"Yuki!" sambit niya at nag-alala siya rito. "Huwag kang mag-alala Amarpal, patutunayan ko sa kanila na malinis ang pagmamahal ko sa iyo," pangpakalma niyang tugon. Hanggang sa makarating sila sa maliit na batis at kulay asul ang tubig. "Yuki, umikot ka ng isang beses diyan," malumanay na utos ng reyna. "Sige po, mahal na reyna." "Sandali! Sasamahan ko siya." Napangiti si Yuki at inabot niya ang kamay ni Amarpal. "Mahal na mahal kita, Yuki. Kaya gusto ko rin na patunayan sa kanila na totoo na nagmahalan tayong dalawa." Parehong napangiti ang hari at reyna, dahil napatunayan nila na wagas ang pagmamahal ng mortal sa kanilang nag-iisang anak. "Salamat, Yuki. Sana hindi magbabago ang iyong pagmamahal para kay Amarpal," sabi ng reyna. "Huwag po kayong mag-alala, mahal na reyna