Nabasa ko rin ang mga sweet messages nito sakin, at nag yaya pa ito ng lunch, hindi naman ako agad nakapag tex back sa kanya dahil masyado ng abala sa karenderya.
Pati ang mga messages ni jherico ay hindi ko narin nagawa pang basahin, wala naman kase akong etensyon talaga na basahin dahil wala talaga akong gusto sa kanya, mas bet kopa kausapin si Iyan kesa sa kanya.
Mag a'alasing ko ng makauwe ako, nagulat nalang ako ng may binatang biglang sumulpot sa likoran ko, at sinabe nito na sasama daw sa bahay para pormal na makilala daw niya ang mga magulang ko at makahingi ng permisyon na makapagligaw sakin.
" Miss, punta ako sa bahay nyo ngayon para makilala ko mga magulang mo!.." Sabi nito, nagulat agad ako sa sinabi nito at napaisip ng " Sobrang bilis naman ata nito, diko panga masyadong kilala at parang mapresko masyado ang ugali or feeling ganun!.." Ika kong sabi saking sarili.
Pero shempre ang pagkaka-alala ko magalang daw ang lalaking bumibisita sa bahay at pormal daw iyun na lalake, kaya hindi na ako nag atubili na tumanggi.
Habang naglalakad kami nagtanong tanong na ito sakin.
" Isang buwan na kita sinusuyu Joy, sagutin mo na kase ako!.."pangungulit nito.
" Anong isang buwan, isang linggo kamo ahh!.." Sagot ko naman.
" Sige na kase sagutin mona ako joy, alam mo una palang kita nakita nagustuhan na talaga kita, kaya hindi ako nag sasawang kulitin ka,kase gusto kita!.." Pamimilit naman nito.
Dahil sa kakulitan nito napilitan akong sumagot ng Oo, pero ang totoo biro kolang naman kase iyun kase wala pa akong nararamdaman sa kanya talaga eh.
"Talaga?, di tayo na!.." Saad nito.
Tumango nalang ako para manahimim na ito.
" Sino ba mama mo, parang ngayon lang kase kita nakita dito, siguro hindi kayo tagarito! hon.." Sabi nito habang nakangiti.
" Oo asawa ni mama ko yung nag ngangalang Fellisiano!. Bale stepfather ko!.." Wika ko naman.
Bigla ako dimistansya sa kanya ng konte dahil sa ginawa niyang pag akbay sakin bigla. At nagtaka ako dahil tumawa ito ng sabihin kong fellisiano ang pangalan ng stepfather ko.
" Bakit may nakakatawa ba?.."" Ika ko naman.
" Wala sa dinami dami ng magiging stepfather mo yun pa!.." Seryosong sabi nito.
" Bakit mabait naman siya at maalaga pa nga saamin!.." Sabi ko naman.
" Sige bago ako pupunta sa inyo bili lang ako ng pang patulak!.." Saad naman nito.
Ng makarating naman na kami sa tapat ng bahay ay agad itong naglakad ng mabilis at lumiko sa may tindahan.
Nauna naman na ako sa bahay sakto nagliligpit at naglilinis ng maabutan ko.
" Mah, Oh tinapay kain ka muna!.." Sabi ko naman sa kanya. Nakita ko itong ngumiti ng makitang may dala akong pagkain, alam kong gutom ito galing pagsisika..
Naupo ito sa maliit na lamesa sa labas saktong magdidilim narin.
" Mah may pupunta dito na mangliligaw daw gusto daw kayo makilala!.." Sabi ko naman. Medyo nanlaki pa nga ang mata nito sa sinabe ko.
" Maganda kong dito ka pormal na liligawan Lay, matinong lalake yang ganyan at magalang!.." Sabi pa nito.
Okay naman kase si Iyan kahit papano nag aaral ng collage at nasa abroad daw ang nanay niya.
Pero ako sa una parang maykakaiba talaga akong nararamdaman parang may takot na hindi ko maintindihan at kasaam na ang pag aalinlangan din,pero hindi ko binigyan ng pansin ang kutob kong iyun, sa halip ay nagpadala ako magandang imahe na pinapakita nito sakin.
Dumating narin ang stepfather ko galing sa pinagtatrabahuan.
