makakakita ako ng kompletong pamilya na kumakain at masaya, nasabi ko sa sarili ko na bakit ako pa yung ganito.
" Bakit pa ako pinanganak kung dadanasin ko lang naman ang pait ng buhay dito sa mundo, bakit kailangan kong magtiis. Bakit naging ganito ang buhay ko, hindi ko naranasan ang mag aral, hindi korin naranasan ang maging buo, wasak na wasak na ako sirang sira na. "
Hindi ko alam na sa murang isip na meron ako ay nakakapag isip ako ng mga ganitong bagay.
Buti nalang may mabait akong kaibigan si mika, anak siya ng kasamahan naming mangalakal siya ang kasama ko at napagsasabihan ko ng problema ko, matanda ito ng isang taon sakin, pero tungkol sapangmomolestya sakin ng stepfather ko ay hindi ko ino-open-up sa kanya dahil sa takot.
Nakatunganga lang ako sa kawalan na nga ngamba at nag iisip kung uuwe paba oh hindi na dahil natatakot ako sa sapitin ko pagsumapit na naman ang gabi.
Nghihina rin ako ng oras nayun dahil wala pa akong kain, nagmadali kase akong umalis ng bahay sa takot na baka umuwe na namang lasing ang stepfather ko at pagdiskitahan na naman ako. Naisip kong magpunta sa bahay ni tita melba para manghingi ng pagkain.
Naabutan ko naman itong nagluluto.
Nakangiti akong bumungad sa kanya pero tanawko agad ang pagtataka sa muka nito na parang maykakaiba sakin.
" Anak, bakit ganyan kana ngayon na ngangayayat ka!.." Tanong nito sakin, anak kase ang tawag niya dahil favorite niya akong tawagin anak, na alla daw niya anak niya na namatay na kasing idad kolang.
" Wala po tita, nagugutom na po ako, pwede po makikain!.." Sabi ko naman sa malungkot na tinig at pilit kong tinatakpan ng jaket ang braso kong may pasa at hita kong may mga pasa rin.