Dumating ang manggagamot at agad sinuri ang kalagayan ng dalawa. "Hindi naman malubha ang kanilang lagay, mga ilang araw lang ay magigising rin sila," pahayag ng manggagamot. "Wala bang lunas para maaga silang magising?" tanong ni reyna. "Gusto mo bang magigising sila agad, mahal na reyna?" "Oo, dahil kailangan na maagapan ang panganip dito sa palasyo. Lalo na't papalapit ang kasal ng prinsipe," tugon ng reyna. "Mayroon mahal na reyna, kailangan natin silang ibabad sa tubig sa loob ng isang araw." Inutusan ni Amarpal ang mga bantay upang dalhin ang mga alipin sa loob ng underground. Kung saan naroon ang pribado nilang healing pool. Na ang tubig nito ay nagmula sa isang malaking puno at tinatawag nila itong 'Miracle Water'. Walang sinuman nakakapasok sa underground maliban sa kanil