CHAPTER 05

1814 Words
Simula ng araw nayon hindi na nawala sa isip ko yung lalaking iyun, palagi nalang siya hinahanap ng mga mata ko tuwing umaga nasa school ako. hindi ko naman alam ang pangalan niya pero sa tuwing nakikita ko siya na sa kanya na palagi ang atensyon ko yung tipong lahat ng galaw nito sinusundan ng mga mata ko. Nawala na nga si Limuel sa isip ko simula ng makita ko ang lalaking iyun. At sa kanya na nabaling ang atensyon ko. Gusto ko sanang magtanong kay Emely dahil classmates naman niya ito , pero na hihiya ako at natatakot ako na baka ipagkalat niya na crash ko na naman yung lalaking iyun. Kaya palihim ko nalang ito sinusundan ng tingin tuwing tanghali at minsan sinusundan kopa ito ng patago. " Ano kayang pangalan ng lalaking ito, ang gwapo niya kase eh at mukang sikat siya sa buong school namin! at gaya nga ni Limuel manlalaro din siya ng basketball at kitarista at singer pa, nako nasa kanya na pala ang lahat, usap usapan din na mayaman rin sila, at isa pala siyang haft korean, kaya pala ganito ang Mukha niya!.." Sabi ko habang patagong nakasubay bay sa kanya sa gilid at pinapanuod itong naggigitara at kumakanta. Kinikilig pa nga ako sa kinanta niya na ang Tittle Ay " SA IYONG TINGIN." Naging masaya ang isang taon ko sa pag aaral sa lugar nayun at shempre dahil sa lalaking bumuhag ng puso ko at naging Crush ko ng ilang taon. Dumaan pa ulit ang ilang buwan napalaging ganun ang ganap sa akin na kung saan laging patago ko siyang sinusundan dumating panga sa punto na pati sa bahay nila nasundan ko din siya. Panandalian akong naging baliw sa illusion ko sa kanya at nangarap na sana mapansin din niya ako. Pero hindi eh kahit anong gawin ko hindi niya ako pinapansin eh. Naging maingat din ako sa paggawa ng mga love letter ko para sa kanya at nagbabakasali ako na mapansin din niya sa mapapagitan ng mga love letter ko na isinusulat kanya, umaasa ako na balang araw ay mapapansin niya din ako kahit pa suntok sa buwan ang gusto kong mangayre, dahil sa dami nga naman ng babaeng nagkakagusto rin rito ay talagang wala akong binatbat sa kanila kase magaganada sila at may kaya rin sa buhay, at higit sa lahat buo ang pagkatao hindi kagaya ko na nasira na ng madilim na nakaraan. At si Yvonne ang inuutusan kong mag bigay ng ginagawa kong mga sulat, binibigyan ko naman ito ng pera para hindi mag magsumbong sa ate niya kahit kila richard. or kay mama, Nung una hindi nito tinatanggap ang pinabibigay kong sulat, pero kalaunan ay kinukuha na niya ito at nakikita kong patago niya itong binabasa at pagkatapos ibubulsa, Napangiti ako sa tuwing makikita kong hindi niya itinatapon ang mga sulat ko, ewan kolang sa bahay nila siguro itinatapon niya iyun. Pero patuloy parin ako sa pagbibigay ng sulat. Pero shempre hindi ko nilalagay ang tunay kong pagkakakilanlan at tunay kong pangalan, para pagnainis na siya sakin dahil sa kakabigay ko ng love letter araw araw eh hindi ako mapahiya. Excited akong pumasok ng lunes dahil nakagawa na naman ako ng bagong love letter para sa crush ko na hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan. Kaya sa tuwing magsusulat ako inilalagay ko nalang yung " hi poh! " Ganun para naman kunware magalang. Akma ko na sana ibibigay ang love letter ko kay Yvonne, ng bigla itong sumulpot sa gilid namin, dahil sa pagkagulat namin pero ay taranta ako bigla at wala saiaip kong kinumot ang papel na hawak ko