Nag usap sila ni mama at ako nasa labas hinihintay si Iyan. Katext ko naman ito at may kasama daw siya kamag anak din daw ng stepfather ko.
Halos lahat kase sila sa lugar nayon puru mga magkakamag anak.
Dumating na nga ito at may dalang alak at pulutan.
saktong nasa labas naman sila mama at ang stepfather ko ng oras nayon.
Nagulat pa nga ako ng kasama nito yung kapitbahay naming charles ang pangalan.
Nag usap usap naman sila habang ako nasa likuran lang ni Iyan.
Yung una okay naman kaso yung nalasing na ang stepfather ko, marami na itong pinagsasabi kay Iyan na hindi rin naman nagustuhan ni Iyan, kaya umalis nalang ito.
Narinig kong ang hiking sinabe ng Stepfather ko dito ay.
" Sus, alam ko nayang mga ganyan na galawan, humanap ka nalang ng iba wag yang Anak ng asawa ko, gagawin mo na naman isa sa colection mo, tapos pag nakuha mona ang gusto mo, wala na bye bye na!.." Sabi nito na narinig ko naman, nakaramdam ako ng galit sa kanya at si mama din nagalit, kase katuwiran ni mama na sinang ayunan ko naman ay pormal naman daw na pumunta dito ang binata, bakit daw binastos nito.
Dahil sa inis ko ay umalis ako ng bahay hindi kona narinig ang mga sinabi nito, pero bago ako tuluyang makaalis ay huli kong narinig sa bibig ng step father ko ay.
" Kilala ko mga tao dito, ayoko lang na mapahamak siya, at paglaruan lang ng kung sino sinung lalake dito!.." Sabi pa nito na hindi kona pinagtuunan pa ng pansin at umalis na ako ng hindi nag papaalam.
Biglang nag text naman si Iyan sakin at sinabe kong umalis ako sa bahay kase nag aaway sila mama at ang stepfather ko.
Nagulat nalang ako ng may motor na red ang huminto sa gilid ko atsiya nga ang nakasakay.
" TARA SAMA KA, SA BAHAY KANA MATULOG!..." Ayoko sanang sumama pero nadala ako ng emotions ko dahil sa mga sinabe ng step father ko, at naisip ko pa na bakit ba siya na ngenge alam eh hindi ko naman siya tatay eh.
Mahigit kalahating oras din bago kami nakarating sa kanila. Maliit lang ang bahay nito at cementado naman may balkon sa harapan at pag pasok namin madilim at ng buksan na nito ang ilaw nagulat ako kase walang ibang tao bukod sa amin.
Hindi ako nakaramdam ng takot kase bago paman ito pumunta sa bahay sinagot ko na ito at boy friend kona siya.
Nakita ko itong pumasok sa kwarto at parang may inayos.
Naupo naman ako sa kawayan nilang upuan at inantay ko siyang lumabas.
Nakangiti itong lumabas ng kwarto na ipinagtaka ko naman.
" Tara na matulog na tayo!.." Sabi nito. Nagulat ako at hindi ko inaasahan na magtatabi pala kami sa iisang kwarto.
" Ano to, tabe tayo matutulog?!.." Sabi ko naman.
" Bakit wala namang problema mag on naman tayo so?!.." Sabi nito.
" Tssk daming arte, halika nah!.." Sabay hila sakin at pinilit akong ipasok sa loob ng kwarto. Duon lang ako nakaramdam ng takot sa pinag gagawa niya sakin, ng mabilis niya akong hinila at tinulak sa kama tsaka sumakay.
" T..teka anong gagawin mo!?..." Takot kong tanong dito ng pumaibabaw na ito sakin bigla.
" Ang arte mo, ano pabang ginagawa ng mag jowa! Bakit wala kapa bang karanasan sa s*x, so virgin kapa?.." Sabi nito na hindi agad ako nakasagot, hindi na ako nakapag salita at napapikit nalang ako ng simulan na niya akong halikan at hipuan sa maseselang parte ng katawan ko.
Isang oras din noya akong pinagsawaan sa kama, ng matapos na ito ay tumayo naman na siya habang ako nakatagilid at umiiyak.