at inihagis sa gilid na may butas na lupa para hindi nito mapansin ang hawak kong papel. At baka mabuking pa ako na ako ang nagbibigay ng love letter sa kanya. " Sinu ang nagbibigay ng sulat sakin?!.." Tanong niya kay Yvonne. pasimple kong hinawakan sa kamay ni yvonne para hindi ito mag salita, at hindi ako ilaglag dahil malaking kahihiyan nga naman pag nalaman niya na ako ang nagpapadala ng sulat sa kanya. Napapaimpit nalang ako ng labi sa tuwing na alala ko ang mga sinusulat ko na. Mahal ko siya, Siya ang naging inspiration ko para mag aral ng mabuti, at gusto ko siya ang makauna sakin pagtumuntong kami ng high school at nasa tamang idad na kami pareho. Ganun mga sinusulat ko sa papel kaya hiyang hiya talaga ako kapag nalaman niya na ako iyun. Mabuti nalang at hindi ako inilaglag ni Yvonne at hindi niya nalaman na ako, sinabe nalang ni Yvonne na hindi niya rin kilala at iniabot lang daw sa kanya ang sulat. Pero bago ito umalis ay saglit ito napatingin sakin. Agad ako ng uwas ng tingin dito at baka maisip niya na sakin ng galing ang mga love letter na inaabot ni Yvonne sa kanya. " Kung magbigay pa ulit ang babaeng iyun ng sulat sa inyo, paki sabe na huminto na siya, dahil na iinis na ako, nakasawa na mag basa ng sulat niyang puru kalandian lang niya ang laman. At hwag lang siya magpapahuli at lagot siya sakin!.." Pagbabanta nitong sabi sa amin ni Yvonne, napalunok nalang ako sa masasakit na salitang narinig ko mula rito, at sandaling nalungkot. " Oh ate narinig mo naman ang sinabe niya, habang maaga pa masmabuting ihinto muna, baka kase pagnalaman niya eh mapahiya kapa!..." Sabi ni Yvonne. Mabigat man sa damdamin ang gusto nitong mangayri pero wala akong magagawa, at sobra rin akong nasaktan sa mga sinabe niya tungkol sa nagbibigay ng sulat sa kanya. Na hindi nito alam na ang hinahanap niya ay nasa harapan niya lang. Sinusulit ko lang naman ang natitirang limang buwan na makakasama ko pa siya sa paaralan dahil ga graduete na ito ng elementarya ngayon taon nato kaya pursigido akong mapansin niya ako kahit ang totoo naman kahit ata sa panaginip ay imposibleng mangyari ang gusto ko. Kaya itinigil ko na ang pagbibigay dito ng sulat, pero patuloy parin naman ako nagsusulat para sakanya kaso hindi kona binibigay dahil iniipon ko nalang ito sa bag ko at sa maliit kong box na cartoon at duoj ko nalang ito inilalagay, minsan ako narin ang nagbabasa ng sarili kong love letter. At sa pitong buwan na nag aral ako sa paaralan na ito ay ngayon kolang nalaman ang pangalan niya ng minsan maglinis kame ng bagong naming classroom at duon kami nalipat sa dati nilang klassroom, una kong nilinis ang lagayan ng mga mahahalagang papel at ducuments ng dating mag aaral hanaggang sa nakita ko ang envelope na parang bago at naiwan ata, kaya binuksan ko agad nagulat ako ng makita ko ang mga birth ng mga pupil at may mga pictures nila, nakita ko ang pictures ni Emely at nakadikit ito sa birth niya. Kaya na ngalkal pa ako at nagbabakasali na makakita ako ng info tungkol sa lalaking crush ko na kahit pangalan man lang nito malaman ko. Hanggang sa nakota ko na nga ang hinahanap ko. At laking ngisi ko ng makita ko na ang birthplace niya at may nakadikit na pictures nito at agad kong tinignan ang pangalan nito. "ZIELJHON G. BACALSO 12 years old!.." Basa ko sa papel. Agad ko naman kinuha ito at nagmadaling tinago sa bag ko. At mabilis na iniligpit ang mga papel na nagkalat sa lamesa. Tinago ko lang ang papel nayun ni Zieljhon bilang alala sa kanya at kahit papano natutunan ko kung papano ma inlove sa mura kong idad. Sunapit na ang Marso na pinakaayaw ko sanang mangyayari dahil hindi kona makikita pa muli ang lalaking nagbigay saya sa puso ko, sa maikling panahon at masasabi kong hindi lang puppy love ang nararamdaman ko dito, mula kase unang tungtungko sa school nato at hanggang sa natapos ang isang taon siya lang talaga ang gusto at patuloy kung gugustuhin. Hindi na ako dumalo pa sa closing namin kahit may honor pa ako, kahit pa nasa 3rth place ako ay hindi ako dumalo, ang rason ko kung bakit hindi ako nagpunta kase masasaktan lang ako at ayoko mangyari iyun baka tuluyan na nga akong bumigay at ako na mismo ang kusang umamin sa kanya, yun ang ayokong mangyare at ayokong mapahiya dahil alam ko namang sa sarili kong hindi ako nito magugustuhan. Pero bago paman mangyari iyun ay may naiwan naman itong alala sakin na kahit kailangan hindi ko makakalimutan. Araw kase iyun ng mga puso kung baga valentine's day. Nagkaruon ng palaro ang school at na ngunguna ang mga grade 5 students at grade six. Tanda ko pa ang taon nayun 2010. Lahat kami pinahilira sa stage at nilagyan ng telang pula ang mata namin. Kung saan kakapain namin ang red flag gamit ang bibig at baso sa mga partner namin, dahil nga nakatabon ang mga mata ko kaya wala akong idea kung sino ang nasaharapan ko at sino ang partner ko. may premyo kase ang makakagawa nun kaya porsigido ang iba na makuha ang redflag sa mantalang ako na pilitan lang dahil sa hudas kong mga kaklase. Matindi ang hiyawan ng mga ka school mate's namin ng magsimula na, bawal gamitin ang kamay tanging bigbig lang ang ipangkakamapa sa bawat parte ng katawan ng partner namin. Kaya ako agad na lumapit sa nasaharapan ko pero bigla ako kinabahan ng mabilis ng maamoy ko ang pamilyar na pabango nito, pero hindi nalang ako umasa dahil inisip kong never itong sasali sa ganitong laro at mapera naman sila at hindi lang naman aiya ang mayganung pabango eh. Maslalo naman akong kinabahan ng bigla itong mag salita. " Yuko ka konte, nakaupo ako, para maabot mo. Hanapin mo ang redflags!.." Sabi nito na ikinagulat ko at saglit na na statwa sa kinatatayuan dahil familiar ang boses niya!. " Sino kaya itong ang cute ng boses eh." " Heyy!.." Sabi pa nito na ikinagulat ko. Lumapit na ako dito at inumpisahan ng kapain ang gamit ang basong plastic na nasa bibig ko. Bumulong ito sa tenga ko at sinabeng nasa bibig daw niya ang redflags na maliit na parang lollipop na nakasubo sa kanya. Dahil sa pagkataranta at paubus narin ang minutong binigay sa amin kaya agad na nagmadali ako. Madali lang sana ang laro dahil kukunin kolang naman sana sa bibig nito at ihuhulog lang naman sana niya ito sa baso pagnatapat sa bibig niya ang baso na nasa bibig ko, pero iba ang nangyari eh aksedenteng na patid ako at nahulog ang basong nasabibig ko at napasubsub ako sa muka nito kung saan may naramdaman akong malambot na bagay na nadapian ng labi ko. Parang humito saglit ang mundo ko ng maramdaman ko iyun at kasabay ng pagkoryente sa buo kong katawan. Wala pang isang minuto ng matapatayo ako at agad na tinanggal ang telang nasa mata ko. Nanlaki ang dalawa kong mga mata ng makita ko anglalaking naging unang halik ko, ay yun pala ang lalaking crush ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD